[CYRUS LEI'S P.O.V.] Mga basag na bote ang nakita namin na nakakalat ngayon sa daan. Duguan din ang ulo ng isa sa mga kawawang nabugbog na lalaki. Halata na ipinukpok sa kanya ang isang bote. Mabuti pa nga at may malay pa siya. Mukhang malala na ang tama ng ulo niya pero nanatili pa rin siyang gising. Wala namang sasaklolo sa kanila ngayon dito lalo na at hating gabi na. "Ganitong oras na ay nagbubugbugan pa kayo rito? Sa tapat pa talaga ng bar namin?! Gusto niyo ba na ako ang bumugbog sa inyo?!” sigaw na naman ni Dale. Sinenyasan ko si Aster na ipasok na sa loob ang kakambal niya. Agad naman itong tumango at hinila ang kakambal niya papasok sa loob. Hindi na talaga nako-control ni Dale ang ugali niya kapag may tama na siya ng alak. "Peony, sinong Shunrei ang sinasabi mo?" bulong ko

