Napilitan nang umalis si Ying An dahil ayaw paawat ni Stella.
“That b***h!” anito at napapikit sa sobrang inis.
“Hayaan mo na, siguro naman bawing-bawi ka sa paghila ng buhok niya kanina,” ani Bela. Natigilan naman si Stella at napangiti saka tumango.
“Buti naman, uwi na tayo. May bibilhin ka pa ba?” tanong niya rito.
“Ma’am here’s your water,” sambit ng staff. Nakangiti lang ito sa kanila. Mukhang ayaw yatang mamalditahan at kita nila kung gaano katapanag si Stella kanina. Pagkatapos nga nilang mamili ay umuwi na sila. Sakto nga’t alas-sais ay sinundo na si Bela ng driver ni Long. Sumama na lamang siya at nagbihis nang maayos. Sinigurado niyang mabibwesit na naman si Ying An.
Pagdating nga niya sa isang hotel ay kaagad silang dumeritso sa restaurant sa gilid. Kaagad siyang pinapasok at iginiya papunta sa reserved table. Nakaupo roon si Long at sa harap nito ay dalawang tao. Paniguradong si Ying An iyon.
“Hello,” aniya sa mga ito at umupo sa tabi ni Long. Nagkagulatan naman sila ng asawa niya nang makita ito.
“What?” Nakatikwas ang kilay ni Ying An sa kaniya.
Hindi naman niya ito pinatulan.
“At least ako marunong maghanap ng kaedad ko at hindi tulad mo na desperada sa pera,” wika pa nito. Ngumiti lamang si Bela at tiningnan si Long na nakangiti sa kaniya.
“Don’t mind her,” saad nito. Tumango naman siya rito bilang sagot. Ilang sandali pa nga ay nag-order na sila. Panaka-nakang nakatingin lang si Stefano sa asawa niya tapos sa menu.
“May napili ka na ba?” tanong ni Ying An sa asawa niya. Nakaramdam naman sya ng inis dito. Parang gusto niyang hiwain ang labi nitong ngumingiti.
“How abot you, Belinda? Oldel ka lang gusto mo,” nakangiting saad ni Long. Tumango naman siya at pinilit ang sarili na ngumiti. Pasimple niyang tiningnan si Stefano at tinikwasan ito ng kilay.
“Oo nga pala, ito anak ko. Kilala mo siya. Ito naman si Stefano, boyplen niya,” sambit nito.
Akmang sasabat pa si Stefano nang hawakan ni Ying An ang kaniyang kamay. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng lakas. Lalo pa at nanunusok ang mga tingin ni Bela.
“Hindi ko alam na may boyfriend na pala siya,” konento niya at pigil na pigil ang sariling huwag basagin ang bote ng wine sa ulo ng asawa niya.
“Wala ka namang alam, huwag mo ng sayangin ang kakarampot mong brain cell para isipin ang bagay na ‘yan,” wika ni Ying An. Natawa naman si Bela.
“Long, mukha ba akong mahina ang utak?” tanong niya rito.
Mabilis na umiling naman ito.
“Ikaw sobla galing kahit ano bagay. Sobla mautak,” nakangiting sagot nito.
Napangiti naman si Bela. Ilang sandali pa ay ramdam niya ang mahinang sipa ni Stefano sa ilalim ng mesa. Hinayaan niya iyon at umayos sa kaniyang pagkakaupo. Ilang sandali lang naman ay dumating na ang kanilang orders.
“Ying An, sana naman okay ka na. Malapit na kaalawan ko. Gusto ko masaya tayo lahat. Gusto ko hindi tayo away. Hayaan kita buhay mo, hayaan mo lin ako buhay ko,” saad nito.
Tiningnan lamang siya ng anak niyang nakabusnagot. Kahit yata ngumiti ito para pa rin itong nakabusangot sa sobrang istrikta ng tabas ng mukha nito.
“I’m fine, as long as Stefano is with me. Marami pa kaming kailangang pag-usapan lalo na sa business,” sagot nito.
Hindi na kumibo si Bela at nagsimulang kumain. Sa kalagitnaan ay nag-excuse siya at pupunta siya ng restroom. Pagkapasok nga niya ay mabilis na tinitigan ang sarili at paulit-ulit na iniisip na okay lang lahat. Kahit gusto na niyang manapak ng mukha ay tiniis niya. Ngayon lang yata siya naging tahimik nang sobrang tagal. Inuubos ang pasensiya niya ng katahimikan. Hindi niya yata kayang tagalan ang pagpapanggap. Maliban sa nandidiri siya ay sobra siyang nabibwesit sa asawa niyang parang alagang aso ni Ying An. Ewan ba niya’t hindi niya kayang makita na minamanduhan ng iba ang asawa niya, pero okay lang kung siya naman ang nagmamando.
Lumabas na siya ng cubicle pagkatapos maghugas ng kamay. Kamuntik pa siyang mapahiyaw sa gulat nang hilahin siya ni Stefano papunta sa gilid.
“What the hell?” inis niyang sambit.
Stefano just pouted his mouth.
“What are you doing here? Why are you with Long?” tanong nito. Sinamaan naman kaagad ito ng tingin ni Bela.
“Ikaw pa talaga ang may gananng magtanong sa kin niyan? Ikaw na ano ang ginagawa mo rito? Nanligaw ka pala sa bruhang iyon ha? Akala ko ba iyong Lin Rou lang ang nasa listahan ko na babae mo, dumagdag pala iyang Ying An na iyan,” reklamo niya.
Parehong sobrang hina ng boses. May papasok kaya hinila siya ng asawa niya papasok sa isang cubicle.
“Para namang hindi mo ako kilala. Hindi ko kasalanan kung sobrang gwapo ko, my love,” sambit nito. Napaikot naman ni Bela ang kaniyang mata.
“Ba’t mo siya kasama?” usisa niya rito.
“I have to, gaya nga nu’ng usapan natin kailangan ko ng maraming ebidensiya. By getting closer to her is the only way I can do,” sagot nito.
Tumango-tango naman si Bela.
“Basta huwag kang magpapahalik. Kapag nalaman kong hinalikan ka ng bwesit na ‘yan makikita mo ang hindi mo pa nahahanap. Baka makita mo ang alitaptap na sa utak mo lang lumilipad,” banta niya rito.
“Yes boss,” anito at sumaludo pa.
“How about that old fart?” tanong nito.
“You know me, pero tinitiis ko lang ‘to para matunton si Aquila. Para na rin madagdagan ang ebidensiya mo if ever,” sagot niya rito. Tumango naman si Stefano.
“Stefano?”
Nagtinginan silang dalawa nang marinig ang boses ni Ying An sa labas.
“Distract her para makalipat ako sa men’s room. Nandito ako sa women’s cubicle,” mahinang saad nito. Tumango naman si Bela.
Lumabas na siya ng restroom at nag-abot ang tingin nila ni Ying An. Tumikwas ang kilay nito.
“Ang tagal mong lumabas ha, ano? May plano ka bang akitin ang nobyo ko?” asik nito sa kaniya. Napakunot-noo naman si Bela.
“Akitin? Bat ko naman gagawin kung puwede naman siyang lumapit sa ‘kin?” sagot niya rito. Kita niyang tila nawala na ito lalo sa mood.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
Nginitian lang ito ni Bela.
“Joke lang! Ito naman masiyadong seryoso. Ganiyan ka na ba ka-insecure sa ‘kin?” sambit niya.
“Kung hindi ko lang makakalaban ang ama ko dahil sa ‘yo, matagal na sana kitang pinapatay,” gigil nitong wika.
“Wow! takot ako,” sagot niya at natatawang dinaanan na ito.
“Walang may gusto sa pagmamay-ari mo, delusional! Sa tingin mo ba talaga wala na akong ibang makukuha kaya pati kasama mo pagnanasahan ko? Huwag mong isipin na ang libog ko ay para sa lahat. For specific person lang ito,” aniya pa.
“Sa tingin mo naniniwala ako?” sabi nito.
Nilapitan naman ito ni Bela at malamig na tinitigan. Iyong seryoso kaya napaatras ito nang isang beses.
“A-Ano ang ginagawa mo?” kinakabahan nitong tanong.
“Relax, wala pa nga akong ginagawa eh. Isa pa, hindi ko kailangang ipilit na maniwala ka sa ‘kin. Kahit ano naman ang sasabihin ko hindi ka maniniwala so ekis pa rin. Oo nga pala, pakiingatan ang jowa mo. Ang pogi niya, tingin ko bagay kami,” aniya at nginitian ito.
Nanginginig sa galit si Ying An habang nakatingin sa kaniya.
“You think you can do that to me?” Kita niyang nauubos na ang pasensiya nito. Iyon ang gusto niya. Gusto niyang mabaliw ito at mawalan ng peace of mind.
Tumango-tango naman siya.
“Dream on,” matigas nitong sambit. Ilang saglit pa nga ay akmang aalis na si Bela nang mahigpit na hawakan nito ang kaniyang braso.
“Subukan mo lang na gawin iyan. Hindi kita sasantuhin. Ipapahanap ko sa mga tauhan ko ang pamilya mo and I swear uubosin ko sila,” anito at nginisihan siya.
Umakto namang naalarma si Bela at napahawak sa kaniyang dibdib.
“What do you mean?”
Natawa naman si Ying An sa expression niya.
“Keep pissing me off, Belinda. I will surely make you regret it. Hindi infinite ang patience ko,” sambit nito.
Tiningnan naman ito ni Bela at inilingan.
“Fine,” aniya.
Lumuwang naman ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso. Tiningnan niya ito at nginitian nang matamis.
“Kapag nahanap mo ang family ko pakisabing nag hi ako ha,” sambit niya. She chuckled making Ying An puzzled.
“Are you crazy?” singhal nito sa kaniya.
“Alam ko sa sarili ko na hindi. Pero baka ikaw. Sa bagay, baliw naman talaga ang makapag-isip na hanapin ang pamilya ko. Good luck na lang, I wish you success if ever,” wika niya at kumaway na rito at umalis. Naiwan naman si Ying An na halos hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Naiiyak na lang siya sa galit.
Bumukas ang pinto sa dulo ng men’s room at lumabas si Stefano na nakangiti.
“Ying An,” anito.
Kaagad naman siyang ngumiti nang matamis dito. Nakahinga rin siya nang maluwag knowing na malayo naman pala ang kinaroroonan ni Stefano. She was unsettled earlier dahil sa pinapakitang attitude ni Belinda. She thought sinadya nitong pasundin si Stefano kaya sumunod na rin siya. Buti na lang she thought wrong.
“You saw her?” tanong nito.
“Hmm? Sino?” he asked. He looked clueless kaya umiling na lang si Ying An. For now kailangan niyang protektahan si Stefano.
“You should stay away from that woman,” aniya rito.
“Hm? Why?”
“Hindi mo ba nakikita? She’s a w***e. Pati ang ama ko na matanda na pinatulan pa. My father is your total opposite. She’s quite beautiful too kaya imposibleng magustuhan niya ang ama ko. That woman is plain pure gold digger. Pera lang ang habol niya. Wala namang maibibigay iyon kung hindi problema,” litanya niya.
“Maybe we can just stay out of their business. Saka hindi naman siguro mahina ang utak ng ama mo. Ngayon lang ba siya nagkaganiyan?” tanong niya sa dalaga.
Natigilan naman ito at hindi agad nakapagsalita.
“No, he’s been with countless women already. But this woman is different. Hindi siya natatakot sa ‘kin,” giit nito.
“And why should she be afraid of you?” usisa ni Stefano.
Tiningnan naman siya nito.
“I mean, hindi ba mas maganda kung nagkakaintindihan kayo? It’s a win-win situation for you. Mas mapapalapit sa ‘yo ang ama mo. And you’ll have your peace. Hirap naman ng gumigising ka araw-araw na masama ang loob or galit. Mapapadali ang pagtanda mo,” anito at nginitian ang dalaga.
Para namang natauhan ito sa sinabi niya.
“Gosh! Kailangan kong magpa-facial ulit mamaya,” anito at huminga nang malalim.
“Fine! I’ll try to be civil na lang,” sambit nito.
Tumango naman si Stefano at bumalik na sila sa table nila.
“Tagal niyo naman,” reklamo ng ama ni Ying An. Ngumiti lamang ang dalaga na para bang kinikilig. Tumikwas ang kilay ni Bela nang makitang bigla itong parang unbothered queen.
“Stefano, about sa kasal na alok ko sa ‘yo? Mukhang nagkaka-igihan naman na kayo nitong anak ko. Napag-isipan mo na ba?” usisa ni Long sa kaniya.
Napainom naman ng wine si Bela at pasimpleng sinulyapan ang asawa. Nakangiti lang ito at tiningnan si Long.
“I’m married, and you wouldn’t want to mess with my wife. I already told you who she is. She’s not going to let you go,” seryosong wika nito.
“Who’s your wife? Hindi mo ba alam na powerful ang pamilya ni, Long?” sabat ni Bela.
Natigilan naman si Stefano. Mukhang matatawa pa sa tanong niya.
“Darling, hindi mo kilala ‘yon. Masama babae, anak ng Italian-mafia,” sagot ni Long.
“Bakit hindi mo harapin, Ying An? Masamang babae ka rin naman ‘di ba? Saka ang galing-galing mo. Makipaghamunan ka sa kaniya. Kung totoong gusto mong agawin si Stefano, ba’t hindi mo harapin? Ipakita mo kung sino ka,” hamon niya rito.
Alanganin ngumiti naman si Ying An.
“You don’t know what you’re talking about girl. That woman is not someone you can easily offend. She’s the b***h of all bitches,” saad nito.
“So, paano na kapag nalaman niyang hawak mo ang asawa niya?” tanong niya rito.
Natahimik naman ito at halatang nag-iisip nang malalim.
“Then, I’ll face her,” mahinang sambit nito.
“You can’t! Atlibida,” sabat ni Long. Mukhang hindi yata hundred porsyentong confident.
“Ganoon ba kalakas ang babaeng iyon? How about I face her instead?” suhestiyon niya.
“That’s a good idea. Kahit papaano ay nag-iisip ka pa rin pala nang mabuti,” dugtong nito.
Tahimik lang sa gilid si Stefano na para bang nagbibilang ng makikita niyang butiki sa loob.
“Baliw ka ba?” asik ni Long sa anak niya.
“Hindi niya malalaman kung mag-iingat ka lang,” wika ni Long. Natawa naman si Stefano.
“You think she’s easy to fool? I’m sure right now nagtataka na ‘yon. I’ve been away for long. It’d be a big problem kung hindi niyo ako pakakawalan,” wika ni Stefano.
“I won’t let you go,” wika ni Long.
“Ang sweet mo naman,” Bela commented. Natahimik naman silang apat. Parang iba nga ang naging tono ni Long. Umubo naman ito nang peke.
“Marami pa akong dapat gawin. As long as hawak kita mapapadali lang ‘yon sa ‘kin. That b***h, I will take care of her,” saad nito.
“I already warned you. Hindi ako nagkulang magpaalala. Ying An, marami namang lalaki riyan. Forcing me to marry you won’t guarantee you a happy life. I love my wife, and I know she’ll find a way to find me. Maghanda na lang kayo dahil kung sakali man, you’ll regret it big time,” wika ni Stefano.
“Are you threatening my daughter right in front of me, Monti?” galit na wika ni Long kay Stefano.
Ngumiti naman si Stefano rito.
“Are you threatened?” sagot nito.
“I can easily throw you outside this building. Kayang-kaya kitang pakain sa mga pating,” sambit pa nito.
“I doubt it. Sa bigat ng katawan mo paniguradong ikaw ang mauuna kong itapon. Pero kung magpapatulong ka sa mga tauhan mo, why not?” sagot ni Stefano.
Natigilan naman si Bela. Mukhang nagkakainitan pa yata.
“Ayaw naman pala sa ‘yo at pamilyado na, ba’t mo pa ipinagpipilitan?” mahinang tanong ni Bela kay Ying An. Galit na tiningnan naman siya nito.
“You’re out of topic. Hindi ka kasali sa kung ano mang gulo meron ang pamilya namin. Puwede ba? Just shut up your mouth kung wala ka namang mabibigay na solution,” malditang wika nito.
“Kung solution lang nasa harap niyo na,” aniya rito.
“What do you mean darling?” tanong ni Long.
Ngumiti naman si Bela.
“Si Stefano ang problema. So, kung pakakawalan niyo siya, tapos ang lahat. Huwag niyo ng hintayin na malaman ng asawa niya na hawak niyo siya at kwits ang gulo. Dahil kapag nalaman niya, paniguradong problema talaga iyon. Tagilid kayo panigurado,” sambit niya.
“Paano mo nalamang tagilid kami kung sakali?” tanong ni Ying An. Nasa kaniya na lahat ng attention ngayon. Napaikot naman niya ang kaniyang mata.
“Kayo na nga nagsabi kanina ‘di ba? Kaya nga hindi mo siya maharap-harap dahil hindi mo kaya. Pinigilan ka pa nga ng ama mo,” sagot niya.
Nawala naman ang suspicion sa mata nito.
“Hindi ko siya pwedeng ibalik, darling. Masiyadong hilap iyon. Hindi puwede, malaki ang magiging losing ko. Mawawalan silbi ang gawa ko kung sakali. Hindi madali ang desisyon kong ‘to. Kapag binitiwan ko siya, hindi lalaki ang telitolyo ko. Hindi ko mapapasok ang bansa nila,” sambit nito.
“Palang naghahanap na lang ako ng batong pampukpok sarili ko,” wika ni Long.
“Kasi sinabihan na kita noon pa, hindi puwedeng pasukin ang teritoryo nila. Hindi ka nagpapigil, ano na ngayon? Sinubukan mong pumasok du’n nu’ng nakaraan ‘di ba? Ano ba ang napala mo? Kamuntik ka pang mapatay ng babaeng iyon,” inis na wika ni Ying An.
“Hindi ko naman kasi inakalang ganoon siya kagaling,” sagot ni Long.
“Thank you sa compliments,” sabat ni Stefano. Napatingin naman sila rito.
“You complimented my wife, it’s my pleasure,” nakangiting sambit nito.
“Ugh!” ani Ying An at napaikot ang mata.
Matapos nga ang pag-uusap nila ay kaagad na umuwi na nga sila. Sa susunod na araw ay birthday ni Long. Idadaos iyon sa bahay niya kaya kailangan na nilang kumilos.
Bandang alas-onse nga ng gabi ay sinuot na ni Bela ang silicone mask na dala ni Stella. Ginagawa nila iyon para hindi mamukhaan kaagad. Lalaki naman siya ngayon. Bumaba na siya sa isang eskinita at nagbayad sa driver. Ilang saglit pa ay nakita na niya ang apartment na kinatitirhan ni Mando at Stefano. Kumatok siya at si Lin ang nagbukas.
“Ano’ng kailangan mo?” tanong nito.
“Nandiyan ba si Mando?” tanong niya rito. Kung si Stefano kasi ang hanapin niya baka napagsarhan na siya ng pinto. Isa pa kasi ‘tong delusional.
“Mando? May naghahanap sa ‘yo,” wika nito.
“Sino?” nakangiting bumungad naman si Mando sa kaniya. Kumunot ang noo nito kaya sumenyas siyang lumapit ito.
“Ako ‘to, si Bela,” aniya.
“Pasok, pasok,” anito at mabilis na nilinisan ang couch at pinaupo siya. Kita pa niya na kumunot ang noo ni Lin.
“Stefano?” tawag ni Mando sa kaibigan. Kinatok niya ang kuwarto nito at lumabas naman ang asawa niya.
“May bisita ka yata,” anito kay Mando.
“Gago, asawa mo ‘yan,” sagot nito.
“What?”
Mabilis na nilapitan siya nito at tinitigan.
“Gagi, asawa ko nga,” sambit nito at tinulungan siyang tanggalin ang suot na mask.
Kaagad siyang niyakap nito at hinalik-halikan ang kaniyang pisngi.
“I missed you so much,” sambit nito. Napangiti naman siya rito.
“I miss you too,” sagot niya.
“Ahem, baka nakakalimutan niyong hindi niyo bahay ‘to,” sabat ni Lin na hindi na maipinta ang mukha.
“What brought you here? May nakakita ba sa ‘yo?” usisa ni Stefano sa kaniya.
“Oo naman, may mga mata ang mga tao sa paligid, natural na makita nila ako,” sagot niya rito. Napa-face palm na lamang si Mando.
“Iyan kasi eh,” anito na ikinatawa lang ni Stefano. Para na naman itong asong ulol. Halos ayaw na kumawala sa asawa niya.
“Umayos ka,” saway ni Bela sa kaniya. Bumusangot naman ito.
“Sa darating na kaarawan ni, Long. Kailangan na nating kumilos. Kung gusto niyo ng umuwi kailangan makinig kayo sa ‘kin,” sambit ni Bela. Tahimik na nakikinig naman si Lin at Mando.
“Na-confirm na ni, Stella na iyong babae ay si Aquila. She’s your sister, Stefano. Hahanap ako ng tiyempo para makapasok ka sa kuwarto niya. Convince her to go with you. Sigurado akong hindi ka niya nakalimutan. Save her, dahil nalaman kong ginagawa siyang subject for marriage alliance sa anak ng kasosyo ni, Long. Mind you, ang anak na iyon ay thirty years old na. A known drug-lord. Isang criminal na nananakit. Pinatay na niya ang unang dalawang asawa niya,” sambit ni Bela.
“You mean, Shu Tien?” sambit ni Lin.
Tumango naman si Bela.
“I’ll help you, Stefano. Kailangan mong ialis ang kapatid mo. That man is horrible. Kamuntik na rin akong mapagsamantalahan ng gagong ‘yan,” wika nito.
“Stella will help, Stefano. Siya ang tutulong para makapuslit si Stefano sa kuwarto. Mas maalam si Stella sa loob ng mansiyon dahil may mata siya roon.
“Sino ‘yan?” tanong ni Lin.
“My trusted ally,” sagot niya.
“Lin, you’re going with me. Kukunin natin lahat ng documents sa opisina niya. I heard nandoon sa vault niya lahat ng kailangan natin. Ikaw ang pupuslit sa mga ebidensiya papunta kay Mando. Ako na ang bahala sa loob. Goal mo lang dapat ay makuha ang ebidensiya at maibigay iyon kay, Mando. And Mando, make sure na maibigay mo iyon sa gobyerno bago pa man sumikat ang araw. It will be a big trouble kung sakaling hindi tayo umabot sa tamang oras. Keep Aquila safe too. Kung makalayo na kayo sa lugar na ‘to, huwag na huwag na kayong bumalik,” seryosong sambit niya.
“Paano kayo?” tanong ni Mando.
“I’ll try to survive,” sagot niya rito.
“Huwag mo na kaming alalahanin pa,” sambit ni Stefano.
“I’ll have my men escort you papunta sa shore. I prepared a jet ski there. Magpatulong kayo agad sa government. Malayo kami sa bansa natin, nandoon ang mga tauhan namin. Kaunti lang kami rito, so we’ll just find a way para mag-survive,” dagdag pa ni Stefano.
“That’s a big risk,” sambit ni Lin.
“But we don’t have other choice. Kapag hindi natin gagawin, baka malaman pa nila. Lalo tayong mahihirapan, baka nga hindi na talaga tayo makauwi,” wika ni Bela.
“Okay,” sambit ni Lin.
“Ikaw Mando, you’ll be our eyes outside. Ikaw ang magsu-supervise kung safe ba ang dadaanan namin. Stella will give you the surveillances. Nasa computer niya lahat,” dagdag ni Bela. Tumango naman ito.
“Kung sakaling magtagumpay tayo at makauwi sa Pinas, I’ll make sure na ililibre ko kayo,” wika ni Lin.
Kita sa mata nito ang kagustuhan na makauwi.
“I missed my family so much,” dugtong pa nito.
“That’s why we have to do this discreetly. Kailangan mas matahimik,” sambit ni Bela.
Tumango-tango naman sila.
“Paano kayo? Kung aalis kami, paano kayo?” tanong ni Mando.
“Isa pa, Isla ‘yong lugar ni, Long. Hindi niyo malalangoy ang siyudad. Kailangan niyong makaligtas,” dagdag ni Mando.
“Don’t worry, about us. Gagawan namin ng paraan,” sagot ni Stefano.
Nag-aalangang tiningnan naman siya ni Mando.
“Kapag nasigurado kong maayos na ang kapatid mo, babalikan ko kayo,” wika ni Mando. Tumango naman ang mag-asawa.
“Sasama ako kung sakali,” sabat ni Lin.
“Huwag na, gagalitin mo lang ako,” wika naman ni Bela.
“I don’t care,” sagot nito at inirapan pa siya.
Nag-usap pa sila sa kanilang gagawin. Sobrang nakakakaba pero wala naman silang ibang choice.
Tahimik lang si Stefano sa gilid. Mukhang malalim ang kaniyang iniisip. Nilapitan naman ni Bela ang asawa niya at isinandal ang kaniyang ulo sa balikat nito. Kaagad naman siyang inakbayan ng asawa at hinalikan ang ulo.
“Kapag nakauwi na tayo babawian kita,” nakangiting wika ni Bela. Nanlaki naman ang mata ni Stefano.
“Sure?” paninigurado nito. Natawa naman si Bela.
“Ang lalim yata nang iniisip mo. Ano ba ang iniisip mo?” usisa niya rito.
“Naisip ko lang ang kapatid ko. I’m sure, it’ll be shocking for her. Iniisip ko lang na baka ayaw niyang sumama, paano na lang? I can’t force her to go with me. Paano kung magalit siya sa ‘kin? Lalo pa at hindi siya lumaki kasama kami ni, mama. Paano kung may hinanakit siya? What if she hates me?” aniya.
Natahimik naman si Bela. Hinaplos niya ang mukha ng asawa at ngumiti nang tipid dito.
“She’ll understand. Isipin mo na lang, na kung hindi mo siya isasalba, maghihirap siya. Baka nga maging dahilan pa ng pagkawala niya. Long kept her all those years dahil alam niyang mapapakinabangan niya ang kapatid mo. Don’t let them use your sister. Kung kailangan kong patulugin siya gamit ang lakas ko, gagawin ko. We can say sorry after, maiintindihan niya iyon,” sambit niya.
Huminga naman nang malalim si Stefano.
“What will I do without you?” anito at puno ng pagmamahal ang mga mata.
“Marami kang magagawa kahit wala ako, nakaya mo nga akong paulanan ng bala noon ngayon pa kaya? Ilang transactions ang bulilyaso dahil sa ‘yo kaya imposibleng hindi mo kaya ‘to. Alam ko lang kasi na pagod ka na, kaya ako na muna. Let me lead for now. Take some rest, dahil sa susunod na ako naman ang pagod, ikaw naman. Dahil kung ayaw mo, lahat ng pagod na nararamdaman ko ikaw ang lalabasan ko ng lahat ng iyon. Pagpipirasohin kita,” aniya at nginitian ito nang matamis. Napalunok naman si Stefano. It was clearly a warning. Mas gugustuhin pa niyang galit ito kaysa nakangiti. Ang ngiting iyon, ibang-iba ang tumatakbo sa utak niya. Hindi palangiti si Bela kaya sigurado siyang gruesome ang nasa isipan nito. Mahirap din itong i-please kaya kailangan niyang pag-igihan lahat. Hindi naman siya pressured pero gusto niya lang patunayan sa sarili niya na deserving siya rito.
Na hindi ito nagkamaling pakasalan siya kahit pa man na nagsimula sila in an outrageous way. The world is toomuch for him to handle, but with her, it became a lot easier.