Umaga na nung makauwi sila Tommy at Jake.
“ mukhang napasarap kayo ah? “ sabi ni Jarren
“ oo nga insan, mga hot sila “
“ totoo brod, parehas kami naka score kagabi “ sagot ni Jake
“ naku mahirap yan “ sabi ni Jarren
“ sus… insan alam namin na may nangyari sa inyo ni Jasmin “
“ bakit nyo naman nasabi? “ tanong ni Jarren
“ paano ang galing mo daw sa kama “ sabay tumawa si Tommy
“ dami mong chick, mamimili ka kung sino gusto mong kasex kung si Anna or si Jasmin “ sabi ni Jake
“ loko loko, mamaya makarating kay Anna yan. Lagot tayo “ sagot ni Jarren
“ takot ka insan? “
“ saan naman ako matatakot? “ tanong ni Jarren
“ oo nga naman, saan matatakot si brod. Hindi pa naman siya kasal “
“ oo nga insan “
“ kumain na ba kayo? “ tanong ni Jarren
“ oo brod, bago kami umalis duon kumain na kami “
Naisipan ni Jarren na tawagan ang nanay niya para kumustahin at para sabihin na sa susunod na sabado na lang sila uuwi ni Tommy.
“ Anak, puntahan mo tita Marie mo sa Pavillion Mall. Malapit lang ba kayo duon? “
“ opo mi, saan po siya duon? “
“ alam ko nagload sila at mga accessories ng mga celfone “
“ sige po, kapag lumabas kami ni Tommy mamaya. Puntahan namin siya “
“ sige, mag ingat kayo dyan ni Tommy ha? “
“ opo mi “
At saka nila binaba ang telepono.
“ insan pag lumabas tayo, puntahan daw natin si Tita Marie sa Pavillion “
“ sama ako, brod “
“ sige, mag grocery na rin tayo duon “
Habang nag-uusap sila biglang tumunog ang fone ni Tommy.
Kaya kinuha niya sa bulsa niya at saka niya tiningnan kung sino yung tumatawag.
Pinakita ni Tommy ang tumatawag.
“ huwag mo na sagutin insan “
“ bakit naman? “
“ sige sagutin mo pero kung hanapin ako sabihin mo busy ako “
“ ano brod, feeling lang “ napapangiting sabi ni Jake
Sinagot ni Tommy yung fone.
“ hello Jasmin “
“ hello Tommy, si Jarren? Hindi niya kasi sinasagot text or call ko “
“ tulog kasi kaya hindi niya sinagot, try mo ulit mamaya “
Nagkwentuhan sila at saka binaba ang fone.
“ insan bakit mo iniiwasan si Jasmin? Mabait naman siya ah? “
“ ayoko lang kasi ng gulo insan, pag nalaman ni Anna yun baka bigla niyang kausapin si Jasmin “
“ anong masama duon? Hindi naman kayo ni Jasmin saka one night stand lang naman kayo “
“ tama na nga, ayoko na nga maalala ei “
Niloko nila si Jarren kaya inis na inis naman ito.
“ maligo na nga kayo at pumunta na tayo ng Pavillion, nakaka bored dito “
“ sige brod, para maaga din tayo makapag pahinga dahil may pasok na naman bukas “
Naligo na sila sa kani kanilang c.r saka sila umalis.
“ brod saan dito tita ninyo? Daming may loading station dito “
“ oo nga insan, pero teka may karatula dun na Marie and accessories. Baka yun ang tindahan ni tita “
Lumapit sila dun pero walang tao, kaya naisipan nilang magtanong.
“ miss, dun ba ng pwesto ni tita Marie? “ tanong ni Jarren
“ opo, baka nag c.r lang po yung tao niya. Antayin nyo na lang “
“ diba dito si Joey? “
“ opo, kaso nasa Pasay po siya ngayon. Bukas po siya dito, kilala mo siya? “
“ nagkakilala lang kami dito, salamat miss “
“ sige po sir “
Mga ilang sandali pa ay nandun na yung tindera ni tita Marie kaya tinanong niya ito.
“ sir nasa kanila po, taga Bel-air po siya “
“ ganun ba, sige paki sabi na lang pumunta si Jarren at Tommy dito “
“ sige po sir “
Naglakad lakad na sila sa Mall hanggang napunta sila sa bilihan ng mga television.
“ bili tayo nga t.v insan, para hindi naman tayo mabored sa bahay pag walang pasok “
“ sige insan, hati hati na lang tayo “ sabi ni Tommy
“ huwag na insan, iba naman bilhin nyo para kumpleto tayo ng gamit sa bahay “
“ ako na lang sa internet saka sa Netflix brod “ sagot ni Jake
“ lugi ka nun brod, buwan buwan yung sa iyo? “
“ ayos lang tutal lagi naman ako manu2od ng t.v ei “
“ kailan ka ba bibili ng t.v insan? “
“ ngayon na kung may makita tayong maganda “ sagot ni Jarren
Tumingin na sila ng t.v, aybmay nakita siya na 50 inches kaya yun ang kinuha niya.
Bago sila umalis, dumaan ulit sila duon sa tita niya kaya lang wala pa din kaya binigay na lang ni Jarren ang number niya.
Umuwi na agad sila para maayos nila yung t.v na binili.
Nung maayos na nila, binuksan ni Jake ang t.v at nanuod
Nagluto na si Jarren ng pagkain nila, si Jake naman busy sa pianunuod niya, at si Tommy busy sa kanyang group chat sa social media.
Nang matapos si Jarren magluto, pumunta siya sa sala at nanunuod din ng t.v.
“ ano yan brod? Mukhang maganda ah? “
“ oo brod, sinusubaybayan ko yan kaso simula nagwork tayo dito hindi na ako updated “
Narinig naman ni Tommy yun.
“ hanapin mo sa Youtube, siguradong meron yan o kaya humanap ka sa f*******: ng group na maymga episode na hinahanap mo “
“ talaga insan, may ganun? “
“ try ko nga humanap ng group “ sabi ni Jake
“ ako may group, naka lagay exclusive for single. Daming single na babae dun, kaso sa iyo insan hindi na bagay kasi may girl friend ka na “ natatawang sabi ni Tommy
“ ako single, sama ako sa group ninyo “ sabi ni Jake
“ sige, add kita brod “
“ ayos “
“ kumain na nga tayo, inaantaok na ako “ sabi ni Jarren
Pagtapos nilang kumain pumasok na si Jarren sa kwarto niya at natulog, si Tommy at Jake naman busy sa group chat nila.
Hindi na namalayan ng dalawa na mag uumaga na pala dahil sa nag eenjoy sila sa pagcha-chat.
Lumabas na ng kwarto si Jarren, nagulat siya na nandun pa din ang dalawa sa sala.
“ Tommy, Jake ang aga nyo nagising ah? “ sabi ni Jarren
“ anong maaga? Hindi pa kami natutulog “ sagot ni Tommy
“ ha? bakit? “ takang sagot ni Jarren
“ daming chicks dito sa group ni Tommy brod, nakaka enjoy. Sumali ka kaya? “
“ anong group ba yan? “ tanong ni Jarren
“ exclusive for single, add ka namin “ sabi ni Jake
“ mahirap yan, huwag na “
“ try mo lang, nakakawala ng bored “
Napilitan na nga sumali si Jarren kahit hindi naman siya single.
“ halika na, mag ready na tayo ng pagkain natin “ yaya ni Jarren
“ brod, naka add ka na sa group. Mag hi ka lang “
“ mamaya na lang brod “
“ akina fone mo, ako na bahalang mag introduce sa iyo para mapansin ka sa group “ sabi ni Tommy
At nagmessage na si Tommy gamit ang account ni Jarren.
May isang nagmessage duon na magsend daw si Jarren ng pic kaya humanap si Tommy ng pic ni Jarren sa gallery niya saka niya pinost.
Maraming nagka gusto kay Jarren na sinend na picture ni Tommy.
“ uy, mamaya na yan at baka malate naman tayo sa trabaho. Pwede naman yan mamaya “
Kumain na sila at nag ayos na para makapasok. Pero yung dalawa parang nagsisimula ng antukin.
“ ayan, chat pa more. Ang saya diba? “
“ lalabas kami mamaya at uuwi na kami ni Jake, inaantok na kami “
“ hindi pa tayo nakakapasok, uuwi na agad ang nasa isip nyo “
Habang nagkukulitan si Jake at Tommy, nakita nila si Jasmin sa reception.
Kaya sinalubong sila nito
“ hi Tommy, Jake, Jarren “ bati ni Jasmin
“ hello “ sabi ni Jarren sabay papasok sa loob
“ mukhang wala yata sa mood yun ah? “ tanong ni Jasmin
“ kulang sa tulog, sige pasok na kami “ sagot ni Tommy
“ brod, tawag lang tayo saglit sa client tapos uwi na tayo “ sabi ni Jake
“ oo brod, inaantok din ako “
Habang tumatawag si Jarren sa client, may natanggap siyang message galing sa tita Marie.
“ Jarren si tita Marie mo ito, free ba ka ngayon lunch? “
“ opo tita, kasama ko po si Tommy. Mga eleven am po sa pwesto nyo “
Sinabi agad ni Jarren kay Tommy kaya pupunta sila sa Pavillion.
“ sige, mga ten am tayo lumabas. Sasabihin ko na lang na may client kami dahil diretso bahay na kami “
“ matulog kasi kayo, huwag nyo i-sacrifice ang work nyo sa ganyan. Wala naman seryoso sa group chat, pwede past time lang para hindi kayo ma bored “
“ oo na brod, kasi may love life ka kaya hindi ka interesado “
“ oo nga, pag kami nagka lovelife dito “
“ goodluck, lolokohin lang kayo. Hindi naman kayo magkakakilala sa group “
“ kaya nga may getting to know more stage diba? Private message mo? “
May tumawag kay Jarren kaya sinagot niya yung tawag.
“ hello is this Jarren Reyes? “
“ yes, who’s this? “
“ I’m from ABC marketing, nakapag usap na daw kayo ng boss ko regarding sa product nyo. Magdadagdag pa sana daw siya kung hindi pa naka ayos “
“ sige po ma’am, ano pa po order niya? “
Saka sinabi nung kausap niya yung additional order ng boss na umabot ng 300k pa.
Inayos agad ni Jarren yun para maihabol sa first batch ng order sa kanya.
Lumapit si Jake sa kanya.
“ brod, mag ayos ka na ng gamit. Alis na tayo “ yaya ni Jake
“ sige brod “
Habang inaantay ni Tommy at Jake si Jarren, busy sila sa mga kakachat nila.
“ ano hindi inaantok pag may kachat pero pag nagtratrabaho antok? “ natatawang sabi ni Jarren
Tumawa lang ang dalawa sa sinabi ni Jarren.
“ matagal ka pa diyan? “ tanong ni Tommy
“ sige na, alis na tayo “
Lumabas na ng building yung tatlo, hinabol naman sila ni Jasmin.
“ bibili kayo ng food? “ tanong ni Jasmin
“ hindi, meet namin tita ko sa Pavillion tapos diretso na kami ni Jake sa client “
“ ah… sasama sana ako sa inyo “
“ sige pero ikaw na lang ang babalik mag-isa “ sabi ni Jake
“ huwag na, dito na lang ako bibili sa canteen “
Saka pumasok si Jasmin sa loob.
Nakarating naman agad sila Tommy sa Pavillion Mall. Inaantay sila ng tita niya.
“ Jarren, Tommy “ bati ng tita nila
Humalik sila sa tita nila at saka nagkumustahan, nagyaya na din ang tita nila na kumain sa Mcdo.
“ tita kasama namin sa work, si Jake “ pakilala ni Tommy
“ musta iho? Matagal na ba kayo dito? buti alam nyo na nandito ako? “ tanong ng tita nila
“ kalian lang po, sinabi lang po ni mommy sa akin na baka nandito kayo “
“ buti pinuntahan nyo ako dito “
Nagkwentuhan na sila hanggang matapos silang kumain.
Maya maya nagpaalam na si Tommy sa tita nila dahil sobra na ang antok niya. Sumama na din si Jarren sa bahay saka nagpahinga.
Tumawag si Anna kay Jarren para sabihin na simula bukas sa manila na sila madedestino. Tuwing huwebes na lang sila sa laguna.
Nabigla si Jarren sa narinig niya dahil naisip niya agad ang nirerentahan nila.
Umabot ng tatlong taon, ganun ang set up nila sa opisina kaya hindi nila binitawan ang bahay para pag sa laguna sila duon pa din sila magstay.
Nasa manila area sila.
“ brod punta ako sa laguna ngayon, aasikasuhin ko lang yung client ko dun “ sabi ni Jake
“ sasama ako brod “ sagot ni Jarren
Kaya pumunta siya sa office ni Anna para sabihin yun. Ngunit nagalit siya sa sinabi ni Jarren.
Halos araw araw na nag aaway si Jarren at Anna dahil sa sobrang pagseselos, minsan naisip niyang hiwalayan na lang ito dahil napapagod na din siya sa relasyon nila.
Hindi na sumama si Jarren kay Jake at dumiretso na lang siyang umuwi.
“ anak, si Tommy? “
“ mi, pumunta ng Laguna kasama ni Jake “
“ ganun ba, sige pahinga ka na muna. Tatawagin na lang kita pag kakain na “
Kaya umakyat na ito sa kwarto niya at tumingin tingin sa social media niya.
Naisip niya yung sinabi ni Tommy at Jake na group chat kaya hinanap niya iyon para mawala ang inis niya.
Natabunan na ng mga messages yung group kung saan siya isinali nuon ni Tommy kaya minessage niya ito.
“ insan, may group pa ba kayo? Hindi ko kasi makita? “ tanong ni Jarren
“ oo nandun pa din kami, sige message kita dun para makita mo insan “
“ sige salamat “
Mga ilang sandali pa ang nakita na niya iyon.
Sinubukan niyang mag message dun.
“ hi guys “
At agad naman may nagreply.
“ location pls? “
“ Quezon City “ reply ni Jarren sa group chat
Marami ng nagtanong kay Jarren kaya natuwa siya.
Hindi niya alam na kada sagot niya, halos lahat nakakabasa.
At may nagka interest agad kay Jarren dahil madaldal siya sa chat group.
Habang busy si Jarren sa pakikipagchat, may isang babae dun na nagkaroon ng kakaibang pakiramdam kay Jarren.
Hindi niya alam kung papaano siya mapapansin nito, kaya naisipan niyang magmessage.
Pero dahil sa daming kachat ni Jarren, hindi siya napapansin.
“ hi brod, bago ka lang sa group? “ private message niya
“ matagal na akong member dito kaso ngayon lang ulit ako sumali dahil marami akong ginawa “ sagot ni Jarren
“ mabuti naman, nag active ka? “
“ sinubukan ko lang po “
“ ang daming may gusto sa iyo sa group ah? Mag video call pala kami mamaya, gusto mong sumama? “
“ nakakahiya naman yata? “
“ hindi, para makilala ka na din nila in person “
“ mga anong oras ba yun? “ tanong ni Jarren
“ mga seven pm, sumali ka na “
“ sige po. Message mo na lang ako mamaya “
Bumaba na si Jarren at kumain para mamaya sa video call hindi na siya tatawagin ng nanay niya.
Makalipas ang trenta minuto.
Nagmessage sa kanya yung isa dun sa group chat nila.
“ brod naka video call na kami, Sali ka na. click mo lang yung join button “
“ sige brod, mga ten minutes sasali na ako “
Nag ayos muna si Jarren bago sumali sa videio call, tinext din muna niya si Tommy kung nandun sila.
“ insan may ka private call ako, ikaw na lang ang sumali “
At nag join na si Jarren sa group call.
“ hi “ bati ni Jarren
“ brod, buti nag join ka? “
“ hi Jarren “ sabi nung isa
“ hello po “
“ saan ka pupunta? Parang nasa byahe ka? “ tanong ni Jarren
“ pauwi na ako “ sagot nung babae
“ brod si Joey yan, Joey si Jarren “
“ hi Jarren “
“ hello Joey, patingin nga ng katabi mo? Ang ganda ei “
Tumabi naman agad si Joey para makita ni Jarren yung babae
“ bakit kasi sa iba ka pa tumitingin, nandito naman ako? “
Natawa si Jarren sa sinabi ni Joey
“ uy baka mamaya may ma develop dyan ah? Joey, bakit namumula ka? “ tanong nung isa
Ngumiti lang si Joey
“ mamula mula lang kasi ako “ sabay ngiti
“ mga ilang oras pa byahe mo? “ tanong ni Jarren
“ mga 15 mins nasa flat na ako, samahan nyo lang ako ha? “
“ sige samahan ka namin ni brod “
Wala pang sampung minuto nakarating na si Joey sa flat.
“ saglit lang, kakatok lang ako “ sabi ni Joey
“ sige, dito lang kami “ sagot naman ni Jarren
“ ang tagal naman buksan ng mga kasama mo pinto “ sagot nung kasama nila sa video call
“ baka walang tao, antayin ko na lang sila. Dito na lang muna ako sa labas “
“ hala, wala ka bang susi? “ nag aalalang sabi ni Jarren
“ hindi pa naduduplicate ang susi kaya wala pa ako, antayin ko na lang sila “
“ sige, magkwentuhan na lang muna tayo habang nag aantay ka “
“ teka message ko muna yung kasama ko kung nasaan sila? “ sabi ni Joey
Kaya inantay nila si Joey.
Pag balik ni Joey, natatawa siya.
“ bakit ka natatawa? “ tanong nung isang kasama nila
“ papaano, ibang flat pala ang kinakatok mo kaya hindi ka pinagbubuksan ng pinto “
Nagtawanan sila sa group call. Natuwa si Jarren kay Joey.
“ ayan tayo Joey, nandito lang si Jarren. Natataranta ka ei “
“ brod, nakakahiya naman kay Jarren “
Pumunta agad sa sofa si Joey para focus siya sa group call nila
Masaya silang nagkwe-kwetuhan at nagbibiruan. Nawala ang inis ni Jarren dahil napapatawa siiya ni Joey,
“ iinom kami “ sabi ni Joey
“ ano iinumin nyo? “ tanong ni Jarren
“ beer lang “ sagot ni Joey
“ sige, samahan namin kayo habang umiinom kayo “
Umabot sa isang oras, nalasing na mga kasama ni Joey. Yung isa umiiyak, yung isa tawa ng tawa, at yung isa naman natulog na pero si Joey nakikipag kwentuhan pa din.
Hindi namalayan ni Jarren na ala singko ng pala ng umaga kaya kailangan na niyang magpaalam dahil papasok pa ito sa opisina.
“ paano matutulog muna ako kahit isang oras at kailangan ko din gumising agad dahil papasok pa ako “
“ sige, sa susunod na lang ulit. Goodnight Jarren “
“ goodnight Joey, goodnight brod “
Saka nila inend ang call.
Nagprivate message si Joey na I accept siya ni Jarren kaya ginawa naman ito bago matulog.
“ goodnight Joey “ private message ni Jarren
“ goodnight Jarren “
Nag off na siya ng data niya at nagcharge ng fone.
Hindi na din natulog si Jarren dahil naisip niya na baka hindi pa siya magising kung sakali matulog pa ito. Kaya bumaba na lang siya at nagluto ng agahan.