Huminga muna ng malalim si Mafial bago pumasok sa opisina ni Luhan. Hindi na sana siya magugulat kung isang galit at parang tigre na Luhan ang bubungad sa kanya pero nagulat siya ng makitang nagsikalat sa sahig ang mga papeles nito. Parang isang malakas na hangin ang dumaan sa opisina nito dahilan para magkagulo. What the hell just happen? Nag-away ba sina Richard at Luhan kaya nagkaganito? Pinulot niya isa-isa ang mga nagsikalat na mga papel sa sahig. "Bakit ang kalat ng opisina mo?" Galit itong tumingin sa kanya dahilan para magtaka siya. "Bakit ba galit ka na naman diyan?" Hindi ito sumagot. "Kung nag-away o may hindi kayo pagkakaintindihan ni Richard, sana huwag mong idamay ang buo mong trabaho. Makakalat ka naman dito, akala mo'y ikaw ang maglilinis." Napatigil siya sa pagpupulot n

