Huminga ng malalim si Mafial dahil nag-uumpisa na siyang mainis sa mga empleyado na halos paulit-ulit na lang ang mga tanong sa kanya? "Weeh? Di nga? Ikaw si Krys? Si Krys na ang pangit na secretary ni Sir Luhan?" "Paano ka gumanda ng ganyan? Anong sekreto mo o anong sabon mo? Share mo naman para gumanda din kami katulad mo." "Ngayon naniniwala na akong may isang himala." "Pwede pa lang maging prinsesa ang isang frog?" "Tangi! Prinsipe 'yon." Napapailing na lang siya. Kung siya lang si Mafial at hindi si Krys ay baka itinapon na niya ang mga ito sa ilog Pasig. "Excuse me. Can I invite Miss Mafial Krys Levine for lunch?" Mabilis siyang napaangat ng tingin dito dahil sa pagbanggit nito sa buong pangalan niya. Nagtataka siya kung bakita alam nito ang buo niyang pangalan. "Zero?" Para

