Sa lahat ng klasi ng pag-uusap, ito pa lang yata ang masasabi kong komportableng pag-uusap sa pagitan naming dalawa. He was asking some things and I would gladly answer him.
Minsan nagpipigil na lang ako ng tawa. Kung hindi ko lang naalala na malapit na pala ang uwian, baka nagtagal pa kami roon.
Natatarantang napatayo na ako, ganoon din siya na nagulat sa naging reaksyon ko. Kinuha ko ang mga librong hawak niya at mabilis na lumabas doon sa botanical garden. At nagkagulatan pa kami ni Ma'am Escote na nagulat pa lalo ng nakitang may kasama akong lalaki sa loob.
"Anong ginagawa niyo diyan, Miss Bil?" Nagdududang tanong nito.
Ngumiwi ako, paano ko ba ipapaliwanag?
"I'm sorry about that, Ma'am... kinausap ko lang itong si Kata. Kaibigan ko ang kuya niya at pinsan ko si Gerry."
Nawala ang kunot nito sa noo nang ipinaliwanag ng maayos ni Santi, at siguro dahil kilala nito si Gerry. Sino nga ba iyon?
Matawa-tawang nakatitig sa akin si Santi, mas lalong nangunot ang noo ko rito habang nakasunod pa rin siya sa akin sa campus. Kukunin ko lang naman ang mga gamit at uuwi na rin. Ichecheck ko sina Farrah at baka gustong sumabay.
Marami nang pauwi, may ilan nga lang napapatitig sa kasama ko at umaaktong bumubulong sa kasama. Those didn't help anyway... pakiramdam ko pati ako ay chinichismis din nila. Paano ba naman, hanggang dito? Nakasunod?
"Santi, di ka pa ba uuwi?" Naiilang na baling ko rito. Hindi na makalakad ng maayos dahil sa mga matang nakadikit sa amin.
"I told you, Kata. Susunduin kita at sinusundo na kita ngayon."
Napailing ako roon at mabilis na kinuha ang mga gamit. Hinahanap ko sina Farrah na hindi na matanaw, at naalala kong nandoon pa nga pala sila kanina sa covered court. Kaya siguradong nandoon pa rin sila. Dadaan muna ako bago umuwi. O kung gusto nila, pwede kaming magsabay umuwi.
"Oo, susunod na lang kami. Mauna na kayo." Ngising-ngisi si Farrah habang nakasilip sa likod ko. Si Karen nga ay ganoon din ngunit may pag-aalala sa mukha habang sinusulyapan si Thad na nakatitig sa akin.
Nakaramdam tuloy ako ng pag-aalala rin para sa kaibigan ko. Di niya naman siguro mamasamain. Saka, nasabi ko ba na nakatira sa'min si Santi habang naghihintay para sa Military? Ewan...
"Okay," buntong hininga ko na lamang at tumalikod, sumunod kay Santi na nakangiti at mabilis na kinuha ang isa ko pang maliit na lalagyan ng mga libro.
"Kumain muna tayo sa labas." Aya nito.
Sinilip ko lang siya at niyuko ang cellphone, tinetext si Thad na di ko mawari kung galit ba o talagang nag-aalala lang kaya hindi ako pinabaonan ng ngiti kanina.
"Who are you texting?"
Doon ko lang naibaba ang cellphone at tiningala si Santi na napakamot ng batok at naiba ang titig mula sa hawak na cellphone ko patungo sa akin.
"Gusto mo ang kaibigan mo na yon?"
Namilog kaagad ang mga mata ko para rito. Hindi... Ibig kong sabihin, gusto ko si Thad pero hindi sa paraang mas malalim pa sa naranasan ko noon.
"He's my guy bestfriend." Medyo nakanguso kong sagot dito.
Napakagat labi ito ito at mas malalim ang titig sa'kin ngayon. Pakiwari ko ay ayaw nitong maniwala. But do I really have to explain everything? Di kaya masyado na akong bukas para sa kanya?
"Hindi iyan ang tanong ko Kata..." nakangising iling niya.
Napalunok na lang ako at muli siyang tinitigan na umiwas sa akin. Matatawa ba ako? Maaawa? Sa kondisyon niya, siguradong hindi magandang mas maaga ang makipagrelasyon. Who knows what will happen if I answer him with a yes? Mas mahaba ang panahon, mas may posibilidad na bumigay ako sa lalaking 'to. At anong katiyakan ang naghihintay sa akin?
"Crush ko,"
Doon na ito nagulat at muli akong tinitigan. Hindi ko matatangging ganoon nga ang nararamdaman ko kay Thad... ngunit hanggang doon lang yon, hindi ko iiyakan. Tulad ng nangyari noon.
"I assumed that he's my very rival." Medyo worried na sabi nito.
Hindi na ako nakaimik. Walang imikan hanggang sa pagbaba. Kahit na noong kumakain na kami sa Holy, wala... hindi na ito muling umimik. Nakakailang, marahil sa usapan kanina kaya naging ganito.
"Umuwi na tayo," aya ko pagkatapos ng lahat.
Natigilan ito at nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko napaghandaan! At lalong naisip ko na agresibo ito dahil di pa naman ako pumapayag sa ligaw na yan, may pahawak kamay na kaagad.
"Crush mo lang iyon... kaya kong baliin."
Napailing ako st binawi ang kamay. Naibaba niya tuloy ang mga mata roon. Saka siya napangiti... mukhang bumalik na kaagad ang mood. Napairap na lang ako at mabilis na umalis. Humabol naman ito at hinawakan ako sa braso para pumara ng taxi.
"Ang sosyal mo naman. May jeep na oh!" Turo ko sa labas, at nang lumingon ako sa harap ay nakita kong napasilip si Manong. Na-offend yata sa ginawa kong yon. Matawa-tawa tuloy si Santi na nilapag ang kamay sa kamay kong nakalapag sa pagitan ng upuan naming dalawa.
Sabi ko na nga ba, hindi pa ako nagpapaligaw pero may kasama ng hawak kamay.
Pagkababa nga ay mabilis akong pumasok ng bakuran. Ayaw kong mahuli nina Mommy na magkasama kami ni Santi na bumaba rito. Baka kung ano ang isipin. Medyo nakakahiya pa.
"Ihahatid kita bukas, at susunduin sa hapon." Abusadong sabi nito bago sumunod nga papaakyat.
Natigilan ako sa gitna ng hagdan at nilingon siyang nakatingala sa akin. Ngumiti ito, nag-iinit naman ang pisngi ko. Kaya binilisan ko ang pag-akyat at nagtago sa loob ng silid. Narinig ko ring nagsara ito ng pintuan. Marahil tulad ko ay magpapahinga sandali.
Napahawak na lamang ako sa sariling pisngi, mainit nga! O dahil nanlalamig ang kamay ko kaya parang mainit sa pakiramdam? Ayaw ko na lang isipin. At pag-aaral sa ngayon ang priority ko.
Ginugol ko ang oras sa pagrereview. At napatanga ng naalala ang mga dala kong libro kanina. Naiwan ba sa taxi? O kaya nasa kay Santi? Kailangan ko iyon.
Napilitan akong tumayo at maglakad palabas. Kinatok ko si Santi, nagbabakasaling hindi pa ito nakakababa.
At tama nga, binuksan nito ang pintuan at bahagya siyang sumilip. Namumula ang pisngi, para siyang tanned sa ilalim ng sikat ng araw. Kung hindi ko lang nakikita sa malapit ang pamumula nito.
"Y-yes?" Hinahapo nitong silip.
Kumunot ang noo ko at nag-aalala na baka may sakit ang isang 'to. Nakatago ang kalahati ng katawan nito, marahil may sakit talaga.
"May sakit ka ba?" Kabadong tanong ko para rito.
Mabilis itong umiling. Hinahapo pa rin ngunit kitang hindi talaga maganda ang tindig.
"N-nothing, Kata. Just tell me what you really need."
Nagimbal naman ako sa pagmamadali niya. Inis na tinulak ko ang pintuan, wala naman akong balak na pumasok. Gusto kong bumawi, nayayamot ako sa pagmamadali niya.
Nagulat ako noong mahina pala ito, nag-aalala na ako para rito. May sakit talaga, di lang nagsasabi.
"May sakit ka!" Hindi iyon tanong, pinal na sabi ko.
Namilog kaagad ang mga mata nito... mas lalong namamawis.
"H-hindi Kata... ano ka ba naman, hindi iyon." Iling pa nito.
Mas lalong naningkit ang mga mata ko para rito. Walang mag-aalaga sa kanya, wala sina Mommy ng dumating kami kanina. Siguro nangapitbahay sandali. O kung ano...
"Kukunin ko lang ang mga libro." Naniningkit pa rin ang mga matang sabi ko rito.
Tumango ito at nanlalaki ang mga mata ko ng ipininid nito ang pintuan. Nang buksan niyo muli ay inabot na nito ang supot.
Wala akong plano na pumasok. Pero tinulak ko ng malakas ang pintuan, and that maybe my wrong move.
Napapikit ako ng mariin at bakit ko nga ba nakalimutan?
"Oh f**k! Kata naman." Nahihiyang sabi nito at muling inawang ang pintuan.
Nakapikit pa rin ako ng mariin, ramdam ko ang dahan-dahan na paglatay ng dugo sa buo kong pisngi't leeg. Siguradong pulang-pula na ako sa harapan niya. At sigurado ring ebidensya na ng pagkakapahiya ko ang nasa harapan niya ngayon.
Ito na ang pangalawang beses. But this is worst than the first. Kung noo medyo malayo. Ngayon nasa malapitan na. Nakakakilabot na makita kong nakaturo iyon, dito mismo.
"Kata, sinabi ko na."
Nainis na naman ako sa paninisi niya. At kahit nanginginig at dinilat ko ang mga mata para matitigan siya ng mabuti na mas lalong namumula. Mas lalong naging moreno. At nagmukha siyang kakabilad lang sa araw.
"You should have changed! Hindi yang bigla ka na lang magbubukas ng pintuan pagkatapos ako pa ang sisisihin mo?!" Sigaw ko rito.
Nagulat ito sa pagsabog ko, kung hindi ba naman... paano kung sina Mommy ang nabuksan niya? Di, lalong nakakahiya.
"Kata, di naman—"
"Ewan ko sa'yo!" Nanginginig na nilayasan ko ito.
Napadapa na lang ako sa kama at mariing pumikit. Kaya lang tulad lang din nang nauna, mas lumalala talaga kapag nakapikit.
Naalala ko naman, nakaturo. Hindi lantay, at lalong hindi lang normal na nakabukol.
Shit. Kung ano-ano ang naiisip mo Kata. Tumigil ka na. Di nakakatuwa.
Kabado ako noong tinawag ni Kuya Josef para kumain. Akala ko kasi makakasabay namin siya, napatanong ako kay Kuya at sinabi nitong may emergency itong lakad.
Napahinga na lang ako ng malalim. Ligtas! Pero sa gabing yon lang din dahil kinabukasan nadatnan ko itong bagong ligo, nakabihis na ng polong puti at pants na maong. Nakasapatos lang din at walang kahit na anong dala.
Napatingala ito ng naramdaman niya yatang bumababa ako. Saka lang siya tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa ng nasa baba na ako.
Namilog kaagad ang mga mata ko ng naalala ang kahapon. Ganoon din ito na nabigla yata sa reaksyon ko.
Napalunok pa ito ng isang beses bago kumalma at lumapit sa akin. Saka kinuha ang bitbit kong maliit na bag.
"Ihahatid na kita," aya nito.
Tulala akong nakasunod sa likod niya. Hindi ko mawari kung tama pa bang magpahatid ako pagkatapos ng nangyari kagabi. Nakitaan ko kaya siya!
At hindi na ako nakahulma pa ng may nakitang itim na sedan na nakaparada sa labas ng bahay. Di makapaniwalang tinitigan ko siya.
"I have it in San Vicente pero dahil sa ngayon dito muna ako, pinasundo ko."
Napailing ako lalo... nakakahiya naman kapag nakita ako ng mga kaklasi na bumababa riyan. Sa Public school ako nag-aaral kaya di malayong agaw pansin iyan!
"Hindi pwede iyan sa school."
Kumunot ang noo nito. Marahil may nakitang mali. O kung ano, wala na akong pakialam. Nakakahiya kayang nakakaagaw ng pansin sa school.
"If you're not comfortable with it, then we'll drop by just near at your school."
Napailing pa rin ako, bumuntong hining ito at muling tumitig sa labas.
"Bukas, magjejeep na lang tayo. Pero sa ngayon ihahatid kita gamit ang sasakyan na yan. Mag-uusap tayo, Kata. Tungkol sa kagabi."
Nanigas na ako ng tuluyan, pag-uusapan namin? Di ko na nga namalayan na nasa byahe na kami. Tumitigil ako sa pag-iisip paminsan-minsan at sinisilip siyang nagdadrive.
Nasa kalagitnaan ng byahe ng nagbukas ito ng usapin. Mas lalo akong naging kabado.
"I'm sorry about that."
Nanginginig ang labi na nilingon siya, hindi ko tuloy matukoy ang sarili at napapasilip ako sa ilalim. It is well calmed. Pero iyong kagabi, kung nangyayari man ngayon... siguradong may bukol iyan.
"Dapat kasi nagbibihis ka muna."
Tumango ito, saka sumilip sa side mirror.
"I was in ecstasy, Kata. Kaya di ko na naisip na magbihis pa noon."
"Kahit na!" Aburidong sabi ko rito.
Mula sa pagkakaangat ng mukha ay naibaba ko ulit ang mga mata. Di ko maiwasang sumilip sa tapat ng pants niya. Napapalunok ako at muling tumititig na naman sa mukha niya. At ibababa na naman.
Anong pakiramdam Kata? Nag-iinit ang pisngi ko sa nangyayari. At lalong nanghihina ang paghinga ko dahil sa pagkabog ng puso ko.
"M-matanong ko lang, ano bang pakiramdam?"
Natigilan ito at napalingon sa akin, at ganoon na lang ang pamumungay ng mga mata niya ng nakita sigurong namumula ako rito.
"It's kinda..." bumuntong hininga muna ito, "Di napipigilan, Kata. Ang sarap na ngang tumikim ulit."
Namilog ang mga mata ko sa gulat. Masyadong straight forward. Walang keme.
"E di gawin mo," aburidong sabi ko rito.
"I hope that's easy, Kata. Gusto kita at hindi ko kayang gawin iyan habang gusto pa rin kita." Buntong hininga nito.
Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi. Hindi na nakaimik. And so he was.
"K-kung, kung..." buntong hininga nito.
"K-kung ano?" Nagpalpitate na naman ang kilay ko sa bitin ng sinasabi niya.
Napatitig muna ito harapan. At parang bubble gum na nilalaro nito ang labi sa kaba.
"K-kung tutulungan mo ako, Kata. That will be a big help."
"H-ha?" Nalilitong tanong ko rito.
Napatitig siya sa kamay kong nakahawak na maliit na bag. At saka muling tumitig sa akin. Mabuti na lang medyo masikip ang traffic dito at kung hindi, kanina pa kami nabangga.
"Kahit kamay mo na lang, Kata... makakatulong."
H-ha?