12

1968 Words
"H-hahanapin ko ang mga kaibigan," iwas ko rito. Mabilis din ang mga kilos ko para nama'y hindi na siya ulit magsalita pa. At ang totoo, hindi ko alam kung paano siya iintindihin. May parte sa'king takot at awa ngunit alam ko kung saan ang hantungan nito. Kung maaawa ba ako, ano nang mangyayari? Tumitig lang ito ng sandali saka nagbuga ng hangin at doon na nagdesisyon na umalis. Hindi pa rin ako kumikilos, siguro nakatatak na sa isipan ko iyong kinatatayuan niya kanina kaya hanggang ngayon tulala pa rin ako roon. Sige nga, paano na yan Kata? Are you sure it's still okay kahit na ganyan ang nangyayari? Paano na? Para kumalma ay tinotoo ko ang sinabi kaninang hahanapin ang mga kaibigan. At pare-pareho ko silang nahanap sa tindahan ni Manong Alfonso, katapat ay ang likurang bahagi ng plaza. Medyo alangan pa akong lumapit no'ng una, dahil hindi ko naman talaga intensyon na hanapin sila roon. Ngayon, at nahanap ako ng mga mata ni Leo ay wala na akong nagawa kundi ang lumapit. Tinitigan ko si Giselle na tahimik na kinakain ang barbecue'ng binili yata sa katapat na tindahan. Hindi ko mawari kung paano niyang magbunyag ng ganoon... napag-isipan ko na rin kung ano ang mga posibilidad at bakit ganoon ang mga sinabi niya. Bina-blockmail niya ba ang taong yon? For what reason? Ah, hindi pa nakakamove on. Sa napagtanto, nakaramdam ako ng inis sa ginagawa niya. Ano ngayon kung hindi pa siya nakakamove on? Kasalanan ba ni Santi? Sa naisip ay bigla akong napasinghap... problema na nila iyon, hindi ko obligado ang mangialam. Tumabi ako kay Hannah na nanonood sa katapat na tindahan. Iniintindi ko naman ang nangyayari, at kahit iyong mga tuksuhan nina Leo, pilit rin. Ilang minuto pa ay tumayo na ang mga ito kaya sumunod ako, muli kong inayos ang buhok at tinali nang mabuti. Medyo umarko lang ang kilay ko nang makitang nakatitig sa akin si Giselle, iyong nakatitig lang talaga. "Ang ganda-ganda mo talaga, Kata." Putol ni Daniel sa pagtataka ko rito kay Giselle. Tuluyan na nga akong nagtaas ng kilay. Na siyang ikinatawa nina Ares at Leo... at siya ring ikinahagalpak nang tawa nina Flora at Hannah. Kaya lang, si Giselle itong ipinagtataka ko nang mabuti. Nakatitig lang ito, iniisip ko na baka nga may mali sa inaasal ko. Kaya sa halip na mainis pa ay inayos ko itong reaksyon ko't tinitigan ang kaibigan na sa huli ay napagtanto ring kanina pa pala ako nakatitig. Yumuko ito... na siyang dahilan kung bakit nainis na ako. Kung naiinis siya, pwede niyang sabihin. Alam ko na hindi ito mapakali habang nandito ako. Alam na alam ko lalo na sa nangyari. Paano niya nakakayang makipagplastikan sa akin? Alam ko, at sa mga nangyari, hindi niya na ako gusto bilang kaibigan. Ako ang higit na karibal niya kay Santi... kaya paano niya pa ako magugustuhan pagkatapos ng mga nangyari? "Pasyal pa tayo..." sabi ni Hannah, na siyang ikinabaling ko. Hindi ko na nasundan ang nangyari, marahil sa sobrang pag-iisip. O kung ano. Ewan, "Kailan ba ang uwi niyo?" Medyo mahinang tanong ko sa lahat. "Sa Sabado," Ibig sabihin may dalawang araw pa. Iniisip ko na pwede kaming maligo malapit sa isang resort. At pwedeng magkaroon ng pangalawang selebrasyon si Kuya Josh. Kakausapin ko ang isang yon. Bago man lang umuwi ang mga bisita namin. Sandaling pinanood namin ang kaonting palabas sa loob ng gymnasium bago umuwi na nang tuluyan. Doon na ako natigilan, habang papalapit ay mas lalong nagiging mabagal ang paglalakad ko. Siguro dahil alam ko kung sino ang naghihintay sa bahay. Sa nangyari kanina, di pa yata oras para magkita kaming ulit. Paano ako? Ang ibig kong sabihin, paano ko siya tatratuhin nang hindi naiilang? Nauna ang mga kaibigan, nasa pinakalikod naman ako. Pinanood ko ang likod ni Giselle na mukhang atat na yatang pumasok. Nauuna kesa sa ibang mga babae, alam ko naman kung bakit... ayaw ko lang nang masyadong iniisip. Nakagat ko na lang ang labi nang nakitang lumabas si Santi mula sa kusina. Basa ang kamay, magulo ang buhok... at naka-apron. Para naman akong matatawa. Kalaking tao ngunit naka-apron. Inunahan na nga lang ako ng kuryuso at tinitigan siya na ngayon nga'y nakangisi at binabati ang mga kaibigan. Natigilan nga lang ako sa iniisip nang maalala kung ano ang nadatnan ko kanina. Nakapikit. Nakababa ang kamay. Nag-uugat iyon. Nakalapag sa tapat ng kanya. Na magyayabang habang nakaturo sa itaas. Pinangilabutan na lamang ako roon sa iniisip at nagdadabog na inakyat ang pangalawang palapag. Narinig ko ang tawag ng isang kaibigan ngunit dahil aburido ako sa tumakbong imahe sa isipan ko ay nabaliwala iyon. Oo nga, hindi ko kasalanan. Ngunit ayaw ko na ring maalala iyon. Nadudungisan ako. At kasalanan ni Santi iyon. Naluluha na lang ako habang iniisip na nadungisan ang kainosentihan ko sa nangyari. Nakatakip ang buong mukha ko sa unan, nakadapa ako roon. Okay na e! Nakakalimutan ko na kahit papa'no ngunit sadyang bumabalik dahil nandito pa siya... paano pa pag nagtagal? Sa sobrang pag-iisip yata ay hindi ko naramdaman na may pumasok sa sariling silid. Kung hindi ko lang naramdaman ang pagbigat ng isang kamay sa likod ng bewang ko ay baka hindi na ako lumingon pa. At ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita siyang nakaupo sa tabi ng kama ko. Nakababa ang mga mata. Wala nang sout na apron, kundi siya na lang. Napabalikwas na ako nang bangon at naupo katapat sa kanya. Naiiyak na lang ako habang nakatitig sa kanya. Bakit naman kasi hindi siya nagla-lock ng pinto?! Doon na yata talaga napag-isipan ko ang lahat. Kumbaga, nagka-aftershock. "Are you okay?" Puno nang pag-aalala ang mukha niya habang malalim ang titig sa akin. Nakakapanghina naman, at itong mga titig niya talaga ang mabigat sa lahat. Maliban sa gwapo na ito at sa katawan nito... yong mga mata niya ang agaw pansin sa lahat. Siguro dahil malalim at mabibigat ang titig. "O-okay lang, matutulog lang ako." Kung hindi niya pa nakukuha ang pagpapaalis ko sa kanya dito sa loob ng silid ko. "I'm sorry for what happened. Kaya ba bigla kang nagalit dahil sa mga inamin ko kanina? At dahil na rin sa nakita mo?" He was confused as he's thinking about the reason. Hindi na ako nakaimik. Tinitigan ko ang frame na nakalapag sa side table. Naiilang pa rin ako... lalo na pag bigla-bigla na lang siyang pumapasok sa silid ko. Ni hindi man lang nagpapaalam. Ah, unang beses ba? Kanina kumatok naman ito. "I'll try to be discreet next time, Kata." Hindi pa rin ako umimik, naibaba ko ang mga mata at tinitigan ang kamay na pumipisil sa isa't isa. Hindi ko pa rin mawari kung ano ang dapat kong sabihin. Nabahag na yata ang buntot ko roon. O sadyang iniisip ko ang mga mali. Siguro nga takot lang akong mabastos. Kaya ganito... maliban sa nasaktan ako noon, na mukhang nitong huli niya lang nalaman... ay wala namang iba pang dahilan. I should be somewhat understanding or sympathetic. Hindi niya naman siguro kasalanan. "Galit ka pa rin?" Ulit nito, at pilit na sinisilip ang mukha ko. Napatitig na lang ako sa kanya. Hindi ko mawari kung ano ang dapat kong sabihin. Ano nga ba? Maliban sa nadungisan ang kainosentihan ko, ano pa nga ba? Umiling ako na siyang hindi ko rin naman inasahan na magiging reaksyon ko. Marahil nagkabuhol-buhol na ang mga iniisip ko ngayon. O marahil alam kong hindi na tama kung patatagalin ko pa ang inis sa kanya. Gayong tulad nang sinabi ni Kuya Josh, dito muna ito habang hinihintay nila ang resulta ng exam. Nahimasmasan yata ako sa mga nangyayari. Nitong nakalipas na mga araw ay parang lagi akong hindi mapakali. Na hindi tama na. "I'm sorry for what happened, hindi mo dapat nakita." Ulit nito. Tumango ulit ako roon at yumuko saka muli siyang iningatan ng titig. Iniintindi ko ang kondisyon niya... tama ba talaga ang ginawa ko kanina? Mga katulad niya ang hindi dapat pandirihan, sabi nang isang teacher ko noon. Naalala ko bigla. Ngunit sa naging reaksyon ko ay halatang nandiri ako bigla sa kanya. "O-okay na," nanghihinang sabi ko rito. Noon lang siya napangiti... napakurap naman ako roon at mabilis na iniwas ang mga mata. Hindi dapat, malayo na ang agwat naming pareho. Hindi na dapat ako masaktan ulit. Kalbaryo ang taon na iniyakan ko siya noon. Na wala naman siyang ideya. "Baba na tayo, kakain na." Ngiti pa rin nito. Tumango ako at mabilis na ibinaba ang mga paa. Sisilip muna ako sa banyo bago sumunod sa kanya. Naghilamos ako roon at muling pumihit ngunit ganoon na lang ang gimbal nang makita siyang nakaupo pa rin sa kama ko. Nawala na ang ngiti ngunti nakatitig dito, kung saan ako nakatayo. "T-tara na," aya ko kaagad. Tumango lang ito bago tumayo. Pinanood ko ang buong bulto niya, na kinailangan ko pang tingalain. Mas matangkad talaga... tatangkad pa naman ako. Kaya siguro ilang taon na lang ay hindi na ganito kataas ang titingalain ko. "Mag-usap ulit tayo pagkatapos nito." Bulong niya. Hindi ako nakasagot. Nauna akong bumaba at nadatnan ang mga kaibigan na nakaupo na sa harap ng hapag. Sumunod ako... ganoon din siya na tumabi kay Leo. Sumulyap lang ng isang beses sa akin bago nanalangin. Kumain na rin kami, maingay ngunit ako itong tahimik lang at sumasagot kapag kinakailangan. Kunot ang noo ko roon sa mga ulam na nandoon. At saka tinitigan si Santi na nakangiti at nakikitukso rin sa mga kaibigan nito. Nanginginig na inabot ko ang pinakamalayo ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang may nag-abot sa akin. Si Santi na nakangiti. Hindi naman ako makangiti, at tinanggap na lang ang inabot nito. Tinitigan ko kaagad si Giselle na nakasunod pala ang mga mata sa nangyayari sa'ming dalawa ni Santi. Hindi ko tuloy magawang kumalma. Ni hindi na ako makasunod sa pinag-uusapan. Ibinalik ko na lang ang ulam malapit sa akin. At muling kumain. Nagugustuhan ko ang lasa nito. Kaso kabado nga ako... hindi ko matitigan ulit si Giselle. Na kakaiba ang mga titig. "Naks, natutunaw Santi!" Hagalpak ni Leo. Naiangat ko tuloy ang ulo at napatitig sa tuksuhan. Sa pag-aakalang dahil kay Giselle ngunit nang makitang sa'kin siya nakatitig ay napipilan na ako roon. Ang lakas nang tuksuhan ng lahat. At mas lalo akong hindi mapakali. Naiyuko ni Giselle ang ulo, nanghihina siguro sa nangyayari. Napalunok ako roon, at naalala ang mga nangyari ilang taon na ang nakalipas. At tulad ng panlalambot ko kanina sa sitwasyon ni Santi ay ganoon din ang nangyayari sa'kin para kay Giselle. Sure, naiinis ako sa pagiging plastik niya ngunit ayaw ko ring maranasan nito ang sakit na naramdaman ko noon. "Tama na," sa lahat ng tuksuhan ay doon lang ako lumabi. Lumakas tuloy ang pang-aapura ng lahat. Naiyuko ko na lang ang mga mata. Hindi na nakaimik. Ngunit ganoon na lang ang pagtigil ng lahat ng sumunod-sunod ang hikbi ni... Giselle? Namimilog tuloy ang mga mata ko para rito. Na hindi pa nag-iisang segundo ay nagsituluan ang mga luha. Na parang gripo. Awang ang labi ko sa nangyayari. Hindi ko maalala na umiyak ako nang ganito. Sa harap pa ng mga kaibigan namin! Noon ba habang tinutukso siya ay umiyak ba ako? Hindi! Kasi ayaw kong kaawaan ako ninuman. Palaban ako... kaya kahit di niya napapansin ang pagpalis ko sa kamay niya noon ay lumalaban ako. Ayaw kong umiyak. Ngunit iniyakan ko nang ilang beses ang lalaking iniiyakan niya ngayon. "Hala, sorry Gis!" Hinging paumanhin ni Hannah na tumabi na sa kanya ngayon. "Sorry!" Sunod-sunod na hinging paumanhin ng lahat. Naging insensitibo ang lahat. Nakatitig lang ako sa nangyayari. At binalingan ko si Santi na kunot ang noo habang nakatitig sa dating girlfriend. "H-hindi naman siya gusto ni Kata e!" Napaawang ang labi ko sa biglang pag-aalburuto niya. Natahimik na ang lahat. Walang nagsasalita. Hindi ko kayang sumalungat... dahil totoo naman. I've moved on. "Paano niya magugustuhan iyang taong yan kung may Satyr—" Napatayo na ako roon. Sumunod si Santi na nagulat din yata sa gustong sabihin ni Giselle. "Gis!! Tumahimik ka na nga!" Noon lang ako sumigaw nang puno ng inis sa babaeng 'to. Sa isipan ko, pinapalayas ko na siya rito. Nagkatitigan na lang kami ni Santi. Nagulat yata sa pag-alburuto ko rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD