HAR-29

1217 Words

“Boss, kailangan ko ng tulong,” wika ni Garu sa kabilang linya. Kumunot ang noo ng binata at mabilis na kinuha ang baril sa drawer niya. Patakbong bumaba siya at dumeritso sa kaniyang sasakyan. Mabilis na pinaharurot niya ito at kasalukuyang kausap si Garu. Rinig niya ang malakas na palitan ng putok ng baril. “Ugh!” Rinig niyang ungol ni Garu dahil sa sakit. Lalo niya pang binilisan ang takbo ng kaniyang sasakyan. “I’m coming,” wika niya. Inabot din ng ilang minuto bago siya nakarating sa warehouse na kinalalagyan ni Garu. Marami na ang duguan at kadalasan ay mga tauhan niya. Ang iba naman ay malas na binawian na ng buhay. Mabilis ang kilos na tumakbo siya sa loob at natigilan. Hawak ni Don Manolo ang kanang kamay niyang si Garu. Duguan ang balikat at halos hindi na mahitsura ang mukha.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD