“Mukhang maganda ang pinag-uusapan niyo ah,” komento ni Doding na kararating lang. Hinuhubad pa nito ang jacket niyang suot.
“Grabe ang init,” dagdag pa nito.
Tinikwasan naman agad ito ng kilay ni Bela. Numiti si Doding sa kanila at tiningnan si Steven.
“Teven, ano? Gusto mo ba ‘yang kaibigan ko?” tanong nito.
Lumaki naman ang ngiti ni Steven kaya sa inis ni Bela ay mabilis niyang pinansakan ng kamatis an bunganga nito at sinamaan ito ng tingin.
“Ano ha? Umayos-ayos ka. Hindi ako pumunta rito para makipaglandian kung kanino lang,” asik ni Bela.
Bumusangot naman ang binata.
“Ito naman, kulang na lang hindi mo na ako pahihingahin,” reklamo nito at nginuya na ang kamatis.
“Gigil na gigil ka na talaga sa ‘kin no? I understand, kung kasing-guwapo ko ba naman,” anito at kinindatan na naman siya.
Napahawak si Bela sa kaniyang ulo at for the first time nayon lang siya nakaramdam ng guilt. Siguro dahil alam niyang wala itong alam sa kinalakhan niya at nagjo-joke lang talaga.
Tumayo na siya at kinuha ang kaniyang sombrero.
“Una na ako, gutom na ako,” aniya at tinalikuran ang dalawa. Patakbong sumabay naman sa kaniya si Doding.
“Hoy! Ito naman galit agad,” ani Doding sa kaniya.
Nilingon niya ito at pagkatapos ay si Steven na pinuntahan pa ang kalabaw na dala nito kanina.
“Masiyado ba akong masama sa kaniya?” usisa niya kay Doding. Natawa naman ito at nanunudyo.
“Ano ba? Maayos akong nagtatanong sa ‘yo,” inis niyang sambit.
“Hindi nga? So curious ka kung nasasaktan ba siya sa mga sagutan mong parang papatay na anytime?” sagot nito.
Napaikot naman ni Bela ang kaniyang mata. She’s getting annoyed na naman.
“Ding, you know that I have too little patience on my body. Kapag naubos iyon hindi ko alam kung ano ang magagawa ko. Kung ano ang tanong ko, iyon lang ang sagutin mo please,” seryosong sambit niya.
Tiningnan naman siya ni Doding at nginitian.
“Nope! Hindi puwede, sobrang boring kapag ganoon,” sagot nito at nauna sa kaniya nang ilang hakbang.
“Ano ka ba naman, Bela? Hindi ka naman nandito para makipag-away. Hirap sa ‘yo lagi kang naka-war mode. Relax ka naman, enjoy-in mo ang lugar. Malamig dito at matiwasay. Pero ang aura mo parang anytime ay may papatayin. Pansin mo ba? Ilag na ilag ang mga kasamahan nating lapitan ka. Dumagdag pa talaga na nag-away kayo ni, Sita at nakita nilang sobrang tapang mo. Lalong walang gustong lumapit sa ’yo maliban sa ‘kin at kay Steven. Isa pa, mabait iyang si Steven. Hindi kita ma-gets kung bakit ayaw na ayaw mo sa kaniya. Man-hater ka ba?” tanong nito sa kaniya.
Kagyat siyang napaisip at nakagat ang kaniyang labi.
“Oo nga no, puwede naman akong mag-relax dito. Oo nga’t nakakapagod ang trabaho pero okay lang naman kahit papaano. Wala naman akong ibang choice at kahit magreklamo pa ako hindi ako pakikinggan ni daddy. Might as well embrace ko na lang ang life rito,” aniya.
“Korek! Huwag kang war-mode parati. Makipagkaibigan ka,” ani Doding.
Napangiti naman si Bela.
Nagtaka pa siya nang lapitan siya ni Doding at hinawakan ang kaniyang braso.
“Bakit?”
“Huwag namang ganiyang ngiti. Nakakatakot naman iyan,” saad nito.
“Eh paano ba?”
Sa sobrang seryoso ng buhay niya parang nakalimutan na rin niya kung paano ngumiti.
“Ganito, relax mo ang muscles mo sa mukha. Tapos ngumisi ka, labas mo ngipin mo at relax lang.”
Ginawa naman iyon ni Bela.
“Ang plastic,” komento nito.
“Eh paano ba kasi?” aniya.
“Ayan! Ayan ka na naman. Galit ka na naman,” wika ni Doding.
Huminga nang malalim si Bela at ni-relax ang sarili. Tiningnan niya si Doding at magaang nginitian. Natigilan naman ang matanda at nakatitig lang sa kaniya.
“Bakit? Hindi pa rin ba okay?” tanong niya rito.
“Taragis na ngiting iyan. Nakakaurat na ‘yang kagandahan mo, Bela. Sige na, huwag ka ng ngumiti. Pati bubuyog sa ‘yo lalapitan ka kapag nakita ang napakaganda mong ngiti eh,” anito.
Lalo naman siyang natawa at hinila na ito papunta sa kainan nila. As usual maingay at nagsimula na silang kumain. Tahimik lang ang dalaga at nakapokus sa kaniyang kinakain.
“Pista na bukas sa lugar natin. May disco mamaya, punta tayo?” aya sa kanila ng kasama nilang dalaga.
Kaagad na nagsitanguhan naman ang mga kasama nila. Maliban sa mga matatanda. Siniko naman siya ni Doding.
“Sama tayo,” ani Doding sa kaniya. Tiningnan naman ni Bela ang grupo ni Sita na nag-aya.
“Bela, sumama ka sa ‘min. Mag-e-enjoy ka roon,” saad ni Lucia.
“Okay,” tipid niyang sagot.
Kita niyang tila gulat pa ang mga kasama nila.
“Talaga?”
Tila hindi pa kumbinsido sa kaniyang sagot. Tumango lamang siya. Kaagad na nagngitian naman ang mga ito. Tila ba may hindi magandang binabalak. Wala namang pakialam si Bela.
“Parang balisa ka yata?” tanong ni Doding sa kaniya nu’ng nagbibihis na sila.
Hindi naman sumagot si Bela at inayos na ang suot na pantalon.
“I’m fine,” sagot niya.
“Huwag kang lumayo sa tabi ko ha. Lalo pa’t ‘di mo kabisado ang lugar na ‘to. Maglalakad lang tayo sa daan at malapit lang naman,” anito.
Tumango naman siya.
Naglagay siya ng pulang lipstick at inayos ang kaniyang curly na buhok.
“Tara na?” ani Lucia na sumilip pa sa pintuan ng kuwarto niya.
Tumango naman siya at umalis na. Nasa sampu rin sila.
“Sita, narinig ko kanina pupunta si Rufos at Steven. Di-disco rin sila,” kinikilig na sambit ng isa pa nilang kasama.
“Alam ko, Sharon. Kailan ba hindi pumunta si Steven? Mamaya ha. Gawan niyo ng paraan para lapitan ako ni, Steven at makapagsayaw kami,” kinikilig nitong saad.
“Oo naman no,” sagot ng mga kasama niya.
Napatingin ito sa gawi ni Bela na nasa likuran at tahimik lang na naglalakad saka umismid. Ramdam naman ng dalaga na sobrang laki ng galit nito sa kaniya dahil insekyurada ito. Hindi yata ito titigil hanggat hindi niya nasampulan nang todo.
Nang malapit na nga sila ay lagabog kung lagabog ang tunog ng music. Mapapaindak ka nga talaga sa lakas at ganda ng music. Maraming tao lalo pa at pagabi na rin naman.
“Bela, halika. Bili tayo ng puwede nating kainin,” aya sa kaniya ni Doding. Tumango naman siya.
“Ito isang daan. Hiramin mo muna at wala pa tayong sahod. Alam kong wala kang cash diyan.”
“Thanks,” tipid niyang sambit.
“Ding! Una na kami sa loob. Hanapin niyo lang kami. Nagpa-reserve kami ng table,” wika ni Lucia.
Tumango lamang ito at hinila na si Bela papunta sa mga stall na maliliit lang sa gilid. Ang disco-han ay nakabalot ng trapal ang bawat gilid. May entrance fee papasok kaya ganoon. Pagkatapos nilang kumain saglit ay pumasok na sila. Hinahanap nila ang kianroroonan ng mga kasama nila. Tuluyan na ring nilamon ng gabi ang paligid.
“Bela! Doding! Dito!” sigaw ni Lucia sa gilid.
Pumunta naman sila roon at kaagad na tinagayan ng beer. Alanganin si Bela na tanggapin iyon.
“Ayaw mo ba? Hindi ka ba umiinom?” tanong ni Lucia sa kaniya.
“Hindi ko pa natitikman iyan,” sagot niya lang.
“Ah! Masarap ‘yan, try mo,” alok nito.
Kinuha naman niya iyon at tinungga.
“Not bad,” komento niya.
“See?” anito at natawa.
Nag-excuse pa ito saglit at pumunta na sa gitna saka nakipagsayaw kung kani-kanino. Nasa gilid naman si Bela at sinadya niyang sa sulok pumuwesto para walang makapansin sa kaniya. Ilang sandali pa ay tumili ang mga babae nang may pumasok sa entrada. Napalingon doon si Bela at napakunot-noo nang makita si Steven. In all fairness talagang magandang lalaki ito. Mahirap na hindi mapansin dahil matangkad at napakalakas ng karisma. Napakaganda ng tindig at talaga namang guwapo. Kaso hindi niya talaga ito type.
Iniwas na niya ang kaniyang tingin dito at kumain na lamang.
“Bela, sayaw tayo?”
Napalingon siya kay Doding na parang mananakmal na.
“What happened to you?” tanong niya rito.
“Bela, pigilan mo ako. Gusto ko ng manampal ng haliparot,” anito habang nakatingin kay Rufo na nakikipagsayaw sa mga kababaehan.
“Go!” aniya rito.
“Huh?”
“Sampalin mo,” sagot niya.
Kaagad na nawalan naman ito ng lakas.
“Ano ka ba naman? Parang tinuturuan mo naman akong maging bayolente,” reklamo nito.
“Huh? Hindi ah. I’m just giving you a go signal. Kung tingin mo sinaskatan nila ang damdamin mo at gusto mo rin silang saktan pabalik, go ahead,” aniya rito.
“Ito naman eh. Ine-epect ko na pigilan mo ako no,” saad nito.
Natigilan naman si Bela at natawa sa kaniya.
“Don’t expect something from me, lalo na kung ang pagiging mabait,” sagot niya lang.
“Kaya nga, nagtanong pa talaga ako,” anito at nilunok ang isang baso ng beer.
Natawa na lamang si Bela kay Doding.
“Ni minsan ba sa buhay mo naging mabait ka?” tanong nito.
“What do you mean?”
“Hala! Nagtanong pa talaga. Ang dali lang ng tanong ko eh. Hindi ka ba gumawa nang mabuti sa kapwa mo?” tanong nito ulit.
Napaisip naman siya.
“Hmm, sabihin na lang nating may private life ako sa publiko. But underground? I don’t think so. Hina-hunting ako ng mga kalaban ko. One time may nakakita sa ‘kin. I mean, hirap silang kunin ang identity ko. Simply because maraming napapanggap na ako sa mga transactions ko. Mahirap na, baka ikamatay ko pa kapag ako mismo ang humarap. So, saka na ako lumalabas kapag ubos na ang mga kalaban ko. Maliban na lang talaga kung masiyadong risky ang sitwasyon kaya napipilitan ako. Nu’ng nakita nila ako pinaputok ko ang bungo, iyong isa naman tinanggalan ko ng mata. Iyong iba ganoon din, may buhay pa naman pero hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanila,” kuwento niya rito.
Napangiwi naman si Doding.
“Hindi ka takot pumtay?” tanong nito.
“Nu’ng una oo, pero kaysa naman ako ang mapatay nila ‘di ba?” sagot niya rito.
“Hindi ka ba natatakot sa sinasabi nilang divine retribution?”
Tiningnan niya si Doding at natawa nang pagak.
“Ano ‘yon?” aniya at inisang lagok ang basong may lamang beer.
“Nakakatakot ka ha. Pero may kaibigan ka naman du’n sa inyo?” tanong nito.
“Oo, isa lang,” sagot niya.
“Alam niya ang sikreto mo?”
“It’s an open secret. Alam kong may ideya siya pero hindi niya pinu-pursue. Hindi rin siya nagtatanong tungkol du’n. I guess it’s much better that way,” she answered.
“Bakit ka nga pala tinapon ng daddy mo rito?” usisa nito.
“Hmm, not my dad. But that jerk Hades,” aniya rito.
“Hades? Kapatid mo?” tanong nito. Tumango naman siya.
“Kambal, actually apat kami. Ako ang nag-iisang babae,” sagot niya.
“So, magkamukha kayo?” nakangiting tanong nito. Natawa naman si Bela na tila ba naiinsulto sa tanong nito.
“Excuse me? Kahit siguro nasa sinapupunan pa kami ng mommy ko pinagtatadyakan ko na ‘yon. Hindi kami magkamukha, thanks God!” aniya.
“Grabe ka naman, pwede ko makita ang mukha niya?” kinikilig nitong tanong.
“Puwede, basta iuwi mo na ako sa ‘min,” aniya rito.
Natigilan naman ito at napabusangot.
“Hindi ka makakaalis dito hangga’t hindi sinasabi ng ama mo. Malayo kasi talaga ang lugar na ‘to, Bela. Gustuhin ko man na isama ka paalis pero hindi puwede. Mahigpit ang seguridad at baka magkandaleche-leche pa buhay natin kung susubukan natin,” aniya.
“Bakit naman?”
Napatingin naman sa paligid si Doding at nilapit ang bibig sa taenga niya.
“Dahil lugar ito ng mga rebelde,” sagot nito.
Napakunot-noo naman siya.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
Napaikot naman ni Doding ang kaniyang mga mata.
“Lugar ng mga taong hindi sang-ayon sa pamamalakad ng gobyerno. Ang lugar na ‘to ay protektado ng mga rebelde. Mga asosasyong layuning kalabanin ang gobyerno. Mortal na kalaban ng mga sundalo, naiintindihan mo na ba?” paliwanag ni Doding.
“Ahh,” aniya lang.
“Oo, kaya hindi ka basta-bastang makalalabas dahil mahigpit. Lalo na at puro sundalo roon sa unahan,” dagdag nito.
“Hindi ba ikaw na ang boss ng clan niyo?” tanong ni Doding. Tumango naman siya.
“Eh nagta-transact ka ng droga ‘di ba? Kasi pinasok daw ‘yon ng dating boss. Iyong pinalitan mo ba,” aniya.
“Tapos?”
“Eh gumagamit ka rin ba nu’n? Kaya ba sobrang tapang mo?” usisa ni Doding sa kaniya.
Natawa naman siya. Hindi niya mapigilan ang sarili sa tanong nito.
“Bakit? May nakakatawa ba sa tanong ko?”
Napailing naman si Bela at tinapik ang balikat nito.
“Siyempre hindi. Kahit pa gaano kamahal ang drogang iyan hindi ako addict no. Isa pa, ito ang tatandaan mo, Doding. Walang bilyonaryong criminal ang gumagamit ng droga. Naiintindihan mo ba? May business kaming drugs pero hindi kami gumagamit. Alam namin kung ano ang epekto nu’n sa ‘min at sobrang sama rin naman talaga. Sisirain ba namin ang buhay namin dahil lang sa ganoon? We do drugs for business. Pera ang habol namin,” paliwanag niya rito.
“Eh bakit sa mga nakikita ko sa mga palabas eh gumagamit sila?” tanong nito.
Lalo namang natawa si Bela.
“Wala namang alam ang mga iyan eh,” aniya at napailing.
Natigil ang pag-uusap nila nang bumalik na ang mga kasama nila at bumili pa ng maiinom. Tinagayan din siya ni Sharon. Nagulat pa nga siya nu‘ng nilapitan siya ni Sita at nakangiti sa kaniya.
“Ito oh, Bela. Peace offering ko sa ‘yo, sana pagkatapos nito ay friends na tayo,” wika nito.
Napatingin naman siya sa baso. Hindi naman siya tanga para hindi malamang may gamot iyon.
“Huwag kang mag-alala walang gamot ‘yan,” nakangiting saad nito.
“Talaga? Puwede bang inumin mo muna? May trust issue ako eh,” sagot niya rito.
Natigilan naman ito at mukhang nag-aalangan pa. Napatingin naman ang mga kasama niya sa kanila.
“Grabe ka naman! Nagmamagandang loob na nga ako eh. Pero sige, naiintindihan kita,” sambit nito at ininom iyon.
Tumikwas naman ang kaniyang kilay sa ginawa nito.
“Siguro naman kampante ka na,” anito.
Huminga naman siya nang malalim at kinuha iyon saka ininom. Wala namang lasang kakaiba. Nanonood lang siya sa mga nagsasayaw at nakakahilo rin naman talaga ang mga disco lights sa itaas.
“Bela, sayaw muna ako ha,” ani Doding. Tumango naman siya.
Habang nakatingin kay Doding na sumasayaw ng dayang-dayang ay natatawa na lang siyang mag-isa. Napahawak siya sa leeg niya nang makaramdam ng kakaibang init. Kinuha niya ang tubig at ininom iyon subalit lalo lamang uminit ang pakiramdam niya.
“That b***h!” matigas niyang sambit at mabilis na tumayo.
Hindi puwedeng mawalan siya ng malay sa loob. Paniguradong mayayari siya. Alam niyang walang gamot iyong binigay ni Sita kanina. Malaman niya lang kung sino ang gumawa nito sa kaniya sisiguradohin niyang magbabayad talaga.
Napahawak siya sa kahoy sa gilid at ipinilig ang kaniyang ulo. Siguro naman ay kaya pa niyang maglakad at makakaabot pa siya sa bahay.
Mabilis ang kilos na naglakad siya kahit na parang sinisilaban na ang kaniyang katawan sa init. Nang makalayo ay mabilis na hinubad niya ang kaniyang damit. May sando naman siya sa loob. Huminto siya sa tabi na may irrigasyon at ibinabad doon ang kaniyang damit saka pinunas sa kaniyang katawan. Nang hindi na talaga makayanan ng katawan niya ay nagbabad siya roon at napapikit.