PARTY

2000 Words
[CYRUS LEI'S P.O.V.] *RINGTONE RINGS* "Hello, pakyu ka. Kung sino ka man, siguraduhin mo na importante 'yang sasabihin mo. Dahil kung hindi, puputulan kita ng leeg!" sigaw ko agad sa hinayupak na tumawag at umistorbo ng gwapo kong tulog! Sa susunod talaga ay isa-silent ko na ang phone ko kapag tulog ako para hindi ako naiistorbo! ["Pakyu ka rin, bro. Chill ka lang, masyado ka namang hot!"] rinig ko na sabi ni Bren at tawa pa ng tawa. Mukhang tuwang-tuwa ngayon si gago dahil alam niyang naistorbo niya ang tulog ko. "Tangina mo. Anong kailangan mo? Saka ka pa talaga tumawag kung kailan napakasarap ng tulog ko?!” Mas lalo siyang natawa dahil sa sinabi ko, “Gago! Nananaginip ka pa yata! Get up now, dude! Baka 'di mo alam na ala-singko na ng hapon?"] Napabalikwas ako sa pagkakahiga at tinignan ang wall clock sa gilid ko. s**t! 5:25 PM?! Holy mother of cats and dogs! Hapon na pala?! Ni hindi ko man lang namalayan ang oras, tapos antok na antok pa rin ako ngayon. ["Beats me. Gulat ka 'no? Mag-ayos ka na! Naaamoy ko hanggang dito na ang baho mo! Baka nakakalimutan mo na may birthday ngayon ni Karl at dito sa bar namin gaganapin?"] Napahawak naman ako sa ulo ko. Oo nga pala, kaarawan ngayon ni Karl. Sobra na kasi ang pagod ko nitong mga nakaraan at ngayon na lang ulit ako nakapag-pahinga ng ayos. Kung wala lang akong lakad ay baka twenty-four hours na akong tulog. "Ge. Mag-aayos na 'ko. Nand’yan na ba si Peo?" tanong ko. ["Oo. Ikaw, Jazzer, at Hendrix na lang ang wala pa rito. Bilisan mo."] "Okay, ge." Mabilis kong ibinaba ang tawag niya. Mabilis akong nag-ayos ng sarili. Naka-black blazer jacket at black sando lang ako tsaka black skinny jeans at black rubber shoes. Bar ang pupuntahan namin kaya party-party. Damn! Nagugutom na ako! Ba't nga ba napahaba ang tulog ko? Ni hindi man lang ako nagawang gisingin ni Peony. Inayos ko ang buhok ko at saka pinaulanan ng pabango ang katawan ko. Kinuha ko ang susi ng BMW M6 convertible ko at ang wallet ko. Pati na din ang cell phone ko. Lumabas na ako ng kwarto at nakita na ang mga katulong na lang ang nasa baba. Lumabas ako ng mansyon namin at mabilis na sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot paalis. Naka-open ang M6 convertible ko para fresh air. 6:30 PM na. Isang kamay ko lang ang nakahawak sa manibela habang ang isa ay naka-dantay lang sa pintuan ng sasakyan ko. 6:45 PM nang makarating ako sa bar nina Aster at Bren Dale. Maraming tao. Mga bisita ni Karl siyempre. Pagpasok ko pa lang sa loob, may mga bouncer na agad sa paligid. Nagpa-party na rin ang mga tao. Dim na din ang lights at ang DJ dito ay todo sa patugtog. Nahanap ko agad kung nasaan sina Bren. Nasa gitna sila. Kumpleto na ang lahat at ako na lang pala ang hinihintay. "Mga pare!" sigaw ko. "Uy! Narito na pala si Boss Cyrus!” sigaw ni Jazzer. Nagkipag-high five ako sa kanila. "Bro! Happy birthday! Kiss na lang kita, 'yon na regalo ko!" sigaw ko kay Karl. Nagtawanan naman sila. "Gago! Save your kiss na lang!" sigaw niya pabalik sabay tawa rin niya. Iniabot ko sa kanya ang maliit na box. Mamahaling relo 'yon na binili ko pa sa US noong nandoon kami ni Peony. "Salamat, p’re! Mahal na mahal mo talaga ako e!" Ginulo ko na lang ang buhok ni Karl saka tumawa. Nakita ko naman sina Aster, Ate Myo, Raven, at Peo na nagsasayaw na. Sina Jazzer, Hendrix, at Brix ay naghahanap ng mga chix habang nagtatawanan. Sina Bren, Vash, at Kyde naman ay nagtatawanan din habang umiinom. Sumali ako sa kanila. Biglang tumigil ang tugtog at napatingin kami sa mini stage na naroon. Nakita namin na nakatayo roon sina Tita Hailey at Tito Kent. Ang mga magulang ni Karl. "Good evening, everyone! Thank you for coming to my only son's birthday! I just want to say something to Karl. Son, alam mo naman na gwapo ang tatay mo ‘di ba? Syempre, alam na alam mo 'yan! Sayang nga e, 'di mo man lang namana ang ka-gwapuhan ko. Ako kasi napaka-gwapo ko, e ikaw? Hays. Wala ka pa sa kalingkingan ng ka-gwapuhan-- aray naman, Hails!" sigaw ni Tito Kent. Lahat kami ay nagtawanan dahil sa kanila. Piningot kasi ni Tita Hailey ang tainga niya dahil sa mga sinasabi niya. "Ano ka ba! Kung ano-ano ang mga pinagsasabi mong ka-sinungalingan! Akala ko ba message sa anak mo?" sabi naman ni Tita Hailey. Pareho kasi silang naka-mic. Ngumuso naman si Tito Kent. I sighed. How I missed my bro. Dad, I wish you and mom were still here. I smiled bitterly. "Seryoso na nga! So Karl--" "Sa pagkakatanda ko, 'di uso sayo ang word na 'seryoso,” singit naman ni Tito Brent. Nagtawanan kaming mga lahat. Mas malakas pa ang tawa ni Bren Dale! Ang saya talaga kapag nagkasama-sama kaming lahat pati ang mga magulang nila. "'Wag ka nga epal d’yan, kambal! Tsk. So ayon nga, mahal na mahal ka nitong gwapo mong daddy, Karl. Ikaw lang sapat na,” aniya. "Paano si Mom?!" sigaw ni Karl. "Mag-uusap tayo mamaya, Karl. Secret." Kunwari ay bulong pa ni Tito Kent. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. "Hello, everyone! Thank you for coming to Karl's birthday! Karl, I love you baby boy. Spoiled na spoiled ka sa amin dahil ikaw lang ang nag-iisang anak namin. Well, hihiling ka pa ba ng kapatid?" tanong ni Tita Hailey sa kanya. Agad umiling si Karl. "Good. So baby, I want you to know that we were so proud of you. I love you." Tapos bumaba na sila ng mini stage at lumapit kay Karl. Sina Tita Jess, Tito Brent, Tita Hailey, Tito Kent, Tito Rence, Tito Justine, Tita Maicah, Tito Sydney, Tita Kyana, Tita Cindy, Tito Christian, at si Tita Mae ay magkakatabi sa gilid namin. Mga naka-upo rin sa sofa. Malawak kasi ang bar na 'to nina Aster at Dale. Ang ganda pa ng interior design. Kaya patok na patok ang negosyo nila lalo na sa mga artista at mga matataas na tao. Hindi rin kasi basta-basta na makakapasok rito. Kumpleto sila, wala lang sina Mom at Dad. Si Tito Kean at Tita Lhei. Pati na rin si Tita Cara at Tito Chase. Umakyat naman ngayon si Karl sa mini stage, "Hello! Again, I want to say thank you for coming tonight. Mom, Dad, I want to say thank you dahil ginawa niyo ako at nabubuhay ako ngayon sa mundong 'to. Sa mga ka-barkada nina Mom and Dad, mga Tito at Tita, thanks for being there. At hindi ko na kailangan pa ng kapatid kasi nariyan ang barkada ko. Pati sina Aster at Bren na mga pinsan ko. Masaya na ako. Another year added to my age. Ah! Sa mga nagtatanong ng girls d’yan kung bakit wala pa akong girlfriend? Kasi hinihintay ko pa siya.” Matapos sabihin 'yon ni Karl ay tinignan niya ang isang babae na minamahal niya. Raven Alexa of course. Tinignan ko ang pinsan ko, hindi siya makatingin kay Karl. Alam na namin 'yon matagal na pero syempre, 'di namin sila pinapakelaman tungkol doon. "So that's all! Enjoy the party!" Matapos ay bumaba na si Karl. Medyo natahimik ang lahat kanina pero agad ding umingay nang magpatugtog na muli ang DJ. Sayawan, asaran, inuman, sigawan, batukan, iyon ang naganap sa party. Peak ang party nang mag-alas tres na ng madaling araw. Kami-kami na ang natira at umalis na ang ibang bisita. Ang mga magulang din nina Aster ay umalis na dahil magpapahinga na raw sila. Tinignan ko si Peony na umiinom habang nakatingin kay Brix. Tss. Wala naman siyang pag-asa d’yan pero patuloy pa rin sa pagmamahal sa lalaki na ‘yan. Nilapitan ni Peony si Brix at nginitian. Narinig ko pa ang sabi nito, "Kaizer! Gusto mong magsayaw tayo?" Umiling si Brix, "Sorry, Ate Peo. Tinatamad ako e." Bumagsak ang mga balikat ni Peony sa naging sagot nito. Lalapit na sana ako nang nakita kong nakalapit na sa kanila si Jazzer. Hinawakan niya ang kamay ni Peony. "Tara, Peony! Tayo na lang mag-sayaw! Yuhooo!" sigaw pa nito at hinila sa dance floor si Peony. Mas bagay pa si Jazzer sa kapatid ko. "Bro! Tulaley you? Wacha problemow?!" sigaw sa akin ni Bren. Hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa ako. What the heck! Oo nga pala, sa aming lahat na mga lalaki si Bren ang malakas uminom pero siya naman ang mabilis malasing! Lasing na ang gagong ‘to. Mas lalo pa siyang naging hyper. "Taena mo! Ast! Itong kakambal mo, lasing na!" tawag ko kay Aster. "’Di pa ko lasing! Suntukan pa tayo!" sigaw ni Bren. Nagtawanan kami nina Kyde. "Lagi namang nalalasing si Kuya Dale,” sabat ni Hendrix. "Hayaan niyo siya!" sigaw naman ni Aster. Umiling na lang ako. Napatingin ako kay Karl na nakikipag-tawanan kay Raven. Si Kyde naman-- tangina! Sino ang katext nito? Umusod ako ng kaunti para makita ang cell phone niya, kaso naalala ko... "Stop it, Cy,” aniya. Malakas nga pala ang pakiramdam nito. May dugong Empir; e. Tapos malakas rin ang Delvalle. Imba talaga 'to. "Sino ba 'yang ka-text mo nang ganitong oras?" takang tanong ko. "Wala akong ka-text,” sagot niya pero titig na titig sa screen ng phone niya. Niliitan ko ang mga mata ko. f*******: ba 'yon? Mas niliitan ko pa. Teka-- is he stalking Ellise Feroce of Cadewell band?! Napangisi naman ako at napasipol. Tinignan niya ako nang nagtataka, "What?" he hissed. I just smirked at my cousin. Binata na si Kyde Francis Delvalle mga pare! Pero maya-maya lamang ay nakarinig kami ng mga nabasag sa labas ng bar. Lahat kami ay napalingon do'n. "Anong meron?" tanong ni Raven. I shrugged saka naunang tumayo. Nakita ko pa na naka-silip sa labas ang mga bouncer. Tumabi naman sila nang makitang papalabas ako. Naramdaman ko na naka-sunod ang mga kaibigan ko sa akin. Mga chismoso rin naman sila. "Tangina mo hayop! Kami pa talaga ang kinakalaban mo?!" rinig kong sigaw mula sa labas. At doon sa hindi kalayuan sa bar nina Aster ay may gulo na nagaganap. Mga lalaking naka-school uniforms at may binubugbog na tatlong lalaki. Anim na lalaki ang mga nakasuot ng kanilang uniforms. Bakit naman dito pa sila nagbubugbugan? Kanina pa nag-awasan ang mga estudyante tapos narito pa ang mga ito ng ganitong oras. Mga pariwara siguro ang mga estudyante na ito. Hindi ba nila naiisip ang mga sinasakripisyo sa kanila ng mga magulang nila? Tapos narito sila ngayon para lang makipag-away. Tss, mga kabataan talaga ay kakaiba na ngayon. "Hoy! Ano 'yan?!" sigaw ni Bren Dale. Ang gago naman nito! Lasing na nga, sumigaw pa! Nakisali pa siya sa gulo na nangyayari roon. Makulit din talaga ito kapag may tama na siya ng alak. Napatingin tuloy sa amin ang mga lalaki na nag-aaway doon. Nasa gilid ko si Peony at napatingin ako sa kanya nang mag-salita siya. "Shunrei?" bulong nito sa sarili pero rinig ko naman. Sinundan ko nang tingin ang tinitignan niya. And there I saw a man standing there. Nakahalukipkip siya habang nakatingin sa amin at walang reaksiyon na makikita sa mukha niya. Sinong Shunrei? At bakit siya nakatingin sa amin ngayon? Ganitong oras ay may mga bargasin pa rito sa lugar. Mga kabataan nga naman. Ngunit nag-iba ang tinititigan ng lalaki na ‘yon. Nilingon ko si Peony at parehas silang nakatingin sa isa’t-isa ngayon. Mas lalo lamang na napakunot ang noo ko. Mukhang magkakilala ang dalawang ito. What? May kakilala na si Peony na isang basagulero? Paano naman niya nakilala ang lalaki na ‘yon kung sakali? Kay rami biglang mga tanong sa aking isipan. Lalo na kapag involved ang kapatid ko. Protective ako sa isang ‘to dahil ako ang tumatayong magulang at kuya niya. Sino ba ang Shunrei na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD