6
"Magkaaway ba kayo?" Kunwa'y tanong ko sa kaibigan.
Ayaw ko nito, ayaw ko ang mga titig ng mga kaibigan. Para bang may kasalanan ako, gayong, I was also got caught off guard. Nagsisimula na ang laro sa ibaba, ngunit ang mga kaibigan ay nakatitig pa rin sa akin.
"H-hindi..." iling nito, para bang nahihiya.
And then I realized that she knew I had a thing with Santi. Kaya lang, nakaraan na yon. Hindi naman dapat na dinadala sa kasalukuyan.
"Sorry," nahihiyang sabi ko at inabot ang cellphone. Nagulat ito, medyo napaatras pa, bago umiling ng umiling.
"Kata, magagalit yan." Kagat labing sabi nito.
Nagulat ako, lalo na at napagtanto na hindi nga pala tamang basta ko na lang ipagkatiwala sa iba, gayong ako ang pinagbigyan. Siguro, kapag nalaman 'to ni Santi mabibigo iyon. Ako ang pinagkatiwalaan ngunit gusto ko namang ipagkatiwala sa ex nito.
"Pasensya na," nakayukong sabi ko na lang.
Hindi gaanong nagkomento ang mga kaibigan. Hindi naman siguro ito binibigyan ng malisya. Ewan ko ba, kung bakit sa'kin gayong simula kanina hindi naman kami nagkamustuhan. Ah, nga pala, kilala pa ba ako noon?
Ewan... wala ng imikan pagkatapos. Mas nagpokus na lang kami sa panonood ng soccer. Makukulit pa rin ang mga kaibigan ni Kuya Josef, nag-aapiran o kaya'y nagkakaasaran sa tuwing sumasakto ang bola sa goal. Totoo nga ang sinabi ng Kuya ko, magaling talaga siya.
Pansin ko mas dumadami ang nanonood. Sa isang banda, may nakita pa akong kaklasi. Ang iba, di man lang nahiya at nagtitilian. Ano ba naman?
Ngunit di ko rin talaga masisi ang mga 'to. Kung magaling na si Santi, dagdag pa ang swabe nitong galaw. Medyo seryoso pa nga at may pagkakataon lang na napapangisi. Nagmamayabang naman siguro. Ewan ko.
"Kata!!" Kaway ng nasa kabila.
Nagulat ako noong makita ang mga kaklasi. Nakangiti at kumakaway. Napangiti na lang din ako at bahagyang umayos.
"Sandali lang ako... pwede?" Turo ko sa kabila.
Mas naunang tumango si Flora kaya hudyat na para sa'kin na maglakad doon. Napayakap kaagad si Jenny na natutuwang nakita ako roon. Dalawang Linggo lang naman ang break, at madalas din kaming magkita sa labasan, kaya hindi ko maintindihan itong excitement na pinapakita niya sa akin.
"Ang galing ng Kuya mo." Turo niya sa ibaba.
Tumango ako, totoo naman. Natatambakan na ang kabilang kalaban. Na talagang dayo nga yata. Nagbubunyi na ang lahat, natutuwa na makitang tatlong puntos ang lamang.
"Mga kaibigan niya ba ang mga yan?" Turo ni Jenny.
Tumango ako, at nagulat na makitang namula ito. Kasunod din ang mga kaibigan nitong nasa likod. Dahil ba sa mga kaibigan ni Kuya? Hindi sa pangmamaliit, at sa prangkang paraan, average looks lang naman ang mga nando'n. Maliban kay—
"Ang gwapo no'ng isa..."
— kay Santi.
Mas lumakas yata ang appeal niya sa lahat ng kababaihan. I'm sure it was because of the training. Kung noon, lean but appealing lang ito, ngayon nga'y brusko na. Triple yata ang dinoble ng katawan. Mas matigas... kaya nga—
"Pakilala mo naman kami, Ate."
'Ate' ang tawag ng kaklasi ko sa akin dahil advance ng isang taon at higit ang edad ko kesa sa kanila. Mas bata kumbaga. Grade 11 ngunit kaka-sixteen lang nitong Oktobre.
"Susubukan ko." Alangan na sabi ko.
Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone na nasa loob ng bulsa ko.
"Papakilala lang naman..." hinampo nito.
Tumango na lang ako para matapos na. Bakit naman hindi? Ipapakilala nga lang daw. Walang sinabi na ilalakad ko nga.
"Ipapakilala ko muna kayo sa mga kaibigan ko."
Aya ko at tinuro ang pinagpuwestuhan kanina. Mas mabuting nando'n na kami bago pa man umakyat sina Kuya mamaya. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko ipapakilala ang mga 'to kay Santi. Ang labas, para bang binebenta ko ang isa kahit na hindi naman yon ang layon ko.
"Oo nga! Magaling yata 'to sa lahat ng bagay! Saka magaling kumanta."
Napakamot batok na lang ako sa pinagsasabi ni Jenny. Bakit kamo ako ang naging bida sa usapan? Ang awkward ng pag-uusap. Na para bang wala ako roon.
"Jen..." iling ko habang nagkakasundo ang lahat.
Ngumiwi ito ngunit natatawa. Napailing na lang ako at nanood sa ibaba. Dalawang puntos na lang ang hahabulin ng kabila. Kaya siguro naging seryoso sina Kuya. Napalunok tuloy ako lalo na at sa pinakamalayong field ay nando'n si Santi. Nakatingala rito. Sinilip ko si Giselle na tahimik at tulala kung nasaan si Santi.
Gusto ko sanang magtanong kaya lang naisip ko na kalabisan na yon. Mang-uusisa ako ng ibang buhay... na hindi naman yata tama.
Nagmamasid na lang ako sa nangyayari, kunwari ay nakikinig ako sa kanila. Pero ang totoo, pinagmamasdan ko si Giselle na habang tumatagal ay mas lalong napapaawang ang labi niya. Nag-iinit din yata ang pisngi, unti-unti na rin kasi itong namumula.
Naaaliw ako sa mga nalalaman. Di kaya totoo nga ang haka-haka kanina? Na hindi pa talaga nakakamove on ang dalawa? Gustong-gusto kong magtanong, ngunit tulad ng nauna kong sinabi. Hindi tama na manghimasok ako sa bagay na mga katulad nito. Pribado na yon.
Naibaba ko ang mga mata ng may nagvibrate sa loob ng bulsa. Napaawang pa sandali ang labi ko. Nag-aalangan na ilalabas ko ba o wag? Kasi alam nina Giselle kung kanino 'to. At pag nalaman nilang nangingialam, ano na lang ang iisipin ng lahat?
Lumingon ako sa field. Patapos na ang laro, talo na talaga ang nasa kabila. Tumayo ako at hinawakan ang bulsa. Magtatagal pa ba sila? Paano kung importante itong tawag? Kailangan ko bang bumaba?
Pwede naman, may dahilan ako. At hindi naman siguro masama kung lumapit man ako sa kanya.
"B-bababa ka?" Nahihiyang tanong ni Giselle.
Ah, masyado ba akong halata? Hindi pa ako nakapagpaalam. Pero sige, okay lang naman kung kasama si Giselle.
"May tumatawag," turo ko sa bulsa.
Tumango ito, napaiwas pa nga bago muling tumitig sa akin. Hindi ko mawari kung ano itong tumatakbo sa isipan niya. Para bang gusto niyang magsalita ngunit nag-aalangan. Nahihiya ba siya? Sa akin?
"Samahan mo'ko." Gagap ko kaagad sa kamay niya.
Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat. Hindi niya ba inasahan na mag-aaya ako? Ano namang mali roon? Sila ang may relasyon noon, kaya siguro okay lang kahit siya lang.
"Bababa lang kami." Turo ko kaagad.
Natigil ang pag-uusap. At namilog ang mga mata ko noong pare-pareho silang tumayo. Umaamba ring bababa.
"Sama na kami." Ngiti ni Jenny. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ay hayaan na nga ang mga 'to.
May ilan na ngang bumababa... siguro tulad namin ay gusto ring makiusyuso sa mga lalaking nag-uusap. Nagkakatuwaan sila roon. Samantalang iniisip ko naman ang panay vibrate na cellphone. Ano ba ang dapat na gawin ko?
Malapit na kami... ilang lakad na lang. Rinig ko pa ang kaba ni Jenny. Na nagmumura habang pinapakalma siya nitong mga kaibigan niya.
Napailing tuloy ako't binilisan pa ang paglalakad. Nagsunod-sunod na ang vibration. Baka emergency o baka nga galing sa mga magulang niya. Ewan.
Ang lapit ko na noong nagulat na may lumapit na isang grupo ng kababaihan. Mukhang mga Kolehiyala. Nangingiti. Ang gaganda pa naman ng lahat. Makikinis. Maiiksi ang shorts. At nakaayos. Maayos na maayos ang mga palamuti sa mukha.
Nagtilian pa nga ng bumuka ang labi ni Santi. Hindi ko alam, baka nagpakilala? Ewan.
Tumabi sa akin si Giselle, na parang maiiyak habang nakatitig din sa tinititigan ko.
Sino nga ba talaga ang hindi pa nakakamove on?
"Ipapakilala mo na kami,"
At dumagdag pa ang grupo nina Jenny. Napipressure ako sa nangyayari. Paano ako makakalapit kung isang grupo pa nga lang ng mga kababaihan ay stranded na sa grupo nina Kuya? Paano ako makakalapit?
"Mamaya na lang," atras ko. Natakot sa nangyayari.
Napasinghap si Jenny, nang lingunin ko ay galit ang pinapakita niya. Ngunit nagulat din habang nakatitig sa akin. May kakaiba ba? Gusto ko sanang magtanong. Kaya lang nabwiset ako noong makita ang galit niya kanina. Hindi ko naman siguro kasalanan kung marami silang nando'n? Obligado ko ba talaga na ipapakilala siya rito?
"Lumapit na tayo, Kata." Gagap ni Giselle sa braso ko.
Nangasim ang loob ng bibig ko sa dumagdag. Bakit ba?! Naiinis na ako sa totoo lang. Kasi hindi ako makapag-isip ng mabuti.
Ang galing lang mamilit nitong mga babae na 'to. Napipressure nga ako. At mas gusto ko na lang umatras.
Kaso nakahigit na ang braso ko. Nagulat ako sa pagiging agresibo ni Giselle. Nakatitig lang ako sa kanya, nakababa pa ang mga mata ko dahil nga mas matangkad ako sa lahat.
"S-santi..." tawag nito.
Nanlalaki ang mga mata ko sa nangyayari, nagulat din sina Kuya na natigilan sa pakikipag-usap sa ibang babaeng nando'n. Natigil ng ilang segundo ang mga mundo namin.
Si Santi lang itong seryoso, nakababa ang mga mata... nakatitig ng direkta kay Giselle na nanlalamig nga pero malakas ang loob. Anong dahilan? Bakit nagkakaganito 'to?
"May tawag ka yata..." gagap nito sa bulsa ko.
Nagbavibrate pa rin iyon... pero nabaliwala dahil sa gulat. Napaatras ako palayo kay Giselle na inaabot nga ang loob ng bulsa ko.
Kumunot ang noo ko at mabilis na hinuli ang kamay niya.
"Ako na," inis na sabi ko.
Anong karapatan niyang kapkapin itong bulsa ng shorts ko? Kung hindi ba masikip, basta niya na lang sasalisihan?
Naiinis na talaga ako... ang dami-dami nila. Nag-aagawan. Nag-uunahan. Para bang siya lang ang lalaki sa mundo!
Nanginginig ang kalamnan ko sa inis. Tinitigan ko rin ang mga babaeng 'to. Siya lang ba talaga ang lalaki sa mundo?
Naiinis ako kasi nag-aagawan ang mga 'to. Kung hahayaan niya ba ay magiging okay lang ba sa kanila na marami silang mag-aagawan? Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang mga 'to. Okay lang kahit may kahati?
"May tumatawag yata..." mariing sabi ko. Kinuha ang kamay niya. Kahit mainit iyon, kahit mabigat... hindi na ako tinablan ng kahit ano.
Nakatitig ako sa kanya, nakatingala. Nakatitig din siya sa akin, nakababa ang mga mata. Nakaawang sandali ang labi niya ngunit tinikom naman kaagad.
"Thanks," malalim na sabi niya.
Gusto kong umirap. Gusto kong manumbat. Pero... wag na lang. Aksaya ng oras.
"Kata..." tawag ni Jenny.
Tumalikod ako at naglakad palayo. Kahit na naririnig ko ang mga tawag. Naiinis pa rin ako. Nanginginig ang mga kamay... kaso, gustong-gusto kong lumayo roon. Nasasakal ako. Sa dami ng babae niya, nasasakal ako.
"Kata," tawag ng kung sino. Palabas na ako sa bulwagan. Kilala ko, kaso ayaw kong lumingon. Bahala siya, ayaw ko nga sabi ng ganito.
"Kata," pigil niya sa braso ko.
Natigilan na ako. Namimilog ang mga mata. Kinakalma ang sarili. Bago muling lumingon. Namamawis siya, hindi iyong mabahong pawis... pakiramdam ko nga mabango pa rin.
"Are you mad?" Nakaawang ang labing tanong niya.
Sumilip ako sa likod, at mabuting walang nakasunod. Makikita nila kaming nakaganito... at magmumukhang m kabali-balita nga ang nangyayari.
"Bakit?" Kunot noong balik tanong ko para rito.
"Galit ka ba dahil... hinawakan ka ni Giselle?" Alangan na tanong nito, nakababa ang mga mata. Nakatitig sa shorts ko. Na siguradong doon sa kinapkapan kanina ni Giselle.
"Bakit nga?" Iritadong tanong ko ulit.
"I'm sorry..."
Namilog na ng tuluyan ang mga mata ko. Bakit naman siya humihingi ng tawad para kay Giselle?
Mali na naman ba ang hula ko? Pareho pa ba silang hindi nakakamove on? Ganoon ba kalalim ang relasyon ng dalawa? Na kahit ilang taon na ang nagdaan, ganoon pa rin, pareho silang nangangapa.
"Nabastos ka yata..." dugtong niya.
Hindi ako nakapagsalita, nakikiramdam lang ako roon sa kamay niyang gumagapang sa braso ko... pababa sa siko. At natigil sa kamay ko.
Nagulat nga ako sa pagiging agresibo niya. Ang lakas ng loob. Gusto ko tuloy matawa, ang bilis niya ah?
Kung siguro ginawa niya 'to noong may gusto pa ako sa kanya, hinimatay na ako sa kilig. Kaso... sabi ko nga, lumaki na akong hindi siya ang crush.
"Siguro nga," sagot ko, "Pero pakibitaw ng kamay ko. Hindi kita boyfriend kaya wag kang dumiskarte riyan."
Napaawang ang labi niya. Na nauwi sa pagkagat ng labi... at pagngisi sa huli.
Napakurap ako sa nakita... naalala ko Giselle... noong mga panahon na panay lang ang pagbabantay ko sa dalawa. Naalala ko ang boyish na si Santi... hindi itong nakatayo sa harapan ko. Naalala ko ang Santi na interesado sa isang bagay.
"Nasabi ni Josef, crush mo raw ako noon?" Mayabang na tanong niya.
Nanlalaki na naman ang mga mata ko sa gulat. Kaya ba malakas ang loob niyang paglaruan ako ng ganito? Kasi nasabi ni Kuya Josh? Kaya ginagamitan niya ako ng mga matang yan at pagngisi-ngisi?
Nabibwiset ako!
"Wala ka nang paki do'n."