"Ano, nakikipagdate ka, Kata?" Kunot noong baling sa akin ni Kuya Josh.
Naputol tuloy ang mga titig ko kay Santi at napatitig na lang kay Kuya na mukhang naiinis dahil sa kasama ko.
Napailing tuloy ako at si Thad na naman ang tinitigan ngayon na medyo naiilang na nandito si Kuya at ang kaibigan nito. O marahil sa sinabi ng isa kanina. Hindi ito bingi para hindi marinig ang sinabi nito.
And for the record, Thad wasn't dating me! Friends lang kami, at malinaw na iyon noon pa man!
"Kuya! Friendly date lang." wasiwas ko.
Ang kaninang seryosong tanong ay nauwi sa mumunting tawa nito. Ngumuso ako at napaiwas doon. Bumuntong hininga si Thad na mukhang napanatag dahil sa paggaan ng paligid. At nagulat na lang ako noong tumabi sa akin si Kuya Josh, nakangising nakatitig sa akin.
Nang silipin ko si Santi ay nagpipigil na rin ng ngiti. At ang kapal lang din ng mukha na doon pa talaga naupo sa tabi ni Thad na wala ring nagawa kundi tumitig dito.
"E di group date na rin? Sasamahan namin tong kaibigan mo. Sabagay, hindi pa nga talaga kita nade-date simula nang umuwi ako." Ngising aso na sabi nito.
Mas lalong kumunot ang noo ko roon. Nakatitig na kay Kuya na hindi ko mawari kung nang-iinis lang ba o totoong gusto niya rin akong mai-date? Ang gulo-gulo na kanina, at dinagdagan pa ngayon.
Hindi ako nakasagot at napatitig kay Santi, nakangiti ito ngunit hindi rin maialis sa akin ang pag-aalala. I'm worried about the things he can do... sabi nga may behavioural disorder ito. Hindi ko maisip man lang kung paano ako kapag nagkataon na nahulog ulit ako sa lalaking 'to. Kakayanin ko ba? Because at this very young age, I didn't even think about s****l activities. Nakatulong din yata sa pagiging abala sa eskwelahan at sa mga kaibigan kaya lumaki akong hindi man lang nag-iisip ng 'siping'. Unlike this guy...
"Uuwi rin naman ako Kuya..." agap ko sa huli.
"Bakit? Kadarating lang namin a?" Maang na tanong ni Kuya.
Nilingon ko si Thad na bahagyang nag-aalala na rin sa akin. Alam niya ang nangyayari sa akin kanina. Wala talaga akong gana, at ipinilit na lang ang sarili sa pag-aakalang makakatakas ako rito.
"Hindi yata maganda ang pakiramdam ni Kata..." sabi ni Thad kalaunan.
Sumulyap lang sandali si Kuya Josh rito at saka muling tumitig ng matagal sa akin. Tumayo ito, sumunod si Santi na nakatitig lang din sa akin. At tulad ni Thad ay hindi na rin maipagkakaila ang pag-aalala nito sa mukha.
"Uuwi na rin kami."
Napabuntong hininga na lamang ako bago tumayo. I don't think I'll be able to execute another excuse para lang makaiwas.
Wala na rin akong nagawa lalo na noong nasa labas na kami ng mall. Naghihintay na lang ng masasakyan pauwi sa amin.
Nasa tabi ko si Kuya Josh, sa kabila si Thad at sa tabi naman ni Kuya si Santi. Walang imikan. Ako nama'y nag-iisip pa rin nang malalim.
Iniisip ko ang nangyari kanina. It bothered me alot. Iniisip ko pa lang na makakatabi ko 'tong lalaki na 'to ay kinakabahan na ako. Napatunayan ko na rin yata ang mga haka-haka ko noon. At sa tingin ko ginagawa rin nina Giselle iyong mga bagay na hindi pa naman dapat. I just couldn't imagine how my friend endured all these things.
"Tara na," aya ni Kuya, ni hindi ko napansin na nakaabang na pala sa mismong tapat namin ang jeep na maghahatid pauwi sa amin.
Mas lalong wala akong nagawa kundi ang sumunod, itutulog ko na lang siguro ang naunsyaming pagtakas sa bahay mamaya. Ayaw ko na rin namang mag-isip pa lalo. Mababaliw lang ako.
Naunang naihatid si Thad, umusog ang mga nakaupo. Tumayo si Santi, kahit nakayuko e muntikan pa ring tumama ang ulo nito sa bubong. Nagulat na naman ako sa kakapalan ng mukha nito at talagang dito pa tumabi sa akin. Si Kuya Josh at sumilip lang ng isang beses bago tinuon ang mga mata sa labas.
Hindi ko gusto itong nangyayari. At lalo na sa pagtabi niya sa akin. Kaso paano pa ba ako makakaangal kung wala pang limang minuto ay punuan na naman kaagad. Naibaba ko tuloy ang sombrero... naiwan naman sa loob ng bag ko ang sout na mask kanina.
Muling umusog kaya nagkagitgitan, nag-aalalang tumitig naman sa akin ni Kuya Josh... worried nga yata na baka kapusin ako ng hininga sa sobrang sikip. Ngunit di naman yata mangyayari, I think I knew why. Si Santi ang pumipigil ng mga taong nagsisiksikan.
Napatingala tuloy ako at napatitig sa lalim ng mga mata niyang nakababa at nakatitig sa akin. Parang di naman siya nahihirapan.
"We're almost home, Kata... konting tiis na lang, hm?"
Tumango ako at ibinaba ang mga mata. Ni hindi pa nagtatagal ang mga mata ko roon nang tumigil ang jeep sa pag'para' ni Kuya Josh. Nauna itong yumuko at lumabas. Sumunod naman ako... hindi pa nag-iisang segundo ng nag-init ang pisngi nang maalala na nasa likod ko lang si Santi. Nakasunod. And I wonder what he's thinking while I was at that position and he's just behind me.
Bahala na nga! Di ko naman yata kasalanan kung kakaiba na itong tumatakbo sa isipan ko.
Naglakad na lang kami kalaunan. Nasa magkabilang tabi ko ang dalawa. Walang nagsasalita. Marahil sa maalinsangang panahon.
Nang nasa bahay na kami ay nagulat akong makita sina Mommy at Daddy na nanonood ng telebisyon. Nang sila lang. Wala ang mga kaibigan namin doon.
"Pops, no work?" Tanong ni Kuya Josh.
Napabaling dito si Daddy na nagulat sa pagdating namin. Naibaba nito ang brasong nakaakbay kay Mommy. Ngumiti si Mommy habang nakatitig sa akin.
"Undertime, masama raw ang pakiramdam ng Mama niyo."
Nagpalpitate ang kilay ko nang marinig iyon. Nakatitig na nang pagtataka kay Mommy na ngumiwi pa bago nilipat ang mga titig sa amin ni Kuya Josh.
"Di kaya buntis ka Mommy?" Nagdududang baling ko rito.
Nagkatinginan ang dalawa, nagulat yata. O hindi? Because Mom's cheeks turned red. Si Daddy nama'y napakamot sa pisngi.
Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi. I can't blame them, si Mommy bata pa talaga iyan. She turned 35 this year, syempre di naman yata nakakaduda kung buntis nga ito. But... I don't like the idea of having a new member in this house.
"Wow, congrats Ma!" Galak na sabi ni Kuya Josh.
Nakagat ko lalo ang labi at tiningnan silang tatlo na masaya sa balita. I-I just can't— I sighed. At nakalimutan kong nasa tabi ko nga pala si Santi.
Napatalon ako nang naramdaman ang pagdampi ng kamay niya sa likod ng bewang ko. Kung sa kanya pang-aalo lang yon, sa akin... it brings some dirty thoughts.
"Stop touching me," bulong ko.
Napasinghap ito at ibinaba ang kamay. Kahit papa'no nakahinga ako dahil sa ginawa niya. Ni hindi ko matagalan ang paghawak pa lang niya... paano kung tumagal ang panliligaw niya 'kuno'? Paano ko ba babastedin?
"I'm sorry Kids, hindi kaagad namin nasabi." Ngiting-ngiti si Mommy.
Nakangiti rin sina Kuya at Daddy. But all I can do was nod. Hindi ko pa kayang mag-isip sa ngayon.
"Akyat kang ako Mommy... magpapahinga lang."
Ni hindi na ako sigurado kung narinig ko ba talaga silang magsalita o hindi. Mas inuna ko ang makaakyat na't makapagpahinga na rin. Mamayang hapon siguro ay bababa na rin ako para kumustahin ang mga kaibigan.
Nakahilata na lamang ako sa ibabaw ng kama habang nakatulala sa kisame. Pagod ako sa pag-iisip, at lalong napagod pa dahil hindi naman talaga ako nakatulog kaninang madaling araw.
Hapon na nang nagising ako, naligo at muling bumaba. Walang tao ngunit nasilip ko sa kusina ang mga nakatakip na pagkain. Kumain muna ako at naghugas ng pinagkainan bago muling umakyat... kumunot ang noo ko nang makitang nakaawang ang isang pintuan sa isa sa mga silid na nandoon.
Hindi naman na dapat ako sisilip pa, hindi ko alam kung sino sa mga bisita ang natutulog dito. Ngunit gawa ng minsanan kong paglabas ay naging kuryuso rin ako kung kaninong silid ba ito... which was I regretted later on.
Naitakip ko ang palad sa sariling labi at nagkukumahog na tumakbo sa sariling silid. Na huli na para maisip kong nakagawa ako ng ingay. But that was the less of my concern.
I groaned as I was shaking my head. Hindi maalis sa isipan ko. Lalo na kahit pumikit pa ako ng ilang ulit! Mas lumalala nga! Naiisip ko pa rin. Nangangatog ang kamay ko sa kilabot. Tinatampal ko na nga ang braso sa pag-aakalang magigising ako sa masamang panaginip. Kaya lang, walang talab.
Nanonosebleed yata ako dahil nag-iinit ang pisngi't mata. Naalala ko! HD lahat, iyong ugat ng kamay niya... at ugat ng kanya?
Napasigaw ako sa inis at itinakip ang unan. Nagsisigaw sa frustration, paano kung si Mommy ang nakahuli noon? Di lalong nakakahiya.
Nairita ako roon sa iniisip, kung may katangahan ba naman sana naglock man lang ng pinto! Hindi ganito, hindi ganitong mahuhuli ko siyang nakaupo sa kama at nakababa ng kaonti ang pants saka nasa tapat ang maugat na kamay... nakahawak doon...
Oh please! Patawarin nawa ako sa nakitang kahalayan.
Papikit-pikit pa rin ako nang tumunog ang cellphone. Nanginginig na inabot ko ito at makitang si Farrah pala ang napatawag.
"Girl! Nasa'n ka?!" Maingay nitong tanong.
Nanginginig pa rin ako, lunok ng lunok... at hindi maitikom ang bibig dahil sa sumisidhing nerbyos.
"P-pass," sabi ko kaagad, kahit na wala pa namang naririnig.
Bumuntong hininga ang nasa kabila, namatay ang excitement na narinig ko kanina.
"Okay, pahinga..." paalala nito.
Tumango ako kahit na hindi niya naman masisilip. Nang wala ng tawag ay nahiga ulit ako roon at kinalma ang sarili ngunit sa tuwina'y sumasagi sa isipan ko ang nadatnan.
Naiirita ako para sa lalaking 'to. Ni hindi man lang nag-isip na e-lock itong tinutuluyan niya! Ano yon? Sinadya?!
Nawalan na tuloy ako ng gana na hanapin ang mga kaibigan. Paano pa kung naiirita lang ako at nangingilabot sa ginagawa ni Santi?
Paano pa ako kakalma?
Napatalon ako roon at mabilis na naupo sa kama nang nakarinig ng katok. Marahan lamang kaya hindi ako kinabahan ng binuksan iyon... na sa huli ay pinagsisihan ko rin. Nangangatog ang tuhod ko noong makita si Santi na nakababa ang mga mata... parang kakagising niya lang. Malamlam ang mga mata, at ebidensya ng taong kakagising lang.
"It was you, right?" Marahang tanong nito.
Nalaglag ang panga ko para rito, anong sabi niya?! Anong ako?! Alam niya na kaya?
"Your parents have to go somewhere with your brother, Kata. And our friends, they're already absent since this morning. So that means, we're left here alone."
Mas lalong nahulog ang panga ko sa mga sinasabi nito... alam niya! Alam niya!
Shit!
Paano ko naman ipapaliwanag ang sarili? Punong-puno na ba ng konsensya ang mukha ko kaya kahit magdeny ako rito ay malalaman niya pa rin?
Naitikom ko ang bibig, handa na sanang magsalita ngunit ganoon na naman ang gulat ko ng namula ito. Moreno ito, nabilad sa init, ngunit kita pa rin kung paanong namula ito.
Napadila pa nga bago napalunok.
"I'm sorry about that, Kata. Di ko naman intensyon na takutin ka. A-ano, sadyang..." bumuntong hininga ito kalaunan.
Naghihintay pa rin ako sa idudugtong nito ngunit wala nang kasunod. Isang minuto. Dalawang minuto. Ang tahimik. Nakalimutan ko na ang sasabihin sana.
Nakatayo ako roon sa loob ng sariling silid samantalang siya ay nasa labas at malalim pa rin ang titig sa akin. Namumula ang pisngi, ganoon din ang labi nitong nanunulas sa pagdila at pagkagat-kagat nito. Kaya namumula rin pati ang labi nito.
"Satyriasis."
Isang salita lang galing sa kanya ay alam ko nang gusto niyang umamin. Hindi ko alam na kaya niyang umamin sa ganitong kaagang paraan! Kinabahan tuloy ako sa nangyayari...
"Male version for a nymphomaniac, Kata." Sabi nito.
Nalaglag na nang tuluyan ang panga ko para rito...
"Yes, Kata... I have an excessive s****l desire... kaya, sana wag kang mandiri sa akin."
Paano? Kung takot ako sa pinapakita niyang hindi naman dapat? I am Kata Reina, at hindi ako tukso na tulad niya.