13

1941 Words
Hindi na nakaimik si Giselle, napagtanto na siguro nito ang mga gustong ibunyag. Sa halip na maawa ako sa kanya, nagalit na ako nang tuluyan. Hindi ko siya maintindihan, sarili na lang ba lagi ang uunahin? Paano ang ibang tao? Nakaramdam na ako nang awa kay Santi na napalunok na lamang. I think he's confused now, he seems didn't know what to do next. Ako nama'y ganoon din ang nangyayari. Ang mga kaibigan namin ay nakatulala. May ilang nagtataka, ngunit mas marami ang nabigla. Pabagsak akong naupo sa upuan. Nawalan na ako nang gana... ngunit sa huli ay muling tumayo, na ikinalingon nilang lahat. "You two should talked." Iyon na lang ang nasabi ko bago magalang na umalis sa hapag. These past few days, maraming nangyari. That it crumbled down my senses. Hindi na ako ito, hindi lang basta ako naiinis... nagagalit na. Wala na akong imik pagkatapos din noon. Ang plano ko sanang maligo sa susunod na araw kasama ang mga kaibigan ay nabago. Paano pa kung ganitong magulo? Kinabukasan ko na ulit nakita sina Mommy at ang pamilya ko. Ang mga kaibigan nama'y nandoon nga ngunit hindi nagkakaimikan. Malinaw pa rin sa lahat ang nangyari kahapon. At sino namang gaganahan pa pag ganoon? Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na sa wakas isang araw na lang ay magiging tahimik na ang lahat. Si Giselle, dapat siyang kumalma at hindi iyong bigla na lang magpapaawa at maninira ng pangalan ng iba. Kung tutuusin, pareho kaming walang karapat na mangialam sa problema ni Santi. Oo nga naging masama ang pagtingin ko sa kanya, ngunit alam ko rin naman kung paano lumugar. Nang nakitang awkward ang lahat ay doon na ako umakyat ulit. Pinag-aralan ko na lang ang mga dapat. Lalo na dahil gusto ko ngang lumipat. Sa susunod na taon pa naman ang exam ngunit mainam na rin ang maging handa. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa isang katok. Na inakala kong isa kina Mommy o kaya si Kuya Josh. Si Santi na nakatayo sa harap. Nakababa na naman ang mga mata, malalim ang titig. "Kakain na raw..." medyo seryoso nitong sabi. Hindi ako nakakilos kaagad. At mukhang inaasahan niya na ring mangyayari iyon. Iniisip ko na naman ang nararamdaman niya. Marahil hindi pa rin ito okay, o baka nga nag-aalala pa sa mga maaaring mangyari. "O-okay ka na ba?" Kabadong tanong ko para rito. Saglit itong natahimik bago tumango, nakababa pa rin ang mukha. Medyo madilim. Hindi dahil sa mood, kundi siguro dahil bahagyang madilim sa bahaging 'to. "We'd talked, Kata... humingi na nang paumanhin." Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi nitong humingi na nga ng paumanhin. Ano yon? Kapag naputol na naman ang pagtitimpi nito, sasabihin niya na naman sa lahat? "Hindi ko nagustuhan iyong ginawa niya kahapon," sabi ko na lang. Ngumiti siya ng bahagya, na parang malungkot. Na hindi ko naman mawari kung alin nga sa mga emosyon na yon ang pinapakita niya. Naghalo-halo. "Sanay na ako sa ganoon, Kata... madalas nga tinutukso na lang ako kapag nalalaman ng mga kakilala." Tawa nito. Hindi ko naman magawang matawa tulad niya. Pinanood ko ang mukha nito... parang biro na lang kahit di naman biro iyang kondisyon niya. "Kailan lang?" Lakas loob na tanong ko para rito. Natigilan siya bago tumitig sa kabila. Gusto ko sanang sumilip din kaso nabigla na lang ako nang tinulak niya ako papasok doon. "Sa loob, usap tayo." Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa utos nito. Kaming dalawa sa iisang silid? Kumalma ka nga Kata! Di naman ito ang unang beses. "You look tense..." tukso nito bago pinagpag ang kama ko saka hinila itong braso ko para maupo sa tabi niya. Totoo ngang kabado ako para sa aming dalawa. Nilock niya nag pintuan kanina! Paano ako makakalma nito? "Calm down, Kata. We'll gonna talk." Tumango ako nang wala sa sarili. Masyado namang pribado. Na pakiramdam ko ay nag-iinit ang batok ko sa hiya. Kaming dalawa, sa iisang silid? "You really look tense," tawa nito at dinampian ang sentido ko ng likod ng palad niya dahilan kung bakit napaatras ako palayo roon. "M-mag-uusap na nga!" Kabadong bulong ko rito. Natawa lang ito, na siyang dahilan kung bakit mas nanindig ang balahibo ko. "Ito na, sasabihin ko na... Just... just stop giving me that look." Iling nito. Ngumuso na lamang ako at umiwas. I could hear how he cleared his throat. Na parang magsasalita na talaga. "I don't have a traumatic childhood." Doon na ako napalingon, hinintay ang sasabihin pa nito. Hindi naman siya nakayuko, hindi rin nakatitig sa harapan kundi mariin ang titig sa akin na pakiramdam ko ay nalulusaw ako roon. "Sadyang, nahilig at tinamaan ng ganyang kondisyon." Ngumiti siya na parang kay gaan lang noon, "Disenuebe lang ako noon Kata nang nalaman na hindi normal ang pagkakahilig ko." Namilog na ang mga mata ko sa gulat. Medyo napaatras nang kaonti at nahuli niya pa iyon! Hindi ako nakaimik dahil sa nalaman. Mahilig! s**t! Akala ko pa naman ay dahil sa may pinagdaanan ito noon kaya nagkakaganyan siya. I was expecting that reason! "S-sorry," garalgal na sabi ko. Kumunot ang noo nito, medyo kumalma na sa pagkakangiti. Ngunit kita pa rin ang pagiging kalmado sa nangyayari. "It's not your fault, Kata." Iling nito. "Hindi yon! I mean, I saw the video." Nakayukong sabi ko rito. Alam kong nagtataka ito, walang ideya nga yata talaga na pinanood ko iyong video. Na may kasama siyang tatlong babae. Halos limang araw din akong hindi nakatulog noon. Iniyakan ko pa siya! Nandiri ako bigla. Na hindi ko man lang inalam ang puno't dulo. "A-aling video?" Kabadong tanong nito. Nakatitig na nang mariin sa akin. Kulang na lang silipin din nito ang mukha kong unti-unti nang yumuyuko sa hiya. Nag-iinit ang pisngi ko. Na alam kong mas lalong namumula. Ayaw kong makita niyang ganito ang reaksyon ko habang inaalala ang nangyari noon. "Aling video, Kata Reina?" Doon na namilog ang mga mata ko, at hindi na inisip ang kasalukuyang pamumula basta't tumitig na lang sa kanya. Na noong una ay naniningkit lang ang mga mata habang nakasilip sa akin. Na nauwi sa pamimilog din ng mga mata. Nahuli kong lumunok ito. Slow mo. "I told you, don't give me that look..." Napaiwas ako rito, ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. "You're a tempt, Kata. You know that, right?" Namumungayang mga matang sabi nito. Halos lumuwa naman ang mga mata ko sa gulat. Nakaawang na ang mga labi nito. Papalapit. At halos mahulog ako sa kama ng dumampi ang dulo lang ng labi niya sa labi ko... at sinamahan pa ng katok. Mabilis kaming napalayo sa isa't isa. Natataranta ako sa nangyari, nangangatog ang tuhod ko rito. Muntik na akong nadapa kung hindi lang napahawak sa doorknob ng bathroom. "Hoy! Santiago! Anong ginagawa mo diyan sa loob ng silid ng kapatid ko?!" Napapikit na lang ako sa hiya lalo na nang bumukas ang pintuan at puro sermon ni Kuya Josh ang binungad sa amin. Gusto ko tuloy magtago sa loob. Mainit pa rin ang pisngi ko sa eksena. Muntik na! Nakalapat na ngunit hindi natuloy! Dapat ba akong magpasalamat? "Tara na De Santiago! Tangina! Wag kang tumambay diyan!" Sigaw ni Kuya na ikinatawa na lang ni Santi. Nakatalikod pa rin ako, nakapikit minsan ngunit madalas na nawawala sa sarili. Kung hindi ba dumating si Kuya Josh, ano nang nangyari? I just can't... I couldn't even imagine. Limang minuto pa ay sumunod na ako roon. Kumain kaming lahat ng tahimik. Walang nag-iimikan kundi talagang nag-uusap lang kapag tinatanong nina Mommy at Daddy. Si Naru lang itong nag-iingay. Siguro awkward pa rin dahil sa nangyari kahapon. Kinahapunan nagkanya-kanya na naman kami ng mga ginagawa. Mabuti na lang nag-aya ulit si Farrah at gustong makipagkita ng mga kaibigan. Ginawang dahilan ko iyon para makaiwas sa mga nagmamasid na titig ni Kuya Josh. Mula kanina hindi na ito mapakali. Siguro kasi may nararamdaman siyang kakaiba. Kakaibang nangyari. Na si Santi, pinapahalata naman masyado. "Girl, may problema ba?" Bulong ni Farrah na siyang ikinalingon ni Karen. Tatlo kaming nandito at nakaupo sa burol na tanaw ang soccer field. Kaming tatalo lang, at wala ang mga boys. Mabuti na tong ganito dahil kanina pa ako hindi makahinga ng mabuti. Nasasakal ako sa mga iniisip. "Minsan ba ramdam niyo yong inis ko sa inyo kapag may hindi ako gusto?" Matamang tanong ko rito. Napatawa si Karen na sinabihan pa akong OA. Napailing na lang ako... totoo nga, paano ko ba ipapaintindi ang sitwasyon sa bahay? Sa ganitong sitwasyon, sila lang ang pwede kong pagkatiwalaan. Dahil siguro sila ang mga naging kaibigan ko nang namulat na. I told them my secrets. Kahit iyong pagkakacrush ko kay Thad nasabi ko na rin. "Uh, yong friend ba ng Kuya mo?" Nanigas ako sa tanong ni Farrah, nagtataka na rin si Karen na sumilip na sa akin. Marahil nag-iisip na sa mga narinig. Bumuntong hininga ako sa huli na siyang naging punto na rin sa tanong ni Farrah. "Girl, gusto mo pa rin 'no?" Namilog na naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Kuntodo iling pa, na ayaw kong isipin niyang ganoon na nga. "Ah, indenial ka girl." Nagkasamid-samid sa kakatawa si Karen. Mas lalo akong napailing at nag-iinit ang mukha na inalala kung paano ito naglaro noon sa ibaba lang. Totoo nga! Matagal ko nang kinalimutan ang pagkakagusto ko sa lalaking yon. Lalo na ngayon... na may ganito siyang kondisyon. Paano yan? Kapag naging okay ba ulit ang feelings ko sa lalaking 'to, magiging maayos ba? Paano kung malubog din ako tulad niya? Paano kung... kung m-maging mahilig din ako? Paano ako makakaahon? Hindi ko kaya. "Sa tingin mo Ka... may feelings pa ba?" Ngumisi si Karen sa tanong ni Farrah at talong beses pang tumango. Na siyang pinaniwalaan ni Farrah kahit ilang beses na akong napailing. "Sus! We are your girl friends, Kata! Mas kilala ka namin kesa sa pagkakakilala mo sa sarili." Pinagtulungan ako noong dalawa. Wala na rin akong nagawa sa huli kundi hayaan silang tuksuhin pa ako. Sige, bahala na... but I knew my feelings. Hapon na nang nakauwi kami. Ayaw ko pa sana, ayaw ko sa bahay dahil naging iba na ang awra ngunit dahil pinapauwi na si Karen ay wala na akong nagawa kundi umuwi na rin sa amin. Nadatnan ko si Giselle na mag-isang nakaupo sa sofa. Bigla akong nainis. Bumalik lahat ng inis ko sa kanya noon. Tumabi nga ako sa kanya na siyang ikinagulat niya. Malalim na naman ang pag-iisip na hindi niya ako napansin na dumating. "Gis, usapang babae... ano ba talaga ang gusto mo?" Kunot noong tanong ko rito. Namilog kaagad ang mga mata nito. Hindi na kaagad napakali. Ang inaasahan kong paglabas ng tunay niyang ugali ay hindi nangyari. Bigla itong napaiwas, nahihiya yata... sa akin? Bakit? "Gusto ko pa rin si Santi." Nangasim ang pakiramdam ko sa sinagot nito... "Kung gusto mo, bakit gusto mong pahiyain?" Nagulat na naman ito. Hindi ako nakikisimpatya... gusto kong malaman. "Hindi mo naiintindihan, Kata." Napangisi ako na siyang ikinagulat niya pa. Inayos ko ang buhok na gumigilid. Inayos ko ulit ang pagkakatali nito. Na-s-stress din yata sa nangyayari. "Kung gusto mo Giselle... hindi mo pahihiyain. Alam ko na may kakaibang kondisyon si Santi. But telling that to everyone? Di ka ba nag-iisip?" Hindi na ito nakaimik ng tuluyan. Gusto kong umirap. Ngayon na nasa iisang bubong na lang kaming lahat, doon ko unti-unting nakikita ang mga kulay na hindi ko inakala. "Anyway, friendship over na tayo. It should be a long time ago, but guess, gusto ko sanang intindihin ka pero sobra-sobra na iyang ginagawa mo." Umirap ako ay mabilis na tumayo. Ni hindi na ito nakahulma pa dahil sa pagmamaldita ko. Pagod na akong magtago sa totoong nararamdaman. I just.. I so hate her. "Kata," nagulat ako nang makita sa dulo ng hagdan si Santi na natatawa at hinila ang braso ko. "That's a brave moved, Kata Reina..." sabi nito. Inalis ko ang kamay niyang nasa braso ko saka umiling. Ano siya? Hindi naman ibig sabihin na dahil nainis na ako ng tuluyan kay Giselle ay pasado na siya sa akin. Siguro nga... may simpatya lang ako para rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD