Nagtataka si Mafial dahil may kakaiba ngayon kay Luhan. Naging seryoso na ito ngayon at parang naging tahimik? Hindi niya maintindihan kung anong trip nito ngayon. atutuwa naman siya dahil mukhang nakalimutan na nito ang nangyari kahapon at mukhang balewala na nga dito. Simula nga kanina ng magkita sila ay hindi na nito binanggit ang ginawa nito kahapon. Ang akala nga niya ay kukulitin na naman siya nito pero akala niya lang pala. "Here's your coffee, Sir." Inilagay niya ang kape sa mesa nito. Napakunot noo siya ng tumango lang ito. "O...kay. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka." Muli itong tumango dahilan para mas magtaka siya. Napailing na lang siya at napagdesisyonan na hindi na lang ito pansinin. Baka naman kasi nabagok ito kahapon at na-realize nito ang ginawa at nasabi ni

