KABANATA 1

1854 Words
KABANATA 1 DOBLE-DOBLE ang aking kaba habang sinusundan ang yapak ni Miss V. Binabaybay namin ang higanteng hagdanan papunta sa ikatlong palapag kung saan naroroon ang naglalakihan at pribadong silid ng magkakapatid na Montelibano.  Isa lamang sa libo-libong ari-arian ng magkakapatid ang naturang gusali. Nahahati ito sa tatlong debisyon. Nasa unang palapag ang casino, billaran at ang clubs. Nasa pangalawa naman ang mga paupahang silid para sa isang gabi ng kaligayahan. Simple lang ang buhay ko noong hindi pa ako napunta sa ganitong trabaho. Ang paglalako ng mga tuyo sa palengke ang pinagkakakitaan ko, tulong narin sa ama kong mangingisda at sa imbaldadong ina.  Nasa edad labing lima ako nang makilala ko si Miss V. Isa ito sa sumulsol sakin na iwan ang probinsya at lumuwas ng Maynila. Pinangakuan ng magandang trabaho, iyong klase ng trabahong kikita ka talaga ng malaki. Lingid sa kaalaman ko ay naisangla na pala ako nito sa isang club at iyon ang club na kinabibilangan ko ngayon. Ang club na pagmamay-ari ng mga Montelibano. "Aminica..." Napukaw ako mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang aking pangalan. "...narito na tayo."  Napatingin ako sa isang kulay lupang pinto at napahugot ng malalim na buntong hininga  nang mabasa ang nakaukit sa mismong pinto. Antonio Luis Montelibano. It was carved with gold cursive letters. Hindi na biro ang pagbundol ng aking dibdib sa kaba. "Gaya ng patakaran natin sa ibaba ay ganon rin ang magiging patakaran dito. Kung ano man ang mangyayari sa loob ay hindi mo maaaring dalhin sa labas."  Napatango ako at nagbuga ng hangin, napatingin sa kamay niyang may hawak sa siradura. "Kinakabahan ka?"  Kabado akong tumango. "Oo. Sobra. Wala akong ideya sa magaganap sa loob. Kung bakit nito hiniling ang presensya ko." Pinasadahan ko ng haplos ang aking buhok.  Madiin itong pumikit at bumuntong hininga, pagkatapos ay muli akong tiningnan. "To be honest, ayaw kong ikaw ang mapili, Aminica. You are one of my big assets. Kawalan ka sa club kapag nagkataon."  Parang may alam itong dapat kong ipangamba. Na dapat kong ikabahala. "M-may ideya ba kayo kung bakit ako ipinatawag?" I asked softly. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nagawang hindi maganda kung ang trabaho ko dito ang pagbabasehan. Lahat naman ng utos ay ginagawa ko at never akong umabsent kahit nagkakasakit. Sumiklab ang pagdududa ko nang mag-iwas ito ng tingin. I drew in and let out a slow—careful breath. Inayos ang bahagyang nagusot na damit. "Itinago kita sa mata ni sir Antonio sa mahabang panahon dahil alam kong sa oras na magkita kayo ay ikaw na kaagad ang dadamputin nito. Malaki ang ibinibigay mong kita sa club. Nagkataon lang talaga na nandon siya sa araw ng pagsasayaw mo."  Tilay mga bugtong ang sinasabi nito. Hindi malinaw ang sagot. Hindi niya direktang sinabi sakin ang dahilan kung bakit ako naparito. "Sa palagay ko ay kailangan mo nang pumasok. Kontrolin mo ang sarili mo dahil sa oras na pumasok ka sa silid na ito ay tanging ang sarili mo lamang ang magliligtas sayo. Hanggat maaari ay ilayo mo ang sarili mo sa kanya."  Kasabay nang pagbitaw nito sa salita ay ang pagpihit niya sa siradura. Kakaibang awra ang sumalubong sa akin. Nangatog ang aking mga tuhod. Nasa bungad pa lamang ako at hindi pa tuluyang nakakapasok ngunit ganito na katindi ang epekto. "What took you so long to get in?" Ramdam ko ang paninigas ni miss V na nasa aking gilid.  Ang baritonong boses na iyon.  Itinulak ako papasok ni miss V, dahil narin siguro sa takot.  Hindi kalayuan ay nakatalikod siya samin. Hawak ang isang baso ng alak at pinagmamasdan mula sa cctv ang mga nagaganap sa buong gusali. Napasinghap ako nang makitang pati sa labas ng silid nito ay may monitor na nakaantabay. Kung ganoon ay kanina pa kami nito pinagmamasdan! "Lock the door and get yourself in here."  Nilingon ko si miss V na napapatango. Sinunod ko ang kanyang utos. Pinagsarhan ko ng pinto si miss V at lumapit sa kanya. Nanatili akong nakatayo tatlong metro ang layo mula sa kinauupuan nito. "When did you start dancing in this club?" He asked in his baritone voice. Nangatog ako sa epektong dala ng tinig na iyon. Buong-buo.  Hindi ako nakasagot. Tila'y nalunok ko ang aking dila, 'di ko alam kung gawa ba ito ng panginginig dahil sa takot o sadyang ayaw ko lang talagang magsalita. Palagay ko kasi, manganganib ako sa oras na bumuka ang aking bibig.  Inikot niya ang bangkong kinauupuan at hinarap ako. Muli, nakita ko ang pares ng mga mata nito. Ang kanyang matangos na ilong. Ang perpekto nitong mukha.  Hindi ko nakayanan ang intensidad na dala ng kanyang mga mata kaya nagbaba ako ng tingin. Inilapag niya ang hawak na baso ng alak sa mesa. Sinundan ko iyon nang tingin. "I demand an answer miss Aminica Cortes. And you are oblique to look at me when I am talking." Otomatiko akong napatingin sa kanya. "Again, when did you start working here?"  Humugot ako ng malalim na hininga, tumikhim bago sumagot. "Nagsimula ako sa pagsasayaw noong magdisiotso ako. Pero naging serbidora na ako rito noong labing limang taon ako. "  Bahagyang nagtagpo ang kanyang mga kilay. Hindi ko alam kung may nasabi ba akong mali. "And how old are you now?" "Twenty five."  Nagulat ako nang marinig syang magmura. "You're here ten years ago yet I didn't even know!"  Halos mapalundag ako sa kaba nang kumalabog ang basag na baso. Natapon sa marmol na sahig ang alak. Nagtagal ang tingin ko doon.  Does he even have to know? Piping usal ko sa sarili.  Probably yes, he's my direct boss kaya nararapat lang na alam nya kung sino-sino ang nasa ilalim ng kanyang pangangalaga. Hinilot niya ang tungki ng kanyang ilong. "Take a sit."  Kaagad akong umupo sa pinakamalapit na sofa. Tumayo siya at lumipat ng upo sa harap ko. Nakadekwatro ito at mataman akong tinitigan. Napapahigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking damit.  "Are you afraid of me?" Nagtatalo ang isip kong tumango. Gusto kong ipaalam dito kung gaano ako katakot. Na halos hindi ko na magawang buuin ang aking boses sa pangamba. Sa huli'y hindi ko nagawang sumagot.  "You're afraid." Sa puntong ito ay hindi na iyon patanong.  Tumango-tango sya at tumikhim. Pinaglaruan ng kanyang daliri ang nahawakan na pansulat. Nakakaasiwa ang sampung segundo ng katahimikan. Alam kong pinagmamasdan ako nito kaya hindi ako mapakali. Natatakot akong may makita itong mali. "Don't get me wrong but...is that the real color of your eyes? No contact lenses? " Hindi ko alam kung saan galing ang tanong na iyon o kung bakit niya iyon itinanong.  I nodded in response. Unti-unting sumilay ay nakakatindig balahibo nitong ngiti. "That's good..." makahulugan niyang saad. Hinintay ko ang kasunod ng mga salitang iyon ngunit walang dumating. Nanatili sakin ang kanyang mga mata. Eyeing it intently. Bahagya akong naasiwa. "Are you constantly performing on stage? Or...that was the first." "Lunes, myerkules at sabado lang po akong nagsasayaw."  His brows furrowed, lumalim ang gitla sa noo.  "That is my working days with the Global." May diin ang bawat bigkas niya ng salita. Kinabahan ako. Mukhang maipapahamak ko si miss V sa mga pinagsasabi ko. Dinampot niya ang telepono at dinala sa kanyang tenga.  "Send Venus in my room. I want it as soon as possible." Maawtoridad nitong utos.  Nahigit ko ang aking hininga.  "You can now go."   Tumayo siya at bumalik sa dating upuan. Kumunot ang aking noo. That's it? Ganon lang? Kahit may mga tanong ay minabuti ko na lamang tumayo at tinalikuran ito ngunit napatigil ako sa hamba ng pinto. Natalo ako ng aking kuryusidad. Muli akong pumihit paharap sa kanya.  Mula sa pagliligpit ng mga papel ay nag-angat sya ng tingin, mukhang napansin ang paglingon ko pabalik. "What? May kailangan ka?"  Akma akong magsasalita ngunit agad rin namang napatikom at umiling na lamang. "Close the door when you leave." Aniya at ibinalik sa ginagawa ang tingin. Iyon nga ang aking ginawa. Bumaba ako sa unang palapag at bumalik sa club. Pagkapasok sa quarter ay si Andrea kaagad ang unang sumalubong sakin. Puno nang kuryusidad ang kanyang mukha. Hinila ako nito papasok sa dressing room upang ilayo sa iba pa naming kasamahan. "Kamusta ang pag-uusap nyo? Anong nangyari?"  Napairap ako sa sunod-sunod nitong tanong. Kapwa kami umupo sa silyang de kahoy. Dahilan narin sa walang humpay nitong pagtatanong ay napilitan akong isiwalat sa kanya ang nangyari. Maging sya ay kunot-noong napapaisip. "Hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko diyan kay sir Antonio. Sa kanilang magkakapatid ay sya iyong mahirap intindihin. May usap-usapan tungkol sa kanya kaya lang ay hindi ko alam kung gaano ka totoo."  Sa sinabi niya ay nakuha nito ang aking buong atensyon.  "Anong klaseng mga usap-usapan?"  Iniusog ko ang aking upuan palapit sa kanya. Hinawi niya ang kanyang buhok at dumukwang rin palapit sakin. "Iyan kasing si sir, kada sasapit ang kabilugan ng buwan sa buwang abril ay may kakaiba itong ginagawa. Hindi ko alam kung bakit pero nakagawian na niyang pumili ng mga kababaihan at dinadala sa hindi ko alam kung saan."  Nanatili akong nakaabang sa susunod pa nitong sasabihin. Alam kong maykasunod iyon. Bahagya siyang nagpalinga-linga bago ako binulungan, sinisiguradong walang nakakarinig saamin. "May problema raw sa utak. Baliw." Pinaikot niya ang daliri sa ulo at iminuwestra ang ibig sabihin. I pause for a moment, pagkatapos ay mapaklang tumawa. Kinunutan ako nito ng noo. Bahagya ko syang tinulak at padarag na tumayo. Inayos ko ang aking damit at pinangko ang aking buhok. "Imposible, Andrea. Hindi mo ba nakikita si sir Antonio? Sa palagay mo may ganon katikas at kagandang lalaki na baliw?"  Lumapit ako sa malaking salamin at binura ang aking lipstick. Kitang-kita ko ang pagtaas ng kanyang kilay. Wari'y hindi nito nagustuhan ang aking ginawang pagtawa. "Hindi mo kasi nasaksihan ang mga nangyayari habang nandito si sir Antonio. Ang araw nang pagpili nito ng babae na lagi kang wala at hindi mahagilap. Walong babae Aminica...walong babae ang binibili nito sa napakalaking halaga. Milyon milyon."  "Bakit mo siya hinuhusgahan agad? Malay natin at tipo lang talaga niyang magpakaligaya sa piling ng walong babae."  Ngumiwi siya at maging ako ay ganon rin. Nangingilabot sa isiping nakahiga si sir Antonio sa isang napakalaking kama habang pinapatungan ng walong babae. "Ganyan rin ang naisip ko nung una pero papaano mo ipapaliwanag ang tuluyang pagkawala ng mga ito? Hanggang ngayon ay hindi pa nahahagilap ang mga kababaihang binili ni sir Antonio...ni isa sa kanila ay hindi pa nakikitang muli. Lahat ay naglaho nang parang bula. Walang bakas na iniwan."  Natigil ako sa ginagawa at dahan-dahang nilingon siya. "Huwag mong sabihin na pinapatay niya ang mga iyon?" Pagbibigay boses ko sa nasa isipan niya. She snapped her fingers into the air nang sa wakas ay nakuha ko ang ibig niyang sabihin.  Umiling ako at muling ipinagpatuloy ang ginagawa, hindi naniniwala. "Matunog iyang balitang iyan dito at hindi gawa-gawa lamang. Pinapatay ni sir Antonio ang mga kababaihang napipili niya...sinong matino ang gagawa noon?" Parang kulog sa aking pandinig ang sinabi niya. Kahit hindi naniniwala ay nanindig ang aking balahibo. Gaano ka totoo ang usaping iyon? At kung totoo nga ay bakit ako? --mimi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD