Chapter 26

2117 Words
Nakaupo lang si Stefano sa malaking couch kung saan sila ngayon naroroon. Bantay sarado ang paligid at mukhang wala pa ang lalaking kausap ng kaniyang ama. Nakaupo lang din ito sa kabila at ilang sandali pa ay ngumiti at tumayo. “Mr. Long, it’s good to see you again,” sambit ng kaniyang ama. Tiningnan lamang ang ama niya ng lalaking may katabaan at may dalang tungkod saka umupo sa isa pang bakanteng upuan. “Buti ikaw sunod usapan,” sambit nito sa ama niya. Tiningnan nito si Stefano at napatango. “Ito pala anak mo, gwapo at pwede anak ko,” wika nito. Napakunot-noo naman si Stefano at sinamaan ng tingin ang kaniyang ama. “Mr. Long, hindi iyan kasama sa usapan natin. Isa pa, may asawa na ‘tong anak ko. Mapapatay ako ng asawa niya kapag nagkataon,” anito at nangingiti pa. “Huwag alala at ako sunod naman usapan. Pero ikaw hijo, puwede mo isipan ang sabi ko. Pwede ang anak ko anytime. Lalo pa lalakas power natin kung gusto mo,” wika nito. Naikuyom naman ni Stefano ang kamay niya. “Do you know who I am?” galit niyang sabat. Kita naman niyang natigilan ito at nginitian siya. “Ako hindi takot sa ‘yo. Dito ka teritoryo ko, hindi mo hawak tauhan ko. Isa mali galaw mo, patay,” anito at nginitian siya. “What do you want?” “Your father promised me to help my territory go wider. Ikaw pirma lang dito kasunduan natin. Iwas din ako away. Malas iyon, malas dugo negosyo. Bait naman ako. Payag ako half-half. Okay akin maliit lang na parte,” sambit nito. “Alam mong hindi puwede. Alam mong malaking away iyon. Kapag nalaman ng mga head ng organisasyon niyo paniguradong gulo ang aabutin. Ganoon din sa parte namin,” giit niya. Tumingin naman si Long sa ama niya at tumango. “Anak, matagal ng gustong kumalas ni, Mr. Long sa organisasyon nila. Mas malaki na ang koneksiyon niya kaysa mga kasama niya. Malaki ang kita at mas makapangyarihan na siya ngayon,” kumbinsi ng kaniyang ama. “Kapag nalaman ng ilang clan ang ginawa mo, sa tingin mo mabubuhay pa tayo? Pinilit mong ipasok ang mga taong ‘to kahit alam mong hindi sila puwede sa teritoryo natin. Ibang lugar sila. Wala ni isa ang sumubok na pasukin ang ibang teritoryo ng mga mafia dahil madugo ang away kung sakali. Ni minsan hindi pa nangyari iyon,” galit niyang saad. “Eh ito na nga, nakalimutan mo na ba ang usapan natin?” asik ng kaniyang ama. “Fine!” aniya at kinuha ang papel. Binasa niya iyon saka pinirmahan. Humalakhak naman si Mr. Long at tumayo. Sumenyas ito sa mga tauhan niya at mabilis na hinila sila at pinunasasan. “What the hell!” ani Stefano. Napaungol ang kaniyang ama nang tamaan ito ng dulo ng baril sa batok. Hindi na siya nakapalag pa nang maramdamang may tumusok sa kaniyang leeg. “Ni wangle wo tiansheng jiushi pantu,” sambit ni Mr. Long saka humahalakhak na lumabas ng living room. Nagising na lamang si Stefano dahil sa sigawan sa loob. Tila nagkakasiyahan at liyong-liyo pa ang kaniyang pakiramdam. “Xing lai! Xing lai!” Napahawak si Stefano sa ulo niya at naipilig iyon nang maramdaman ang sakit. Hindi pa man siya nakatayo nang maayos ay lumipad ang paa ng lalaki papunta sa mukha niya kaya napahiga siya at napaubo. “f**k!” Grabe naman ang sigawan sa paligid nila. Tila tuwang-tuwa ang mga ito sa sinapit niya. “Shale ta! Shale ta!” sigawan ng mga tao. Napahawak siya sa ulo niya at saka lang napansin na nasa loob siya ng ring. Isang octagon at napapalibutan ng mga tao. Mabilis siyang napaiwas nang sunggaban na naman siya ulit ng lalaki. Nakangisi ito sa kaniya. “That freak!” aniya nang maalala ang matandang si Mr. Long. Sinugod na naman siya ng lalaki. Mabilis na hinila niya ang paa nito at buong lakas na ibinato sa sahig. Nang makahiga ay napahawak ito sa kaniyang ulo dahil sa lakas ng impact ng tama nito. Hinila niya ang kamay nito pabaligtad kaya napasigaw ito sa sakit. Rinig na rinig ang paglagatok ng buto nito. Lumuhod siya at hinila ang leeg nito pagilid. Ilang sandali pa ay sigawan ang mga tao. Hindi niya alam kung galit o masaya dahil wala naman siyang maintindihan sa lengguwahe ng mga ito. Pero base sa mukha ay sigurado siyang disappointed ang mga ito. Pumasok naman ang lalaking hindi niya kilala saka itinaas ang kaniyang kamay. Bumaba na sila sa ring at saka siya pinalibutan ng mga kasama nito. “Galing mo ah,” wika ng lalaking kumuha sa kaniya. Hindi naman siya makasagot nang maayos. “Where am I?” tanong niya rito. “Nandito ka sa underground. Ibinigay ka lang sa ‘kin kanina ni, Lin. Piandala ka raw ni, Mr. Long,” saad nito. Napakunot-noo naman siya. May plano yatang patayin siya sa bugbog ng matandang iyon. “Ito ang parte mo, magpalakas ka pa lalo para dumami pa ang pera natin,” sambit nito at tinapik-tapik pa ang kaniyang balikat. Hindi na siya nagsalita at kailangan niya munang magmasid sa paligid. Lumabas na sila at sumakay ng elevator paakyat. Pagkalabas nila ay ang gusgusing paligid ang kaniyang nakita. “Ako nga pala si Mando. Ito ang district ng Nan Chai. Paano mo nakilala si Mr. Long? Mura ka lang niyang ibenenta kay, Lin Rou,” saad nito. Natawa naman siya nang pagak. “That old hag,” inis niyang wika. Sumakay sila ng taxi at huminto sa isang lugar na hindi niya rin alam kung saan. Pumasok sila sa isang apartment at kaagad na inasikaso ni Mando. “Mamaya darating na rin si Lin Rou. May dalang pagkain iyon. May importanteng inasikaso pa kasi eh,” wika nito. Tumango naman siya. “Ganda mong lalaki ah. Paano mo nakilala si Mr. Long? Mukhang hindi ka rin mahirap sa porma mo,” usisa nito. Natawa naman si Stefano. “Ano pala ang pangalan mo?” tanong nito sa kaniya. “Steven,” sagot niya. “Tunog aso ah,” anito. Natawa naman siya. Saglit ay naisip niya ang asawa. Na-miss niya na ito kaagad. “Kilala ba si Mr. Long dito?” tanong niya. “Oo naman, kilalang-kilala. Dating miyembro iyan ng triad kaso balimbing. Gumawa ng sarili niyang grupo kaya magulo. Masiyadong magulo ang lugar na ‘to. Maraming kagaguhan kaya halos pagharian na niya ang lugar na ‘to,” wika nito. Tumango naman siya. “Bawat establisyemento rito ay pag-aari niya. Lahat ng casino at bar sa kaniya. Alam mo kung paano niya kinuha? Kunwaring makikipagsosyo iyan, tapos hindi ka na makakabalik. Traydor sa lahat ng traydor,” dagdag pa nito. “Saka mag-iingat ka sa lugar na ‘to, puro kriminal ang nakatira rito. Kahit nga pulis hindi makapasok eh. Mga tao rito ay walang batas na sinusunod mula sa gobyerno. Dahil si Mr. Long ang batas,” kuwento pa nito. “Ang sabi-sabi ay may planong lusobin niyan ang teritoryo ng kabilang organisasyon. Ang lakas ng loob niya ‘di ba? Alam niyang hindi basta-basta ang kabila pero hindi takot. Nakipagsosyo na iyan sa ibang organsiasyon din at talaga namang nahaylo ng pera at koneksiyon. Pero nahirapan dahil nu’ng nakaraang transaksiyon lang niya binomba ng isang grupo. Sa laki ng kumpiyansa niya pati siya kamuntik ng matanggalan ng mata ng kalaban niya. Astig ‘di ba?” anito. Napakunot-noo naman siya rito. “Anong petsa na ngayon?” tanong niya rito. “June 18,” sagot nito. Ilang araw na rin pala siya sa lugar na ‘to. Ni hindi niya alam kung ano ang nangyari. “Buti hindi ka binenta sa club. Dineritso ka talaga sa underground para makipagbakbakan. Ito ang hanap-buhay namin dito. Malaki ang kitaan kapag panalo. Kapag naman talo, tiyak sa ilalim ng lupa ang bagsak mo. Ibang klaseng underorund iyon deritso kay kamatayan,” sagot nito at natawa. Sabay silang napatingin sa pinto nang may pumasok na magandang babae. Payat, matangkad, maputi at singkit ang mata. Nakasuot ito ng seksing damit. “Lin,” wika ni Mando. “Panalo ba?” tanong nito. Tumango naman si Mando at napangiti. Umupo ang babae sa harap niya at nagsindi ng sigarilyo. Naktitig ito sa kaniya. “Gwapo naman pala,” anito at nginitian siya. Hindi naman kumibo si Stefano. “Nagdala ako ng pagkain, kumain na kayo,” saad nito at tumayo na saka dumeritso sa kaniyang kuwarto. Nakangiting nilapitan naman siya ni Mando. “Type ka yata ni, Lin ah. Bihira lang iyan magkagusto sa lalaki,” komento nito at tumawa. Hindi naman siya natawa. Dahil kung nandito pa lang si Bela kanina pa natanggal ang mata niya. “May asawa ako,” sagot niya rito. Natigilan naman si Mando. “Ah, may anak ka na?” usisa nito. Umiling naman siya bilang sagot. “Kain ka,” saad nito. Tumango naman siya at talagang gutom na gutom siya. “Iyan ang kuwarto mo,” ani Mando at itinuro ang katabing kuwarto ni Lin. Tumango naman siya. Pagkatapos nga nilang kumain ay binigyan siya ng damit ni Mando. Pumasok na siya sa banyo at naglinis ng kaniyang katawan. Pagkatapos ay papasok na siya sa kuwarto niya nang lumabas si Lin na nakasuot lang ng seksing pantulog. Nilapitan siya nito at nginitian nang malagkit. “Hindi ka ba naiinitan?” tanong nito. Umiling naman siya at binuksan na ang pinto ng kaniyang kuwarto nang maramdaman ang pasimpleng hawak nito sa kaniyang braso. Alam na alam niyang inaakit siya nito. Wala siyang ibang maramdaman maliban sa nananayo ang balahibo niya sa sobrang pagkadisgusto. “Puwede kitang tabihan,” bulong nito sa kaniyang taenga. Napalunok naman siya dahil nakikiliti siya sa hininga nitong tumatama roon. Akmang hahawakan nito ng kaniyang tiyan kaya mabilis na hinawakan niya ang kamay nito at seryosong tiningnan ang babae. “Hindi ako pumapatol sa babaeng libreng nilalahad ang katawan,” aniya at basta na lang na binitiwan ang kamay nito. Kita naman niyang tila nainsulto ito sa kaniyang ginawa. “Nagpapa-hard to get ka pa,” komento nito. “No, iba ang hard to get sa nawawalan ng respito. Stop it,” aniya at pumasok na sa loob ng kuwarto at pinagsarhan ito ng pinto. “Baka nakakalimutan mong ako ang bumili sa ‘yo,” gigil nitong wika. Natawa naman nang pagak si Stefano at humiga na sa kama. “Walang sino man ang puwedeng magbenta sa ‘kin,” matigas niyang saad at ipinikit na ang kaniyang mata. Kailangan niyang magpahinga dahil bukas na bukas din ay sisimulan na niya ang kailangan niyang gawin. Marami pa siyang dapat na malaman. Hindi puwedeng maghintay na lang siya ng rescue mula sa mga kasama niya. Sinadya niyang huwag ipaalam ang kaniyang desisyon dahil delikado. Okay lang sa kaniya na siya ang maipit huwag lang ang mga ito. Good news din para sa kaniya na hindi na pala miyembro ng triad si Long. Dahil kapag nagkataon ay paniguradong lalo siyang mahihirapan. Ganoon pa man, hindi niya pa rin basta-bastahin lang ito dahil sa lakas ng koneksiyon nito. Isa pa ay hawak nito ang lugar. Kinabukasan ay maaga siyang nagising at kinondisyon ang sarili. Pagkatapos niyang mag-push up ay puno na ng pawis ang kaniyang katawan. Nakita niya sa kaniyang peripheral vision si Lin na nakatitig sa kaniya at napapalunok. Napailing na lamang siya. Kinuha niya ang kaniyang nasuot na damit at ipinunas sa kaniyang katawan. “Kape?” ani Lin. Kinuha naman niya iyon at nagpasalamat. Ilang saglit pa ay pumasok na rin si Mando at may dalang pagkain. “Almusal na tayo,” wika nito. Kumain na rin sila. “Aalis tayo ngayon, manonood tayo ng laban mamaya. Galing pa raw ‘yon sa ibang bansa ang kalaban ni, Wawex,” sambit ni Lin. “Wawex?” “Kagaya mo, pinatapon din ni, Mr. Long dito. Medyo matagal na iyon dito. Kinatatakutan ng mga manlalaban. Magaling at sobrang hirap tapatan,” sambit ni Mando. “Manonood din ang anak ni, Mr. Long kaya dapat nandoon tayo,” ani Lin. Halatang interesado ito sa event. “Ano ba ang meron sa anak niya?” “Iyon ang may hawak sa halos kalahati ng mga negosyo niya. Hindi mo aakalaing ang bruhang iyon ang may-ari sa sobrang hinhin,” wika ni Lin. “Ano ba ang hawak niya?” tanong niya rito. “Mga illegal tulad ng prostitution,” sagot naman ni Mando. Ramdam niyang tila wala ito sa mood. Mukhang may problemang pinagdadaanan. “Kapag nakalapit ako roon, mapapadali na lang lahat,” saad ni Lin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD