Kabanata 1

1037 Words
"WAKE UP!" "Hmmm..." ungol ko na tila tamad pang idilat ang mga mata. Pagdakay nagulat ako sa ilang mura na pinakawalan ng tila boses ng isang lalaki. Awtomatikong idinilat ko ang aking mga mata. Saka ko napagtantong nasa loob nga pala ako ng kotse sa may likuran natutulog. Nagproseso kaagad sa aking utak ang mga nangyari kagabi. "Who are you?" Tumigil ang aking mundo ng mag-tama ang paningin namin ng isang gwapong lalaki. Siya na nga ba si Cassian? "Hey, I'm asking," pukaw niya sa akin. Paano ba naman kasi ay nabatu-balani ako sa taglay nitong karisma. "P—Pasensiya na po kayo, sir. Wala na po kasi akong masakyan na taxi pauwi sa amin kaya dito na muna ako natulog na sa tingin ko naman ay safe para magpalipas ako ng gabi," sagot ko na medyo nauutal pa. Tinutukoy ko ang convertible design na Ferrari na gamit niya papunta rito sa hospital. Ewan ko ba pero sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso. Hindi ko alam kung dahil ba sa nahuli niya akong natutulog sa kotse o dahil sa kakaibang dating niya sa aking puso? "Really, bagong modus sa isang magnanakaw na tulad mo?" seryosong sabi niya dahilan upang magpanting ang dalawa kong tenga. "Aba, sumusobra na po yata kayo, sir? Mahirap lang po ako pero ni minsan hindi tumatak sa isip ko ang magnakaw!" galit kong sumbat. Inis na bumangon ako at mabilis na bumaba sa magarang kotse na pagmamay-ari ng lalaki. Muntik pa akong ma out of balance dahil bigla akong nahilo. Mabuti na lamang at napakapit ako. Inis na nagmartsa palayo. Kaya lang natigilan ako dahil hindi ito hospital. Where am I? Nasa isang malawak na garage ako? Awtomatikong nilingon ko ang lalaki. Napalunok ako dahil nanantiya ang titig niya. Saka ko lang napansin ang suot kong kupas na jeans at kupas na white shirt na maluwag pa sa akin. Gusto ko tuloy hilingin ang mga Sanggre na napapanood ko sa isang TV series na alisin ako sa lugar na ito ngayon din upang maalis sa kahihiyan ng isang mala-Adonis na lalaking nakatingin sa akin ngayon. "And where do you think you're going?" Napayuko ako. "Home, kaya lang mukhang nadala mo ako sa teritoryo mo," sagot ko. Hindi makatingin sa kanya ng diretso dahil sa kahihiyang natamo. Ang hirap kapag mahirap dahil sobrang baba ng tingin sa'yo ng mga mayayaman. Kumusta na kaya ang ama niya? "Sir, gising na po si Mr. Alcantara," singit ng sa tingin ko'y isang kawaksi. "Manang, ipahatid mo siya kay Manong," utos niya sa kawaksi. Nasundan ko na lamang siya ng tingin. "Hija, ikaw ba iyong nakatulog sa kotse ni Mr. Alcantara?" Mabuti na lang at mabait si Manang. Magaan agad ang loob ko sa kanya para makipag-chicka. "Opo," tipid kong sagot. Hindi ko naman magawang sabihin dito na ako ang nagdala kay Mr. Alcantara sa hospital kagabi. Hindi na siguro importante iyon. "Ipapahatid ka raw sa driver at sabihin mo lang kung saan ang address mo, ha?" "Salamat po," sagot ko. Gusto ko sanang tanungin kung ano na ang kalagayan ni Mr. Alcantara. Sa narinig ko kanina ay mukhang narito ang may edad na lalaking tinulungan ko. "Ano'ng address po ito, Manang?" naglakas-loob kong tanong. Lihim naman akong nagpasalamat at sinabi naman ni Manang ng walang pagdadalawang-isip. Hindi naman nagtagal ay lumapit sa amin ang isang may edad na ring lalaki na sa tingin ko ay ang driver na sinabi ni Mr. Alcantara. Pamilyar sa akin ang apelyidong Alcantara. Hmmm... saan ko nga ba narinig? "Ikaw ba iyong sinabi ni Mr. Alcantara, hija?" tanong sa akin ni Manong. Nagpakilala sa akin ang dalawa at nalaman kong mag-asawa pala sila. Si Manong Danilo na driver at Manang Teresita na mayordoma ng mansion ng mga Alcantara. Bago ako inihatid ni Manong Danilo ay pinakain muna nila ako ni Manang Teresita. Sobrang bait nga naman sa akin talaga ng Dios dahil sa kabila kagabi ay may nakilala parin akong mag-asawa na mababait tulad nina Mang Danilo at Manang Teresita. "Manang, baka naman pwede akong pumasok dito kahit katulong lang, kailangan ko po kasi ng trabaho." "Kung talagang gusto mo ay tamang-tama at nangangailangan kami ng personal maid para kay Mr. Alcantara," sabi ni Manang Teresita sa akin. Tila naman nagkaroon ako ng pag-asa. "Ano po bang requirements?" masiglang tanong ko. "Basic requirements lang naman, dapat nasa tamang edad ka. Sa tingin ko naman ay nasa 20 plus ka na, hindi ba?" "Opo." "Dapat fit ka, okay ang kalusugan mo. Walang criminal record siyempre. Valid ID and biodata, iyon lang ipasa mo sa'kin at pa-aprubahan ko kaagad kay Mr. Alcantara." "Huwag po kayong mag-alala at pwede po akong all around," dagdag ko pa. Kailangan ko talaga ng trabaho since ako ang nagpapaaral sa kapatid kong si Yshie. Sana matanggap ako. "You have to found her!" Kapwa kami napalingon nang marinig ang malakas na boses ng isang lalaki. Natagpuan ko na lamang ang sarili na nakamasid sa dalawang lalaki. Nakita ko ang may edad na lalaki na tinulungan ko kagabi. Kasalukuyang nakaupo siya sa isang wheelchair. Mabuti naman at okay lang siya at buhay. "Naku, sige na at ihatid mo na siya sa kanila, Danilo," tarantang sabi ni Manang Teresita. "Tayo na hija, mukhang galit si Mr. Alcantara." Wala akong choice kundi ang sumunod kay Manong Danilo sa malawak na garage kung saan naroon ang kotseng gagamitin para ako'y ihatid. "Huwag mong kalimutan na dalhin ang requirements mo, hija," paalala sa akin ni Manong Danilo. "Opo, loobin." Pumasok na ako sa loob ng kotse sa may back seat hanggang sa lumabas ang kotse sa malawak na garage ng mansion saka binaybay ang daan pauwi sa amin. Mga ilang oras din ang naging biyahe namin ni Manong Danilo. "Salamat po ng marami, Manong Danilo. Napakabait niyo po sa akin ni Manang Teresita." "Wala iyon, hija. Alam mo na naman ang address ng mansion kaya siguro naman kaya mong bumiyahe mag-isa?" "Opo," sabi ko. Bumaba ako mula sa kotse saka nakangiting kumaway kay Manong Danilo. "Ingat po," sabi ko. "Ate!" sigaw ni Yshie sa akin. Nakangiting naglakad ako patungo sa maliit naming kubo. "Kumusta, kumain ka na ba?" "Tapos na, ang tagal mo kayang umuwi. Doon ka ba natulog? T'saka, sino iyong naghatid sa'yo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD