Chapter 21 - Vacation

2108 Words

Nagtataka si Mafial nang hindi niya makita si Luhan sa sala at kusina. "Nasaan naman kaya 'yon?" Lumabas siya ng bahay para sana maglakad-lakad sa dalampasigan ng makita niya si Luhan na may kausap sa cellphone nito. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nito nakikita. "Okay, dude. Bye." Napalingon ito at nagulat ng makita siya. "Krys, gising ka na pala. Kanina ka pa diyan?" Tumango naman siya. "Yeah. Si Richard ba ang kausap mo?" "Oo." Itinago nito ang cellphone sa bulsa nito. "Papunta ba ba siya dito?" "About that..." Napakunot noo siya ng makitang napakamot ito sa noo. "Hindi na daw siya makakapunta dito dahil biglang nagkaroon ng emergency sa kanila. So, yeah... Walang business na mangyayari ngayon." Napatango na lang siya. "So, uuwi na ba tayo?" "Ha? Bakit naman tayo uuwi?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD