Ilang minuto pa akong natulala sa ibabaw ng sariling kama bago nagdesisyon na bumaba na talaga ng tuloyan. Baka kasi mas lalong lumaki ang ulo ng lalaking yon.
Mas lalo kong hindi nagustuhan ang kapal ng mukha nito. Ni hindi nga nakakaapak ang mga kaibigan ko rito sa silid, pero kanina... heto siya at talagang makapal ang mukha na pumasok pa rito. At sinabing napadaan lang daw...
Ipinanganak ba ako kahapon para lang makalimutan ang mga palusot na yon? Sinakto pa na dito sa silid ko.
Nangangasim ang pakiramdam ko ngunit naging kaswal naman ako pagkababa. I had to talk with my friends, tinanong ko sila tungkol sa pasukan. Ilang araw na lang ay pasukan na ulit, magiging abala na kaming lahat. At siguro sa sitwasyong katulad nito, magiging matagal pa ang pagkikita ulit.
"Oy ano yan?" Agap ni Leo at sumilip sa ginagawa naming mga babae.
Nagpapalitan kami ng account, para kahit papa'no nay balita pa rin kami para sa isa't-isa. May ilang hindi talaga mahanap ang sariling account dahil nakaprivate at tanging may common friends lang ang makakahagilap.
"Ano bang name mo sa f*******:?" Baling sa akin ni Leo.
Alangan man ay ipinakita ko ang buong profile. Napangisi ito at mabilis na hinagilap ang account ko. Mas mabilis na ngayon dahil may mga mutual friends na kami. Hindi nga katagalan ay nakisali na sina Daniel at Ares. Gustong makipag-agawan kay Leo na tuwang-tuwa dahil friends na kami sa f*******:.
"Magrereply ka naman di'ba? Emimessage kita kapag umuwi na kami." Ngisi ni Ares.
Napataas kilay na lamang ako habang tinitingnan ang screen ng phone niyang nag-s-scroll at tinitingnan nang mabuti ang laman ng wall ko. Halos tagged lang iyon, minsanan lang din akong nagpopost lalo na kung may activities. Kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit silang tatlo ay ibinababa ang wall ko. May hinahanap ba sila.
"Oh? Ang ganda mo rito, ah?!" Ipinakita kaagad sa akin ni Ares ang isang photo, that was taken 1 year ago kaya nagtaka ako kung paano niya naabot hanggang sa pinakailalim.
"Ah," ngiwi ko.
Mas lalo lang naging agresibo ang tatlo at tiningnan pa hanggang sa pinakadulo. Natigil lang ang pagyuko nilang tatlo ng naabot na ang pinakahuli, araw ng kapanganakan ko na ginawa ko noon, 3 years ago.
"Thank you," tawanan ang tatlo na nakatikim ng batok kay Kuya Josh na tumitig sa akin bago napailing.
"Tumigil kayo, 16 lang iyang kapatid ko."
Napaismid ako roon at tumitig sa katabi niyang nagpipigil ng ngiti. Natuwa naman kaagad siya riyan. Umirap nga ako na nahuli niya yata kasi natawa na lang ito at binuhat si Naru mula sa ibaba. Ngumisi ito at sumilip sandali sa akin bago sinamahan si Naru na maupo sa tapat ng telebisyon.
Napailing na lang ako, dismayado... ngunit naputol ang pagkakabadtrio ko nang makitang may text galing kay Thad.
From: Thad
Date? Tom?
Napailing kaagad ako ngunit umoo naman. Sa pag-aakalang kasama ang mga kaibigan...
From: Thad
Tayo lang.
Ako:
Okay.
Bukas na ulit kami mag-uusap kung anong oras at saan kami magkikita. Ang tagal na no'ng huli... nakakamiss ding kasama si Thad. Yong kami lang. Dahil siguro magaan ang loob ko sa kanya. I don't think we're almost there, itong date na sinasabi niya ay parang friendly date lang naman.
Madalas naming gawin 'to noon. Nakasanayan ko na lang din, lalo na at siya ang naging una kong kaibigan.
"Mauuna na ako..." paalam ko sa mga kaibigan.
Una kong napansin si Santi na tumingala sa akin. Nakatitig na naman ng malalim. Dahil sa ginawa niyang pag-amin ay ngayon ko lang napansin na kakaiba nga ito kung tumitig. At napansin ko rin kay Kuya Josef na wala siyang pakialam kahit na may kasamang lagkit ang mga titig ng kaibigan niya.
Ganoon ba kalalim ang tiwala niya sa lalaking 'to? Na kahit alam niyang may scandal ay ipinagkakatiwala niya pa rin ang buhay pag-ibig ko rito? I doubt if my bother didn't know that video. Pina-burn pa yata iyon. Para lang mapanood nilang magkakaibigan.
Kaya nga nakakasura... sinong gaganahang babae ang makikipagrelasyon sa lalaking 'to na tulad ng sinabi noon ni Kuya Josef ay kayang magsabay ng dalawa o tatlong babae? I witnessed that too... kaya nga nito.
Kaya nga, nakakamove on na ako noon ngunit bumalik na naman ang lahat ng sakit ng napanood ko ang laman noon.
"Maaga pa ah? May lakad ka ba bukas?" Naniningkit ang mga matang baling sa akin ni Kuya Josef.
Plastik na ngumiti ako rito at naglakad palayo. Humabol pa ng tanong ngunit tulad ng nauna ay hindi ko na iyon pinansin pa. Matutulog ako ng maaga, baka biglaan ang lakad. Mabuti na yong handa.
Ang sarap-sarap ng tulog ko nang maalimpungatan sa ingay sa labas ng pintuan. Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ng iyak.
Kilala ko ang boses... o baka naman mga boses na nandoon. Kilala ko si Giselle... ang iyak nito na tumatak na sa akin. At ang boses ni Santi, mahinahong boses.
Bakit na naman ba?
Napilitan akong tumayo at lumapit sa pintuan. Nakakarinig ako ng nagsisigawan, ngunit hindi naman maintindihan. Maybe because I was far from the door. At nang malapit na ay doon ko na napagtanto kung ano iyon.
"Sorry na nga eh! Iyan ba ang ikinasama ng loob mo?! Santi, alam ko na ikaw ang naunang nanloko. Pero sana bigyan mo pa ako ng isa pang chance, at bibigyan din kita." Hagulhol ni Giselle.
Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi at napahawak sa doorknob. Naghihintay ako sa sagot ni Santi, ngunit puro kay Giselle lamang ang naririnig ko.
"Bakit hindi na pwede?! Santi naman! Sagutin mo naman ako!" Iyak ni Giselle.
"Gis, we both knew..." sagot lang nito.
"Grabi ka! Sinabi mo noon na susubukan nating magseryoso!"
Mas lalo kong nakagat ang pang-ibabang labi. Iyan ba ang gusto ni Kuya Josef? Iyong manloloko ang gusto niyang manligaw sa akin?
"Hindi ko nagawa..." buntong hininga, "I'm sorry, Gis."
Mas lalong naiyak ang kaibigan ko. Ilang ulit kong kinagat ang pang-ibabang labi bago ipinihit ang siradura. Hindi ako mangingialam. Sisilip lang naman ako... hindi ako mangingialam pa ulit. I'd learn my lesson.
"Sana karmahin ka rin." Sinumpa na yata ni Giselle si Santi.
Nang silipin ko ay punong-puno nang luha ang pisngi nito. Di ko akalain na may magsusumpa sa lalaking 'to. Sa dami ng mga nabasa kong libro, halos lahat ng playboy doon ay kung hindi hinahabol ng mga ex ay parang tanga namang sinasamba pa rin kahit niloko na.
"Sana nga si Kata ang magiging karma mo." Ngisi nito kahit hilam ang mga mata ng luha.
Namilog ang mga mata ko sa gulat. Bakit ba nadamay ako rito? Hindi pa ba nakontento si Giselle noon? Inutusan niya na akong wag sagutin si Santi, kahit na wala naman akong plano, at ngayon... gusto niyang ako ang maging tulay sa karma'ng yon? Ni hindi ko na nga masyadong iniisip iyang panliligaw niya 'kuno' dahil hindi pa naman ako gano'n kabaliw.
"Hindi... Gis, I changed now. I'm a change man. Hindi siya ang magiging karma ko dahil seryoso na ako ngayon."
Pareho kaming nagulat ni Giselle. Gusto ko sanang makisalo na ngunit naalala ko na naman ang nangyari noong isang araw. Mas nakakahiya pa nga iyon kasi sumabat ako sa harap pa ng maraming tao. Kaming tatlo lang ang nandito ngunit hindi pa rin magiging tama.
"She's just 16, Santi..." iiling-iling na pagdadahilan ni Giselle.
Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi. Oo nga, 16 lang ako... pero kahit wag na iyon, hindi ko sasagutin ang marungis na taong 'to.
"I know... but I can wait."
Napaawang ang labi ng kaibigan ko sa sagot nito. Ako nama'y nasamid, nakakatawa ang linyahan nito. Gamay ko na iyon. Kilala ko ito, datingan ng mga pabling na katulad niya.
"Imposible..." naiiyak na namang saad ni Giselle. Nagmamasid na lang ako. Ilang minuto'ng katahimikan. Rinig ko ang ingay ng orasan. Magmamadaling araw na... at parang hindi pa talaga sila tapos.
"Alam niya bang may kakaiba kang kondisyon?"
Napasinghap ako sa gulat. Nangatog ang tuhod ko sa biglang pag-alsa ng kaba. S-sinong may sakit? Si Santi? Paanong nangyari?
"I will tell her right away... I don't want to cheat on her."
Nanikip ang dibdib ko sa narinig. Aaminin niya? Paano ang sinabi nitong magsusundalo siya? Kung may sakit naman pala! Pinagloloko ba kami ng lalaking 'to?
Ngumisi si Giselle na siyang ikinagulat ko pa lalo. Parang hindi ko na masyadong makilala ito... kakaiba ang ngising ipinapakita.
"Alam mong inosente si Kata, Santi."
Napalunok na ako at napasandal na sa pintuan. Nahihilo ako... anong pag-uusap ba 'to? Naguguluhan ako.
"I know that, too."
"Paano yan? Hindi mo siya pwedeng pakialaman."
"I know,"
"Alam mo rin, na hindi pa napipigilan iyang sakit mo. Paano na yan?" Mapang-uyam na tanong nito.
Tumingala si Santi. Na nauwi sa ngisi. Tumitig siya ng malalim kay Giselle na nawala na ang ngisi at parang nagulat na sa reaksyon ni Santi.
"That's my problem, Gis."
Nanginig ang labi ng binanggit na pangalan. Salamat sa ilaw, at kahit papa'no kita ko ang bawat reaksyon ng dalawa.
"P-paano nga?" Pamimilit pa nito kahit na naluluha na.
"Sasabihin ko... Gis, ang dali lang niyan. Sasabihin ko... anong masama sa pagiging Satyriasis?"
Kumunot ang noo ko rito. It sounded different form his own tongue. Inulit ko sa sariling labi para maintindihan. Ngunit ganoon na lang ang nerbyos ko ng matukoy na ang ibig nitong sabihin. Muntik ko ng maisara ng pabagsak ang pintuan ngunit nagising din kalaunan.
Saka ako nanginginig na bumalik sa kama at nagtago sa ilalim ng kama. Nangilabot ako sa nalaman... gusto kong matulog ngunit hindi ko rin nagawa.
Kaya kinabukasan ay tinawagan ko kaagad si Thad. Magpapasundo ako rito. Naligo na ako at mabilis na tumakas. Pero syempre, I texted Mommy na mukhang hindi naman minasama ang pagtakas ko.
"Mas lalong lumiit iyang mga mata mo." Natatawang puna ni Thad.
Hindi naman ako makangiti at sinuot ang pita mask saka nagsombrero.
"Mainit, Kata..." tukso nito ng makita ang takip sa buo kong mukha.
"Wala, hayaan mo na." Saway ko at ibinaba pa lalo ang sombrero... naglalakad lang kami hanggang kanto bago sumakay ng jeep at nagpahatid sa mall. Sandaling hinubad ko ang sombrero at mask bago muling isinuot sa loob. Matawa-tawa naman si Thad.
"Let's watch cine, later?" Aya niyo... nilalantakan ko naman ang binili niyang pagkain. Nakatulala pa rin ako.
Hindi maialis sa isipan ko ang nalaman. Kaya naman pala may gano'ng video. Ngayon ko na naiintindihan ang lahat.
Mas lalong ayaw ko na sa kanya. Mas may dahilan para gawin niya rin iyong mga ginawa niya sa mga babae niya. It was indeed a s****l behaviour that can't be controlled. Kaya mas may posibilidad na gawin niya rin sa akin.
"Ano, Kata... okay ka lang ba?" Baling sa akin ni Thad.
Nawala ang lahat ng nasa isipan ko at dumukdok sa mesa. Narinig ko pa ang gulat kay Thad, ni hindi ako sigurado kung nagtanong pa ba ito ulit o hindi na. Pagod na pagod ako. Marahil sa walang tulog na magdamag.
"Umuwi na lang tayo, Kata. I'm worried." Ebidensya nga ang mukha nito.
Umiling ako at muling itinago ang mukha sa mga braso. Hinaplos naman ni Thad ang kulot at magulo kong buhok. Dahil sa nangyari, ni hindi ko na inabalang mag-ayos pa. Ang gusto ko lang naman talaga ay makaalis sa bahay kanina.
"Pwede kang magsabi sa akin... we're friends, Kata. Don't forget that."
Tumango ako at muling itinago ang mukha. Inaantok na ako pero ayaw ko namang umuwi. Naiinis pa rin ako sa nalaman.
"Ihahatid na kita," haplos ulit ni Thad.
Tiningala ko siya at pagod na naupo ng maayos. Naiiyak ako, kaya naman pala ganoon... kaya pala ang dami niyang babae sa video'ng yon. Kasi nga may kondisyon siyang ganoon.
"Kata," narinig ko na tawag mula sa kabila.
Namilog ang mga mata ko ng makita sina Kuya Josef na nakatayo malapit sa mesa namin. At mas lalo pa akong nagulat na makitang nasa tabi niya si Santi. Namumutok sa tigas iyong dibdib na bumabakat sa kulay aqua green nitong t-shirt. Nakapamaywang at mariin ang titig sa'ming dalawa ni Thad.
"Ang dami ko naman palang karibal." Medyo seryoso nitong pinatatama sa akin ang sitwasyon.
Nagulat pa ako lalo. I can't believe he's standing just right in front of me. Na parang di sila nag-away ni Giselle kagabi. Na parang di ko nalaman na may kondisyon siyang tulad ng nymphomania.