"You've grown beautiful, Kata..." binalewala nito ang sinabi ko kanina.
Inalis ko kaagad ang kamay niyang nakapatong sa ulo ko. Sa totoo lang, at hindi sa pagpapakipot, ayaw ko na talagang mapalapit sa kanya. Pakiramdam ko totoo ang sinabi ni Kuya tungkol sa reputasyon nito. At hindi naman yata tama na makikidagdag pa ako sa mga humahabol.
Kanina, naging kuryuso lang naman ako kaya nagtatagal ang titig ko sa kanya. And then I realized, matagal ko na palang hindi nagugustuhan ang lalaking 'to.
Bata pa ako noon...at ngayon na nagkakaisip na, nawala na iyong interes na naramdaman ko noon.
"Santi... please, wag naman ako." Irap ko.
Nagulat ito at napahalakhak sabay titig sa bulwagan. Mabuti na lang at walang nakasunod. Makikita ng lahat kung paanong iritado ako sa lalaking 'to.
Tulad lang din ng ibang lalaki, ayaw ko sa ideyang nagpapalipad hangin na ito ngayon. Hindi tama... bro code, at lalo na dahil kaibigan ko ang ex nito. Naging ex crush ko pa. Unang iniyakan. Na ang labas ay kumuha ako ng batong ipupupukpok ko rin sa sariling ulo.
"O di sige hindi na," natatawang sabi nito.
Nanininingkit ang mga mata ko habang tinititigan siya. Para bang naaaliw ito... ano? Maglalaro ba siya? Kasi pakiramdam ko ngayon na kaming dalawa na lang, magaling itong makipaglaro.
Umatras ako, desidido na talagang umalis. Kaya lang naibaba ko ang mga mata sa paa niyang nag-uumpisa na ring maglakad. Nakasunod nga sa ginagawa ko.
"Wag mo'kong sundan," nanggagalaiting bulong ko.
"Pati ba naman yan, Kata?" Kagat labing tanong niya.
Natigilan ako sa pag-atras. Malamang! Lahat ng bagay ay hindi pwede lalo na kung siya ang gumagawa! Ngayon, na kaming dalawa na lang... nakikinita ko na ang ugali nito, ugali pagdating sa babae. Magaling magpaikot.
Kaso sa dami ng mga lalaking nagpapakita ng interes sa akin, gamay ko na ang magbasa ng ugali.
At masasabi kong... kakaiba ang diskarte nito.
"Bro code..." bulong ko.
Natigilan siya't lumingon sa likod. Ah, tama ba ako? May bro code? Iyan lang ba ang magpapatigil sa kanya?
"Okay, tigil na." Nakataas kamay na suko niya at umalis.
Ah? Umalis? Nabibwesit na naman ako. Kaya mabilis din akong umuwi ng bahay. Nagkulong lang sa itaas. Ayaw ko rin namang bumaba pa. Mamaya niyan makasalubong ko pa ang mga yon, at ano naman ang idadahilan ko?
Pananghalian ng kumatok si Mommy, na kailangan kong labasan. Kakain na yata kami, at hula ko kasama ang mga kaibigan sa ibaba.
Hindi ko naman pwedeng iwasan sila ng matagal. Baka anytime ay umuwi rin ang mga 'to. Hindi siguro magtatagal lalo na at nakita ng lahat kung paanong nagwalk out ako kanina.
Inayos ko ulit ang pagkakatali ng buhok. Nagugulo na naman kasi, at may ilang hibla pang nakatakas. Mainit pa naman ang panahon. At lalong uminit ng makitang maraming bisita sa bakuran. Hindi lang ang mga kaibigan ko, at hindi lang ang mga kaibigan ni Kuya.
Marami... kapitbahay at ilang schoolmate.
"Kata," kaway ng isang kakilala.
Napilitan akong ngumiti at lumabas para makisalo sa mga kumakain. Nagkatitigan kami ni Giselle na nagsasalansan ng mga ihawin. Una itong yumuko, nahiya nga siguro sa ginawa niya kanina.
Hindi tama ang ginawa niya... sana naman nagpaalam muna. Hindi iyong mangangapkap na lang bigla. Para ano? Maagaw ang atensyon ng isa?
"Si Yancy nga pala..."
Napalingon ako sa kabila, lalo na at muntik na akong natamaan noong lalaking tinulak papalapit sa akin. Magkasingtangkad lang kami, kayumanggi ang kulay nito, cute. Namumula nga habang nagkakatitigan kami. Nakakamot ito sa sariling batok. Mukhang nahihiya. At alam ko na kaagad kung bakit, walang lohikang eksplenasyon.
"Y-yancy nga pala, Kata." Abot ng palad niya.
Tumango ako at nakipagshakehands sandali bago ibinaba ang kamay. Nagkatuksuhan na naman sa likod nitong lalaki. May ilang nagchecheer ngunit naagaw na ang pansin ko sa kabilang panig. Pakiramdam ko magkakabutas yata sa buo kong katawan habang matalim ang mga titig ni Kuya. Na umiinom sa katapat na baso.
Napangiwi ako't ngumisi bago napailing. Mas strikto si Kuya kesa kay Daddy. Naiintindihan ko naman... bata pa talaga ako.
"Kain lang kayo." Turo ko sa mga nakahilerang pagkain.
Mas lalong namula ang lalaking nasa harapan ko. Nagkakamot na naman ng batok at sinilip ang kasamahan sa likod
Umiling na ako at naglakad palayo bago lumapit kina Farrah at Karen na kasama sina Thad at Kim... nagkukulitan ang mga 'to. Nakikisali na rin ako.
"s**t ka girl, akala namin napa'no ka na!" Gulat na sigaw ni Farrah at sinubuan ako ng barbecue.
Natawa na lang ako't pinunasan ang labi bago tumitig kay Thad na nakatitig ng malalim sa akin.
"Sorry," bulong ko.
Natawa ito at ginulo ang buhok ko. Nagkatuksuhan na naman kaya napailing na lang ako at inayos ang mga disposable plates na nasa mesa namin. Pinaglalaruan ko ang mga stick na nando'n bago muling tumitig kina Kuya na halatang mas lalong nainis. Ngumuso ako at inayos ang mga barbecue na kakalapag lang galing kay Popoy.
"Okay ka na ba?" Tanong nito bago naupo at tumabi kay Thad na nakatitig pa rin sa akin.
"Oo, at hindi ako bababa rito kung hindi pa talaga okay. Ano ba?" Natatawang sagot ko.
Ngumisi rin si Karen at nag-abot ng barbecue. May naghatid ng kanin kaya inumpisahan na naming kumain. Mabuti na lang talaga at makulimlim. Hindi pa naman gaanong madilim pero tingin ko uulan mamayang hapon. Kaya hindi na mainit.
"Ang gwapo talaga no'ng isang kasama ng Kuya mo." Bulong ni Farrah.
Natigilan ako sa pagsubo. Hindi sana lilingon kung hindi lang nagkasigawan. O malamang tuksuhan... at nakitang namumula si Giselle. Nakatayo sa tabi ni Santi at nakayuko. Samantalang nakatingala na ang isa. Kunot ang noo.
"Ano yan? Confession?" Tawang bulong ni Popoy.
Nilingon ko lang siya ng isang beses bago ibinalik ang mga mata doon. Naghihintay ako sa mangyayari, gusto kong malaman kung bakit may ganyan? Ano yan? Confession? Tama ba ang tanong ni Popoy?
"Mag-ex." Bulong ko, at hindi buong intensyon na ipaalam sa mga kaibigan.
Ngunit nagulat na lang ako ng nagsinghapan ang mga 'to. Para namang hindi pa sila nakapanood ng ganito.
"Ah, yong babae pa ang hindi nakakamove on." Konklusyon ni Thad.
Napatitig tuloy ako sa kanya... sigurado? Paano kung pareho?
"Parang hindi, parang pareho pa silang hindi nakakamove on." Ngisi ko.
Napangisi rito ito at lumingon sa dulo bago muling tumitig sa akin.
"Kata, hindi e. Kanina pa kaya nakatitig yan sa'yo."
"Oh?" Gulat na baling ni Farrah kay Thad.
Pinalubo ko ang pisngi at ngumuso. Paano ba? Kanina pa ba nakatitig si Thad sa kabila kaya napansin niya yon?
"Crush nga yata ang bunso natin, naks!" Ngisi nito sa walang kahulugan na tanong ni Farrah.
Umiling ako at muling tinitigan ang eksena. Naninigas na yata si Giselle, nakababa pa rin ang mukha. Samantalang kunot na kunot ang noo ni Santi... palipat-lipat din ang titig nito sa kaibigan ko at sa braso niyang nakalapag sa mesa.
Naibaba ko tuloy ang mga mata at tumitig sa braso niyang nagkakaroon ng isang linya galing sa muscles. Nagbago na nga talaga ito tulad ni Kuya Josh.
"Anong sinabi?" Usyuso ni Karen, nakaextend ang leeg. Akala niya yata maririnig niya yon.
Maliit lang ang boses ni Giselle, halos di bumubuka ang bibig nito. Kaya kahit sa kabilang mesa siguradong di maririnig iyon. Ano nga kaya ang sinabi nito?
Tumingala si Santi, at sinabing...
"I can't." Na rinig na rinig ng lahat. Siguro dahil sa laki ng boses nito, buong-buo pa.
"Ha? Bakit? Ano bang ang natanong?" Gulat na baling ni Farrah sa'ming lahat.
Kumibit ako at yumuko saka sinubo ang barbecue. Kaso sa ikalawang kagat ay natigilan na ako ng narinig ang iyak ni Giselle. Palakas ng palakas.
Nanlalaki ang mga mata ko at napatitig kay Thad na nanonood sa dulo.
"s**t!" Napamura na ako, dahilan kung bakit nanlalaki ang mga mata ng mga kaibigan na nakabaling na sa akin.
"Hoy? Ba't napamura ka na riyan?!" Gulat pa ring sigaw ni Farrah.
Naninikip ang dibdib ko... naalala ko, kung paano akong umiyak dati. Para bang... noon ko lang napagtanto na masakit pala ang iyak na ganoon.
"S-sandali lang..." tumayo ako at naglakad palapit kina Kuya.
Inaalo na siya nina Hannah at Flora na parehong hindi alam ang gagawin.
"Gis." Tawag ko. Nagulat ang mga dating kaibigan na nakatitig na sa akin.
Ibinaba ko ang mga mata at matalim na tinitigan si Santi na nakaawang ang labi at nakatitig sa akin. Naninikip pa rin ang dibdib ko. Naalala ko kung paano ako umiyak noon.
"Wala ka bang konsiderasyon?" Nangangasim na tanong ko.
"Kata," mahinang saway ni Kuya.
May ilang lumapit na. Kasama rin yata ang mga kapitbahay na kuryuso na sa nangyayari. Naiinis pa rin ako... lalo na at naalala ko ang kanina.
"Kata, wag mo ng sabihin iyan." Akbay sa akin ni Kuya. Na hindi ko naramdaman na lumapit na pala sa akin.
Nakatitig pa rin ako ng masama kay Santi na nakaawang lang ang labi at nakatitig lang sa akin. Halos pareho kaming hindi kumukurap.
"Kuya... tama ba ang ginawa niya?" Baling ko sa kapatid. Iritado na sa pagtatanggol niya sa lalaking 'to.
"Sis, wag kang mangialam... you don't know the whole story, 'kay?" Gigil nitong pinisil ang pisngi ko.
Napahawak ako rito at inalis ang kamay niya. Mas lalo akong nairita. Paanong hindi ko alam? Nakita niya ba kung paanong nasaktan ang kaibigan ko dahil sa lalaking 'to? Alam niya ba kung ilang araw akong umiyak dahil sa lalaking 'to? Alam niya rin ba na nagbago ako dahil sa lalaking 'to? Hindi niya alam, kaya kahit malaman ko pa ang buong kwento... hindi pa rin tama na basta niya na lang saktan ang kaibigan ko.
"Kuya... you're spoiling this jerk!" Turo ko rito na tahimik lang at nakatitig sa akin.
"Kata Reina!" Iritadong sigaw ni Kuya.
Mas lalong lumakas ang iyak ni Giselle. Sumilip lang ako sandali at ibinaba ang daliri bago muling tinitigan si Santi na nakakagat labi.
"Hindi na tama iyang sinasabi mo..." inis na titig sa akin ni Kuya.
Inalis ko ang braso niya sa balikat ko. Naiinis ako... at nanginginig ang kalamnan ko sa pagpipigil. Inalis ko nga ang tali sa buhok at iritadong sinuklay ng sinuklay iyon. Nanginginig ang kamay ko... hindi ko na ulit matitigan si Santi na tahimik lang. Nawala siguro ang confident ng isang 'to.
"Okay..."
Nagulat ako noong nagsalita na siya. Natigilan sa pag-iyak si Giselle. Siguro dahil tulad ko ay nagulat din ito.
Tumayo si Santi, dahilan kung bakit namilog ang mga mata ko at napatingala sa kanya. Natatabunan niya ng anino ang buo kong pagkakatao. At naiinis ako dahil do'n.
"Kata... that's enough impression from you." Kagat labing sabi niya.
Napakagat labi na rin ako. Nanginginig na sa nararamdaman. Napahawak na ako sa makapal at kulot na buhok. Sumasakit ang ulo ko sa nangyayari. Kailangan ko pa tuloy suklayan ang makapal na buhok para lang kumalma.
"I cheated..." ngisi niya habang nakatitig ng malalim sa akin.
Napaawang ang labi ko, at nauwi sa mariing pagkagat ng pang-ibabang labi. Sumisikip ang dibdib ko... kaya naman pala, wala akong tiwala sa lalaking 'to.
"But she cheated too without knowing that I cheated first."
Shit. Nag-iinit ang mga mata ko sa inis. Nanginginig na ang kamay ko... hindi ko maintindihan ang pinaglalaban niya sa mga salita. Kaya nga mahirap siyang pagkatiwalaan kasi alam ko... na maloko itong lalaki.
Naalala ko ang binalita noon ni Kuya, na kinasuklaman ko ng sobra-sobra. I hated him more. No, I loathe him. Yong galit ko ang pumipigil ng lahat.
"Stop liking him, Kata... magugustuhan mo pa kaya siya kung sinabi ko sayong kaya niyang magsabay ng dalawa o tatlong babae sa iisang kama? Because he did it not just once but a lot of times."
"Masaya ka na niyan?" Naiinis na tanong ko. Palalim ng palalim ang mga titig ko sa kanya.
Lunok na ako ng lunok. Nagbabara ang lalamunan. Nag-iinit ang mga mata. Naalala ko naman ang dating ako... na dose lang pero iniyakan ang lalaking 'to. At mukhang mauulit pa.
"If it was you, siguradong hindi."
Tanga! Sinabi ko ng hindi niya ako maloloko. Tumatak na sa akin lahat ng ibinalita ni Kuya noon. Kaya... wag na ako.