Kabanata 3

1101 Words
Kapwa kami nagulat ni Yshie nang masilayan ang tila old house na yari pa sa panahon ng Espanyol. Mula sa kotse ay bumaba kami ni Yshie. Pansin kong may dalang ilang groceries si Manong Danilo. Ibig sabihin ang lahat ng dala niya ay para rito? Ilang tao ba ang narito sa lumang-rest house na ito? "Ate, ang laki at sobrang ganda," mahinang sabi ng aking kapatid na tulad ko'y namangha rin sa laki at lawak ng naturang rest house. May malaking gate na halatang kagagaling lang sa renovation. May ilang cameras sa bawat area kaya malalaman talaga kung sino ang magnanakaw. May apat na guards pa. "Maligayang pagdating, Manong Danilo," sabay na bati ng mga guards kay Manong Danilo. Nakangiting bumati naman pabalik si Manong Danilo sa mga ito saka kami ipinakilala. "Si Liora at ang kanyang kapatid, sila ang ilalagay namin dito ni Manang Teresita niyo na mag-aalaga nitong rest house." "Maligayang pagdating, Ms. Liora at Ms. Yshie," halos sabay ding sabi ng apat na guards sa aming magkapatid. Pansin ko kanina na gulat na gulat ang mga ito nang makita kami ni Yshie. Pumasok kami sa loob ng rest house at tulad kanina ay ipinakilala kami ni Manong Danilo sa mga nakatira sa loob ng naturang rest house. Nakilala namin ang mayordoma na si Aling Belen. At dalawang kawaksi na si Rowena at Patty na sa tingin ko'y ka edad ko lang din. Lihim naman akong nagpasalamat at mukhang makakasundo ko ang dalawa. Magkapatid ang dalawa at anak sila ni Aling Belen. Napag-alaman ko ring ulila na pala sa ama ang dalawa. Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata ang tila gulat sa anyo ng tatlong babae. Bakit kaya? Hindi ko akalaing welcome na welcome kaagad kami ni Yshie sa naturang rest house. Since bagong biyahe lang daw kami ay inihatid kami ni Aling Belen sa magiging kwarto naming magkapatid. Buong-akala ko ay iisang kwarto lang kami ni Yshie. Mali ako dahil katapat ng kwarto ko ay ang kwarto ng aking kapatid. Nakakahiya man pero wala kaming ibang dalang damit ni Yshie. Mabuti na lamang at marami daw damit na pambabae na kasya sa aming magkapatid. "Ate, kay buti ng Panginoon dahil hindi niya tayo pinapabayaan." "Kaya magpasalamat tayo sa kanyang palagi," sagot ko sa aking kapatid. "Ate, pwede bang tabi tayo sa pagtulog? Natatakot kasi akong mag-isa. T'saka, hindi ako sanay na malayo sa'yo." Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Walang problema." "Salamat, ate." Niyakap ko ang aking kapatid ng buong-higpit. "Magsusumikap si Ate para sa'yo." "Ang swerte ko at may kapatid akong responsable." "Tara na, hayan ka na naman sa mga pambobola mo sa akin." Ang totoo inaantok na rin ako at ramdam ko ang matinding pagod sa aking katawang-lupa. Lalo na no'ng nakipagbakbakan ako sa mga taong armado kanina. Nang buksan namin ang aking silid ay tumambad ang malawak na lugar. Kapwa kami napansinghap ng aking kapatid. "Omg, Ate!" bulalas ni Yshie. "Nakaranas din tayong matulog sa ganitong kagarbong kwarto, no?" sabi ko na tila ba hindi makapaniwala. Nasanay na kasi kaming mahiga sa matigas na higaan. Simpleng banig lang ay okay na sa aming magkapatid, palibhasay sanay na sanay na sa hirap ng buhay. Lalo na at hindi kami ipinanganak na mayaman. Ang sabi ni Aling Belen ay nasa mala-higanteng closet ang ilang mga damit na tiyak na kakasya sa amin ni Yshie. "Ate, ang laki ng lalagyan ng damit. Sigurado ba talagang rest house ito? Parang mansion sa laki, e." "Para sa mahihirap na kagaya natin ay mansion na kung ituring ang bahay na ito. Pero sa mga mayayaman ay rest house." "Sabagay," sabi na lamang ni Yshie sa akin. Ang sabi ni Aling Belen ay pwede kaming pumili sa mga damit na narito at kahit ano ay pwede naming suotin. Ang swerte talaga naming magkapatid. Natagpuan ko na lamang ang sarili na lumuluha. Nailigtas ko lang naman ang isang may edad na mayamang lalaki at heto kami parang mga taong NPA. Nagtatago sa mga taong nais pumatay sa aming magkapatid. Mabuti na lamang at magaling ako sa pagdala ng armas at tinuruan ng aking ama ng karate. Dahil kung hindi ay nakabulagta na kami ngayon ni Yshie sa maliit naming kubo. "Ate, sobrang lalim na ng gabi," ani Yshie sa akin. "Bakit ka lumuluha, Ate?" "Kaya matulog na tayo since tapos na tayong mamili ng damit at ilang underwears. Huwag mo na lamang akong pansinin, masaya lang si Ate sa nangyari sa atin ngayon." "Grabe ate ang laki ng kama. Samantalang sa atin ay sa papag lang tayo natutulog." "Makita ko lang na masaya ka at komportable ay panatag na ako. Bukas magtatanong ako kay Aling Belen para sa pag-aara mo. Hindi ka pwedeng huminto sa pag-aaral." "Pero Ate... hindi pwedeng bumalik ka sa Tuguegarao." "Magpapatulong tayo kay Aling Belen para makapag-aral ka parin kahit ako na lang muna ang magtatrabaho." "Ate..." Niyakap ako ng buong-higpit ng aking kapatid. "Basta ipangako mo lang sa akin na pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral." "Pangako, ate." "Sige na at matulog na tayo. Inaantok na ako," pagod kong sabi saka pinunasan ang mga luha sa aking mga mata. Imbes na sa kabilang kwarto matutulog si Yshie ay mas nais niyang tumabi sa akin. Palibhasay hindi sanay na malayo sa akin ang kapatid kong ito. She's 10 years old samantalang ako ay disinuwebe pa lamang. Pagdating ng kinabukasan ay maaga akong nagising. Alas singko pa lamang ng madaling-araw ay hinanap ko na si Aking Belen. "Aba'y ang aga mo namang nagising, hija? Gutom ka na ba?" "Naku, hindi po, Aling Belen. Itatanong ko lang po sana kung ano'ng pwedeng kong trabahuin sa araw na ito?" "Masyado pang maaga. Alas otso hanggang alas singko lang ng hapon ang maging trabaho mo rito bilang taga-linis sa malawak na kwarto ni Sir Cassian. Kada-lunes papalitan mo ang lahat ng kurtina roon at pati punda, kumot at bed sheet." "Ano pa po?" tanong ko pa. "Iyon lamang at ang monthly salary mo ay nasa bente-singko mil." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. "Sigurado po ba kayo at totoong hindi nagbibiro?" "Oo naman, ayaw mo ba no'n?" kunot-noong tanong ni Aling Belen sa akin. "Ang laki po pala ng sasahurin sa isang tulad kong katulong lamang." "Ibahin mo ang mga Alcantara, hindi sila tulad ng ibang mayayaman. Tayo ay itinuring nilang pamilya." Doon narin ako nagkaroon ng pagkakataon na magpatulong kay Aling Belen regarding sa pag-aaral ng kapatid kong si Yshie. Humingi ako ng tulong para naman hindi maputol ang pag-aaral ng kapatid ko. Ako na high school lang ang natapos at nangangarap pa rin na makapagtapos ng pag-aaral hanggang kolehiyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD