Mula nang sinabi ko iyon, naging tahimik na si Giselle. If it was serve right... Natamaan yata siya sa katotohanan na iyon.
Sinilip ko si Santi na nakagat labi habang nakatitig sa nakabukas na telebisyon. Nang sinubukan nitong lumingon sa'kin ay mabilis ko nang ibinalik ang mga titig sa harapan. Yon nga lang, mabilis lang ang panonood ko ng maramdaman si Naru na nag-aaya na yatang umakyat. Alas sais pa lang naman, pero mukhang antok na talaga ang kapatid ko. Napilitan akong tumayo, at napasunod ang ilan. Ngunit kuha naman yata nilang kailangan kong iakyat ang kapatid. Tumayo rin si Kuya Josh at inabot sa'kin si Naru na nakahilig na sa balikat ko.
"Ako na,"
Paano pa ba ako makakahindi kung ngayon pa nga lang ay kinuha na nito ng tuluyan ang bata?
Napilitan tuloy akong maupo ulit, inayos ko ang nagulong buhok at humilig sa sandalan.
Tahimik na ulit, minsan sinisilip ko si Giselle na tahimik lamang. Nakakagat labi at minsan pang sumisilip kay Santi. Ganoon ba? Mahirap ba talagang makamove on sa lalaking 'to?
Di man lang ba sila naiinis o nandidiri sa klasi ng lifestyle na meron ito? Gano'n lang? Dahil gwapo?
Nangasim na naman ang pakiramdam ko't pumikit. Kunwari matutulog ngunit ang totoo niyan, kinakalma ko lang ang sarili.
"Kakain na," silip ni Mommy. Nagising ako roon at nagtatakang tinitigan sina Giselle, at ilang nandoon na nakatitig sa akin. Bakit na naman ba?
May nagawa na naman ba ako? Nagpapahinga lang ako! Anong mali?
"O bakit?" Kunot noong baling ko sa lahat.
Binalingan ko si Santi na napangisi't nauwi sa pagpipigil ng ngiti. Mas lalo akong nakuryuso sa nangyayari. Bakit na naman ba?
"Ang laki ng pinagbago mo, Kata." Ngisi ni Leo.
Napailing na lang ako at tumayo saka inaya na silang lahat para kumain. Inakyat ko muna si Kuya na nasa tabi ni Naru at nagbabasa ng kung ano sa hawak na cellphone. Tumango ito ng inaya ko na. At sabay na kaming bumaba. Nakatitig lang ako kay Kuya na abala pa rin sa hawak na phone... minsan napapakunot noo. Ngunit madalas seryoso lang.
Gusto kong malaman o mabasa man lang ang nasa isipan nito. Kuryuso lang, walang malalim na dahilan.
"Kuya, nagkagirlfriend ka man lang ba?"
Nabilaukan ito ng lumingon sa'kin. Natatawa, at malalim ang titig sa akin.
"Oo naman! Napatanong ka?"
Umiling ako at napatitig sa hawak niyang phone. Saka tumingala at nagpatuloy sa pagbaba.
"Kata..." tawag ni Kuya nang nauuna na ako. Natigilan ako roon, bago pa man nakapasok sa kusina.
"Dito muna si Santi habang hinihintay namin ang resulta ng exam."
Kumunot ang noo ko at tuluyan ng nanigas doon. Tinitigan ko siya ng nagtataka. Bakit dito? Di ba pwedeng sa iba na lang?
"Bakit Kuya?"
Ngumisi ito at humakbang ng ilang distansya bago ako inakbayan.
"Masyadong malayo ang sa kanila... mas mabuting nasa malapit kami para anytime pwede na kaming bumyahe."
Mas lalong kumunot tuloy ang noo ko. Sa makatotohanang paraan, hindi ko gusto iyang sinasabi niya. Isang araw pa nga lang ang dami ng ganap. Ano pa kaya kapag nagtagal?
Natahimik na lang ako roon at hinayaan siya sa desisyong 'to. Sige lang, hindi naman ako maglalagi rito sa bahay lalo na at pasukan na sa Lunes. Hindi naman siguro kami madalas na magkikita.
Pagkatapos kumain ay nanood pa sila ulit ng palabas. Ako nama'y sinilip lang si Naru bago pumasok sa sariling silid. Nakatulala lang ako sa kisame at pumikit saka marahang tumagilid. Inantok na kaagad ako kaya kinabukasan na ulit ng magising.
Nadatnan ko sina Giselle na nilalaro si Naru... nasa sala silang lahat kaya tumabi ako kay Kuya at hinawi ang buhok na kumalat na naman sa buhok ko. Matawa-tawa si Kuya na tinulungan ako sa pag-aayos.
"Ano bang nakain mo at ganitong kulot ang pinili mo?" Hindi pa rin maialis ang tawa nito habang pilit na iginilid ang kulot na kulot kong buhok. Napasandal na lamang ako't pumikit saka muling dumilat na parang may naramdaman akong nakatitig dito. Walang iba kundi si Santi na natutuwa yatang makita akong bagong gising lamang.
Magulo ang buhok at namumutla pa.
"Naks, natutunaw na... Santi!" Halakhak ni Kuya Josh.
Napairap ako roon at sumandal saka muling pumikit. Medyo nahihilo pa rin dahil nga kagigising lang. Ayaw ko na ring patulan ang mga tukso ni Kuya Josh. Hindi naman ako natutuwa, isang bagay lang kasi ang naaalala ko. Na ayaw ko na ulit maulit pa.
"Are you okay?"
Gulat na napabalikwas ako ng upo roon. Hindi ko mabilang kung ilang oras na akong nakapikit. Kaya laking gulat ko ng marinig ang boses ni Santi na tumabi na pala sa akin. Sumilip ako sa likod niya sa pag-aakalang nando'n pa ang mga kaibigan. Oh? Naiwan ba kami.
"Masakit ba ang ulo mo?" Gagap niya at hinilot ang sentido ko.
Nanlalaki ang mga mata ko at umatras palayo sa hawak niya.
"Anong ginagawa mo?!" Nanginginig na singhal ko.
Tumitig ito ng malalim sa akin. At tulad ng ginawa ko kanina ay sumandal siya roon sa sofa. Confident na walang magmamaktol at walang sasaway sa ginagawa niya.
Halos bumaliktad ang sikmura ko habang nakatitig pa rin sa kanya.
"You look not okay, so I thought..." kibit niya.
Umangil naman akong hindi niya dapat ginagawa iyon. Ngunit tumitig lang ito at hindi na ulit nagpumilit pa.
"Ang ganda mo naman..."
Awang na ang labi ko, halos lumuwa pa ang mga mata ko sa gulat. Oh.My.God! Ano bang sinasabi niya? Naalala ko tuloy lahat-lahat. I wanted to spat those bad things he did pero dahil ayaw ko namang mas lalo siyang ganahan ay pinilit ko ang sariling wag magsalita. Hindi na tama 'to... ano? Lalandiin niya rin ako tulad ni Giselle? Tulad ng mga babae niya? Bakit ba?
Sinabi ko nang hindi na ako ang batang 'Kata' noon. Natuto na ako. Namulat na. Sino namang gaganahan na makipagrelasyon sa lalaking 'to na puno ng kamanyakan ang katawan? Sinong babae ang magtitiis sa isang relasyon na puro katawan lang naman ang habol?
Kung meron man, hindi ako iyon.
"Bro code..." ulit ko, sa nanginginig na labi.
Ngumisi siya, nakatitig sa labi ko, for sure. Kaya napaiwas ako roon at lumingon sa labas. At nauwi sa kusina.
"It doesn't matter now, Kata. We'd talked and he allowed me court you."
Muntik na akong nahulog sa sofa, mabuti na lang kinalma ko ang sarili at mariing tumitig sa kanya. Hindi ko nga maintindin at hindi ko rin alam kung saan niya nakuha iyang kapal ng mukha.
Ano? At mukhang sa mga tukso ni Kuya Josh ay okay lang sa kanya na ligawan kuno ako nitong kaibigan niya?
"Please, wag naman ako." Ulit ko.
Umiling lang ito at muling sumandal sa upuan. Ang dating tigtatlong katao na upuan ay naging para sa dalawa na lang. Malaki nga talaga ang katawan nito. Nakakailang na katabi ko siya rito. Samantalang iisa lang ang naaalala ko, dalawang taon na ang nakalipas.
Tumingala ito habang nakahilig ang batok sa sandalan ng sofa. Tumingala rin ako sa pag-aakalang may makikita akong kakaiba roon. Ngunit wala naman, maliban sa ilaw na nando'n.
"Okay lang kahit ayaw mong pumayag. May apat na taon pa ako para diyan, Kata. Magsusundalo ako, saka kita babalikan."
Naguluhan ako sa sinabi niya. Naiiyak lang ako sa inis. Kinalma ko muna ang sarili. Ayaw ko na ulit mangyari ang kahapon. Naging padalos-dalos ako noon. I look like I was a bitter ex, e hindi nga ako kasali roon.
"Ganyan ba ang sinasabi mo sa lahat ng mga babaeng nauuto sa'yo?" Naiinis na baling ko.
Pumiksi ito ng mahina at nilingon ako rito. Nandiyan na naman ang lalim ng mga mata niya. Ang daming nauto niyan, hindi ko rin lubos maisip kung paanong nakaya lahat ni Giselle. She was just 14 when they got together. Ano yon? Menor de edad pero involve sa s****l activities?
Shit. Nasusuka ako sa tuwing naaalala ang ginawa niya sa video'ng yon. Siguro paulit-ulit niya ring ginagawa iyon sa mga babae niya.
"I don't promise, Kata. At hindi rin ako nagsasabi ng ganyan sa mga naging babae ko. Ikaw lang."
Nasamid tuloy ako sa sariling laway. Na nauwi sa pagtawa. Palakas ng palakas. Nang lingunin ko nga siya ulit ay nakita kong nagpipigil na ito ng ngiti.
"You're very beautiful, Kata." Naaaliw niyang titig sa mukha ko.
Napalunok ako at sumilip sa labas at sa kusina. Hindi ko mahagilap ang mga kaibigan, pati na rin sina Giselle. Naiilang na ako rito, at hindi na nakakatuwa ang mga naririnig ko sa lalaking 'to.
"Simula noon, maganda ka naman talaga." Sabi niya sa mababang boses.
Nakagat ko tuloy ang labi at mariing tumitig sa kanya. Doon ko napatunayan na niloloko lang ako nitong lalaki na 'to. Hindi ako naniniwala. Sa dalas at tagal ng pagtitig ko sa kanya noon, ni minsan hindi man lang niya ako tinapunan ng titig tulad noong binigay niya kay Giselle.
Hindi niya ba alam na iniyakan ko siya? Nang hindi lang ng isang beses kundi taon.
"Nasa'n na ba sila?" Pag-iiba ko.
Napahuntong hininga ito, napabuntong hininga na rin ako. At nang tinuro niyang nasa labas ay doon na ako tumayo. Ni hindi ako nagpaalam, at lalong hindi na rin ako lumingon. Iba... iba ang mga galaw nito. At doon nanikip ang dibdib ko sa pag-aalala.
Niloloko ako nito, hindi ako bulag.
"Ate," tawag ni Naru, hindi ko namalayan na nakatulala na ako sa gilid ng pintuan.
Nahintakutan naman ako roon sa reaksyon ko kaya sumilip ako sa loob. At mabuting natatakpan ang bahaging 'to.
Napilitan akong magpatianod kay Naru at nakisali sa mga kaibigan na may pinagkakaabalahang bagay. Minsan hindi ko talaga mapigilang matulala.
Ngunit nauuwi sa inis.
Hindi naman kami lumabas buong araw. Tinulungan din namin si Mommy sa pag-iiba ng mga bulaklak doon. Tumulong din si Santi na panay ang huli kong nakatitig sa akin. Ako ang umiiwas, lalo na at panay din ang dikit ng dalawa niyang kaibigan na hindi na yata naubusan ng tanong.
Halos wala rin akong nagawa dahil inaagawa ako noong dalawa. Kaya kinahapunan ay ako na mismo ang naghanda ng meryenda. Doon ko naalala na hindi pa nga pala ako naliligo. Amoy ko ang sikat ng araw, pero hindi pa naman ako mabaho.
Nasa kalahati na yata ako noong nakarinig ng pagkakabukas ng pintuan at muling pagkasara. Baka si Naru, o si Mommy, o kaya naman si Kuya. May kinuha lang siguro. Kaya tinuloy ko ang pagbabanlaw, kumuha ako ng tuwalya malapit sa pintuan at ipinulupot sa ulo. Saka ko naman tinitigan ang repleksyon. Nagdadalaga na talaga ako, hindi na maipagkakaila iyon.
Pinunasan ko pa ang katawan ng isang ekstrang tuwalya saka nagdamit. Na mabuti na lang ay ginawa ko kung hindi baka sumigaw na ako sa bigla... nandito si Santi. Nakatayo. Mas malaki pa sa silid ko ang katawan, kung titingnan sa average size. Nililibot nito ang paningin. Gusto ko mang magwala... at nangingialam siya ng pribadong silid... ay hindi naman tama. Baka magulat pa si Mommy.
"Anong ginagawa mo rito?!" Iritadong bulong ko.
Hindi ito nagsalita ng ilang segundo, nakatitig lang sa akin ng malalim bago buong katawan ang pinasadahan. Nanghilakbot ako sa nerbyos, naubos yata ang balahibo ko sa pagkakatindig noon. Nagulat din yata sa bisita ko.
"Nothing, uh, napadaan lang."
Kakaibang 'napadaan lang'! At sinaktong dito pa talaga sa silid ko. Wala na bang ibang palusot ang kumag na 'to. Dalawang araw pa lang, ngunit para na akong makakalbo.
"Magbibihis na ako, please... lumabas ka muna!"
Pinasadahan niya ng titig ang buo kong katawan, namimilog ang mga mata ko sa gulat... bakit nakalimutan kong...?
"As I can see, you're well dress... Kata." Iling nito.
Napakagat labi na lamang ako at naupo sa kama. Kung buong silid ko ang tinititigan niya, ako nama'y siya na gusto ko sanang tunawin sa mga titig ko dahil sa inis.
"Maganda ka rin sa tuwid na buhok." Komento nito nang inangat ang isang frame.
Napatayo na ako at hinawakan siya sa braso. Sa halip na hilahin siya e nangatog ang tuhod ko ng mahawakan ang matikas niyang braso... matigas, at bakit ganoon?
"Bakit Kata?" Ngisi niya, napansin yata ang pagkakatigil ko.
"Lumabas na kayo, please?" Kung noon walang pamimilit ang 'please' ko, ngayon halos manginig na ang boses ko sa pagmamakaawa.
"Bababa ka naman ba?" Tanong niya.
Tumango ako para matapos na lang din.