14

1897 Words
Kinabukasan ay hindi na kami gaanong nag-usap. Ngayon ang uwian ng mga kaibigan namin ni Kuya Josh kaya hindi na masyadong nag-usap pa. Siguro dahil matatagalan sa byahe. O kung anuman, gumaan na ang pakiramdam ko na hindi na ulit maiinis kay Giselle. Yon nga lang, that feeling was short-lived. Kung ganito naman palang maiiwan sa bahay si Santi na hindi ko alam kung paanong naging confident na maglakad-lakad nang nakahubo ang pang-itaas. Tinutuon pa kung saan wala sina Mommy ng Sunday dahil may nilakad pagkatapos magsimba. Si Kuya Josh may nilakad din sa kabilang bayan, kaya sa araw na yon ay ako ang naiwan sa bahay... ay hindi, dahil kasama si Santi na nakahubo nga at parang sa Adonis na ibinalandra ang katawan sa buong bahay. Napapapikit na lang ako sa inis at nilantakan ang junkfoods na binili ko kanina pagkatapos magsimba. This isn't good, hindi ako sanay na may lalaking nakahubad dito. Para namang hindi malamig sa labas... kung gusto niyang magkasakit pwede niya namang gawin sa labas. Wag dito. "Kat, what do you wanna eat for lunch?" Hindi man lang ako lumingon nang narinig ang boses niyang nasa likod ng Kusina. "Kahit ano," iyon na lang ang nasabi ko. Hindi na ito nagsalita pa. Akala ko nga doon na lang namalagi sa loob at magluluto nang kung anong naisin nito. Ngunit ganoon na lang ang pagkakabuhol ng lahat ng naramdaman siyang tumabi sa akin. Amoy ulam, marahil sa niluluto nitong kung ano... "Bakit?" Nakakalitong tanong nito. Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa ibaba at sa gilid, hindi abot kung saan siya nakaupo. Nahihiya ako riyan sa ginagawa niya. Hindi naman yata tama na nakahubad siya habang nandito lang ako. "Kata, tayo lang ang nandito... why didn't you tell me what's happening to you." Namilog na nang tuluyan ang mga mata ko at hindi na napigilang lumingon sa kanya. Nagpalipat-lipat ang mga mata ko rito sa ilong niyang matangos ngunit hindi malapad... at ganoon din sa balbas na unti-unti nang tumutubo. "B-bakit ba?!" Asar na tanong ko rin dito. Ngumiti naman siya, o nagpipigil ng ngiti. "Ang ganda mo talaga 'no..." pang-aasar niya't pinisil ang pisngi ko. Agad akong napaiwas. Nanginginig ang kamay na nandito lang siya. Katabi ko pa... at saka naghalo ang amoy nitong natural yata at amoy ng niluluto. "Walang asungot," sabi niya na siyang ikinalito ko na naman. "A-ano na naman?" Natawa lang ito, dahilan kung bakit natulala ako sa mapuputi niyang ngipin, pantay-pantay. "Wala, naalala ko lang yong nangyari. I almost kissed you, Kata... If you weren't aware of that." Napailing na kaagad ako para sa mga sinasabi niya. Ramdam ko ang init ng pisngi. Ngunit ayaw ko ring maramdaman niyang nag-iiba ang reaksyon ko sa sinabi niya. "Kakain na tayo pagkatapos ng limang minuto." Sabi niya na lang kalaunan. Napahinga ako ng maluwang ng tinapos niya ang pang-aasar sa akin sa ganoong paraan... kaya lang... kaya lang, namilog ang mga mata ko nang hinalikan niya ang pisngi ko. I didn't see that coming! "I like you, Kata." Hindi ko alam kung ano ang nakain ng isang yon. Nakatulala na lang ako hanggang sa tinawag niya na nga ako para kumain. Ayaw ko sana kaso inaasar niya ako lalo. Kinailangan kong makisama. Isang araw lang naman... at pasukan na bukas. Magiging maikli na lang ang oras ko dito sa bahay. At ibig sabihin noon, hindi ko na masyado siyang makikita pa. Umakyat na ako pagkatapos noon, at di na nagbalak na bumaba pa. Ang balak ko ay magpapakita na lang kapag nandiyan na sina Mommy. Mas safe iyon. Nagbabasa pa ako nang nakarinig ng katok. Lutang yata ako para maisip na may posibilidad na si Santi iyon. At walang iba na nga kundi si Santi na nakaV neck shirt na kulay grey. Napatitig tuloy ako roon sa dibdib niya. Namumutok. At siguro dahil iyon pa lang ang abot ng mga mata ko. "So you're studying?" Tiningala ko siya na ngayon nga'y nakasilip sa likod ko. Hindi naman ako makasagot. Ang gusto ko lang malaman ay kung ano ang gagawin nito at kumatok pa talaga. "May pinaghahandaan lang," Tumango siya't muling sumilip saka ibinaba ang mga mata sa akin na nakatingala sa kanya. "Labas tayo?" Tanong nito kalaunan, hindi na yata nakatiis pa. "You see, nag-aaral ako." Irap ko rito na ikingiti niya lang. "Bukas pa ulit ang pasukan, Kata. Why don't you spare me some of your time?" Umiling na ako. Ngunit kung ganito naman pala siya kakulit? Paano pa ako makakahindi? Wala na akong nagawa nang hinila niya ako papasok sa banyo. At ganoon na lang inis ko nang natamaan ang balikat ng binuksan niyang shower. "Papaliguan o maliligo?" Nanlilisik ang mga matang binalingan ko siya na ngumisi lang at umatras. Shit! Ano bang nangyayari sa lalaking yon? Paano niya ako tinatakot ng ganito? Gusto kong magwala sa inis habang kinukuskos ang balat... namumula na nga ngunit wala akong pakialam dahil asar nga ako. Pagkatapos maligo ay kinapa ko naman ang laging ginagamit na tuwalya. Ngunit natigilan din sa paglabas ng maalala na nandiyan lang pala si Santi... sabi niya maghihintay daw siya riyan, kaya malamang nakaupo iyon sa kama. "Uh, pwedeng lumabas ka muna?" Utos ko rito mula sa loob. Nilapit ko naman ang tenga sa pintuan para marinig ang ginagawa nito ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang pumihit ang pintuan. At saka masikip siyang pumasok dito. Hindi nga nakangiti kundi nakababa ang mga mata sa akin. "H-hoy! Bakit ka pumasok?" Ninerbyos na tanong ko rito. Hindi ito nagsalita kundi lumapit sa bowl at itinakip ang takip nito saka siya naupo roon. Namimilog naman ang mga mata ko sa ginagawa niya. Lalo na noong hinapit niya ang kamay ko... muntik pang nalaglag ang tuwalya ko mabuti na lang hindi pa ako ganoon kalutang para hindi malaman ang gagawin. "You knew my condition, Kata... a-and I felt like doing it now." Halos lumuwa na ang mga mata ko nang mabilis na nilapit niya ako sa kanya at ibinuka ang mga hita para paharap akong mapaupo sa kanya. Init na init ang mukha ko sa posisyon. Parang takure na umusok ang tenga ko rito. Sisigaw pa lang sana ako nang naramdaman ang kamay niya sa likod ng ulo ko at mabilis na nilapit sa kanya at hinalikan! Hindi lang bastang halik... pakiramdam ko nauubos ang hininga ko unang atake pa lang. Pagal na pagal ang puso ko sa kakatibok ng malakas. Halos lumuwa iyon tulad ng pagkakagulat sa mga mata ko. Ramdam ko ang init ng dila niyang humagod mula pang-ibabang labi hanggang sa kumatok at pilit na pumasok sa loob ng bibig ko. Shit! Ganito ito humalik? Nalulunod ako. Ngunit ganoon na lang din ang kaba ko nang naramdaman ang ibig niyang sabihin kanina. I can feel it... no! Hindi ako tanga para hindi malaman kung paanong nakakabukol sa inuupuan ko. Nakalimutan ko na ang lalim ng halik niya dahil natatauhan na ako. Nanginginig ang kamay na pinagitna ko iyon at handa ng itulak siya ngunit natigil na naman ang mga balak ng naramdaman ang braso niyang pumulupot sa bewang ko't inangat saka muling iniupo. Sumabog yata ang ulo ko sa nangyayari... anong ginagawa niya? Nababastos ako... bakit tinataas baba niya ako rito?! Hindi na ito tama. Pilit ko nang nilalayo ang mukha at tinulak-tulak siya... habang tumatagal natatakot na ako rito sa bukol niyang nagkakaroon na nang sariling poste. "N-nooo..." kandabuhol na saway ko rito. At doon na ito natigilan. Nanghihina ito habang nakatitig sa akin. Gigil pa rin ang kamay na nakakapit sa bewang ko. Nakadiin ako rito sa kandungan niyang hindi pa rin humuhupa ang init mula kanina. "Gago ka ah! Binabastos mo na ako!" Inis na sigaw ko sa mismong mukha niya. Mukhang natauhan siya sa ginagawa at unti-unting lumuwang ang pagkakapit sa akin. Kipkip ko naman ang tuwalya mula sa dibdib. "Susuntukin kita..." banta ko rito at mabilis na umalis sa kandungan niya. Saka ako lumabas at kumuha ng damit sa cabinet bago nagdadabog na lumabas sa sariling silid. Naiiyak ako sa nangyari kanina. Pinapangilabutan ako habang inaalala ang kamay niyang nakakapit sa bewang ko... ang bastos noon. Alam ko ang ginagawa niya... nakita ko na nang isang beses. Iyong sa video. Pinalis ko na kaagad ang luha at nilayasan siyang mag-isa sa bahay. Badtrip na yon! Parang ayaw ko na tuloy umuwi... mabuti na lang nakita ko si Thad na nagbibisekleta roon sa kanto kasama ang kapatid nitong nasa elementarya pa lang. "Ate Kata!" Kaway ng kapatid nitong nauna na makakita sa akin. Kumaway ako pabalik at tinitigan si Thad nang nakalapit na ng tuluyan. Gusto ko nang yakap pero ayaw ko ring mag-alala siya sa akin. Di niya na dapat malaman pa iyon. Tinuro ko kaagad ang bisekletang nakatambay lang sa harap ng gate nila. "Okay, you can use it, Kata." Napatango na kaagad ako at sinukay ang basang buhok gamit ang daliri. "You look better with your straight hair, Kata. Balik mo na yon." Umirap nga ako at sinuot ang helmet bago naghanda. Nakahanda na sina Thad at pumadyak nang nakita na nakahanda na ako rito. Pumadyak na rin ako at pilit na inaalis ang imaheng nangyari kanina. I looked so slu... s**t! Di ko na dapat iniisip iyon. Inosente ako, wala akong kasalanan doon. Kung tinamaan man siya sa pagiging malibog niya... di ko na rin kasalanan. "Ate Kata... faster po!" Tawa ng kapatid nito. Nakitawa na rin ako kahit na hindi pa ganoon ka-okay ang pakiramdam ko. Umabot kami hanggang dulo ng street at doon tumambay sandali. Pinanood namin ang malawak na lawa mula sa malayo. At kahit kumakalma na ako ay sadyang bumabalik sa akin ang lahat ng nangyari kanina. Hindi na yata maiaalis pa iyon. Naging tatak na, na hindi ko na pwedeng burahin. Paano pa ako makakatakas? Paano ako nito? Alam kong magtatagal pa si Santi doon sa bahay. And if that happens, ano na lang kapag bigla na lang itong pumasok ng silid ko? Hindi ko namalayan na may pinapakita palang picture sa akin si Thad na huli ko na napansin noong tinawanan ako ng isang 'to. "Excited na naman ang mga yan." Napailing tuloy ako at binasa ang caption. Mga loko, sinabi ko nang hindi ako pumapasok para maging sikat. Ang gusto ko lang naman ay matapos na itong year na 'to at makalipat na nang ibang eskwelahan. "Let's get back home." Sumunod na ako, papadilim na rin naman at baka hanapin na sina Thad sa kanila lalo na kasama nito ang kapatid. Nilakad ko na lang ng nakarating na sa kanila ang pauwi sa amin. At nang malapit na roon, bigla akong kinabahan... Paano ko siya haharapin kung kanina lang ay may nangyari na? No, hindi ikaw ang dapat na mahiya Kata... siya, siya itong nambastos. At mas lalo pa akong naging kabado ng nakita si Mommy at Naru na nanonood telebisyon. Humalik ako kay Mommy nang nalingunan niya. Ganoon din kay Naru na wala namang paki. Naririnig ko sina Daddy at Kuya Josh sa loob ng Kusina. Siguro naghahanda para sa hapunan. Okay na sana, makakatakas na ako nang napansin yata ni Kuya Josef na dumating na ako... tinawag ako nito... pinapapasok sa loob ng Kusina. At ganoon na lang din ang kilabot ko nang makitang nandoon din si Santi na iba na ang damit ngayon. "Hija, come here." At paano pa ba ako makakahindi kung si Daddy na mismo ang nag-uutos? Kailangan kong umalis pero hindi pwede. Naiinis ako kay Santi na maliit ang ngiti sa akin. Tahimik na ito, hindi tulad kanina. "Napag-usapan namin ng Kuya Josh mo iyong sa inyo ni Santi." Nanigas ang paa ko roon. Napako na yata... kabado rin tulad ko sa pwede pang sabihin ni Daddy. Si Santi nama'y nakatitig lang sa akin. Hindi ko mabasa ang tinatakbo ng isipan nito. "Kung magkakaboyfriend ka man lang, bakit hindi si Santi?" Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napatitig sa tatlo. May kasunduan? Paano kung ayaw ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD