[ALEXA RAVEN'S P.O.V.] Someone knocked on the door of my office. I think it's Brasen. Kanina ko pa siya inaabanga na makarating sa opisina ko, "Come in," utos ko sa kaniya. Pumasok si Brasen at agad na nag-bow sa akin upang magbigay ng respeto. "Miss Raven," bati niya lamang sa akin. Tumango ako at sinenyasan na lumapit sa akin. Mabilis naman siya na sumunod sa akin. Iniabot na niya sa akin ang mga pinadala ko sa kaniya. "Here are all of the files that you needed and told me to bring, Miss Raven. Paki-check na lang at baka may nakalimutan akong dalhin. Pero sigurado naman po ako na kumpleto na ang mga dinala ko ngayon," sambit niya sa akin. Inabot ko naman 'yon then I checked all the files that he brought at kumpleto naman ang lahat. "Thank you. Kumpleto naman ang lahat. Anyway, nais

