Josephine,
Hindi ko alam kung paranoia lang ba ‘to o kung sadyang may dahilan talaga para kabahan ako. Pero magmula nang sinabi ni Malia na nakita niya ‘yung kotse ni Jaxon kanina sa may tindahan nina Aling Lorna, hindi na ako mapakali. Ilang beses ko pang nilagyan ng sabon ang pinggan kanina kahit tapos ko ng banlawan, para lang akong tanga.
Sinulyapan ko ang nakasabit na orasan sa dingding ng aking kwarto.
Alas onse na pala ng gabi. Nakasanayan ko pa namang alas nuwebe pa lang natutulog na ako, dahil maaga akong gumigising kinabukasan para magluto ng almusal at maglinis ng buong bahay.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa maliit kong katre. Ilang ulit kong sinubukan itulog ang inis at kaba, pero kahit pag-idlip hindi ko magawa. Ang daming gumugulo sa isip ko. 'Yung mga sinabi ni mama tungkol sa pag-aaral ko, at ngayon naman si Jaxon.
Pero kung totoo ngang nakauwi na siya, bakit kailangan niyang magsinungaling?
Mabilis akong nagbihis ng simpleng t-shirt at denim pants, saka nagsuot ng jacket. Inayos ko ang buhok ko sa likod ng tainga at lumabas ng kwarto nang ingat na ingat para hindi magising si mama.
Hinawakan ko ang sapatos ko, at saka ko na lang isusuot pagkalampas ko sa may hagdan.
Dumaan ako sa harap ng kwarto ni Mama kaya bahagya akong napatigil. Ayaw ko siyang magising. Ayaw ko ng isa na namang sermon kung saan ako pupunta, lalo na't ganitong oras na ng gabi.
Pero hindi ko na kayang manatiling walang ginagawa.
Pagkabukas ko ng pinto, sumalubong agad sa akin ang malamig na hangin. Napasinghap ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama bang gawin ‘to. Pero mas matatakot akong hindi ko malaman ang totoo. Mas gugustuhin ko pang masaktan sa katotohanan kesa paulit-ulit na mabuhay sa kasinungalingan.
Naglakad ako papunta sa may kanto. Mabuti na lang at may ilang traysikel pa ring bumibiyahe kahit dis-oras na ng gabi. Pagkasakay ko, sinabi ko agad sa drayber kung saan ako pupunta.
Habang umaandar ang traysikel, hindi ko maiwasang alalahanin 'yong mga araw na nanliligaw pa lang noon sa'kin si Jaxon.
Nagkakilala kami noong first year college pa lang ako. Sumali ako noon sa isang pageant sa kabilang district. Hindi ko nga alam kung bakit ko tinanggap 'yon, eh gusto ko lang naman talaga kumita ng extra para makadagdag sa pambayad sa renta.
Unang sali ko nun sa pageant kaya hindi ko inakalang mananalo ako. At lalong hindi ko inakalang sa araw rin na 'yon, makikilala ko si Jaxon. Isa siya sa mga naging judge ng gabing ‘yon. Hindi ko talaga siya pinansin noong una kasi ramdam kong magkaiba ang estado namin sa buhay. Halata nuon sa suot niyang Sieko watch na milyon ang halaga.
Nang si Jaxon ang nag-abot sa akin ng sash at bouquet sa gitna ng entablado, napansin ko ang kakaibang tingin niya sa'kin. Noong una, akala ko parte lang ng pakitang-tao bilang judge. Pero ilang araw matapos ang pageant, kinausap ako ni Bambi, ang baklang kaibigan ko na make-up artist , at sinabi niyang hiningi raw ni Jaxon ang number ko.
Hindi ko talaga balak sagutin noon si Jaxon. Seryoso ako sa pag-aaral. Bukod sa hindi kami mayaman, ayoko rin ng abala. Pero may paraan talaga ‘yung lalaking ‘yon. Araw-araw siyang nagte-text at nagpapadala ng bouquet sa apartment na nirerentahan ko. Palagi niya rin akong sinusundo sa university para alukin na kumain sa labas.
Hanggang sa hindi ko na napigilan, at nasagot ko rin siya. Ayaw ko mang aminin, pero unti-unti akong nahulog. May kabaitan din kasi siya, 'yung klase ng lambing na hindi ako nasanay makuha.
Noong dalawang buwan ng relasyon namin, isinama niya ako sa bahay nila para ipakilala sa pamilya niya. At literal na muntik na akong himatayin. Anak pala siya ng Mayor sa kabilang district. Akala ko simpleng lalaki lang siya na may konting yaman, pero hindi. Political clan pala sila ng mga Villafuerte. Ang laki ng bahay nila, gate pa lang, parang kalahati na ng barangay namin.
Tinago muna namin ang relasyon sa pamilya ko. Takot kasi ako kay Mama. Pero isang araw, nalaman din niya dahil isinumbong ako ni ate Maxine. Akala ko babagsakan ako ni mama ng kawali sa galit. Pero nang malaman niyang anak pala ng mayor si Jaxon, biglang nagbago ang isip niya. Wala pa ngang isang linggo, niyaya na agad ni Mama si Jaxon na maghapunan sa bahay. Pinagluto pa niya ng kare-kare, ‘yung specialty niya tuwing may bisitang importante.
Pero ngayon…
Habang umaandar ang traysikel at papalapit ako sa bahay nila Jaxon, hindi ko maiwasang mapaisip kung may tinatago bang sikreto sa'kin si Jaxon.
Pagkababa ko sa harap ng malaking gate ng bahay nila Jaxon, agad akong kinabahan. Kahit ilang beses na akong nakapunta rito noon, iba pa rin ‘yung pakiramdam ko ngayon. Parang may malamig na hangin na dumaan sa batok ko kahit wala namang ihip ng hangin.
Lumapit ako sa gate at pinindot ang doorbell. Isang beses… wala. Dalawang beses… wala pa rin. Nang wala pa ring sumasagot, pumindot ako ulit–mas madiin na para marinig sa loob.
Pangatlong beses, may lumabas na guard sa may security booth. Halatang antok pa. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako, pero hindi niya binuksan ang gate.
“Magandang gabi po kuya. Pasensya na po sa distorbo. Girlfriend po ako ni Jaxon. Gusto ko lang po sana siyang makausap kahit saglit lang."
“Ma’am, pasensya na. May utos po kasing huwag munang magpapasok ng bisita ngayong gabi. Family only raw po.”
“Wala naman po akong masamang pakay. Gusto ko lang malaman kung nandito na po ba si Jaxon? Umuwi na po ba siya?”
Nag-angat ng tingin ang guard, para bang nag-aalinlangan kung sasagot siya o hindi. Pero sa halip na sagutin ako, kumunot lang ang noo niya at umiwas ng tingin.
“Kuya, andito ba si Jaxon? Sagutin mo naman ako kahit ‘yon lang. Hindi ko po siya gustong istorbohin kung walang problema. Gusto ko lang po malaman kung totoo bang nakauwi na siya.”
Bago pa man makasagot ang guard, biglang bumukas ang pedestrian gate.
At sa gulat ko, hindi si Jaxon ang lumabas.
Matangkad. Mas matangkad kaysa kay Jaxon. Nakasuot lang siya ng gray na jogging pants at wala siyang suot na pang-itaas. Basa pa ang buhok niya na para bang kakatapos lang maligo. Pero hindi ‘yon ang unang umagaw ng pansin sa'kin, kundi ang anim na pandesal na hubog na hubog sa kanyang tiyan.
Napaatras ako nang bahagya at awtomatikong napatakip ang kamay sa mga mata ko. “Susmaryosep!”
Narinig ko ang mahinang tawa mula sa lalaki. ‘Yung tipo ng tawa na may kumpiyansa at pang-aasar.
“Sorry! Akala ko po si Jaxon...” Agad akong tumalikod kasi hindi ko maiwasan na mapalunok ng laway sa nakabalandra niyang katawan.
Hindi ko alam kung mahihiya ako para sa kanya o para sa sarili ko. Pero bakit naman siya hubad sa kalagitnaan ng gabi?
"Hey woman, you can look now. I already put on a shirt."
Dahan-dahan akong lumingon, at halos hindi ko napansin na napabuka ang bibig ko.
Napaatras ako ng isang hakbang. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa gulat sa itsura ng kaharap ko ngayon.
Aaminin kong gwapo ang boyfriend kong si Jaxon, pero kakaiba ang itsura nitong lalaking kaharap ko ngayon. Mala-greek nose ang tangos ng ilong niya. 'Yong mga mata niya malamlam pero matalim kung tumingin. Sakto lang din ang kapal ng kilay niya bagay na bagay sa strong jawline niya.
Naka-black T-shirt na siya ngayon, medyo fitted kaya bakas pa rin ang hulma ng mga muscles niya sa ilalim. Basa pa rin ang dulo ng buhok niya at tumutulo pa nga sa balikat. Pero ang pinakaumagaw talaga ng atensyon ko?
Yung nunal sa kanan ng kanyang labi. Maliit lang, pero sapat na para maging sentro ng mapang-akit niyang mukha. Parang may sariling personalidad ang nunal na ‘yon...nakakatawag ng pansin, nakakatukso.
“Woman, are you done staring at my face?"
Nagpantig ang teynga ko dahil sa sinabi niya at agad na umiwas ng tingin. Focus, Josephine. Hindi ka nandito para matulala sa abs o sa nunal ng kung sinuman ‘to. Nandito ka para kay Jaxon.
"I think you're mistaken," tinitigan ko siya ng diretso sa mga mata habang pilit binubura sa isip ko ang imahe ng abs at nunal niya. "I wasn’t staring at your face, man.”
“Really?” He crossed his arms, which only made me feel worse, dahil lalong lumitaw ang definition ng chest at braso niya. Nakakainis.
“I was just counting the drops of water sa buhok mo. Kasi tumutulo na sa shirt mo. Sayang naman kung bagong laba ‘yan," confident ko pa 'yong sinabi pero gusto kong kurutin ang sarili kong singit.
Talagang ‘yon pa ang naisip ko? Ang pagbibilang ng tubig na tumutulo sa buhok niya? Josephine, ang tanga mo minsan.
Nakita kong bahagyang tumaas ang isang kilay niya. Parang alam niyang nagsisinungaling ako. Pero syempre, hindi ko ‘yon aaminin.
“Interesting hobby. Counting water drops? I haven’t met anyone who does that.”
"Well, you've finally met me now. And you're welcome."
"Yeah, it's my first time to meet a woman who counts the drops of water… but can’t stop staring at my face.”
Napasinghap ako. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to. Pero kahit nakakainis siya dahil medyo bastos ang bunganga niya, hindi ko maikakailang may tinatago siyang kakaibang presensya. ‘Yung tipong kahit bastos siya, mapapatawad mo pa rin kasi gwapo.
"I'm sorry man, but I'm not here for you. Nandito ako para kausapin si Jaxon...kung sakali ngang nandito siya."
"Oh so you're looking for Jaxon? I might be wrong, but you must be Josephine, right?”
Parang may kung anong gumapang na kúryente sa balat ko sa paraan ng pagkakabanggit niya sa pangalan ko. Pero hindi ko maiwasan magtaka kung paano niya alam ang pangalan ko? Hindi ko siya kilala. Ni minsan, hindi ko siya nakita kasama si Jaxon. Hindi ko rin maalala kung nabanggit ko na sa kanya kanina ang pangalan ko.
"Tama ka, ako nga si Josephine. And you are?”
“Xylus... Juan Xylus Villafuerte. You don’t know me, but I’m Jaxon’s brother.”
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung dahil sa hiya o kaba, pero parang biglang uminit ang mukha ko kahit malamig ang hangin. So ito pala si Xylus, 'yong kapatid ni Jaxon na pinuntahan niya sa Dubai. Madalas siyang banggitin ni Jaxon noon, pero ni minsan hindi ko pa siya nakita nang personal. Ngayon lang.
"And now woman. May I ask why you’re here in the middle of the night, counting water drops and looking for my brother?"
“I just need to see him. Alam kong late na, at oo, medyo weird ‘tong ginagawa ko… pero kailangan ko lang talaga makasigurado. I have a few questions that only your brother can answer."
Lumapit si Xylus sa’kin, saka bahagyang yumuko para makipag-eye contact. “Josephine, hindi ko alam kung anong drama niyo ng kapatid ko. But if I were you, umuwi ka muna.”
"Umuwi?" Mapang-uyam akong tumawa. Sinadya kong lakasan ang tawa na parang kontrabida sa mga drama para takutin sana siya, pero lalo lang nagsalubong ang kilay niya.
"Crazy, woman."
Napahinto lang ako sa pagtawa nang halos mabilaukan ako nang sarili kong laway.
"No way. Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nakakausap si Jaxon."
"Paano mo siya kakausapin, if he's not even here?"
Tumaas ang kilay ko. "So inaamin mo na nandito na ngayon si Jaxon sa Pilipinas?"
"Did I say that?" Kumunot ang noo ni Xylus, pero halatang may bahid ng ngisi sa gilid ng labi niya. Parang sinasadya niyang paikutin ako. "I just said he's not here. I didn't say where he is. You're the one jumping to conclusions, Josephine."
"Grabe ka rin makapaglaro ng salita, no?" Tinapunan ko siya ng irap. "Kung wala siya rito, nasaan siya, aber?"
He shrugged. “‘Di ko alam. Maybe he’s out. Maybe he’s asleep. Maybe he’s on Mars.”
Gusto ko siyang murahin dahil parang pinagtatakpan niya ang kapatid niya, pero napabulong nalang ako sa sarili ko. “Siraulo palang 'tong lalaki."
"Excuse me, I heard that."
“Look, Xylus. I’m not here para makipagtalo sa'yo. Hindi rin ako nandito para makipag-asaran. I just want answers. Is Jaxon here or not? Kasi kung wala, fine. Aalis ako."
"I told you earlier, he's not here. At ngayon na sinagot ko na ang tanong mo. Leave." Akmang isasarado na niya ang gate, pero mabilis kong hinawakan ang laylayan ng black shirt niya.
“Wait lang!” Napalakas ang boses ko nang hindi sinasadya. Hinawakan ko ang gilid ng gate para makasigurado akong hindi niya ito maisasarado.
"Ano kasi..." napakagat ako sa labi. Hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin nang hindi napapahiya pero bahala na nga.
“Xylus, pwede bang pautang ako ng one hundred pesos? Pamasahe ko lang pauwi."
TO BE CONTINUED ᯓ ✈︎ ✈︎