Chapter 20

4256 Words
Huminto sila sa harap ng isang kilalang restaurant at pumasok na siya sa loob. Naiwan naman si Prazi sa sasakyan at naghintay roon. “Reservation of Mr. Ali please,” aniya sa receptionist. “This way, ma’am,” saad nito at iginiya na siya papunta sa pinakagilid na table. Nakaupo roon ang lalaking sa tingin niya ay kaedad niya lang. Guwapo ito. Makapal ang kilay at pilik-mata. Hindi maputi pero sobrang tangkad. “You must be, Bela Rasgild,” sambit nito. “I am,” sagot niya at tinanggap ang pakikipagkamay nito sa kaniya. “I’m Imran Ali,” anito. “Hello, Mr. Ali,” bati niya rito. Sumenyas naman ito na maupo siya. Kaagad na nilapitan sila ng waiter at nag-order na. Nang matapos ay nginitian niya ito. “I’m glad that you consider my proposal than the others,” aniya rito. “Tobacco industry is just so difficult to pursue now. Sobrang higpit na ng gobyerno. I learned from my dad that you have an excellent skill underground. Kaya mong lusutan ang mga mahihirap lusutan,” sambit nito. “Thank you,” aniya lang dito. “I made sure that in every shipment you’ll get more half of what we earned,” saad pa nito. “Thank you,” ulit niya. Dumating na ang pagkain nila kaya nagsimula na rin silang kumain. “I never thought that you’re young and beautiful,” komento nito. Natigilan naman si Bela at napatingin dito. “Thanks for the compliment,” aniya rito. Wala na yata siyang ibang sasabihin dito kung hindi puro thank you. “How’s your food?” tanong nito. “It’s good,” sagot niya. Pasta lang naman iyon. “You have a boyfriend?” tanong nito. Natigilan naman si Bela. Malayo na yata ang mga tanong nito sa business nila. Tumawa naman ito at napahawak sa noo. “Sorry, I’m out of line. I was just so stunned with your beauty,” anito. “I understand,” sagot niya. “Mr. Ali?” Napaangat nang tingin si Bela at nakita na naman si Tere. Kasama nito ngayon si Stefano at nakalingkis pa sa braso. Iniwas naman kaagad niya ang kaniyang tingin dito. Mukhang sinusubok na naman siya ngayon. Hindi niya rin maintindihan kung bakit laging nagpapang-abot ang landas nila. Ramdam niyang titig na titig sa kaniya ang asawa. “Do I know you?” tanong ni Imran kay Tere. Bela scoffed. Feeling close kasi ito. “No, but I know your personal assistant, Sam. I’m her friend,” sagot nito. Tila hindi naman interesado si Imran at napatingin sa kaniya. Bela just smiled at him. “Are you here with your date?” tanong nito. Kita naman niyang hindi na komportable ang kasosyo. “Wala ka bang common sense?” sabat niya. “What?” sagot nito. “Hindi mo nakikitang may kausap siya? Kung gusto mo siyang kamustahin set an appointment hindi iyong basta-basta ka na lang nakikisawsaw. Can’t you see he’s not interested and he’s not comfortable talking to you? Hindi ka niya kilala,” aniya rito. Hindi naman nakasagot si Tere at napatingin lang kay Stefano. Tila humihingi pa ng tulong subalit hindi naman nagsalita ang lalaki. “How dare you?” anito. “Nakakabastos ka na,” aniya pa. “Tere, let’s go,” ani Stefano. “P-Pero—” Nauna na si Stefano kaya nakasimangot na sumunod naman ito. “Don’t mind her,” sambit nito. Tumango naman siya. “That man she is with is familiar. I think I already saw him,” wika nito. “That’s Stefano Monti,” sambit nito. “What?” gulat nitong saad. Kumunot naman ang kaniyang noo. “That man is a professional race car driver. He won a lot of tournaments held in Dubai. Kaya pala napakapamilyar niya. I should say hello later,” wika nito. Napalunok naman si Bela. Paano na lang kung magbago ang isip nito? “He’s the head of the Monti’s, right?” tanong nito. Tumango naman siya. “He’s your rival pala. Mabuti naman at hindi kayo nag-aaway,” sambit nito. Uminom lamang ng tubig si Bela sa baso niya at ngumiti nang tipid. Tila nakuha naman nito ang ibig niyang ipahiwatig. “That’s it, I understand.” Ilang minuto pa silang nag-usap bago nakipagkamay siya rito ulit at nagpaalam na. Secured na ang transaction nila sa tobacco. Hindi naman ito ang unang beses na pinasok niya ang tobacco smuggling. Marami siyang kasosyo at dumagdag lang ito. Malaking pera ang nakapaloob dahil sa bilyonaryo ang may-ari. Pumasok na siya sa loob ng sasakyan at napapikit. “Sa mansion, gusto kong matulog,” aniya. Tumango naman si Prazi. “May dapat pa ba akong gawin?” tanong niya kay Prazi. Tumango naman ito. “Bukas darating na ang shipment ng mga contrabands galing Columbia. Gusto ka ring kausapin ni, Mr. Gustavo tungkol du’n. Gusto niya yatang hingiin ang proteksiyon mo sa pamamalagi niya rito sa bansa nang ilang buwan,” sambit nito. “Nakuha mo na ba ang impormasyon tungkol sa Thery Eugenio na ‘yon?” tanong niya rito. “Oo, siya pala ang fraternal twin ni Azi,” sambit nito. “Tessa?” gulat niyang tanong. Tumango naman si Prazi. “Kaya naman pala, may dugong traydor,” aniya at napailing. “Nagtatrabaho bilang kanang kamay ng ama ni, Stefano. Malaki ang gusto kay Stefano kaya kung napapansin mo halos lahat na lumalapit sa kaniya pinapatay niya. Ikaw lang yata ang hindi niya kayang patayin. Nakahanap nang katapat,” sambit nito. “Ano pa? Wala bang anomalya iyan?” “That is one, about the bombing and other brutal m******e sa mga ka-cosa natin ay siya ang nag-utos. Sinamantala niya nu’ng umalis si Stefano at pumirmi roon sa probinsiya. Hindi iyon alam ni Stefano dahil plano iyon ng ama niya. Gusto nilang pabagsakin ang asawa mo para ibalik ang ama niyang natanggal sa katungkulan,” sambit nito. “What’s the issue between them?” “Nag-resign ang ama niya dahil sa liver failure. Naibigay sa kaniya ang posisyon kaso hudas eh, nabuhay at humaba pa. Gahaman sa pera at kapangyarihan kaya pati anak gusto niyang tanggalin. Tinik ang tingin niya kay, Stefano lalo pa at hindi niya kayang manipulahin. Mapagmahal sa ina ang asawa mo kaya lalong umusbong ang galit ng ama niya. Sinasabotahe ang sariling trabaho ng anak para mapabagsak kaso wala rin namang nagawa. Iyang bobo spotted na si Tere ay hindi nag-iisip at basta-bsta na lang na sumusunod sa utos ng ama ni, Stefano dahil pinangakuan siyang ipapakasal siya nito sa anak niya,” wika nito. “Bobo nga talaga,” aniya at napailing. “Hindi iyon napansin ni Stefano na ginagago siya ng mga taong nasa paligid niya?” tanong niya rito. “I don’t think so. May alam siya, kaya nga siguro umalis muna. Hindi siya magiging tinik sa lalamunan mo kung madali lang siyang utoin. Nanganib ang mga deals mo dahil sa kaniya. Ibig sabihin kaya ka niyang sabayan. He looks easy going pero lethal. Siguro naman napansin mo ‘yon lalo pa at asawa mo. Hindi mo ba alam na well-known criminal din iyan? Marami na rin ang napatay at mayaman. Isa sa pinakamayamang criminal sa buong mundo. Kung itatapat ang panahon ng ama mo at panahon niya ngayon, pareho lang sila,” sambit ni Prazi. “Ganoon siya kagaling?” “Oo, lahat na yata ng business hawak na niya. Drugs, guns, casino, extortion at kung anu-ano pa. Hawak niya rin halos lahat ng politiko rito iyong matataas ang ranggo kaya lalong lumakas ang panglan niya. You can’t afford messing with him. Sinwerte lang talaga tayo at asawa mo siya dahil kung hindi paniguradong hanggang ngayon naghahabulan pa rin kayo at nagbabatuhan ng granada,” saad nito. “Mukha ba akong takot sa kaniya?” tanong niya rito. Ngumiti naman si Prazi. “Kahit sino naman kung tatanungin kung sino ang kinatatakutan sa ibaba kayong dalawa ang isasagot. Malaking problema talaga kapag hindi pa kayo nagkaayos at mahahati ang miyembro ng council. Pareho kayong backed ng mga kilala rin sa underground. Maiipit sila kaya kung ano man ang mangyari hindi rin nila iiwanan ang tumutulong sa kanila.” “Kaya mas mabuting lumayo ako, Prazi. Iiwasan ko ang dapat na iwasan. Pag-iinitan kami ng mga kalaban. Mas mabuti na iyong hindi kami magkasama para kung ano’t ano man ay hindi ako maiipit o siya ang maiipit. Kailangan kong pangalagaan ang clan na ‘to. Maraming umaasa sa ‘kin,” sagot niya. “Hindi mo siya habang-buhay maiiwasan,” sabat nito. Natigilan naman siya at napatango. “Kapag nalaman ng pinuno ng triad ang namamagitan sa inyong dalawa magkakaroon sila ng rason para patayin kayo. Malaking gulo ‘yon, boss. Alam mong mainit kayo sa mga mata nila dahil sa property dispute at breach of agreements. Hindi naman namin kayo habang-buhay mapoprotektahan. Hindi rin tayo Diyos para hawakan ang buhay natin. Paniguradong makikiisa sila sa mga kalaban niyo at ha-hunting-in kayo. Iiwanan kayo ng mga kaalyado niyo dahil kilala natin ang mga miyembro ng triad. Wala silang pakialam at kaya nilang siraan ang isang organisasyong may butas na,” wika nito. “Iyon nga ang iniisip ko. Although wala naman sanang konek ‘to sa triad. Pero knowing na gusto nilang pumasok sa teritoryo natin problema ‘yon. May ganitong problema na rin noon at naayos naman, ngayon ito na naman,” sambit niya. “Hindi ba mas mapapalakas kung magkaanib kayo ni, Monti? Parehong malakas ang organisasyong hawak niyo,” saad nito. “Hindi siya ang problema, Prazi. Ang problema ay ang ama niyang dalawa ang mukha. Traydor at mukhang pera. Gaya nga nu’ng sabi mo, kaya niyang isakripisyo ang anak niya para sa posisyon niya. Knowing na kumikkilos sila behind his back, hindi ko alam kung ano ang mangyayari. May alam ang ama niya sa kalakaran ng pamilya nila. Dati iyong mafia don. Hindi rin naman lingid sa ‘kin na pasikretong lumulusob ang mga miyembro ng triad galing sa silangan,” aniya. “Paano kung malagay siya sa alanganin? Asawa mo pa rin naman siya. Hindi mo siya tutulungan?” tanong nito. “Kung ako lang, puwede naman. Pero ayaw kong madamay ang organisasyon. Hindi naman mahina ang utak ng head ng triad para maghanap ng gulo. Alam nilang sa ibang lugar sila nabubuhay at dito kami. Hindi sila puwede rito at talagang magkakagulo. Pero hindi lahat pinapahalagahan iyon. Iyong iba, sarili lang ang iniisip. Gahaman at gustong sakupin lahat. Matalino rin naman si Stefano, alam kong hindi siya maiisahan ng mga iyon,” sambit niya. “Ang bobo ng ama niya kung makikianib siya doon sa triad,” anito. “Not impossible, he’s half-Chinese,” aniya. “May dugo siyang Chinese?” “Oo, nalaman ko lang nu’ng nakaraan habang binabasa ko ang profiles nila.” “So? Hindi niya anak si Stefano?” tanong ni Prazi. “Iyan ang hindi ko alam. Magulo, sobrang gulo Prazi. Gustohin ko mang intindihin ang nangyayari sasakit lang ang ulo ko. Bahala na sila, poproblemahin ko muna an sa ’kin bago ang sa kanila,” aniya. “Good choice, boss,” wika ni Prazi. Natawa naman siya. Ang totoo ay nakuwento lang iyon sa kaniya ni Hades nu’ng nakaraan. Kung susumahin ay malaking pagkakataon sana na mapag-isa ang dalawang pamilya para lalo pang lumakas ang organisasyon subalit sa sobrang daming loopholes inabiso sa kaniya ni Hades na huwag na muna. Kahit papaano ay mautak naman ang kambal niya. Bago siya pumalit sa posiyon nito ay isa rin itong kilalang pinuno noon. “Hindi rin ako sure kung talagang malalim ang pagtingin sa ‘kin ni, Stefano kaya ayaw kong mag-take ng risk. Hangga’t kaya ko pang pigilan ang sarili ko pipigilan ko,” aniya. “Kaya pala bugbog sarado na ang mukha ni Tere na punching bag mo,” anito. “That woman is another level,” aniya at nabuhay na naman ang inis. “Nakakaawa rin siya kung sakaling mangyari iyon. Wala siyang ibang mapupuntahan. Tinatraydor pa siya ng pamilya niya. Baka nga hindi imposibleng hindi niya alam na may anay sa loob ng bahay nila at ang ama niya iyon,” wika ni Prazi. “Malaki na ang hawak ng pamilya nila. Business is doing good simula nu’ng mag-take over siya. Kaya paniguradong sasamantalahin iyon ng kalaban,” aniya. “Alam mo ba kung bakit umiiwas ako? Dahil iyon sa katotohanang kapag pipiliin kong samahan si Stefano pareho kaming masasawi. Wala siyang magiging-fall back kung sakali. Kapag nalaman ng underground na sanib-puwersa kaming dalawa madali na lang para sa kanila na patumbahin kami at traydorin. Parang hitting two birds in one stone. Sisiguradohin nilang maaalis kami sa listahan ng mga mafia at sisirain nila ang legacy namin. Aangkinin nila lahat ng teritoryong hawak namin dahil tinik kami sa paningin nila.” “Pero kung magkasama kayo, paniguradong mahihirapan din sila,” ani Prazi. “Kaya nga kailangan nang matinding pag-oobserba. Hindi puwedeng sunod lang nang sunod,” aniya. Tumango naman ito. “Pero mahal mo na?” tanong nito. Kumunot naman ang kaniyang noo. “Ano ba ‘yang pinagsasabi mo riyan?” aniya rito na ikinatawa naman ng assistant niya. “Eyy mahal mo na, in love ka na boss. Buti naman,” anito habang nakangiti. Natawa na lang din siya. Pagkauwi nila ay dumeritso na siya sa kaniyang kuwarto. Pinatira na rin niya si Ryx at Doding sa mansion para hindi siya nalulungkot. Para na rin marami na silang nakatira at baka tirhan pa ng jatot kung sakali. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- “How are you?” tanong ng kaibigan niyang si Apollo sa kaniya. Malayo ang tingin ni Stefano at huminga nang malalim. “I feel so empty right now,” sagot niya. “I missed her so bad,” dagdag niya pa. “Sa dinami-rami naman kasi ba’t sa malditang iyon ka pa na-in love,” reklamo ni Apollo. “Tsk, mind your mouth,” inis niyang saway sa kaibigan. “I don’t know what to do, Apollo. Sinusubukan ko siyang kausapin para sana mapag-usapan ang sitwasiyon namin kaso umiiwas siya. Para bang wala na talaga siyang pakialam sa ‘kin. I saw her kanina with that Dubai Billionaire’s son. They’re having a date. Tell me, mabilis ba akong palitan at kalimutan?” tanong niya sa kaibigan. Naaawang tiningnan naman siya ni Apollo. “Hindi no, mabait ka ano ka ba? Naalala mo iyong ninakawan ka ng motor noon? Iyong kinarnap? Nu’ng nahuli mo ang kumuha imbis na i-report sa police inilibing mo na lang agad. Nakatulong ka na sa lipunan nakatulong ka pa sa pamilya niya na huwag problemahin ang burial,” wika ni Apollo. Sinamaan naman siya nang tingin ni Stefano. “Gago,” anito. “Joke lang ‘to naman,” anito at tinawanan siya. Nilapitan niya ito at tinabihan. “Intindihin mo na lang ang asawa mo. Importante ay hindi annulled ang kasal niyo. Kahit saan kayo magpunta pagmamay-ari mo siya. Iyon nga lang hindi mo maipagsigawan sa mundo dahil ang daming hadlang,” sambit nito. “f**k them! Kung bakit kasi ganito ang buhay ko. Hindi ba puwedeng normal na businessman na lang ako?” reklamo niya. “Puwede naman, kumalas ka na lang sa org,” ani Apollo. “Sa tingin mo ba ganoon lang kadali? Puwede ko namang bitiwan ‘to kung maayos lang ang utak ng ama kong baliktad din kung mag-isip,” sagot niya. “Ano na pala? Nasabi sa ‘kin ni, Rufos na nag-away kayo ng ama mo,” sambit nito. “Galit siya dahil hindi ako nakipagkita sa kaibigan niya sa triad,” seryosong aniya. “Naghahanap ba ng problema iyang ama mo ha? Hindi ba siya nag-iisip? Siya talaga ang gumagawa ng dahilan para magkagulo,” wika ni Apollo. “Gusto niyang makipagsosyo ako sa kaibigan niyang miyembro ng triad. Nais nilang pasukin ang teirtoryo ko. They promised me a lot of shares pero magugulo ang napagkasunduan ng dalawang org. Alam mo namang nakasaad na na walang pakialaman ng teritoryo. Dahil kapag nagkataon ay magugulo ang lahat. Itong putang-inang ama ko na hindi mamatay-matay ay ayaw makinig. Nilalagay niya ako sa alanganin,” aniya. “Huwag kang papayag, hindi lang buhay mo ang malalagay sa langanin. Lalo naman ang buhay ng mama mo. Kapag nalaman ng mga council na nakisanib-puwersa ka roon paniguradong hindi ka bubuhayin. Baka iyang lab op your layp pa ang papatay sa ‘yo,” sambit nito. Huminga naman nang malalim si Stefano at napahilot sa kaniyang noo. “Ginagawa ko naman ang makakaya ko eh. Napapagod lang ako, hindi ko na yata kayang lumaban pa. Masiyado ng mahirap ang sitwasiyon ko,” aniya. “Sus! Kulang ka lang sa kiss ng asawa mo,” ani Apollo. Hindi naman umimik si Stefano. “Dude, marami akong contact dito na mga girlies, gusto mo?” tanong sa kaniya ni Apollo. Sa inis niya ay binugahan niya ito ng alak na kaniyang iniinom. “Yuck!” anito at mabilis na pinunasan ang kaniyang mukha. “Ang mahal magpa-facial tapos binugahan mo lang ako ng soon to be ihi mo? Kainis ‘to ah, parang ‘di kaibigan,” reklamo nito at mabilis na pinunasan ang kaniyang mukha. “Shut the hell up! Kung anu-ano na naman kasi ang lumalabas sa bibig mo. Hindi ako hayok sa laman gaya mo,” aniya rito. Bumusangot naman si Apollo. “Nagbabakasakali lang naman kais eh. Pero dude, seryoso? Ang bilis mo namang ma-in love,” komento nito. “Kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam ma-in love ‘di sana naging matandang binata na lang ako,” sagot niya. “Oo nga, kung sana sumasama ka lang sa mga gimmick ko eh ‘di dalawa tayong nagpaparamihan ng babae ngayon,” sambit nito. “Magsalita ka parang wala kang ina ah,” ani Stefano rito. “Hindi naman sa ganoon dude. Ina-appreciate ko lang ang mga kababaehan,” rason nito. “Tinitikman mo lang lahat, pakatapos tinatapon,” ani Stefano. “Masiyado ka namang protector ng kababaehan. Baka maging santo ka na niyan,” wika ni Apollo. “I just love my mom so much. Kapag may babaeng involve lagi kong naaalala si mommy. Kaya ikaw magbago ka na, may ina ka pa at may kapatid pang babae. Kaya mo bang i-imagine ang kapatid mo na gawin sa kaniya ang ginawa mo sa mga babae mo?” tanong ni Stefano sa kaniya. Napangiwi naman si Apollo. “Iyan ka na naman eh, kaya ayaw kong kainuman ka. Para kang pari na puro sermon,” reklamo nito. Huminga naman nang malalim si Stefano. “Pakiramdam ko wala ng silbi lahat. Para bang bigla-bigla nawalan na ako ng lakas para magpatuloy. Alam mong sa ’yo naman, pero hindi mo pa rin maabot-abot. Nakakainis! Nakakagalit,” aniya at tinungga ang laman ng baso. “Puntahan mo na lang kaya sa kanila,” ani Apollo. “Para ano? Para magpabugbog sa ama niya? Kung hindi ako natatakot sa ama ko, ibahin mo ang ama niya,” aniya rito. “Ipakita mo na malakas ka, na lalaking-lalaki at mahal na mahal mo ang anak niya,” anito. Natigilan naman si Stefano. “Sa tingin mo tatanggapin na nila ako?” tanong niya rito. Tumango naman ito. “Sasamahan mo ako?” Ngumiti naman si Apollo at tumango. Medyo lasing na si Stefano. Mas gusto niyang ganito ito para masabi lahat ng gustong sabihin. Inalalayan nga niya ito papunta sa bahay ng magulang ni Bela. Pagdating nila ay kaagad na hinarang sila ng guwardiya. “Asawa ni, Bela ‘to,” wika ni Apollo. Tila alanganin naman ang guwardiya na papasukin sila lalo pa at tahimik lang si Stefano sa gilid. Napalingon si Apollo nang marinig ang busina sa likod ng sasakyan nila. “Who’s that?” Napalunok si Apollo nang makilala ang sakay ng sasakyan. Si Hades Rasgild iyon. Bumaba ito at nilapitan sila. “Bayaw,” ani Stefano at nakangiting niyakap si Hades. Napaatras naman ito at inilayo sa kaniya. “You’re drunk,” anito. Ngumiti naman si Stefano. “Kunti lang,” sagot nito. “Hindi ko na pinapasok sir at hindi po sila pamilyar,” wika ng guwardiya. “Papasukin mo na,” anito. Napangiti naman si Apollo. Nang makapasok sa loob ay inalalayan niya itong umupo sa couch. Sa harap nila ay nakaupo ang buong pamilya ni Bela maliban kay Bela. Seryosong nakatingin sa kanila. Napalunok naman si Apollo. Siniko niya si Stefano na nakayuko lang. “Sino sa inyo si Monti?” tanong ni Infernu. Mabilis na itinuro naman ni Apollo ang kaibigan. “Siya po,” sagot niya. “Ano ang ginagawa mo rito? Sa pagkakaalala ko ay hiwalay na kayo ng anak ko,” saad nito. “No sir, hindi po. Siya lang po ang may sabi pero hindi po ako pumapayag,” striktang ani ni Stefano. “Aware ka naman siguro na hindi in good terms ang family natin,” saad ni Gideon. “Unaware po ako nu’ng una, pero kahit nu’ng nalaman ko na ang katotohanan ay hindi po nagbago ang pagtingin ko sa anak niyo,” mahina nitong sagot. “Lasing ka ba, hijo?” malumanay na tanong ni Sarissa. Tumango naman ito. “Kaunti lang po, hindi ko na po kasi kaya ang sakit eh. Para akong sinusuntok nang ilang beses. Nawawalan na ako ng saysay na magpatuloy,” aniya. “Maghanap ka na lang ng ibang babae. Marami ka naman sigurong naging babae. Hindi kawalan ang kapatid ko’t masama ang ugali nu’n,” ani Kaliq. Kaagad na kinurot naman ni Sarissa ang tenga ng anak. “Ouch!” reklamo nito. Umiling naman si Stefano. “I’m not toying with women. Si Bela lang po ang naging karelasyon ko since birth,” sagot niya. Nagtinginan naman silang lahat. Napangiti naman si Apollo nang alanganin. “Totoo po ‘yan, masama po ang ugali ni Stefano nang kaunti pero hindi po siya bastos. Mataas po respito niya sa mga babae dahil mahal na mahal niya ang mommy niya,” sambit nito. “What brought you here then? Sa totoo lang ay wala kaming magagawa kung ano ang desisyon ng anak ko. Isa pa, alam mo naman ang magiging problema kung sakali. Kung ano ang magiging desisyon niyo ay nandito lang naman kami. Hindi kami mangingialam,” wika ni Infernu. “Kung ayaw niyo po sa ’kin okay lang po. Hindi ko po ipipilit ang sarili ko. Pero gusto ko lang pong sabihin sa inyo na hindi ibig sabihin nu’n na aayawan ko na ang anak niyo. Gagawin ko ang lahat para matanggap niyo ako. Sana po ay naiintindihan niyo ako. Higit kanino man tayong magka-cosa ang mas nakakaalam sa estado ng buhay meron tayo. Hindi ko po napigilan eh. Mahal na mahal ko po ang anak niyo. Salamat po sa paggawa sa kaniya,” ani Stefano. Napipilan naman si Apollo nang itaas ni Stefano ang kamay niya na para bang sinsamba ang mag-asawang Rasgild. “Pasensiya na po,” aniya at inalalayan ulit ang kaibigan na umayos sa pagkakaupo nito. “Hindi naman sa ayaw namin. Kahit gustohin ka pa naming lahat kung ayaw ng anak namin sa ‘yo wala kaming magagawa,” ani Sarissa. Napasinghot naman si Stefano at tumango. “Kaya nga eh, nandiyan po ba siya?” tanong niya. “Hades, tawagan mo nga. Papuntahin mo rito, sabihin mo emergency,” ani Sarissa. Kaagad na sumunod naman ito. “Saglit lang ha, papunta na siya,” ani Kaliq. Napangiti naman si Stefano. Hiyang-hiya naman si Apollo sa nangyayari. Paniguradong manliliit ito sa hiya bukas si Stefano. Malakas ang loob nito ngayon dahil nakainom. “What happened?” Napangiti si Stefano nang makita ang asawa niyang nagmamadaling pumasok. Natulala pa ito nang makita siya. Tumayo naman siya at nilapitan ang asawa saka niyakap. “I missed you so much,” sambit nito. Napalunok naman si Bela at napatingin sa pamilya niya. “K-Kanina ka pa rito?” tanong niya. “Hindi ko alam eh,” sagot nito. Saka niya lang napansin na namumungay na ang mga mata nito. “Lasing ka?” aniya. Kaagad na nagsingiwian naman ang mga kapatid niya nang marinig ang kaniyang malumanay na boses. “Was she possessed?” mahinang tanong ni Kaliq sa mama niya. “Baliw,” anito at kinurot sa tagiliran. “Tatagilid din pala kapag in love,” ani Gideon at natawa. “Hades, alalayan mo na makahiga sa kuwarto. Hindi ‘yan kakayanin ni, Bela mag-isa,” ani Gideon at umalis na. Inalalayan naman ni Hades si Bela at dinala na si Stefano sa dati niyang kuwarto. Tiningnan niya si Apollo na napakamot lang sa ulo niya. “Gusto ka niyang puntahan eh. Baka mapano pa siya roon sa bahay niyo kaya dinala ko na lang dito. Baka kasi magalit at ako pa ang pagbuntunan kawawa naman ako. Hinahanap ka at hindi na nga ‘yan kumakain, inom lang nang inom,” pagsisinungaling ni Apollo. Mukhang epektib naman dahil lumambot ang ekspresyon ni Bela. “Sige, una na akong umuwi. Mag-usap kayo nang maayos. Nakakaawa na rin kasi iyang kaibigan ko, Bela. Huwag mo naman sanang basta-basta na lang na iwan. Kawawa eh,” anito. Huminga naman nang malalim si Bela at tinanguhan siya. “Salamat,” aniya rito. Nang makaalis ito ay inayos na niya ang pagkakahiga ni Stefano. Tinitigan niya ito at nakaramdam naman siya ng awa rito. Binihisan niya ito at saka tinabihan at niyakap. Bahala na lang bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD