8

2054 Words
"Kata, tigil na." Bulong ni Kuya at pilit na hinihigit ako palayo roon. Wala akong nagawa kung hindi samaan na lang ng titig si Santi na nakasunod ang mga mata sa akin. Naiinis ako! Nabibwesit! Bitter ba akong pakinggan? Dahil ang totoo, isa lang ang naaalala ko tungkol sa kanya. Dahilan kung bakit iritado ako ngayon at dahil sa ginawa niya kay Giselle ang kanina. "Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Mommy ng magkasalubong kami sa sala. Masama pa rin ang loob ko. Gayong si Kuya Josh matawa-tawa habang tinatapik ang likod ko. "Wala Ma, ito kasi..." turo sa'kin. Umiling ako at sinabi kay Mommy na nagkasamaan lang ng loob. Nothing too personal. "O? Wag na masyadong dibdibin." Utos ni Mommy. Tumango ako at bumitaw kay Kuya para umakyat na lang sa itaas. Padapa akong nahiga sa kama at niyakap ng mahigpit ang unan. Tama ba ang ginawa ko kanina? Ipinagtanggol ko lang naman si Giselle. Inaagrabyado niya e. Tumunog ang cellphone, galing kay Farrah na nagsisigaw habang tinatanong ako tungkol sa nangyari kanina. "Wala, sumama lang talaga ang loob ko." "Girl! Jusko! Sinabi mong mag-ex iyon! Sana hinayaan mo na lang mag-usap. Naku, ano ba talagang meron?!" Napabuntong hininga ako't sumilip sa labas ng bintana saka tumayo at naligo. Sinabi kong bababa rin ako, ngunit ayaw ko nang tumambay sa ibaba noon. Naiinis lang ako. Mabuti na lang nagtext si Thad na lalabas kami para raw kumalma ako. Hindi ko napigilan at napalingon kina Kuya na nasa malayong mesa pa rin. Hindi ko mahanap si Giselle, marahil sugatan pa rin ang puso no'n. Ang importante lang naman makaalis ako rito, ayaw ko na rin maalala ang padalos-dalos na desisyon ko kanina. Mag-ex ang dalawa! Tulad na lang din ng sinabi ni Farrah. Hindi ko obligado ang mangialam. "Tara," abot kamay na sabi ni Karen. Tumango ako at nagpatianod. Hindi ko alam kung nabibingi lang ba ako o ano ngunit ng nasa malayo na kami ay parang may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Nabibingi lang yata ako, kahit ang mga kaibigan parang wala namang narinig. Sumakay muna kami ng jeep, nakahilig ako kay Karen. Nag-uusap ang mga kaibigan ko, na hindi naman nakaagaw interes sa akin. Kaya pumikit na lang ako ng buong byahe. At nagising sa mumunting tapik. "Ano bang meron?" Nanliliit ang mga matang silip sa akin ni Farrah. Napangiti na lang ako at nag-abot ng bayad saka dumila sa biniling ice cream. Naglalakad lang kami sa gilid habang nanonood ng mga nagbibisekleta sa parke. Nag-uusap na naman sila, nakikinig lang ako. The only thing I did was saying 'oo' or 'hindi, and nothing more. Kay mas lalong naging kuryuso si Farrah na hindi na matanggal ang titig sa akin. Kung hindi lang talaga nakakahiya, kanina ko pa sinabi. Kaya lang, nandito silang lahat. Sina Thad, Kim, Karen, Popoy at Farrah. Nakakahiya naman talaga iyon. I was just twelve when I had my first heartbreak. At iniyakan ko pa talaga! Kinompronta si Giselle dahil lang sa naging sila! Ang parteng 'yon dapat na talagang kalimutan. "Okay, kailangan na naming malaman kung anong meron. I have a slight idea but I think it is way better if it's coming from you. Magsalita ka na nga!" Iritadong sabi ni Farrah at pabirong hinila-hila ang buhok ko. Natawa na lang ako. Lalo na at buong atensyon ay nasa akin na. Guess, I have no choice but to tell them. Mas may tiwala ako sa mga 'to kesa... doon. "Ex crush ko." Ngiti ko at yumuko. Nagsigawan ang dalawa. Nagulat lang ang mga lalaki ng tingalain ko. Hindi ko alam kung dapat bang manatiling nakangiti lang o hindi. "Oh? Thad, okay ka pa ba?" Pabirong tapik ni Popoy. Nawala ang ngiti ko't napakamot ng batok. "Loko." Natawa lang ang huli. "Ex na! Kaya wala na yon!" Gagap ni Karen. Natawa tuloy ako't sinubo ang biniling street foods. Alas tres ng nagdesisyon ang lahat na umuwi na. Magkikita pa naman kami sa Lunes, pasukan na sa amin kaya siguradong galak ang lahat. Saka, panay ang tawag ni Kuya na parang ganoon na ako katagal nawala, na pinapauwi na ako sa amin. Pagkababa ay nagkatitigan lang kami ni Thad na mapanuksong ngumingisi. Siraulo talaga, iba ang takbo ng isipan. Parang may naiisip na hindi ako sigurado. Malinis na ang bakuran nang dumating ako. Gayon din at wala ng tao. Marahil umuwi na ang mga yon, ngunit hindi pa gano'n katahimik ang bahay. Naririnig ko ang boses ng mga tao sa loob. Yon nga lang at hindi ako sigurado kung maliban ba sa bisita ni Kuya Josh at bisita ko ay may iba pa bang nakikisali na hindi ko alam. Nasagot lang ang lahat ng nasa sala na ako, nanonood ang mga 'to ng isang movie. Hindi ko nga sigurado kung paano nila pinagkakasya ang sarili diyan gayong may isang set lang ng sofa, isang pahaba at dalawang may katamtamang laki, ang nandoon. Hindi naman sila gano'n karami pero dahil malalaki na e hindi talaga magkakasya. Lalo na si Santi na medyo nakataas kilay at nakatitig pala sa akin. Sumunod si Leo na napangiti at kumaway sa akin. Napilitan akong ngumiti, ngunit hindi pa rin maialis ang titig sa braso ni Santi na nakatuko sa sarili nitong hita. Sabi ko na nga... mas malaki ang katawan nito kesa kay Kuya. "Oh? Galit ka pa rin?" Tawa ni Kuya Josh, binabasag ang katahimikan. Napailing ako't tumabi kay Hannah na napahaplos sa buhok ko. Hindi ko naman alam kung bakit niya ginagawa 'to. "Magbati na kayo..." baling ni Flora. Bakit naman yata nag-iba ang ihip ng hangin ngayon? Anong dahilan? Kaya tinitigan ko si Giselle na nakatitig din sa akin. Di naman masakit? Hindi na ba ito umiyak? Tapos na ba? Hindi ako sigurado, ngayon na nandito na kaming lahat, alangan pa rin ako sa pakikipagbati. "They'd talked, Kata." Ngisi ni Kuya Josh. Napailing ako at napasandal sa upuan. Nag-iisip pa rin ng malalim. Nasa intense na bahagi na ng movie ang nasa tapat. Pero parang nawalan na lang sila ng interes. Mas interesado pa yata silang malaman na galit pa rin ako at ayaw makipagbati kay Santi. "K-kata, kung nag-aalala ka sa akin. Okay na, bati na kami." Namumulang saad ni Giselle na sa huli ay napayuko. Tinitigan ko siya ng matagal. Nagtatanong pa rin ako kung paano niya napatawad ang lalaki. Oo nga, they cheated, ngunit ang katotohanan na mas nauna itong nanloko. Aba, okay lang talaga?! "Naku, Kata. Tatandang dalaga ka niyan." Biro ni Kuya at tumayo at naupo sa tabi ko. Napausog palayo sina Hannah at Flora. Dahilan kung bakit nagsusumiksik kami rito. "Magbati na kayo... Kata? Aren't you happy that your crush is doing his best to please you?" Mapanuksong saad ni Kuya. Mula sa parang binagsakan ng pag-asa ay namilog ang mga mata ko. Naiinsulto ring napatitig sa akin si Giselle na siyang unang tinitigan ko. "Tangina..." marahang bulong ni Daniel. Binatukan ito ni Ares. Awang ang labi ko, at naiinis na tinitigan si Santi. Na seryosong nakatitig rito. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at napaatras. "Kuya! Hindi na!" Iritadong sigaw ko na dumagundong sa buong bahay. Nakarinig kami ng mga basag na bagay mula sa kusina. Natatarantang napatayo na lamang ako at tinakbo ang espasyo saka nagulat na makitang napakamot sa ulo si Mommy. Nasa kamay nito si Naru na nagpupumilit yatang lumapit sa mga basag na bagay. "Tita, okay lang ho kayo?" Tanong galing kay Ares, sigurado ako roon kahit nakatalikod pa ako sa kanila. "Oo, nagulat lang." ngiwi ni Mommy at tinitigan ako. Napaatras ako't napayuko. Nag-iinit ang pisngi dahil sa mapanghusgang titig ni Mommy. "Mommy," tawag pansin ni Naru. Nagpapabuhat kay Mommy. I just took one step when someone grabs my arm. Gulat na napatitig na lang ako sa kayumangging daliri na nakakapit sa braso ko. Ang layo noong gap ng kulay. At hindi yon ang dahilan kung bakit nagulat ako. Kilala ko kasi kung kanino yan. Kahit pumikit pa ako ng ilang ulit... at kahit maamoy ko lang siya. Kilala ko yan. "Kata, you almost step on those broken glasses." Nakatitig ako kay Mommy na napaawang ang labi habang nakatitig sa likod ko. Nanginginig ako sa nerbyos. Dahil siguro sa kabang muntik na akong nakaapak ng babasagin. Hindi dahil sa lalaking 'to... I still hate him. No I loathe him. Disgusted and hated. "A-ako ng bahala. Sige na, do'n na kayo." Pagtataboy ni Mommy at binuhat si Naru para iabot kay Kuya na umabante. Ano ba 'tong ginagawa niya? Sa isang araw lang nagbago ang lahat. Kung sana... wag naman sa ganitong paraan. Ang lakas ng loob niyang gawin 'to sa akin. Nandiyan ang ex niyang alam kong hindi pa nakakamove on. Ngunit heto siya, nagpapaka-hero. And no one else was brave enough to stop him. Kahit ang ex nitong napipilan na yata. Humarap ako at hinayaan siyang hawakan pa rin ako sa braso. Kailangan kong kumalma. I should be calmed down. Kailangang hindi na muna isipin ang nakaraan. "Okay, hindi na." Napaiwas ako roon. Na hindi naman yata naging maganda dahilan ng bumaling ako sa kabila ay nakita ko ang mga kaibigan na nakatitig sa akin. Marahil nagtataka. O marahil pilit nilang binabasa itong tumatakbto sa isipan ko. Wala... wala silang malalaman. "Oh bitaw na." Halakhak ni Kuya na dumaan sa tabi namin. Napilitan siyang bitawan ang braso ko. Ramdam ko ang pagdadalawang isip niyang bitawan na ako rito. Gusto pa yatang namnamin itong braso ko. Di na nahiya. "Bati na, Kata... you're not a kid anymore." Iling ni Kuya. Napabuntong hininga na lamang ako't nagbilang ng sampung paabante at sampung paatras. Saka seryosong tumitig kay Santi na malalim din ang pagkakatitig sa akin. Hindi man lang nakangiti. Ano? Ginaganahan ba siya kasi mahirap na akong paamuhin ngayon? "Sorry," wika ko sa mas mahinang boses. Pagkatapos naalala ko si Thad. Siya lang ang madalas kong hingihan ng 'sorry' kapag may nagagawa akong mali. Siguro dahil kilala ako ni Thad at kilala ko rin siya. He was my first friend when we moved here. Mabait naman talaga iyon, palangiti pa at palakaibigan. Pero yon lang, magkaibigan lang kaming dalawa. "Thank you," bumuka rin ng bahagya ang labi nito. Napatitig lang ako roon at ng makita na nakangiti na ang lahat ay napangiti na lang din ako. Naging hudyat iyon para sa lahat na bumalik sa sala at muling nanood. Nakakandong sa akin si Naru ng napabaling ako kay Giselle, nasa carpeted floor ito at nakatingala sa akin. Hindi ko naman maintindihan kung bakit ganyan ang titig niya. Hindi naman galit, pero parang nagpupumilit na magbasa ng isipan. At yan ang dahilan kung bakit naconscious ako. May mali ba akong nasabi? O nagawa man lang? Hindi ko maintindihan. Galit ba siya dahil nakipagbati ako sa ex niya? Ngunit hindi naman yon ang nakikita ko. Hindi ito galit... parang, naiiyak? Bakit? Napaawang ang labi ko at tinitigan din ng matagal si Giselle. Bakit ito naiiyak? Bakit nangingintab ang mga mata niya? May nagawa ba ako? "Hindi mo naman sasagutin?" Nanginginig ang labing tanong nito. Mahina. Na siguradong ako at si Naru lang ang makakarinig. Nagulat ako roon. Kahit wag niya nang kompletuhin alam ko pa rin ang tinutukoy niya. Bakit ko naman sasagutin? "Di'ba?" Nakayukong tanong ulit nito. Napatitig ako kay Naru na hindi man lang naabala at nanonood pa rin ng movie. "Bakit ko naman gagawin?" Napakagat labi ito at tumingala para siguro pigilan ang sariling maiyak ng tuluyan. "Kasi Kata, kanina nang wala ka, sinabi niya sa lahat na gusto ka niya." Nanginginig ang labi na sabi niya. Napasinghap ako sa gulat. Gusto kong maiyak... hindi dahil nasisiyahan ako rito. Naiinis ako. Sobrang naiinis. Kababati pa lang namin kanina. Pero parang madudungisan na naman ulit. "Kata, yong noon, hindi ko naman alam na gusto mo siya. Kaya sinagot ko. Pero ngayon Kata, alam mo naman na hindi pa rin ako nakakamove on. Kaya, please... wag mong sagutin." Natatawa ako. s**t. Ang bilis ha? Bakit naman ako nagustuhan ng lalaking 'to? Kadiri nito... isang araw pa lang. Kahit pinipigilan ko ang sariling wag mainis, wag mayamot... doon pa rin pala ang bagsak. "No, Gis... hindi ako mag-aalaga ng walang respeto sa babae. Gis, minanyak ka na rin niyan, ano? Baliw ba ako para mag-alaga ng taong gagawin lang na s*x object ang mga babae niya?" Naiinis na sabi ko. Halos malusaw sa paningin ko si Giselle na namimilog ang mga mata... awang ang labi. Because I know I was right. Paano ko ba ipapaliwanag na nahulihan ko ng gamit si Kuya? That I got curious and had to watch it and eventually regretted everything? I was just 14 when I saw all the things he did in the past. O baka nga hanggang ngayon. I got traumatized about that... kaya nga... kaya nga I loathe him for doing those with the girls he had. Sino namang gaganahan na makipagrelasyon pa rito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD