Nagkayayaan si Jarren at Joey na uminom kaya bumili sila ng beer sa tindahan.
“ hon, hindi kaya muna ako papasok bukas? “ sabi ni Jarren
“ pwede ba? “ tanong ni Joey
“ oo naman, sasabihin ko lang na may aasikasuhin ako “
“ sige pero bukas ng hapon, uuwi na ako sa Laguna ha? “ sabi ni Joey
“ bakit ka uuwi agad sa Laguna, ei biyernes na bukas “
“ naghahanap kasi ako ng trabaho “
“ may interview ba ng sabado? Diba sarado mga opisina nun? “
“ pupunta kasi ako sa opisina ng kaibigan ko “
Tumango na lang si Jarren pero nagdududa na siya na baka kung ano na naman ang ginagawa ni Joey.
Hinayaan na lang niya ang kutob niya dahil nagpromise na naman si Joey na hindi na niya uultin yung dati.
Hanggang hindi nila namalayan na napadami na sila ng inom kaya nagkayayaan ng matulog.
Nagshower si Joey habang si Jarren ay naninigarilyo.
Nang matapos magshower ni Joey.
“ hon, next week magiging busy ako “ sabi ni Jarren
“ sige, hindi din ako makakaluwas next week kasi nagpapasama sa akin yung isang kasamahan ko “ sagot ni Joey
“ sino? “
“ si Tin, hindi mo naman kilala yun hon “
“ huwag ka na sumama, mag usap na lang tayo “ lambing ni Jarren
“ saglit lang naman kami hon “
“ sige pero umuwi ka agad ha? “
“ opo hon, lika na matulog na tayo? “
“ maya maya na ako hon, may tatapusin lang ako “
“ sige pero sumunod ka na agad ha? “
Tumango lang si Jarren at nagtrabaho na agad.
Na una ng matulog si Joey.
Mag aala syete na ng umaga nagising si Joey pero nagtra-trabaho pa din si Jarren.
“ hindi ka pa natutulog hon? “ tanong ni Joey
“ hindi pa kasi marami akong pending na trabaho sa isang part time ko, sayang naman yung kikitain ko “
“ magluluto na muna ako para makakain ka at please lang matulog ka na. hindi ka nga pumasok ngayon pero trabaho pa din iniisip mo “
“ sige hon “
Bumaba na si Joey para magluto habang nagtra-trabaho pa din si Jarren.
Mga ilang oras umakyat na si Joey na may dalang pagkain at kumain na sila.
“ hon, pag tapos mong kumain matulog ka na ha? “
“ sige po hon, ei ikaw? “
“ mag aayos lang ako dito saka ako uuwi? “
“ gisingin mo ako pag aalis ka na para mahatid kita “
“ okay po “
Natulog na si Jarren.
Umabot na tanghali tulog pa din si Jarren kaya hindi na nagpaalam si Joey.
Nung magising si Jarren agad niyang hinanap si Joey.
“ anak, umalis na si Joey. Hindi ka na daw niya ginising kasi alam niya pagod ka saka wala ka pang tulog “
“ ganun po ba? sige po memessage ko na lang po siya “ sagot ni Jarren
Agad umakyat si Jarren at kinuha ang fone.
“ hon, nasaan ka na? bakit hindi mo ako ginising? “
“ sorry hon kung hindi na kita ginising nung umalis ako. Alam ko kasi na pagod at wala ka pang tulog “ sabi ni ni Joey
Hindi na nagmessage si Jarren at natulog na lang ulit.
Mga tatlong oras nasa Laguna na si Joey kaya nagmessage siya kay Jarren.
“ nasa bahay na ako “
After one hour bago nagreply si Jarren.
“ hon, sige pahinga ka na muna. magtra-trabaho lang ako “ sabi ni Jarren
“ sige hon, matutulog muna ako. Message na lang kita pag gising ko “
“ okay, I love you “
“ I love you too “
Nagtrabaho na agad si Jarren, pero si Joey umalis at sumama kay Tin niya para i-meet yung mga kaibigan Min na ofw.
“ Joey, baka tumawag si Jarren sa iyo? “ tanong nito
“ hindi, sinabi ko naman na matutulog ako kaya hindi niya malalaman na umalis ako “
“ good, kunin lang natin yung package “
Kaya umalis na sila at pumunta sa mga ka meet nila.
Nang makarating sila Joey sa meeting place, nagyaya sila na mag ikot ikot muna kaya sumama na sila. Hanggang pumunta sila sa bahay ng isang ofw at duon sila uminom.
Ginabi na ng uwi si Joey at medyo nalasing na din siya.
Sakto naman ang tawag ni Jarren.
Ring.. ring.. ring..
“ hon, patawag na ako sa iyo kaso nauna kang tumawag sa akin “
“ ngayon ka lang nagising? Gabi na, paano ka pa makakatulog niyan? “ tanong ni Jarren
“ kakain lang ako tapos matutulog na ulit ako “ sagot naman ni Joey
“ sige hon, kumain na kayo tapos matulog ka na ulit “
“ hon, papaalam pala ako sa iyo. Bukas niyaya ako ng isang kasama ko para naman daw marelax ako bago ako maghanap ng trabaho “ paalam ni Joey
“ saan naman kayo pupunta? “
“ baka sa Tagaytay hon, diba maraming over looking duon? “
“ sige hon pero huwag kayong papagabi ha? “
“ maaga naman kaming aalis bukas kaya matutulog na agad ako ng maaga “
“ sige, ingat ka “
Binaba na si Joey ang fone at nag ayos ng isusuot niya bukas.
Samantalang si Jarren, nagpatuloy sa pagtra-trabaho para sa kanila ni Joey.
Natutulog pa si Joey at kasama niya nung magring ang fone ni Tin.
“ hello “ sabi nung isang kaibigan niya
“ hello, sino ito? “
“ si Min, nagtatanong kasi yung mga kasama natin lalaki kung anong oras tayo pwede dahil na bobored daw sila “
“ sige te, gigisingin ko na si Joey “
“ okay Tin, apat sila ngayon tapos sa dati nalang ulit tayo magkita mamaya “
“ opo te “
Binaba na ni Tin ang telepono at ginising na si Joey.
“ Joey gising ka na, yung mga kasama natin na ofw kahapon. Nag aayos na “
“ ah sige “
Tumayo na si Joey at naligo na agad.
Ganun din ginawa ni Tin saka sila umalis at pumunta kung saan sila nagkita ng mga lalaki kahapon.
Nagmessage naman si Joey kay Jarren.
“ hon, on the way na kami sa Tagaytay “
“ sige hon, ingat kayo “
“ Joey, sino ka text mo? “ tanong ni Tin
“ nagmessage lang ako kay Jarren, na on the way na tayo sa Tagaytay “
“ galing mo ah? Pero hindi mo sinabi na may kasama kang mga lalaki? “
“ hindi, siguradong magagalit yun sa akin “
Tumawa lang si Tin.
Mga ilang sandali pa dumating na sila sa meeting place at nandun na din si Min at yung apat na ofw.
“ saan tayo ngayon? “ sabi nung isang ofw
“ sa Tagaytay na lang tayo “ sabi ni Min
“ sige, pero teka mag pic muna tayo para may remembrance tayo “
Kaya nagpakuha sila ng picture kasama mga lalaki.
Dumating ang hapon, nagyaya ang mga lalaki na mag-inom kaya sumama sila Joey.
Nung medyo kagabi na, nagpaalam na si Tin at Joey na uuwi pero sumama naman ang mga ofw sa flat nila at dun bumili pa ng mga beer.
Bumili din sila ng manok at inihaw nila para masarap ang pulutan.
Halos linggo linggo ganun ang ginawa nila Joey.
Yung mga lalaki na ang pumupunta sa flat halos dun na natulog sa kalasingan.
Walang ka alam alam si Jarren sa ginagawa ni Joey.
Nakaramdam na si Jarren na may something kay Joey kaya binuksan niya ang social media ni Joey at duon niya nakita lahat.
That time, may sakit ang nanay ni Jarren kaya doble hirap ito para sa kanya.
Naalala na naman niya ang dating ginagawa sa kanya ni Joey.
Nagpahaging si Jarren na may alam na siya pero deny to death naman si Joey.
Kinausap naman ni Joey mga kasama niya sa bahay na huwag magsasalita kay Jarren dahil siguradong mag aaway sila at baka mauwi pa ito sa hiwalayan.
Umabot ng isang linggo at marami na siyang nalaman tungkol sa mga kasama nila Joey na ofw.
Hindi na din ma control ni Jarren ang nararamdaman niya.
Hanggang kinausap na niya si Joey.
“ hon, bakit umiiyak ka? “ tanong ni Joey
“ umamin ka sa akin, ano ginagawa mo kapag hindi tayo magkausap or magkachat? “
“ wala hon, dito lang ako sa bahay. Bakit? “
“ hindi ka na naman aamin sa akin? Sige na sabihin mo na sa akin kaysa ako na naman ang magsabi sa iyo “
Nag-iisip si Joey na may alam na naman si Jarren sa mga ginagawa niya.
“ wala nga hon “ pagalit na sabi ni Joey
Hind na kumibo si Jarren at binaba na lang niya ang fone dahil kailangan niyang alagaan ang nanay niya.
Nung gabing yun may nagchat kay Jarren na lalaki, tiningnan niya ang profile picture at duon niya nakita na isa sa mga naging kasama ni Joey sa Tagaytay at kainuman niya.
Minessage niya ito.
“ ano ba problema mo? “ tanong ni Jarren
“ kawawa ka naman, niloloko ka ng girl friend mo “
“ bakit mo nasabi? “ galit na message ni Jarren
Hindi na nagmessage pero nagsend ng mga pictures nila Joey na sama sama sila sa tagaytay.
Kinompronta agad ni Jarren si Joey at sinabi niya agad yun.
Kaya umamin na si Joey.
“ ano ba ginawa ko sa iyo para saktan mo ako ng ganito? “ umiiyak na sabi ni Jarren
“ nagpasama lang naman sa amin si Min kaya sumama kami ni Tin hon “
“ ikwento mo lahat sa akin “
Kinuwento niya lahat lahat kay Jarren pero may kulang pa din.
“ ayoko na Joey, maghiwalay na tayo. Hindi ko na kaya ito. May sakit si mommy pero iba ang inaatupag mo. Halos hindi na ako natutulog para lang makaipon ako para sa atin “
“ hon, nagkasayahan lang naman kami “
“ puros ganun na lang lagi? “
Binaba na ni Jarren ang telepono at uminom na lang siya.
Hindi niya mapahalata sa nanay niya na sobrang sama ng loob niya.
Hindi na din niya minessage si Joey, dahil sigurado hindi din aaminin yun sa lahat ng ginawa niya.
Habang umiinom si Jarren, tumingin tingin siya social media at minessage niya si Tommy.
“ insan, problema? “ tanong ni Tommy
“ wala naman insan, baka may papakilala ka sa akin diyan?
“ bakit? Wala na ba kayo ni Joey? “
“ for a change, hindi pa naman kami kasal “
“ sabagay, sige papakilala kita sa kaibigan ng girl friend ko “
“ sige insan, salamat. Iinom muna ako habang nag aantay ako “
Mga ilang sandali pa, tumawag si Tommy at Jake.
“ insan may kasama kami dito si Lei, hiwalay sa asawa may dalawang anak. Gusto mo makilala? “
Nag isip si Jarren dahil may asawa at anak ulit pero pumayag na din siya para lang makalimutan niya ang sakit.
‘ sige insan “
Binigay ni Tommy kay Lei ang fone at nag usap sila.
“ hi! “ bati ni Jarren
“ hello po “ sagot naman ni Lei
“ okay lang ba maging magkaibigan tayo? “ tanong ni Jarren
“ oo, broken hearted ako. Kakahiwalay pa lang namin ng boy friend ko, pinagpalit ako sa iba “
“ parehas pala tayo, kakahiwalay ko lang kaya nga naghahanap ako ng makakausap para mawala lungkot ko pero hindi ko sinabi kina Tommy at Jake “
“ ah okay sige, ito pala number ko para dun mo na lang ako tawagan or i-message kung gusto mo “
“ sige “
Binaba na ni Jarren ang fone at dun siya tumawag sa number ni Lei.
Nagkwentuhan sila habang umiinom si Jarren.
“ alam mo Jarren, parang ang bait bait mo? “
Natawa si Jarren.
“ mabait naman talaga ako ah? Nga pala, kwento ka bakit kayo naghiwalay ng bf mo “
“ gusto niya kasi na may mangyari sa amin, ei hindi pa siguro right time. Medyo maaga pa saka sobrang seloso dapat buong oras ko nasa kanya. Nagtra-trabaho naman ako at may binubuhay ko dalawang anak “
“ dahil lang duon, hiniwalayan ka? “
“ oo, hindi naman ako magimik. Sa bahay lang ako pag walang pasok, minsan pag nagkakayayaan sumasama ako pero mahina akong uminom “
“ Lie saglit lang ha? punta lang ako sa kwarto ni mommy kasi papainumin ko siya ng gamot. Pero sa line ka na lang kung okay lang sa iyo? “
“ sige, antayin kita “
Narinig ni Lei na sobrang close ni Jarren sa nanay niya at yun ang naging reason bakit niya ito nagustuhan.
“ hello, im back “ sabi ni Jarren
“ close kayo ni mommy mo ano? “
“ ah oo sobra, mahal na mahal ko nanay ko “ sagot ni Jarren
“ ang swerte naman ng ex mo, sana lahat tulad mo na mabait sa magulang “
“ kung ma swerte ang ex ko, sana hindi niya ako sinaktan “ naiyak na naman si Jarren
“ bakit ka umiiiyak? Tahan na Jarren, nandito naman ako. Tutulungan kita makalimutan mo siya “
“ totoo? Please Lei, tulungan mo ako. Gusto ko na siyang kalimutan, hindi ka magsisisi “
Naawa si Lei dahil ramdam na ramdam niya ang sakit.
“ ano ba kasi dahilan bakit naghiwalay kayo? “ tanong ni Lei
“ wala kasi akong time sa kanya, nag focus ako sa trabaho para maibigay lahat ng gusto niya “
“ tahan na, ibahin na lang natin yung topic para hindi ka na malungkot “
“ sige, salamat talaga ha? “
Habang nag uusap sila, nagmemessage naman si Joey pero hindi na pinapansin ni Jarren.
Hanggang sa tumatawag na si Joey.
“ sino kausap mo? Kausapin mo naman ako hon “
“ para ano pa? tama na, pinag bigyan na kita dati pero nagawa mo pa din akong lokohin “
“ mag usap naman tayo? “
Hindi na nagreply si Jarren.
“ Lei kung liligawan ba kita, sasagutin mo ako? “ tanong ni Jarren
“ oo naman, kasi lahat ng katangian na gusto ko nasa iyo. Saka hindi ka mahirap mahalin Jarren, swerte ang taong mamahalin mo “
“ salamat ha? “
Mga isang linggo nakalipas halos araw araw silang magkausap kaya nagsisimula ng maging sweet ni Jarren at pinipilit niya na mabaling ang attensyon niya kay Lei.
“ I love you Jarren “
“ ha? “
“ okay lang kahit hindi ka magreply, nga pala bukas off ko. Pupunta ako sa birthday ng friend ko “
“ hindi tayo mag-uusap bukas? “
“ hindi tatawag ako saka kung okay lang sa iyo, papakilala kita sa kanya nakwe-kwento kasi kita sa kanya saka kung okay lang sa line ka lang kahit nandun ako “
Natuwa si Jarren sa ginagawa sa kanya ni Lei, talagang nag-eeffort siya para mawala na sa isip ni Jarren si Joey.
“ sige, pero huwag kang masyadong uminom ha? “ sabi ni Jarren
“ kung ayaw mo akong uminom, hindi na lang ako iinom or hindi na lang ako pupunta dun para makapag usap na lang tayo “ sabi ni Lei
“ hindi, pumunta ka at uminom ka basta huwag lang sobra “
“ ang bait mo talagang boy friend, ganyan ka din ba kay Joey? “
“ oo, lahat ng gusto nun at lahat ng gagawin nun, sinusuportahan ko kasi mahal ko siya “
“ ako na lang mahalin mo, gusto mo tayo na lang? para lubusan mo siyang makalimutan “
“ ayoko muna Lei, pero special ka sa akin. Hindi din ako mawawala tulad ng ginawa mo sa akin “
“ I love you Jarren, salamat at nakilala kita. Napapasaya mo ako. Iba ka sa lahat “
Habang magkausap sila, nakatulog si Jarren at nagising siya umaga na.
Binaba na pala ni Lei ang fone pero may message siya.
“ hindi na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo kasi, sana dumating yung time na hindi na si Joey ang mahal mo kundi ako na. tutulungan kita makalimutan mo siya at maging sa akin ka na habang buhay. Mahal na mahal kita Jarren “
Kaya agad siyang nagmessage kay Lei.
“ good morning, sorry natulugan kita. Ilang araw na din kasi akong walang tulog, salamat sa pag uunawa at pagmamahal mo sa akin. Huwag kang mag alala darating ang time na ikaw na mahal ko, salamat sa pag aalaga at pag iintindi sa akin, sana hindi ka magsawa “
Nang hapon na iyo, papunta na si Lei sa bahay ng kaibigan niya.
“ hi Jarren, on the way na ako sa bahay ng friend ko. Tawagan kita pag nandun na ako ha? “
“ hello Lei, sige tawagan mo lang ako anytime. Ingat ka “
Dumating na si Lei sa bahay ng kaibigan niya at halos lahat nandun.
Ring… ring… ring…
“ hello Lei “
“ Jarren nandito na ako, may papakilala ako sa iyo “
“ sino? “ tanong ni Jarren
“ friend ko “
“ hi, musta po? “ sabi ng kaibigan ni Lei
“ hello, okay naman po. Happy birthday “
“ thank you, ikaw pala ang kinukwento sa akin ni Lei na nagpapasaya sa kanya ngayon “
“ ganun ba? salamat naman kung napapasaya ko din pala siya “
“ nice meeting you Jarren ha? sa ibang araw tayo mag kwentuhan pag may time ka “
“ nice meeting you din “
Inabot na yung fone kay Lei.
“ kumain ka na ba? “ tanong ni Lei
“ opo, kanina pa. sobrang maalaga ka talaga anoh? Babalikan ka ng ex mo kasi wala siyang mahahanap na tulad mo na maalaga at maasikaso. Wala akong masabi sa iyo Lei “
“ ngayon, ikaw na aasikasuhin at aalagaan ko. Hinding hindi kita sasaktan at lahat ng gusto mo gagawin ko basta maging masaya ka lang “
Na touch si Jarren sa sinabi ni Lei, nandun yung kirot sa puso niya. Na isip niya na sana ang nagsasabi nun sa kanya si Joey kaso sa ginawa niya halos gumunaw mundo niya buti na lang may umabot ng kamay niya kaya kahit masakit ang nangyari sa kanya. Nakaya niyang tumayo kahit papaano.
“ salamat Lei, hindi mo ako pinabayaan “ maluha luhang sinabi ni Jarren
“ huwag na umiyak ha? “ sabi ni Lei
“ hindi naman ako umiiyak ah? “
“ kilala na kita Jarren, sa isang linggo natin na magkausap. Nakuha ko na agad ugali mo at nararamdaman ko na pag masaya ka o malungkot ka “
“ salamat talaga Lei, gusto mo ba? baba na muna natin para makapag bonding kayo ng mga friends mo? “
“ hindi diyan ka na lang Jarren, okay lang kung magsleep ka na para makapag pahinga ka “
Nung gabi na yun habang umiinom si Lei, sila ang laging magka usap. Ramdam na ramdam ni Jarren na sobrang special siya kay Lei.
“ I love you Jarren “
“ salamat “
Umabot ng alas diyes, nakatulog na si Jarren sa line. Hinayaan lang ni Lei na nasa line si Jarren at baka magising siya malungkot na naman ito.
“dito lang ako sa line Jarren, hanggang sa pag gising mo nandito ako. Ito na ang huling sakit na mararamdaman mo, pag naka move on ka na at ako na mahal mo. Hindi hindi kita ibibigay or ibabalik kay Joey at gagawin ko lahat para lang makalimutan mo siya. I love you Jarren, goodnight “