Chapter nineteen

3026 Words
Nagising si Jarren na nasa line pa din Lei. “ hello Lei “ sabi ni Jarren “ gising ka na? “ tanong ni Lei “ hindi ka natulog? “ “ binantayan kita para pag gising mo, nandito ako “ “ naku sana binaba na lang ang fone at natulog ka, galing sa birthday party at uminom ka pa “ “ hindi nung natulog ka, hindi na din ako uminom. Gusto ko kasi pag gising mo boses ko maririnig mo “ “ ang sweet mo naman Lei “ “ gusto kasi kita at alam na mahal kita Jarren “ “ thank you “ “ papakilala kita sa mga anak ko at sa pamilya ko Jarren para mameet mo sila, magkakasundo kayo nun lalo ang mga bata “ “ talaga? Sige “ “ tatanggapin ka nila bilang daddy nila, pwede bang matanong? “ “ sige, ano yun? “ tanong ni Jarren “ alam na ba ng pamilya niya na wala na kayo at ng mga bata? “ Nagulat si Jarren sa tanong ni Lei kaya bigla siyang nagising. “hindi pa, pero soon sasabihin din namin sa kapatid at mga bata na wala na kami. Pero kung papayag sila na ako pa din ang dada nila kahit hiwalay na kami ng nanay nila, okay sa akin “ “ pano pag naging tayo, anak mo sila tapos anak mo din anak ko? “ “ kahit naghiwalay na kami ni Joey, ang gusto ko ako pa din ang dada nila. Sila pa din ang anak ko. Dadalawin ko pa din sila pa minsan minsan “ “ ah okay po, sige kain ka na “ “ sige, kumain ka na din. Thank you sa pag bantay sa akin habang natutulog ako, makakabawi din ako sa iyo. Nakakalimutan ko kahit papaano si Joey sa ginagawa mo sa akin “ “ wala yun, kumusta mo ako kay mommy mo ha? chat mo ako pag free ka, I love you “ Pag baba nila ng fone, naisip ni Jarren na kailangan na niyang makalimutan si Joey. At Ibubuhos na niya ang attensyon sa taong mahal at inaalagaan siya kahit pagod sa trabaho, puyat at may sakit. Hindi nawalan ng oras sa kanya. Habang nagyoyosi si Jarren at nag iisip bigla naman kumatok ang nanay ni Jarren. “ anak, hindi ka ba papasok? “ “ mi, sa bahay lang po ako magtra-trabaho dahil kailangan nyo ng kasama. Baba na po ako maya maya, may aayusin lang ako “ “ sige anak “ Mga ilang minuto bumaba na si Jarren. “ mi, musta pakiramdam mo? “ “ magaling na ako anak, salamat sa pag aalaga sa akin “ “ siyempre, wala namang ibang mag aalaga sa iyo kundi ako lang kasi ako lang naman ang anak mo ei. Saka mahal kita “ “ ang bait talaga ng anak ko “ “ oo nga ate, hindi ka iniwan kahit kailan ni Jarren “ sabi ng tita ni Jarren “ hinding hindi kita iiwanan mi, kahit kailan “ “ teka nasaan na ba yung dalawa? ilang buwan ng hindi umuuwi ah? “ tanong ng nanay ni Tommy “ tita, kakapasok lang po nila sa trabaho kaya malabo pa yun umuwi dito “ “ dibale, importante may trabaho sila “ “ oo nga po, saka nandito naman ako para alagaan ko kayo. Baka next week pupunta po ako dun para makapag relax naman “ “ dun kayo magkikita ni Joey? “ tanong ng nanay niya “ hindi ko po alam mi, medyo busy din po kasi siya sa paghahanap ng trabaho pero nagcha-chat naman kami minsan “ “ ganun ba? halika na at kumain na tayo para makapag trabaho ka na “ yaya ng tita ni Jarren Habang kumakain sila tumawag si Lei. “ hello “ sagot ni Jarren “ kumain ka na ba? “ tanong ni Lei “ kumakain kami ngayon, ikaw kumain ka na? “ “ kakatapos lang din, sige mamaya na lang ako tatawag pag tapos mong kumain. Alam ko naman na hindi ka nakikipag usap pag nakain ka ei “ “ kilala mo na talaga ako “ “ oo naman, I love you Jarren “ nakatawang sagot ni Lei “ sige po, bye “ “ anak si Joey yun? “ tanong ng nanay niya “ hindi po mi, kaibigan ko lang po “ sagot ni Jarren Nagtinginan ang nanay at tita ni Jarren at saka kumain. Hindi na tinapos ni Jarren ang pagkain dahil wala siyang ganang kumain. Kumuha na lang siya ng beer para habang nagtra-trabaho, umiinom siya. “ tita konti na lang po pala ang beer sa ref, pwede po ba bumili kayo mamaya? “ “ iho, napapalakas ang inom mo ah? Halos umaga saka gabi ka na umiinom, may problema ka ba? “ “ oo nga anak, may problema ba kayo ni Joey? Kilala kita “ “ naku, wala po kaming problema. Medyo busy at stress lang sa office kaya pampa relax ko lang ang beer “ “ tama sa sabado, sa Laguna ka muna para kasama mo sila Tommy at Jake at makapag relax kayo “ “ oo nga po “ Pag tapos nila mag usap, umakyat na si Jarren at nagsimula na siyang magtrabaho. Tumunog ang fone niya kaya tiningnan niya ito. Nakita niya na may message sa kanya si Joey. “ pwede ba tayong mag-usap kahit last na? “ “ tungkol saan? Sagot ni Jarren “ tanggap ko pagkakamali ko, gusto ko lang bago tayo magkahiwalay nakapag usap naman tayo ng maayos “ Kaya tumawag si Jarren. “ hello, sige ano ang sasabihin mo sa akin “ tanong ni Jarren “ may iba ka ng kinakausap noh? “ “ oo, meron. Para makalimutan na kita “ “ pano mga bata? “ tanong ni Joey “ ikaw? Pwede huwag mong sasabihin kay nanay kasi sigurado ako masasaktan yun “ “ sa mga kapatid ko “ “ bahala ka, ikaw ang mag explain sa kanila. Wala naman akong kasalanan para ako pa ang mag-isip nyan “ “ sige, sasabihin ko na lang pero sa mga bata. Huwag muna siguro “ “ sige, pero kailangan din nilang malaman dahil soon kung magkakaroon ka ng bago siyempre dapat lang din malamin nila na yun na ang bagong dada or daddy nila “ “ sige, baka mamaya makaistorbo pa ako. Salamat “ “ okay salamat din “ Saka binaba ni Jarren ang fone at saka tinawagan si Lei. “ tapos ka na kumain? “ tanong ni Lei “ kakatapos ko lang, nagka usap pala kami ni Joey “ “ anong napag usapan niyo? “ tanong ni Lei “ ipapaalam na yata niya sa mga kapatid niya “ “ ei sa anak niya? Soon magkakaroon ka din ng sariling anak mo/natin kaya dapat hanggang maaga sinasabi na din niya sa kanila “ “ magkaka instant baby din ako ng dalawa? “ “ oo yung anak ko plus magbababy din tayo ng sarili. Madali naman ako magbuntis “ sabi ni Lei “ talaga? Kasi dati nung nag-uusap kami ni Joey. Gusto niyang magka anak kami kaso ako may ayaw, maselan kasi siyang manganak kaya ayokong makipag sapalaran baka kung mapano pa siya “ “ sensitive siyang magbuntis “ tanong ni Lei “ oo, muntik muntikan na siyang mamatay sa pangatlo niyang anak kaya kahit gusto kong mag anak kami. Huwag na lang “ “ ako na lang magbibigay ng anak sa iyo kung gusto mo, iba pa din kasi pag totoong anak mo Jarren “ “ hayaan mo na, masyado pang maaga para pag usapan yan “ “ oo nga, basta ako Jarren. Willing akong bigyan ka ng anak basta mapasaya lang kita “ “ thank you Lei, sige mamaya na lang at magwork muna ako “ “ sige po, message mo ako pag free ka ha? “ “ sige po “ Nagsimula ng uminom at magtrabaho si Jarren, habang nagtra-trabaho siya naisip niya ang sinabi ni Lei na willing siyang bigyan ng anak. Sobrang bait at halos lahat ibibigay sa kanya basta makalimutan lang agad ni Jarren si Joey. “ Lei, salamat sa lahat lahat. Ikaw umaalalay sa akin sa lahat ng problema ko, hindi mo ako sinukuan kahit alam mong may mahal akong iba. At willing kang gamitin ka para lang makalimutan ko si Joey, sana dumating ang time na talagang mawala na pagmamahal ko sa kanya at sa iyo ko na maibaling lahat dahil deserve mong mahalin. Pasensiya ka na kung sa ngayon hindi ko pa maibigay “ Nung nabasa ni Lei yung message ni Jarren agad niya ito nireplayan. “ mahal kita Jarren, kahit na kailan lang tayo nagkakilala iba nararamdaman ko sa iyo. Pwede mo naman akong gamitin para mawala na totally ang pagmamahal mo kay Joey, tutulungan kita. Hindi ako mawawala sa iyo at kailanman hindi kita sasaktan “ Na touch si Jarren sa message sa kanya ni Lei kaya, kailangan na niyang magmove on kahit mahal na mahal pa niya si Joey. “ samalat Lei, hindi din ako mawawala sa iyo “ Nung hapon na yun nakatanggap naman si Jarren ng message galing sa kapatid na babae ni Joey. “ hi, kuya kapatid ito ni Joey. Musta kayo ni ate? “ “ hello, okay naman, ikaw? “ “ nasabi na ni ate na wala na kayo, baka naman pwedeng mag usap kayo? “ “ tapos na kami mag-usap, nagkasundo na kami. Okay na siguro yun sa ngayon “ sagot ni Jarren “ basta nandito lang ako kung kailangan nyo ako ni ate, I love you kuya “ “ salamat, I love you din. Ingat kayo lagi “ “ kayo din po “ Hindi na sumagot pa si Jarren. At nung gabi na yun yung kapatid naman ni Joey na lalaki ang nakachat ni Jarren. “ hi po, nagkausap kami ni ate. Ramdam kita at mahirap para sa iyo yung ginawa niya sana dumating yung time na magka ayos kayo at mabuo ulit bilang pamilya “ “ hello, pasensiya na kung hanggang dito na lang kami ng ate mo. Hindi ko na kaya ei, pero kahit hindi na kami, nandito pa din ako kung kailangan niya ako dahil may pinagsamahan naman kami sana lang huwag na natin ipaalam kay nanay at sa mga bata “ “ sige po, ingat po lagi. Salamat sa pagmamahal mo sa kapatid ko. Pasensya na sa nagawa niya “ “ okay lang yun, ingat kayo “ Pag tapos nilang magchat ng kapatid ni Joey ay bumaba siya para kumuha ng beer. Pag tingin niya marami ng tawag si Joey at si Lei. Una niyang tinignan ang message ni Joey. “ alam na ng mga kapatid ko, ginawa ko sa iyo. Sinabi ko na din na hiwalay na tayo, sorry hon. Alam kong nasaktan kita ng sobra “ “ okay na yun, nangyari na. hindi na natin ibalik ang nakaraan, darating ang time na matatanggap ko din ang lahat “ “ pwede pa ba tayong magchat or mag-usap? “ “ pwede pag hindi ako busy at wala akong kausap “ “ salamat, pwede ba kitang makausap ngayon? “ “ may kakausapin ako “ Sinabi lang ni Jarren na may kausap siya dahil tuwing nag uusap sila ni Joey, bigla na lang siya naiiyak sa sakit. Binasa naman niya ang message ni Lei. “ hi, busy? “ “ hindi naman, wala ka ng ginagawa? “ “ tawag na ako, miss ko na boses mo “ sabi ni Lei “ ako na lang tatawag sa iyo “ Kaya tumawag na si Jarren kay Lei “ hi, I miss you “ sabi ni Lei “ I miss you din “ sagot ni Jarren “ anong ginagawa mo habang hindi tayo magkausap? “ tanong ni Lei “ nagwork kanina pero ngayon umiinom na “ nakangiting sagot ni Jarren “ ayan ang gusto ko, ngumingiti ka na hindi tulad nung nakaraan na iyak ang naririnig ko sa iyo “ “ dahil sa iyo kaya hindi na ako umiiyak, salamat talaga “ “ ayos lang yun, basta huwag ka na iiyak ha? dito lang ako “ “ opo, yosi lang muna ako “ paalam ni Jarren Panay ang tawag ni Joey naka benteng tawag na siya pero hinayaan lang niya dahil paano niya makakalimutan si Joey kung kakausapin pa din niya. “ kausap mo ba siya? “ tanong ni Joey “ oo “ sagot ni Jarren “ sige, pag hindi ka na busy usap naman tayo? “ sabi ni Joey Nakipag kwentuhan na siya kay Lei hanggang sa medyo nalasing na siya. “ lasing ka na? tama na bukas ka na lang ulit uminom at kailangan mo ng magpahinga “ nag aalalang sabi ni  Lei “ sige po, matutulog na ako “ “ I love you, goodnight “ Umiyak na naman si Jarren “ umiiyak ka ba? “ tanong ni Lei “ hindi “ tinanggi ni Jarren “ kahit hindi mo sabihin sa akin, nararamdaman ko na umiiyak ka. sige dito lang ako, matulog ka na “ “ diyan ka lang ha? huwag mong baba ang fone, gusto ko pag gising ko nandyan ka lang “ “ sige, dito lang ako promise. I love you Jarren “ “ I love you too, goodnight “ sagot ni Jarren At saka natulog si Jarren. Binantayan ni Lei si Jarren hanggang tuluyan ng makatulog ito. “ hindi kita pababayaan Jarren, tutulungan kita makalimutan mo si Joey. Kahit masakit tatanggapin ko hanggang dumating yung time na ako na ang mahal mo “ pabulong niya sinabi kay Jarren Saka natulog si Lei. Halos araw araw, nag tyaga si Lei hanggang sa dumating ang time na maka move on na si Jarren sa lahat ng sakit. Pag gising sa umaga ni Jarren, kinukuha niya ang fone at minemessage niya agad si Lei. Nakikita at nararamdaman ni Lei ang effort ni Jarren kahit nahihirapan siya sa nangyayari sa kanya. “ Jarren thank you sa effort mo kahit na nasasaktan ka, pinipilit mong huwag kong maramdaman. Pinapakita mo sa akin na special ako sa iyo “ “ nakita ko hirap mo sa akin, lahat ng sakripisyo mo at pagmamahal mo. Ang swerte ng taong mamahalin mo “ “ at ikaw yun Jarren, may itatanong sana ako sa iyo? “ ‘ sige ano yun? “ tanong ni Jarren “ narinig ko kasi na nag I love you ka sa akin, totoo ba yun? “ Hindi nakapagsalita si Jarren, hindi niya maalala na nag I love you siya kay Lei. “ oo, totoo yun “ Sinabi niya yun para hindi masaktan si Lei sa laki ng hirap sa kanya simula ng naghiwalay sila ni Joey. “ thank you Jarren, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya kagabi “ “ sige mamaya na lang ulit at kailangan ko ng bumaba para makapag prepare ng breakfast namin. Tapos papasok ako ngayon sa opisina. Ingat ka “ “ ingat ka din, I love you “ Nilapag na ni Jarren ang fone niya sa kama saka siya bumaba. “ anak, kain na “ “ opo “ “ iho sa sabado ka ba punta ng Laguna? “ tanong ni tita niya “ opo tita “ “ dalhan mo sila Tommy at Jake ng pagkain ha? para hindi na kayo magluto “ “ sige po tita, dadalhin ko naman po yung sasakyan “ “ dagdagan mo yung ipapadala mo kay Jarren para naman kay Joey, sabihin mo miss ko na siya “ “ oo nga iho, tanong mo kung kailan siya uuwi dito para naman makapag bonding kami ulit “ “ naku mi, tita baka hindi po muna makauwi si Joey dito sa dami ng ginagawa sa Laguna pero sasabihin ko sa kanya “ Nalungkot ang nanay niya at napansin naman agad ni Jarren yun. “ sige mi, pipilitin ko pa na pauwiin kahit saglit si Joey dito para naman makapag bonding kayong tatlo “ “ aasahan ko yan anak ha? “ “ opo mi “ “ sige na kain na para makapag ayos ka na agad “ “ sige po mi “ Kumain na si Jarren agad at umakyat para maligo. Nang makatapos siyang maligo, minessage niya si Joey. “ hi, baka naman pwede mong maka-usap si mommy at si tita kasi namimiss ka na nila. Sabihin mo lang na medyo busy ka kaya hindi ka makakauwi muna “ “ gusto mo ba na pumunta ako diyan para makasama ko sila? “ “ huwag na, makakalimutan ka din nila pag hindi ka na pumupunta dito pero sa ngayon kahit tawagan mo muna sila para hindi malungkot si mommy “ Tumawag si Joey. “ hello Joey, video call tayo pag baba ko “ “ hon “ Bumaba na si Jarren at binigay ang fone sa nanay niya. “ hello anak, miss na miss ka na namin ng tita mo. Kailan ka ba uuwi dito? “ “ hello mi, tita pasensiya na po at medyo busy lang ako ngayon pero pupuntahan ko po kayo pag hindi na ako busy dito “ “ totoo yan iha ha? manunuod at magkwe-kwentuhan tayo “ sabi ng tita ni Jarren “ opo tita “ “ ingat ka lagi anak ha? “ “ kayo din po mi, I love you “ “ I love you too anak “ Saka inabot kay Jarren ang fone at binaba na din niya. “ anak, bakit binaba mo na ang fone? Hindi na ba kayo mag uusap? “ “ mag aayos pa po kasi ako, saka papasok sa opisina “ “ ah sige “ Umaykat na si Jarren at kinuha na ang bag saka umalis papunta sa opisina. Tumatawag si Joey pero hindi na niya sinagot ang fone. Tinawagan niya si Lei para habang nagdri-drive siya, magkausap sila. Nagtatawan at nagkukulitan na sila at nakikita ni Lei ang pagkakaiba ni Jarren sa dating karelasyon niya. “ kumain ka na ba Jarren? “ tanong ni Lei “ kanina bago ako umalis ng bahay, saglit lang ako sa office at uuwi din ako agad “ “ sige, mag ingat ka sa pagdri-drive “ “ opo “ “ alam mo ang swerte talaga ng taong mamahalin mo Jarren, yung iba magimik, mabarkada samantalang ikaw, bahay, office at kung uminom ka man. Mas gusto mo na solo ka lang “ sabi ni Lei “ home body kasi ako, mas gusto ko sa bahay umiinom kahit solo ko lang. Nga pala, available ka sa Saturday? Pupunta kasi ako sa Laguna baka gusto mong magkita tayo duon “ “ talaga? Sige kita tayo, kina Tommy ba? “ “ oo dun nga, maaga akong aalis sa sabado para maaga kaming makapag inuman “ “ sige, punta ako dun “ “ dun ka na din, magstay kung gusto mo? “ “ saan naman ako matutulog kung mag iinuman kayo? “ “ sa kwarto ko, sa sala na lang ako matutulog “ “ ayaw mo ba akong katabi? “ tanong ni Lei “ gusto kaya lang baka mailing ka ei “ “ ano ka ba? bahay nyo yun at kwarto mo “ Tumawa lang si Jarren. “ dito na pala ako sa office, mamaya na lang ulit “ “ sige, ingat ka ha? I love you “ “ ingat din. I love you too “ Saka binaba ni Jarren ang fone. Nakita niya ang dami ng tawag at message ni Joey sa kanya. Kaya pumunta si Jarren sa smoking area at nagyosi muna bago siya pumasok sa loob. “ bakit? “ tanong ni Jarren “ talagang may bago ka ng kinakausap? “ tanong ni Joey “ oo, at least hindi ko tinatago na may kinakausap na ako “ “ ayaw mo ba na ayusin natin to? “ “ ayusin? Naayos na natin to dati pero eto ka na naman, hayaan mo na ako maka move on. Pagod na pagod na ako “ “ kahit bilang kaibigan na lang Jarren “ “ okay naman tayo diba? Kinakausap or message kita kung hindi ako busy “ “ pero hindi mo naman ako kinakausap ng maayos “ “ busy kasi ako, saka nasa office ako ngayon. Nagyosi lang muna ako para makapag message ako sa iyo “ “ sige, may isang hiling lang sana ako sa iyo kung pwede? “ sabi ni Joey “ ano yun? “ “ baka pwedeng makausap ko minsan sila mommy at dadalaw din ako minsan kahit sa sala na lang ako matulog “ “ okay, kung gusto mo sa sabado? “ tanong ni Jarren “ talaga? Ngayong sabado? “ sagot ni Joey “ oo, sa kwarto ka na matulog kung gusto mo? “ “ pwede sa tabi mo? “ sabi ni Joey “ sabihin ko na lang kay mommy na sa sabado uuwi ka at dun ka magtutulog para makapag bonding kayo “ “ sige hon, salamat “ “ okay “ Binaba na ni Jarren ang fone at pumasok na sa loob ng opisina. Naisip ni Joey na aakitin niya ulit at gagawin ang lahat para makuha niya ulit si Jarren.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD