SA mahabang katahimikang iyon na yakap namin ni Miguel ang isa’t isa, mas naging malinaw sa akin ang feelings ko. Mas natakot nga lang ako. Na-realize ko, takot rin siguro ang reason kaya hindi ko ni-recognie agad ang totoong feelings ko. Hindi ko gustong aminin pati sa sarili ko na hindi lang friends ang tingin ko kay Miguel. Natakot akong lumampas sa friendship bridge. Pero ngayon, malinaw na sa akin ang totoo kong feelings. Mas nakakatakot nga lang. Hindi na ang pagkasira ng friendship ang iniisip ko ngayon—si Dante na. Siya ang sisira sa posibilidad na may chance kami ni Mig na maging higit pa sa magkaibigan. Ang sarap sumbatan ng universe. Bakit hinayaan niya akong ma-fall kung ang fate ko pala ay mamatay sa kamay ni Dante? At bakit ngayon lang ang realization

