Mga ala sais ng umaga naligo ni si Jarren para pumasok.
Hindi siya makaramdam ng antok dahil natutuwa siya sa video call nila kagabi.
Naisip niya na tama nga sinabi nila Tommy at Jake dahil pati siya natuwa, minsan lang kasi matuwa si Jarren sa mga ganung bagay.
Pumasok na siya agad, nakita niya sila Tommy at Jake.
“ insan, musta ang video call nyo kagabi? “ tanong ni Tommy
“ masaya ano? Halos wala kang tulog “ nakatawang sabi ni Jake
“ oo nga brod, ngayon pare-parehas na tayo busy sa gabi “ sagot ni Jarren
“ paano si Anna? Tanong ni Tommy
“ wala naman akong ibang girl friend ah? “ sagot ni Jarren
“ oo nga naman, wala pa sa ngayon “ sabi ni Jake
“ mga loko loko, punta tayo sa canteen? Inaantok ako “ yaya ni Jarren
Tumawa lang ang dalawa pero sinamahan nila. Patayo na sila ng nakita nila si Anna papunta sa pwesto nila.
“ saan kayo pupunta? Tanong sa tatlo
“ Ma’am punta po kami sa canteen, nagugutom po kasi si Jarren “ sagot ni Jake
“ sa labas na lang tayo kumain “ sabi ni Anna
“ sige ma’am “ sagot ni Tommy
“ bakit parang matamlay ka love? “ nag aalalang tanong
“ hindi kasi nakatulog dahil wala ako kagabi sa bahay “ sagot ni Tommy
“ sana minessage mo ako kung hindi ka makatulog ng tinawagan kita “
“ okey lang love, gusto kong magpahinga sana “
“ wala ka naman yatang meeting ngayon or client na pupuntahan, umuwi ka na lang. Ako na ang bahala sa opisina “
“ kami din pwede? “ tanong ni Jake
“ sige, pero ngayon lang ito ha? hindi kayo pwedeng magsabay sabay unless kung gawin ko kayong grupo “
Tumango na lang Tommy.
Naisip naman ni Jarren na makakatulog din siya para makapag chat mamaya pero hindi na siya makikipag video call para maaga siyang makatulog.
Pumunta sila sa isang restaurant na malapit sa kanila para mabilis makauwi si Jarren.
Hindi siya nangangamba dahil wala duon si Jasmin kaya panatag ang loob niya.
“ love, pag tapos natin kumain. Hahatid ko na kayo sa inyo ha? ikaw Jake, saan ka ba nauwi? “ tanong ni Anna
“ duon na muna ako kina Jarren Ma’am “
“ hindi na kayo mapaghiwalay na tatlo ah? “ sabi ni Anna
“ oo nga Anna, dapat lagi kaming sama sama “ sagot ni Tommy
“ sige na, umorder na kayo para makakain na tayo at saka makapag rest na din si Jarren “
Umorder na agad sila ng pagkain saka kumain.
Nang matapos silang kumain, hinatid na nga sila ni Anna.
“ love, text mo ako pag nagising ka ha? I love you “
“ sige love, I love you too “
Bumaba na sila ng sasakyan ni Anna at pumasok na sa bahay.
“ oh bakit ang aga nyo umuwi? “ tanong ng nanay ni Tommy
“ hinatid po kami ni Anna, wala naman po kaming meeting saka client. Pinag rest day muna kaming tatlo “
“ good morning mo tita, dito po muna ako makikitulog sa inyo “ sabi ni Jake
“ good morning din iho, welcome ka sa bahay namin Jake. Sige magpahinga na kayong tatlo “
“ sige po tita “ sagot ni Jarren
Umakyat na ang tatlo pero si Jarren lang ang natulog.
Mag aala sais ng magising si Jarren, kinuha niya ang fone at minessage si Anna na gising na siya.
Niyaya na din niya si Jake at Tommy na bumaba para makakain.
“ anak, nag aayos lang kami ng tita nyo at sabay sabay na tayong kuumain “ sabi ng nanay ni Jarren
“ sige po mi, si daddy po pala? “
“ maya maya nandito na din sila ng tito mo “
“ tulungan ko na po kayo sa pag aahin “ sabi ni Jake
Tumulong na din si Tommy para makakain na sila.
Habang kumakain sila, tumunog ang fone ni Jarren kaya tiningnan niya ito.
“ hi Jarren, free ka ba ngayon? Video call tayo, babalik na kasi ako sa work para may kausap ako habang pauwi ako “ chat galing kay Joey
“ hello Joey, okay lang ba five minutes? Tapusin ko lang pagkain ko saka kita tawagan “
“ sige, take your time “
Kaya nagmadaling tapusin ni Jarren ang pagkain niya para masamahan niya si Joey.
“ anak, bakit nagmamadali kang kumain? “ tanong ni nanay niya
“ may tatawagan po kasi ako mi “
Nagkatinginan lang si Tommy at Jake sa sagot ni Jarren.
Tumayo na agad si Jarren at umakyat sa kwarto
“ hi Joey, video call na tayo “
Kaya tumawag na si Joey at saka sila nag kwentuhan.
Ang gaan gaan ng loob ni Jarren kay Joey at hindi niya ito mahindian.
Hindi niya alam bakit ganun ang nararamdaman niya, basta ang alam lang niya na simula nung nag usap sila lagi na siyang masaya.
“ Joey nasaan na ibang kasama natin “ tanong ni Jarren
“ hindi daw pwede, may mga ginagawa sila kaya naisip ko na baka ikaw free pero mamaya magjo-join daw sila sa atin “
“ ah okay sige, samahan na lang kita “
Habang pauwi si Joey, nagkwentuhan sila ng kung anu ano.
“ taga saan ka? “ tanong ni Jarren
“ taga Laguna, ikaw? “
“ taga Quezon City pero three years ago, nagwork ako diyan kaso saglit lang ako dahil nalipat kami ulit sa Manila “
“ talaga? Siguro nagkikita na tayo kaso hindi naman tayo magkakilala pa “
“ oo nga, lagi kami sa kumakain sa Mcdo sa Pavillion Mall “
“ seryoso? Duon ako nagtra-trabaho “
“ saan duon? “ tanong ni Jarren
“ sa bilihan ng mga perfume “
“ talaga? Kaya pala familiar ang mukha mo sa akin. Baka nga nagkakausap na tayo kaso hindi pa right time para maging close tayo tulad ngayon “
“ oo nga, Jarren malapit na ako. Diyan ka lang ha? “
Hindi masabi ni Joey ang feelings niya kay Jarren, masyadong magaan ang loob niya dito.
“ Jarren ito ang room ko, tour kita para hindi ka mainip “
“ okay lang Joey, masaya ka naman kausap “
Hanggang umabot na naman sila ng umaga. Kaya nagpaalam na ulit si Jarren para naman makatulog siya kahit papaano.
Makalipas ang tatlong araw na chat at video call nila Jarren at Joey.
Naisip ni Joey na kausapin niya ng seryoso si Jarren tungkol sa nararamdaman niya.
Dahil sa dami ng natutuwa kay Jarren, hindi malabo na isa dun magustuhan niya at baka mahuli ang lahat kung hindi pa niya sasabihin ang feelings niya para kay Jarren.
“ brod, available ka ba? “ tanong ng isang babae sa group nila
“ bakit brod? “
“ video call tayo ngayon “
“ sige, join ako sa inyo. Tapusin ko lang ginagawa ko “
Kaya nag usap na sila ng mga kasama nila kasama ni Joey pero wala sa video call si Jarren.
Nagmessage si Joey kay Jarren.
“ kasali ka ba sa video call? “ tanong ni Joey
“ hindi pero sasali ako mamaya, may tinatapos lang ako ngayon “
“ ikaw? “ tanong ni Jarren
“ kausap ko sila brod at yung ibang member “
Tinapos na lahat ni Jarren para mamaya sa video call, wala na siyang gagawin.
Nagulat si Joey ng nagjoin agad si Jarren.
“ akala ko mamaya ka pa magjo-join “ tanong ni Joey
“ tinapos ko lang work ko “
“ ang bilis ni brod ah? “ sabi nung isa
“ miss niya lang tayo kaya sumali na agad sa atin “ sabi ni Joey
“ oo nga, miss ko na kayo “ sagot naman ni Jarren
“ ano nga ba sinabi mo kanina Joey? “ tanong nung isa
“ ah.. oo magpapaalam kasi ako sa inyo baka hindi ako makasali sa inyo sa video call kasi aalis kami. Mag babakasyon kasi kami mga three days kami duon, wala akong data “
“ ganun ba? mamimiss ka naman Joey “ sabi nung isa
“ magloload yan, hindi niya tayo matitiis “ sagot naman ni Jarren
Tumawa lang si Joey sa sinabi ni Jarren
Mga ilang oras na video call, nagpaalam na yung iba dahil matutulog na sila kaya natira na lang si Jarren at si Joey.
“ mag private na lang tayo “ yaya ni Joey
“ sige, ako na lang tatawag sa iyo “
Kaya inend call na nila at tinawagan ni Jarren si Joey in private.
“ ingat ka pag umalis kayo ha? chat mo na lang ako pag may load ka na “
“ sige, ingat ka din “
Umabot ang usapan nila hanggang tatlong oras saka nila binaba ang fone.
Natulog na agad si Jarren dahil may meeting siya ng maaga.
Nung nasa office siya, nakatanggap siya ng message galing kay Joey.
“ aalis na kami, chat na lang kita pag may data na ako “
At dahil nasa meeting si Jarren, hindi siya agad makapag reply sa chat ni Joey.
Kaya lumabas ito at saka nagmessage.
“ sige, ingat ka ha? nasa meeting lang ako ngayon pero babalik na din ako sa loob “
Habang nasa byahe sila Joey, hindi siya mapakali dahil namimiss na niya agad si Jarren.
Naghanap siyang ng friend niyang available para mapa loadan siya ng data, umabot ng tatlong oras bago siya magloadan.
Agad naman siyang nagmessage kay Jarren at sinabi niya na may load na siya.
Habang nasa kwarto si Joey, nag iisip siya kung paano niya sasabhin kay Jarren ang feelings niya.
Baka kasi pag sinabi niya ito kay Jarren, iwasan na siya nito.
Pero mas malaki problema niya kung hindi niya nasabi ang nararamdaman niya at magulat na lang siya na may iba na pala si Jarren.
Dahil sa maraming may gusto sa kanya, hindi malabo na may magustuhan siya.
Mag aala una na ng umaga ng magchat si Joey.
“ gising ka pa ba? may gusto sana akong sabihin sa iyo? “ sabi ni Joey na medyo kinakabahan
“ oo, gising pa ako. Gusto mo ba tawagan kita? “
“ ako na lang tatawag sa iyo “
“ okay “
Maya maya tumatawag na si Joey at sinagot naman agad ni Jarren.
“ Joey, ano yung sasabihin mo? “
“ huwag ka sanang magalit sa akin o kaya huwag mi akong iwasan pag nasabi ko na gusto kong sabihin sa iyo “
“ sige, ano ba yun? “ tanong ni Jarren
“ kasi gusto kita, nung una ko palang na nakita name mo iba na feeling ko parang may something sa atin dati na hindi ko ma explain. Tiningnan ko profile mo mas lalo kitang nagustuhan “
“ baka naman natutuwa ka lang sa akin? “ tanong ni Jarren
“ hindi, pero God knows pinilit ko naman na umiwas sa iyo kaso hindi ko kaya “
“ tapos? “
“ ewan ko lang kung maaalala mo, nagmessage ako sa group na magle-left ako kasi nagha-hang ang fone ko pero ang totoo, umiiwas ako sa iyo “
“ talaga? Hindi ko napansin yun “ sabi ni Jarren
“ hindi mo talaga ako mapapansin kasi busy ka sa dami mong kachat sa group natin “
“ sorry, hindi ko maalala “
“ kaya nung unang video call natin nung sinabi ni brod na sasali ka, kinabahan ako at nataranta. Nagkamali tuloy ako ng katok ng flat “
Natawa si Jarren sa sinabi ni Joey.
“ ano ba gusto mo? “ tanong ni Jarren
“ hayaan mo lang ako na mahalin ka Jarren “
“ sure ka? baka natutuwa ka lang sa akin “
“ hindi, may something talaga “
“ sige kung ano gusto mo “
“ hindi ka galit sa akin? “ tanong ni Joey
“ hindi, nagsabi ka lang naman kung ano nararamdaman mo “
“ sana hindi mo ako iwasan? “
“ hindi naman Joey, pero pakiramdaman mo din ang feelings mo kasi baka hindi naman yun ang nararamdaman mo dahil diba lagi naman tayo magkausap kaya baka ganyan ang nararamdaman mo “
“ thank you Jarren kasi hindi mo ako iiwasan, naisip ko lang kasi sa dami ng may gusto sa iyo baka mabaling atensyon mo dun, mas lalo akong magsisi kung hindi ko nasabi ang nararamdaman ko sa iyo “
“ huwag mong isipin Joey na iiwasan kita, masaya akong kachat ka. at huwag kang mag alala, walang makakaalam tungkol sa sinabi mo sa akin “
“ salamat Jarren “
“ paano Joey, mamaya na lang ulit kasi may pasok ako mamaya “
“ sige, makakatulog na din ako dahil nasabi ko na ang feelings ko sa iyo “
Hindi nagkamali si Joey na sinabi niya ang feelings niya kay Jarren.
“ magpahinga ka na din ha? “ sabi ni Jarren
“ I love you Jarren “
“ thank you Joey “
“ hayaan mo lang ako mahalin ka, masaya na ako duon. Hindi mo kailangan sumagot sa akin “
“ sige goodnight “
Saka binaba ni Jarren ang fone.
Sobra ang saya ni Joey nung oras na yun dahil hindi siya iiwasan ni Jarren.
Tumawag si Joey sa isang kasama nila sa group at kinuwento niya na sinabi na niya kay Jarren ang feelings niya.
Natuwa naman ang isang ka group nila pero sinabi ni Joey sa kanila lang yun.
Hindi makatulog si Joey sa saya ng naramdaman.
Nagmessage pa siya kay Jarren.
“ Jarren, thank you talaga. Napasaya mo ako. Goodnight, I love you “
“ goodnight Joey, magpahinga ka na. bukas chat mo ako or tawagan mo na lang ako pag free ka “
“ Jarren pwede ba kitang tawagin na pangga? “ tanong ni Joey
“ ano yun? “ tanong ni Jarren
“ pangga means love, kasi mahal kita “
“ ah.. sige, kung ano gusto mo “ sagot ni Jarren
“ sige, goodnight pangga “
“ goodnight din “
Saka natulog si Joey.
Habang nasa bakasyon sila Joey, lge na silang nagpri-private message ni Joey at lalo silang naging
close.
Minsan kahit nasa group chat na sila naka private message sila ni Jarren.
At kahit group call, magkachat pa din sila
Hindi totally sila pero may understanding na sila sa isa’t isa.
Mas lalong kinikilig si Joey sa pinakikita ni Jarren sa kanya. Hindi talaga siyang nagkamali na aminin kay Jarren ang lahat.
Umuwi na si Joey sa kanila at si Jarren naman may kausap na client.
“ insan mukhang busy ka kakachat mo ah? “
“ may kachat ako insan si Joey, taga Laguna. Pag pumunta tayo dun, papupuntahin ko sa bahay “
“ ano ang narinig ko? May pupuntang babae sa bahay? “ sabi ni Jake
“ yung kachat ko taga Laguna, pag pumunta tayo dun invite ko siya “
“ ayos brod “
Habang nag uusap silang tatlo, nagmessage si Joey.
“ goodmorning pangga, kumusta ka na? “
“ goodmorning din, nasa office ako ngayon kasama ko si Tommy na pinsan ko at si Jake na ampon namin “
“ ampon? “
“ kasi lagi na namin kasama, halos tumira na nga sa bahay namin “
“ ah okay, what time ka uuwi? “
“ pag tapos ng appointment ko sa client, bakit? “
“ namimiss na kasi kita “
“ memessage kita pag pauwi na ako “
Umabot ang ala singko kaya nag out na sila at umuwi na din agad.
Hindi pa nakakapasok si Jarren sa loob ng bahay, minessage na niya agad si Joey.
“ I’m home “
“ pahinga ka na tapos saka ka kumain. Pag pwede ka na, tawagan na kita pangga “
‘ sige po “
Umupo si Jarren sa sofa kasama nung dalawa.
Nagmessage siya sa group chat nila habang nagpapahinga.
Nakita naman agad ni Joey yun kaya sumali din siya.
Umabot ng isang oras na nakikipag harutan siya sa iba.
Nakaramdam si Joey ng selos kaya nag private message siya kay Jarren.
“ Jarren, sabi ko magpahinga ka tapos kumain saka kita tatawagan “ inis na message ni Joey
“ galit ka ba? tanong ni Jarren
“ hindi, wala naman akong karapatang magalit kasi hindi naman tayo diba? “
“ galit ka ei “ pilit ni Jarren
“ hindi na, sige na kumain ka na tapos tatawagan na kita “
“ kung hindi ka galit, bakit Jarren tawag mo sa akin? Diba pangga tawag mo “
Biglang nawala ang inis ni Joey sa sinabi ni Jarren.
“ sige na pangga, kumain ka na para makapag usap na tayo. I love you pangga “
Napangiti lang si Jarren saka sinunod ang sinabi ni Joey
“ sige, kakain na ako tapos message kita pag tatawag ka na sa akin “
Kahit sa simpleng message ni Jarren na ganun, talagang kinikilig si Joey.
Mahalaga din pala kay Jarren yun pangga. Akala kasi ni Joey na baliwala lang kay Jarren yun kaya mas lalo siyang na inlove.
Pag tapos kumain ni Jarren, siya na mismo ang tumawag kay Joey.
“ pangga, tapos ka na kumain? “
“ oo, tapos na. hindi na kita minessage, tumawag na lang ako sa iyo “
“ daming nagpaparamdam sa iyo sa group ah? Sabi ni Joey
“ hayaan mo yun, wala naman yun sa akin. Nga pla sa sabado birthday ni Tommy, iinom ako ha? “
“ sige pero huwag kang masyadong iinom ha? baka malasing ka “
“ sige po, sa line ka lang kung gusto mo? “
“ okay lang ba? nakakahiya naman pangga? “
“ okay lang, habang umiinom ako sa line ka lang “ sabi ni Jarren
Mas lalong naiinlove si Joey kay Jarren sa pinakikita niya.
“ huwag ka na magmessage muna sa group chat ha? “
“ sige “
“ I love you pangga “
Saka sila nagkwentuhan ng kung anu ano.
Ramdam nila ang saya kapag magkausap sila, parang ang bilis ng oras pero kailangan nilang magpahinga dahil birthday na ni Tommy at medyo magiging busy si Jarren.