[RAVEN ALEXA'S P.O.V.] "We have our own plan, Raven." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Hawak ko pa rin ng cellphone ni Brasen kaya naman nagtype ako ng sasabihin kay Brix. Pakiramdam ko ay kay rami nilang itinatago sa akin. Ano ang ibig niyang sabihin na may sarili silang plano? Plano tungkol saan? Plano tungkol kanino? Ano ba talaga ang ginagawa ni Brix at mga nalalaman niya na hindi namin alam? Iisang grupo kami ngunit para bang nagkakaniya-kaniya na kami ngayon. ‘I'll see you again next time. I'm sorry, not today.’ Tinitigan ko si Brix nang matapos ko na maipasala sa kaniya ang text message. Nang mabasa niya ito sa kaniyang phone ay agad na umalis na siya agad at pumunta sa kotse niya. Nanatiling tahimik si Brasen sa tabi ko. Pinaandar ko ang kotse ko at p

