15

1931 Words
"Daddy," saway ko rito na tinawanan lang ng dalawa. Si Santi nama'y nakatitig lang sa akin, ni hindi na nagkomento. Naging hudyat sa'kin iyon para umakyat na at kailangan kong magpahinga. Sabay-sabay naman kaming kumain pagkatapos ng ilang minuto. At ganoon din kinabukasan, mas maaga nga lang akong umalis ng bahay. Unang araw ng pasukan kaya excited ako para rito. At dahil na rin siguro sa ideya na makakatakas ako kay Santi. Pagkauwi mamaya, siguradong ganoon din. Magiging maikli na ang oras ko sa bahay. Makakaiwas na ako sa kanya. "Blooming ka titay," tukso nito. Titay daw kasi minsan para raw akong Tita niyang hindi palaimik. Kumibit nga ako at tinuloy ang pagbabasa ng libro. Kaya kay Karen na ito nakipagtsikahan, libre iyong isa... at alam nilang dalawa na desido ako rito na maglipat eskwelahan. May kasamang scholarship iyon, at sayang naman kapag hindi tinuunan ng pansin. Hanggang Kolehiyo ang posibilidad ng scholarship. Ilang minuto pa ay tinapos ko na ang pagbabasa lalo na noong tumunog ang bell. Tumayo na kaming tatlo at pumasok na para sa panghapong klasi. Tatlong oras lang at activity na kaagad sa huling oras. May mga activities na required sa eskwela kaya natatagalan ako sa school. Kakatapos ko lang magsquat nang natigilan at natanaw mula sa screen wall ng eskwelahan si Santi at Kuya Josh na nakatayo malapit sa isang poste. Di ko mawari kung dapat ba akong magmadali o mainis. Di naman na ako bata para sunduin pa. Nawalan tuloy ako nang gana at hinintay na lang sina Karen na patapos na rin sa huling round. Nang huling bilang ay kinuha ko na ang mga gamit at dumiretso ng shower room. Doon nagbihis at hinintay ang mga kaibigan na patapos na rin naman. Nagtataka ang dalawang nakatitig sa akin. Hindi ako makaimik. Di rin ako makapagpaalam sa dalawa. Inaayos ko pa rin ang magulong buhok at tinali ng mabuti saka inayos din ang sout na uniporme. "Girl, bakit nagmamadali?" Di na rin nakatiis na tanong ni Farrah na ngayon nga'y nagsusuklay sa harap ng salamin. "Nandiyan sina Kuya... sinusundo yata ako." Medyo nakasimangot na sagot ko rito. Biglang natigilan ang dalawa at tinapos na ang ginagawa. Ni hindi man lang nagtagal ng limang minuto. Ewan ko. Baka sila itong excited na makasama ang dalawang lalaki na yon. "Kata," kaway ni Thad na naglalaro ngayon ng soccer. Ngumiti ako at dumiretso na nang lakad sa quadrangle. May bumati ring iba ngunit hindi ko na pinansin, kasi di ko naman kilala. Saka... ewan ko ba kung bakit atat na rin akong umalis doon. Sa kadahilan din na nasa malayo sina Kuya Josh na nang nakita ako ay kumaway pa rito. May dumadaang ibang schoolmates, may iba ring galing sa kabilang school, at walang mintis na tinititigan sina Kuya Josh. Dahil siguro bago sa mga mata... at kahit ipagkaila ko pa ng ilang ulit, gwapo iyang kasama niyang seryosong nakatitig sa amin. Hinawi ko naman ang nagkalat na maliliit na kulot na buhok mula sa noo at walang imik na lumapit kasama ang mga kaibigan. "Ipasya mo kami Kata..." "Kuya," saway ko rito, kung makautos naman parang di niya alam na kailangan kong umuwi ng maaga dahil mag-aaral pa. "Minsan lang naman, saka nagpumilit ang isang 'to." Turo nito sa katabi. Na hindi man lang nagbago ang ekspresyon. Sumimangot ako na siyang dahilan kung bakit napangiti ito... parang baliw. Kinurot tuloy ni Farrah ang tagiliran ko kaya inis na binalingan ko ang kaibigan na pangiti-ngiti habang nakatitig ng matagal kay Santi. Gwapo naman kasi talaga ito, iyong mga mata niyang malalalim. Iyang labi niyang namumula at makinis na morenong pisngi, lalo na iyang tangos ng ilong na maliit at hindi malapad... paano ko na ipapaliwanag ang ngiti niyang mas lalong nagpapagwapo sa kanya? "Please, Kata?" Malambing nitong pakiusap. Naibaba ko ang mga mata at muling tumitig sa kanya. May dumaan sa likod niyang napahampas sa katabi at nakakagat labi na nakatitig sa likod ni Santi. "Wag kayong namumuro," irap ko at naglakad. Napa-'Yes' si Kuya Josh, gets niya na iyon. Sumunod ang dalawang kaibigan, nakabuntot ang dalawa sa likod habang kinukurot ni Farrah ang braso ko. Naiinis na ako pero gusto ko na lang na matapos na 'to. Alam ko kung saan sila dadalhin... Mas malapit sa auditorium itong eskwelahan, kailangan lang lumipat ng kabilang kalye at maglalakad ng ilang minuto bago marating ang gilid ng bay. Doon, may malapit na ring kainan. Ilang liko pa ay nakisali na rin ako sa usapan ng dalawang kaibigan. Na kanina pa nagdadaldal, ako lang itong wala sa mood na makisali pa. Nag-usap lang tungkol sa isang issue and the such, bago natunton ang tukoy. Sa bulwagan ay marami na kaagad ang naglalakad. Uwian na kasi, lalo na ng mga estudyante at empleyado. Magandang outlet ito para magpahinga at kumain bago man lang umuwi. May nakita akong libreng upuan kaya hinila ko ang mga kaibigan at doon naupo. Mabilis kong nireserbe ang kaharap din na upuan. Nilapag ko sa mesa ang mga dalang gamit at nangalumbaba. Natigilan lang ng nakitang naupo na sina Kuya sa kabila. Nagpalpitate ang kilay ko nang di magkasya ang dalawa sa nagkaparehong sukat na upuan. Tatlo kaming nandito, at silang dalawa lang ang nasa kabila. Intindi ko na iyon. "Ang dami mong dala, kanina pa iyan... ano bang laman niyan?" Nagtatakang tanong nitong kapatid ko. Nagtaas kilay ako at bumunot ng isang libro bago nagbukas at nagbasa. Natawa sina Farrah at kinurot-kurot na naman ang braso ko. "Titay, ano ba yan? Akala ko pa naman mag-eenjoy tayo ngayon! Hanggang dito ba naman panay ang review mo riyan?" Napatawa sina Kuya at napatitig ako ng matagal kay Santi na nawawala ang mga mata sa sobrang tawa. Nagpigil naman ako ng ngiti at mabilis na pinakawalan ang hininga bago lumingon sa kabila. "Ano bang gusto niyo?" Sinarado ko na lang ang libro at pinasok sa maliit na bag. "Just stroll around and eat?" Sabat nito. Napatiti na naman ako sa kanya at dahan-dahang tumango. Doon na kami tumayo at nagdesisyon na panoorin na lang ang dagat mula sa gilid at bibili na rin ng pagkain. Nauna sina Karen at Farrah, sumunod na lang ako ngunit nagulat ng may humila sa bag ko. Akala ko nga naholdap na ako rito ngunit ganoon na lang din ang gulat ko ng makitang pinipigilan ni Santi itong nakasukbit na maliit na bag sa balikat ko. "Ako na." Paano pa ba ako makakahindi kung nakatitig na nang may malisya sa akin si Kuya Josef? Hinayaan ko na lang at sumunod sa mga kaibigan na naging abala sa isang chismis. Nang lumingon ako sa likod ay nakita kong natatawa si Kuya habang nakatutok sa maliit na bag kong nakasukbit na sa braso ni Santi. Natatawa rin ako ngunit pinigilan ang sarili at kunwari'y nakatingala. Nakikisali na rin ako at tinawag ang dalawa para magpapabili ng pagkain na nakita sa isang stall. May bola-bola at ilang calamares na iba-iba ang ipinangsahog. Natakam tuloy ako at nagtuturo na ng kung ano-ano pa. "Libre mo Kuya!" Natatawang utos ko rito. Di naman siya makapaniwalang dumukot mula sa bulsa ngunit natigilan din nang nakitang bumunot na si Santi at nag-abot sa tindera. "Consider this as a group date." Makahulugang baling nito sa akin. "Uh, sana naman... totoo yan." Makahulugang tukso rin ni Farrah. Kinurot ko tuloy ito para matahimik man lang. Nakakahiya na kaya dahil kanina pa itong nangtatabla at nagbibigay ng dobleng kahulugan. Napaupo na ako sa pagod at tiningnan na lang ang nagkukulay kahel na kalangitan sa dulo. Tumabi sa akin ang mga kaibigan ngunit ng may nakitang kaklasi sa dating eskwelahan ay pareho ring umalis. Si Kuya ay ganoon din, may katawagan. Kaya naging nakakahiya sa akin na maiwan kaming dalawa rito. "I'm sorry," Biglang sabi nito na siyang ikinaangat ng mukha ko. Nakatitig ito ng seryoso, siguradong humihingi ng tawad doon sa nangyari. Tumango ako, at napangiti rin siya. Ayaw ko na lang isipin iyon kaya madali lang sa akin na patawarin siya ngayon. Tama na ang inis ko noon sa kanya. Now, that I came back from my senses... di na yata akma kung ipagpapatuloy ko pa ang inis sa kanya. Dagdag isipin pa iyon lalo na at nag-aaral ako ngayon ng mabuti. "Were you not mad?" Tanong pa nito. Inayos ko ulit ang nagulong buhok. Medyo nakakakilit ang hagod ng maiiking buhok na nasa noo ko. Kulot pa naman. "Galit," Tahimik siya rito. Medyo yumuko at ipinatong ang siko sa mesa at doon na tumitig ng malalim sa akin. Napaatras ako sa gulat... nandiyan na naman ang mga titig niyang nakakapanghina ng buto-buto. "Nabastos nga talaga kita." Tumango ako roon. Sang-ayon sa sinabi niya. Oo nabastos talaga. At hindi tama iyon. "That won't happen again, Kata. I promise." Tumango ako at umiwas ngunit muli siyang tinitigan na nakatitig ng malalim sa akin. Napakurap ako roon at tumitig din sa kanya. Makisig. Ang ganda ng ilong pati labi at mga mata nito. Walang tapon. Hindi hipon na puro katawan na lang. "Four years, Kata. Will you wait?" Napasinghap ako roon at natatarantang napatitig sa paligid. At nagulat na makitang may isang kaklasi na nakatitig dito... hindi ko kilala ang kasama nitong lalaki. Marahil boyfriend o kung ano. "Bakit?" "Tutuparin ko lang ang mga pangarap, and then I'll be back. I will continue pursuing you." Naitikom ko ang bibig at hindi nakahulma sa mga sinasabi niya. Hindi ako naniniwala. At lalong hindi ako maniniwala... he cheated on Giselle, not just once but surely a lot of times. Ako nga na hindi niya naman girlfriend, maloloko niya panigurado. "Wag kang magsalita ng mga ganyan. You know, promises are meant to be broken... ano pa kaya iyan?" Medyo bitter ko ng sabi. Ngumiti ito at medyo hinilot ang panga. Nawiwili na yata siyang tumitig sa akin. Ni hindi man lang umimik kaagad. "Pag ikaw ang sinasabihan ko, Kata. Ibig sabihin ay totoo. I can't cheat on you." Napailing na ako at sinandal ang likod. Nagpipigil naman ito ngiti habang nakatitig ng matagal sa akin. Napaawan na ang labi ko sa kaba. Natutuyot ang labi ko sa klasi ng titig niya. "Date me," sabi nito. Napakurap ako at hindi makapaniwalang nakatitig na lang sa kanya. Anong sabi niya? Anong iniuutos niya? "Date me, Kata... and you'll see." Ngisi nito. Napakurap na naman ako at nanginginig ang kamay na nilapag sa ibabaw ng aking hita... "B-bakit ba ang kulit mo?" Inis na tanong ko rito. Napadila ito sa labi bago napalunok. Nakatitig pa rin sa akin. "Dahil gusto kita," Napasinghap na ako at hindi makapaniwala sa lakas ng loob niyang umamin dito pa mismo. "Bata pa ako," out of league na rason ko rito. Natawa lang ito at di makapaniwalang tumitig muli sa'king mukha. "Hindi na bata ang desi sais Kata." Iling nito. Napalunok na lang ako at lumingon sa paligid. Hinahanap ang mga kaibigan na hindi ko na alam kung saan na napadpad. Ganoon din si Kuya... wala... hindi ko mahanap. "Still underage," rason ko na lang. Umiling ito at naibaba ang mga mata. Kunot noo ko namang sinundan iyon at namilog ang mga mata ng napagtanto kung saan siya nakatitig. Mabilis niya namang inangat iyon at muling pumirmi sa mismong mukha ko. "Kakasuhan mo ba ako, Kata?" Hindi ako nakasagot, oo nga naman... it will be invalid if I'll file a case. At saka, wala naman yatang nangyari na hinindian ko ng mabigat. "Good, susunduin kita bukas... ihahatid sana kaya lang may lakad din ako ng umaga." "B-bakit na naman ba?" "Susunduin kasi gusto." Napasinghap na lang ako at nag-iinit ang pisnging napatitig sa kabila. Nakita ko na naman ang kaklasing nakatitig din dito. Marahil kanina pa iyan nakabantay. "Kulit mo rin," kagat labing sabi ko rito. "Mabuti na yong makulit, Kata... kesa naman sa maunahan. Marami kaya akong karibal." Di makapaniwalang nginiwian ko siya na ikinatawa niya lang. "Kanina... maraming bumabati sa'yo roon sa quadrangle. Puro lalaki, Kata... nakakagalit pero hindi pa kasi kita girlfriend kaya wala pa akong karapatan. Pero pag naging Girlfriend na kita, marami yata akong mapagsasabihan." Muntik na akong natawa ngunit napigilan naman ang sarili. Nakikita ko na nag magiging hinaharap ko sa lalaking 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD