Simula
KUMUNOT ang aking noo nang may marinig na pagsabog. Nagkatinginan kami ng kapatid kong si Yshie.
"Ate, ano iyon?"
"Sandali at titingnan ng ate," sabi ko.
Kinakabahan man ay dahan-dahan akong naglakad patungo sa bintana. Sumilip, at gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang magarang kotse.
"Ate, ano'ng meron?"
"Sshhh... huwag kang maingay."
Napalunok ako nang makitang may tao sa loob at mukhang buhay pa. Awtomatikong napatakip ako sa aking bibig.
"Dito ka lang at huwag na 'wag kang lalabas ng bahay. Tutulungan ko lang iyong tao na mukhang na trapped sa looban ng sasakyan."
"Naku, kawawa naman siya, ate. Dalian mo na!"
Kinakabahan man ay kailangan kong maging isang good Samaritan sa pagkakataong ito.
Lumabas ako mula sa bahay saka dali-daling nilapitan ang kotseng halatang wasak at masasabi ko talagang pàtày na ang nasa loob dahil sa pagka-yupi nito.
"H—Help me..." Narinig ko ang tila mahinang pagtawag ng isang lalaki. Napalunok ako at halu-halo ang nararamdaman ko. Takot at kaba.
Tama bang tulungan ko siya? Paano kung masamang-loob pala ang naturang lalaki?
Sa huli ay tinulungan ko parin ito. Sobrang init kaya nahirapan akong alisin ang may edad na lalaki.
"Sandali lang po at tutulungan ko kayo," sabi ko.
"P—Pakiusap..."
Nagmamadaling inalis ko ang nakaharang na metal at sa wakas ay naabot ng aking mga kamay ang isang kamay ng may edad na lalaki.
"Salamat sa Dios at hindi niya parin ako pinapabayaan."
Duguan ang naturang may edad na lalaki. At dahil takot ako sa dugo naramdaman ko kaagad ang panginginig ng aking laman.
"Dios ko, tulungan niyo po akong madala ang lalaking ito sa malapit na hospital," mahinang usal ko sa taas.
Salamat naman sa Dios at dininig niya ang aking panalangin. "S—Salamat sa'yo, hija."
"Walang-anuman po," sabi ko.
Eksakto namang may dumaan na sasakyan saka ko ito pinara. Salamat naman at huminto ito.
"Pakiusap, sa pinaka-malapit po na hospital," sabi ko sa taxi driver.
Hindi ko na muna kinausap ang may edad na lalaki. Duguan ang may bandang ulo niya. Ginamit ko ang aking panyo para takpan ang patuloy na pag-agos ng dugo.
Hindi naman nagtagal ay dumating kami sa naturang hospital. "Hija, this is my phone. Pakiusap, kontakin mo ang anak ko, let him know everything. Cassian Alcantara."
"S—Sige po," sagot ko na lamang saka tinanggap ang cellphone nito.
Nasundan ko na lamang ng tingin ang naturang may edad na lalaki na ngayo'y dinala sa ICU. Ibig sabihin kritikal ang lagay nito?
"You, akin na ang cellphone ni Tito Camilo!"
Ang totoo nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang maganda, at sopistikadang babae. Kumunot ang aking noo. Wala akong nagawa kundi ang ibigay sa kanya ang naturang cellphone.
Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi siya pagmasdan. Sobrang ganda niya at para bang may kahawig siyang artista. Hindi ko nga lang mapangalanan kung sino.
"Ano'ng tinatayu-tayo mo riyan? Umalis ka sa harapan ko!" mataray nitong sabi sa akin. Napayuko ako at walang-sabing umalis sa harapan niya.
Pero hindi ako tuluyang umalis at sumilip sa may gilid na hindi niya ako makikita. Sino kaya ang babae? Tito niya ang lalaking tinulungan ko? Pero paanong nangyaring bigla siyang sumulpot?
No, hindi ako aalis dito hangga't hindi ako sigurado kung ka anu-ano ng babae ang may edad na lalaki.
Pansin kong may tinawagan siya gamit ang cellphone ng may edad na lalaki. Nagmamadaling lumapit ako sa gawi niya pero sa paraang hindi niya ako makikita.
"Cassian, kailangan mong malaman na nasa hospital ngayon ang daddy mo," sabi ng naturang babae.
Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko ng bigla itong naging tila FAMAS Award, aba naman at ang bruha may paiyak-iyak pang nalalaman. Malakas ang kutob kong may kinalaman siya sa nangyaring trahedya ng may edad na lalaki. Feeling ko sinadya ang insidente. Wala man akong pruweba sa ngayon pero lalabas at lalabas din ang totoo. Sana okay lang ang may edad na lalaki.
Naupo ako sa bench sa labas ng hospital malayo sa babaeng bruha. Hindi ko maiwasan na mag-alala sa may edad na lalaki.
Napaigtad ako nang marinig ang pagtunog ng aking cellphone. Mula sa aking bulsa ay dinukot ko ang sariling cellphone at si Yshie ang nasa kabilang linya.
"Kumusta na Ate?"
"Nadala ko na siya sa hospital kaya lang may biglang um-eksenang babae. Hindi ko kilala pero sa tingin ko kilala siya no'ng matandang tinulungan ko."
"Mag-iingat ka ate. Baka mapahamak na naman tayo sa mga pinanggagawa mo."
Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Yshie, masama bang tumulong tayo sa ating kapwa? Hindi ba't habang may pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti?"
Narinig ko na lamang ang marahas na buntong-hininga ni Yshie sa kabilang-linya. "Basta, mag-iingat ka."
"Oo naman," nakangiting sabi ko.
Mga ilang oras din akong naghintay upang alamin kung sino si Cassian at ano'ng hitsura niya. Awa't tulong naman ay may dumating na ilang magarang sasakyan.
Nalula tuloy ako sa nakita dahil puro Ferrari ang tatlong kotseng dumating. "Don't tell me, mayaman ang matandang tinulungan ko?" bulong ko sa sarili.
Nakagat ko ang pang-ibabanglabi. Kung hindi sana siguro naki-alam ang bruhang maldita kanina malamang ay mabibigyan na sana ako ng pabuya sa pagkakaligtas ko sa may edad na lalaki.
"Sayang," sabi ko pa.
Hindi ako mapapansin dahil nasa may bandang madilim ako nakaupo na kunway may ka-chat. Dapat hindi nila mahalata na nagmamatyag ako.
Lumabas na ang ilang mga sakay no'ng dalawang kotse at ang hinihintay ko na lamang ay ang masilayan ang mukha ng anak ng may edad ng lalaki.
Bumukas ang pinto ng unang kotse at mula roon ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Napangiwi ako dahil hindi ko pala suot ang aking glasses. Useless lang din dahil hindi ko parin siya makikita ng malinaw. Nailing na lamang ako at napanguso.
Nagpasya na lamang akong umuwi dahil sigurado akong magtatampo na naman sa akin si Yshie.
Napasulyap ako sa relong-pambisig at alas diyes na pala ng gabi. Napatampal ako sa sariling noo. Wala ng taxi kapag ganitong oras.
Nag-chat na lamang ako sa aking kapatid at baka dito muna ako matulog sa hospital.
Mabuti na lamang at nang nag-chat ako kay Yshie ay naintindihan naman niya ako. Wala akong choice kundi maghanap ng matutulugan. Saan nga ba pwede? Hindi rin naman pwedeng makita ako no'ng bruha dahil sigurado akong maiinis lang iyon sa pagmumukha ko.
Inilibot ko ang mga mata. Nakagat ko ang pang-ibabanglabi nang makita ang isang sasakyan na Ferrari na pwedeng matulugan ang sa may likod dahil open naman.
Sigurado naman akong hindi agad basta-basta iwan ni Cassian ang sarili niyang ama. Sa huli ay nagpasya na lamang akong doon na lang muna matulog sa kotseng ginamit niya.
Since wala namang makakakita sa akin ay mabilis na nakaakyat ako at nahiga kaagad. Pagod na pagod din kasi ang katawan ko sa paglalako ng Biko na siyang ikinabubuhay namin ni Yshie.
Wala na kaming mga magulang dahil sabi ng Lola ko ay namatay dahil sa isang car accident. Pati si Lola ay namaalam na rin at heto kami lang ni Yshie ang magkasama.
Mahirap man ang buhay ay kahit paano naman ay hindi kami pinapabayaan ng Dios sa bawat araw na ipinagkaloob niya sa aming magkakapatid.
Mula sa aking leeg ay kinapa ko ang kwintas kong suot. Heto na lamang ang alaala ko sa namayapa naming mga magulang. Ang isang pendant ay suot ng kapatid kong si Yshie.
Hanggang sa hindi ko namalayang hinila na pala ako ng antok.