16

1939 Words
Hindi ako nakaimik, at pwede ko rin namang sabihin na wag. Dahil hindi niya ako responsibilidad at wala akong balak na magpaligaw. But looking how he smiles at me, naisip ko... susunduin lang naman. You're being hard to him, Kata... anong masama roon? Nagmamagandang loob lang naman siya, at saka kaonting panahon na lang aalis din iyan kasama ng kapatid mo. Kaya, sige. Okay lang. Hindi na ako nakasagot pa nang dumating ang mga kasama. Nakapagpahinga naman kaya pwede na kaming umalis at maglakad-lakad kung saan man dadalhin ng mga paa. Alas sais trenta nang tumawag kay Karen ang Mama nito at tinatanong kung bakit di pa nakakauwi. Napilitan tuloy kaming umuwi, nauna ang dalawang kaibigan sa pagbaba. Huli kami, nag-uusap ang dalawa. Usapang lalaki, na hindi ko naman maintindihan. Something that has to do with black market and investments. Ewan ko. Kaya tahimik lang ako roon. Abala pa rin ang dalawa kaya nauuna ako rito, nasa bakuran na ako nang tinawag ni Santi at tumabi sa akin. Nagtatakang nilingon ko naman ang likod sa pag-aakalang maaabutan ko si Kuya roon. "Najejebs, di na nakatiis." Ngiti nito, nakababa ang mga mata, may ilaw naman pero dahil madilim na ay naging madilim sa akin ang parte ng mukha niyang yon. "Susunduin kita bukas, Kata. That's the less I can do for you for now. Mahirap manligaw na walang kahit na ano sa lugar na 'to." Pigil ngiti nito. Napaawang din ang labi ko para rito, hindi ako nakasagot kaya siguro mas lumawak ang ngiti nito bago tinulak ang tarangkahan. Sumunod na lang ako, magsasalita na sana kaya lang naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Kuya Josef na hindi naman nagduda. Umakyat lang ako sandali at nagbihis bago muling bumaba at nakisalo kina Mommy. Sinusubuan ko rin minsan si Naru na naglalaro kahit na sinasaway na. Nilingon ko si Santi na kumakain at nakatitig pala sa akin. Nagulat ako sa nadatnan at mabilis na lang na ibinaba ang mga mata. Nakakahiya ito... alam niya naman sigurong nandiyan lang ang mga magulang ko ngunit heto siya, malalim at may kahulugan ang mga titig sa akin. Ipinagsawalang bahala ko na lang habang nandoon ako. Ayaw ko namang makahalata sina Mommy at kahit sabihin pang nawiwili si Daddy sa kakatukso sa'ming dalawa. Nag-uusap sina Daddy at sina Kuya pati rin si Santi na halatang interesado sa pinag-uusapan. Napansin ko na mahilig ito at si Kuya na mag-usap tungkol sa investments. Shares and the blocks. Hindi ko rin naman gets kaya hindi na ako nakihalo pa kaya maaga pa lang ay nasa itaas na ako at nagbabasa ng libro. Alas nuebe nang nagdesisyon na matulog kaya maaga rin ako nagising kinaumagahan. Mas nauna pa kina Mommy kaya ako na muna ang nagsaing. Hindi ko nga lang inasahan na makikita ko sa paglabas ng kusina ay si Santi na nakasampay ang t-shirt, panigurado, sa balikat at pawis na pawis. Humihinga ito ng mabilis, na parang kakagaling sa isang takbo. Naipasada ko tuloy ang mga mata sa katawan niyang hindi ko akalain na mas maganda pa pala kesa roon sa unang sulyap ko noon. Marahil gawa ng ehersisyo na ngayon lang natapos. "Good morning," namamaos niyang bati. Lumunok ako at tiningala siyang seryoso palang nakatitig sa akin. Moreno at may kintab ang mukha siguro dahil pawisan. "G-good morning din." Doon lang ito napangiti at naglakad palapit sa akin. Agad akong napaatras ngunit sinaway kaagad ang sarili, masyado na akong halata. Na hindi naman naaayon. "Ipagluluto kita... what do you wanna have for breakfast?" Ganadong tanong nito. Nag-iinit ang pisngi na iniba ko ang direksyon ng mga mata. Umaawang ang labi ko, at ititikom din. Nagdadalawang isip kung dapat ko bang sagutin ito o tulad lang din ng dati ay baka pwede na rin ang 'kahit ano'. But I insisted something that I want to eat for this morning. Ngumisi ito at nakatitig pa rin sa akin at binalik ko ang mga mata roon. "Sige, tapsilog para sa'yo." Nag-init lalo ang pisngi ko sa ngisi nito at malalim na boses. Ngunit alam ko kung paano papakalmahin ang sarili. Iniwasan ko ito at saka ako umakyat muli. Inihabilin ko lang ang sinaing ko bago nga tuluyang umakyat. Napapaypay ako at napakagat labi na lang na pumasok ng banyo at mabilis na naligo. Pagkababa ay kabado na ako... gusto ko sanang... kaya lang, sabi ni Daddy maaga rin daw umalis si Santi. May hinahabol. Nakaramdam tuloy ako nang... napabuntong hininga na lamang ako at sinamahan si Daddy na kumain. Maaga rin itong aalis para sa trabaho. Ako naman para sa eskwela. Sina Mommy, Naru at Kuya ang maiiwan dito sa bahay. O baka nga si Santi rin pagkabalik nito. Inabala ko ang sarili sa pagbabasa at ilang activities sa eskwela. Natanaw ko si Thad na nakikipagtawanan kina Kim at Popoy sa ilalim ng isang punong mangga. Hindi ko na sana iistorbohin pa dahil abala rin naman ako pero itong si Farrah ay sumulpot bigla at hinila ako palapit sa mga kaibigang lalaki. Naitago ko na lang ang libro at nakipagbiruan sa mga kaibigan. Nag-aaya pa ang mga 'to na dumalaw sandali sa covered court dahil may maagang try out sa basketball... e ayaw ko sana, kaya lang mapilit. Nakinood na lang din ako sa mga nag-eensayong magtatey out maya-maya. Nilingon ko si Farrah na maingay at may tinuturo sa malayo. Pusta ko crush niya iyon, ayaw lang umamin. Nangalumbaba ako at pinanood ang mga nagbabasketball sa gitna. Tumigil lang ang mga 'to nang may kumalabit at tinuro ang mga dumating. Ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang nakita si Santi na nakangiti. Puting-puti ang mga ngipin. Nakayuko ito at kausap ang isa pang lalaki... kung sa katawan, sadyang malayo nga ito. Nagsitilian ang ilang babaeng nandoon. Napapikit ako sa hiya at napahiwalay ang mga mata roon. Ngunit hindi naman makakatakas kina Karen at Farrah na nakangising pilyo ng bumaling sa akin. Shit. Sinabi nang hindi ito nakakatuwa. Nagsituksuhan ang mga kaibigang lalaki at binabara si Thad na napakamot batok na lang. Hindi ako makatitig sa gitna ng court. Lalo na noong pumito ang coach at nagcheers ang ilang babaeng nandoon. Paano ba naman kasi, sinong di gaganahan? Ayaw ko lang talagang magpatukso kaya kahit na anong mangyari, pangako ko sa sarili na hindi lilingon doon. "Oh? Boyfriend yan ni Kata, ah?" Agad na namilog ang mga mata ko at lumipad sa likod. Malayo rito sa amin. Iyon ang kaklasi kong nakatitig sa amin kahapon. Namilog nga rin ang mga mata niya nang nakita akong nandito. Napalunok pa sa hiya, samantalang nagdadakdak na ng tanong ang mga kasama nitong kaibigan. Na namukhaan kong galing sa ibang section. "Boyfriend mo na pala?" Mapanuksong taas babang kilay na si Farrah. Ngumiwi ako at yumuko saka nilabas ang libro. Nakakatawa dahil ako lang yata sa lahat nang nandito ang nagbabasa ng libro. Samantalang nag-uumpisa na ang try out sa gitna. Mainit na ang laro, panigurado. Kaya lang, kung nandiyan si Santi... sige, wag na lang. Nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ng naramdamang may tumabi sa akin. Malaki ang braso, amoy ko iyong pabango na lagi kong naaamoy sa bahay. At kahit wag na akong lumingon o tumingala, kilala ko yan. Napako na ako roon... medyo tahimik na rin. Natigil sng cheers, at obvious na hindi para iyon sa mga naglalaro. Kundi sa lalaking katabi ko na ngayon. Na ang lakas ng loob na tumabi sa akin. Napilitan akong tigilan ang pagbabasa at doon ay nilingon siyang nakatagilid ang mukha na nakatitig sa akin. O marahil nagpupumilit na sumilip. "Magandang hapon, Kata." Nakangiti niyang bati. Nakaawang na ang bibig ko rito... mukha siyang mabango. Pero syempre ilang oras na ang lumipas kaya siguradong hindi siya bagong ligo. Narinig ko ang panghihinayang sa mga babaeng nandoon. Paano ba naman... siya ba ang tinitilian kanina? "A-anong ginagawa mo rito?" Maang na tanong ko rito. Napakunot noo ito at medyo alangan na nagpalipat-lipat ng titig sa ibang direksyon. "Sinamahan ko lang iyong pinsan kong magko-coach sa mga varsities." Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi at nanginginig ang kamay na sinarado ang libro kahit di na nakababa ang mga mata ko roon. "Di mo naman sinabi," ngiwi ko. Medyo napangiti siya roon at tumitig sa gitna. Saka muling sumilip sa akin. "Gusto ko sanang surpresahin ka. Kaya lang, di ka naman yata namamansin." Akusa nito na ipinagsawalang bahala ko. Napahalakhak ito ng hindi narinig ang sagot ko sa sinabi nito. Di naman kasi sa gano'n. Sadyang, naiilang ako lalo na kapag tinitilian pa talaga siya ng mga schoolmate ko nang ganito. Ako, sanay na akong nakikita iyan lagi sa bahay kaya hindi na ako masyadong nasta-starstruck sa kagwapuhan nito. Napabuntong hininga ang mga babaeng nandoon. Rinig ko sa pinakamalapit na nandoon. Ang mga kaibigan ko nga ay tahimik naman... siguro pinapanood ang nangyayari sa amin. "Ang totoo, I asked him to bring me here. I have to make sure that no one is trying to get your attention while I am away... mahirap na, baka maagawan." Awtomatikong nag-init ang pisngi ko rito. Mas lantaran na tuloy ang panghihinayang ng mga babaeng nandoon. I hate this attention, I hate how he gained name without even staying long here. Ano yan? Dahil gwapo? Dahil malaki ang katawan? Dahil macho? Sinamahan pa ng mga banat na ganyan niya? Nakakahiya! Kung hindi lang mas nakakahiya ang magwalk out ay baka ginawa ko na rin. "Can we talk outside?" Bulong ko rito. Tumango naman ito at nagulat ako ng kinuha niya ang mga librong nasa tabi ko. Hindi ko naalala na may dala pala ako kanina. Dito nakatuon sa isa ang buo kong atensyon kaya nakalimutan ko na ang mga yon. "Balik lang ako mamaya," paalam ko sa mga kaibigan na natulala na nga ng tuluyan. Tinitigan ko si Thad na medyo awang ang labi ngunit nang napansin niyang nakatitig ako sa kanya ay ngumiti na lang ito at tumango. Inalalayan ako palabas ni Santi kaya naasar ako at sinabing hindi niya na kailangan na gawin iyon. "Nakakaselos ang mga ganoon." Sabi nito, ni hindi man lang hinintay na makalapit kami sa isang botanical garden para makaiwas sa titig ng mga taong nadadaanan. "We're just friends... boy bestfriend, para malinawan ka." Kontento naman yata siya sa sagot ko kasi nakangiti na at inangat ng net para makapasok din sa loob. May maliit lang na upuan doon kaya di ko alam kung paano kami mag-uusap ng hindi nahihirapan. Siya pa nga lang, masikip na... paano na yan? Di ko naisip iyan kanina. Kaya, sa ngayon... magtitiis na lang ako sa isang maliit at mababang uri ng bato. Para makaupo lang. "Let me have it, Kata. Dito ka." Saway niya ng nakitang papaupo na ako roon. Hinigit niya ang braso ko kaya wala rin akong nagawa kundi sundin talaga itong gusto niya. "Sabi ni Daddy, maaga raw kang umalis. Saan ka nagpunta?" Kunot noong baling ko rito. Ngumiti siya at sinabing, "May tinitingnan lang na Lote sa malapit." Kumunot ang noo ko sa sagot nito, may balak ba siya? Bakit naman? "Bibilhin mo?" "After two or three years, Kata. That will be a good gift for..." natigilan ito at napakamot batok. Mas lalo akong naging kuryuso. Nang nakitang wala siyang balak na dugtungan ay hindi na ako nakatiis at tinanong ulit. "Never mind, Kata. You'll ruin everything." Kumabog ang puso ko sa nerbyos. Bakit naman sekret? Ganoon ba kahalaga kung paraa saan iyong lote? Nawalan na rin ako ng gana na magtanong pa, bahala nga ito. "Nga pala, nakakahiya iyong paglapit mo sa'kin kanina. Ano na lang... ano na ang iisipin ng mga nakakita?" Nag-iinit ang pisnging tanong ko rito. Ngumiti naman siya at nagulat ako ng inangat niya ang kamay at ginamit para haplusin ang kulot na buhok mula sa noo. Saka hahawiin sa gilid. Kinalibutan tuloy ako at napaatras ngunit hinigit niya na naman ako papalapit sa kanya. Ngayon nga'y nakababa ang mga mata niya at nakatuon sa labi kong nakagat ko tuloy. "Sarap mong halikan Kata pero bad shot. Next time na lang." Napamura na lang ako sa isipan... grabi, habang tumatagal mas lumalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD