KABANATA 2

1879 Words
KABANATA 2 BUONG gabi akong binagabag ng mga natuklasan mula kay Andrea. Palaisipan sakin ang sinabi nito tungkol sa walong babae. Kung ganoon ay hindi lang pala ako ang posibleng kinausap nito...marahil ay marami kami.  Ayaw kong panghinaan ng loob pero nauunahan ako ng takot. Paano kung totoo nga? Paano kung maging isa ako sa panibagong mga babaeng gusto nitong kolektahin? Marami pa akong mga plano sa buhay at hindi kasali doon ang maagang pagharap kay kamatayan. "Haay! Bwesit yung matanda kanina. May pahimas-himas pa pero hindi naman pala magbibigay ng tip! "  Padabog na isinarado ni Andrea ang pinto. Kinalas niya ang tali ng kanyang buhok at ginulo ito. Pasalampak syang umupo sa tabi ko.  Bahagya akong napangiti at napailing. Busangot na naman. Inabutan ko sya ng tubig na kaagad naman nitong nilagok. "Baka naman gipit...o hindi lang kayo nagkasundo sa presyo."  Sinamaan nya ako ng tingin at pabirong inirapan. Ipinatong niya ang magkabilang paa sa mesang pinaglalagyan ng mga pampaganda. Dito kami nagpapalipas ng oras kapag break-time. "Naku! Huwag siyang umapak dito kung gipit siya. Walang libre-libre dito! Aba't inalok pa ako sa itaas...limang libo raw? Eh tip ko lang iyan sa mga kano! Magsarili nalang sya kung ganoon!" reklamo nito. Bahagya akong natawa. Wala talagang preno ang bibig niya kapag galit. Ganito nalang parati ang nangyayari kada minamalas siya sa mga nagiging kostumer. Hindi ito namimili ng pinagsisilbihan. Basta ba'y may datong at kayang magwaldas ng pera ay pinapatulan nito.  Napailing na lamang ako at itinuloy ang naantalang pag-aayos sa sarili. Minuto lamang ang hihintayin ko at sasalang na naman sa entablado. "Aray naman!"  Nasapo ko ang balikat nang tampalin ako nito roon ng malakas. Napasa'ere ang hintuturo niya na wari'y may nakaligtaan.  "Nakalimutan ko kung ano ang ipinunta ko rito!" Nanlalaki ang mga mata niya. Sinamaan ko siya ng tingin habang himas-himas ang nasaktang balikat.  "Maraming mga ano..mga lalaki sa labas. Nako Aminica iba ang aura ngayon doon. Hindi ko alam kung ano ang meron ngayon pero basta may kakaiba." Pinapaypayan nito ang sarili na wari'y naiinitan. Napataas ako ng kilay. "Anong kakaiba roon? Hindi ka pa ba sanay? Pugad ng mga kalalakihan itong club. Walang kakaiba sa pagdagsa ng sinasabi mong mga kampon ni adan." Padarag akong tumayo at binaklas ang soot na roba. "E'paano kung sabihin ko sayo na ang mga sinasabi kong lalaki na umaaligid sa labas ay ang mga personal na tauhan ni sir Antonio? Pangkaraniwan pa rin ba iyon? "  I stiffened. "Ano? Kung ganoon ay narito sa gabing ito si sir Antonio?"  Halos mabitawan ko ang hawak na brush sa narinig. Napalunok ako ng wala sa oras. Bigla akong nakaramdam ng ginaw kaya napayakap ako sa aking sarili. Parang umaayaw ang katawan kong magpresinta sa entablado. "Mga personal na tauhan niya ang sinabi kong nasa labas at hindi siya mismo. Huwag kang paranoid Aminica! Pati ako kinakabahan sayo!" "Ikaw na mismo ang nagsabi Andrea, nasa labas ang mga personal niyang tauhan. Ibig sabihin maaaring naririto lang rin sya." "Dyan ka nagkakamali. Tinanong ko na iyan kay miss V. Kompirmadong wala siya rito ngayon."  Napahawak ako sa aking dibdib at nakahinga ng maluwag. Hinaplos ko ang aking batok, madiing pumikit at isinandal ang sarili sa mesa. "Kung wala naman pala sya ngayon ay bakit naririto ang kanyang mga tauhan?" "Iyan nga ang ipinagtataka ko. Nagkalat-kalat sila sa labas. Ang dami."  Ngumiwi siya at ininguso ang malapit nang matanggal na sintas ng aking pang itaas. Kaagad ko itong inayos. "Ang laki talaga niyan. Tiba-tiba si sir Antonio diyan." Biro nitong hindi naman nakakatawa.  Sinamaan ko siya ng tingin. Tiningnan ko sa salamin ang aking repleksyon. Totoo ngang nabiyayaan ako ng magandang katawan. Ang laki ng aking hinaharap ay perpekto lamang sa hubog ng aking katawan. Hindi ko nga lang alam kong biyaya nga ba ito o isang sumpa.  "Aminica!" Sabay kaming napalingon ni Andrea kay miss V na nakadungaw sa hamba ng pintuan.  "Maghanda ka na. Nasa likod na si Arci. Marami tayong mga panauhin ngayon. I want them entertained."  Seryoso ang tono ng pananalita nito kaya napatango ako.  "Sumunod ka kaagad." Aniya. Nang sumara ang pinto ay nagkatinginan kami ni Andrea. Nagkibit ito ng balikat. "Kasama mo pala si Arci?" "Ngayon ko lang nga rin nalaman"  Dumukwang ako at nakipagbeso sa kanya. "Huwag mong hahayaang malamangan ka ng Arcing iyon, Aminica. Gigil parin ako roon hanggang ngayon."  Ngumiti lang ako at lumabas na. Dito sa club, hindi maiiwasan ang mga namumuong alitan lalo na kung tungkol sa kita ang pag-uusapan. Ganon naman talaga.  Huminga ako ng malalim bago tinabihan si Arci sa likod ng telon. Magkasama kaming sasayaw sa intablado. Inirapan ako nito na inilingan ko lamang. The beat of the song bombarded the whole place. Umangat ang telon. Nagsipalakpakan ang lahat kasabay ng pagsayaw ng mga neon lights. Nagsimula agad si Arci kaya iyon na rin ang ginawa ko.  Naglakad ako papunta sa gitna habang siya naman ay gumiling at nagpasikat agad.  Isang pole ang naghihintay samin doon. Sinasabayan ko ng indak ang tugtugin. Mas lalong humiyaw ang mga manonood nang lumiyad si Arci at nagpakita ng hinaharap.  Ganon kabilis? Hindi ko sya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa. Tinalikuran ko ang mga manonood at inabot ang aking hita dahilan para lumantad ang aking pang-upo sa gutom na mata ng mga kalalakihan. "Damn! Bend for me baby! You like to do it from behind, huh?" Hiyaw mula sa manonood. Nilingon ko ang may sabi non. Napangiti ako nang makita ang paghimas nito sa harapan ng kanyang pantalon. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at kinindatan siya. Umayos ito ng upo. Mamilipit ka sa sakit sa puson!  Nang namataan si Arci ay muli ako nitong inirapan. Problema niya?  Nag-iba ang musika. Napalitan ito ng isang malamyos na tugtog. Pumagitna kaming dalawa at hinawakan ang pole. Gumiling ako mula sa itaas pababa nang nakaparte ang mga hita.  "Oh fvck! I want to be in between that legs! Come on baby! Do it hard and do it fast!"  Napuno ng kantyaw ang buong lugar. May mga sumisipol, umuungol at mga nagpapalakpakan.  The usual crowd. Ipinalibot ko ang aking mga hita sa pole. Umakyat ako sa itaas at gumiling bago dumulas pababa. Nilingon kong muli si Arci na madilim na ang tingin sakin. Walang gatong na naghubad ito ng pang-itaas.  "Woah!"  Umugong ang mga hiyawan. Kumunot ang noo ko. Parang hinahamon ako nito sa isang matinding pasiklaban. Nilapitan niya ako at sinayawan. Mas lumakas ang mga sigawan. Natigilan ako ng inabot nito ang sintas ng aking pang-itaas. "Arci anong ginagawa mo?" bulong ko. Nanatili akong nakangiti at hindi pinahalata ang pagkaasiwa. Nagawa ko nang maghubad ngunit hindi sa ganitong eksena. Babae sa babae. "Binibigyan ko lang sila ng magandang palabas, Aminica. Calmn your t!ts." Malanding usal niya.  Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Lahat ay nakangiti. Nag'eenjoy sila. Namataan ko si miss V na pumapalakpak. Tuluyan na nitong nahubad ang aking pang-itaas.  "Damn! I want to taste that t!ts." Rinig ko mula sa mga manonood. Napapikit ako ng hawakan nito ang aking hinaharap. Gustong-gusto ko syang itulak pero hindi ko pupwedeng gawin. Napalunok ako ng wala sa oras. "Stop it, Arci." pagtitimpi ko. Nagkibit ito ng balikat at hinalikan ang likod ng aking tenga. Bahagya ko syang itinulak na nagpahalakhak sa kanya. "Kumalma ka lang, Aminica. Seryoso ka masyado." Aniya at hinawakan ang tanging telang tumatabing sa aking pang-ibaba. Hindi na ako nakapagtimpi at nagawa ko na siyang itulak. Hindi iyon napansin ng mga manonood.  Tumatalbog ang aking hinaharap habang sumasayaw palayo kay Arci. Pinagpawisan ako roon.  Bahagya akong natigilan nang mapansin ang mga kalalakihang may nakakabit na earpods sa tenga. Nagpalakad-lakad ang mga ito. Hindi ko ipinahalata ang pagiging tensyonado. Hinubad na ni Arci ang lahat nang saplot at lumapit sa matandang intsik na nagwawagayway ng tig-iisang libo. Kita ko kung pano niya patungan ang intsik at saka gumiling. Umawang ang bibig ng huli. "Do your trick now honey! Don't make us wait."  Lahat sila ay inaabangan ang paghuhubad ko. Pilit akong ngumiti at hinawakan ang tali ng suot pang-ibaba. Nilapitan ako ng isang mukhang may datong na lalaki. Nagpasikat ito sa intablado. Iwinawagayway ang makapal na tig-iisang libo bago ako nilapitan. "Let me do the honor, baby." usal niya. Pilit akong ngumiti at kinuha ang perang inialok niya bago tumalikod at hinayaan siyang hubarin ang tanging saplot na natitira sakin.  Pumwesto siya  sa aking likuran. Hinaplos niya ako sa tiyan na kinainggitan ng karamihan. Sanay na ako sa ganito. Ang paglalantad sa aking kahubadan.  Pinagapang niya ang kanyang dila sa likod ng aking tenga habang bumababa ang haplos nito sa pagitan ng aking mga hita. Bago pa niya tuluyang mahubad ang aking pang-ibaba ay biglang nagdilim ang buong paligid.  Nawala ang kamay na nakapahinga sa aking tiyan.  Wala akong maaninag ni kaunting liwanag.  May mga bulungan.  Akala ng lahat ay parte ito ng pagtatanghal ngunit iba na ang pakiramdam ko. Nakakarinig ako ng kaluskos hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. May dumaing na dala ng sakit. Minuto ang itinagal ng pagkawala ng ilaw. "What the fvck!"  Napukaw ako sa sigaw na iyon. Kasabay ng pagbaha ng liwanag ay ang pagkagulantang ng lahat sa nasaksihan. Dalawang metro mula sa aking kinatatayuan ay nakahandusay ang lalaking naliligo sa dugo. Nakatarak sa dibdid nito ang isang maliit na patalim. Natutop ko ang aking bibig. "Oh my god, Aminica! Get out of here!"  saad ni Andrea na hindi ko namalayang nakaakyat na pala sa intablado. Hinila ako nito palayo...papasok sa loob.  Saka lang ako nakahinga nang maayos ng makaalis roon. Ibinalabal niya sakin ang isang puting roba. Hindi parin tuluyang rumirehistro sa aking balintataw ang nasaksihan. Ito ang unang beses na nangyari iyon dito sa club! "Sabihin mong hindi totoo iyong nakita ko kanina, Andrea."  I let out a long and deep breath harshly. "Nandon sya sa likuran ko tapos...nawala ang ilaw...tapos andon na sya nakabulagta."  Hinawakan ako ni Andrea sa balikat at bahagyang niyugyog. "Aminica kumalma ka. Control yourself! Hintayin nalang natin si miss V dito. Papunta na iyon ngayon. "  Hindi nga nagtagal at dumating si miss  V kasama ang iba pa. Nagsiksikan kaming lahat. Lahat ay takot. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng kwadradong silid. "I want all of you to stay here. Walang lalabas hanggat wala pang go signal. Nagsidatingan na ang magkakapatid na Montelibano. Huwag niyo akong ipahiya."  Kapwa kami nagsitanguan. Dumako sakin ang tingin nito. "Aminica...sumunod ka." Kinabahan ako at napatango. Seryosong seryoso ang mukha nito.  Lumabas siya na kaagad ko namang sinundan. Tanging ang mga tunog ng takong ang maririnig. Muli ay tinahak namin ang isang pamilyar na hagdanan. Umakyat kami hanggang sa ikatlong palapag.  Mukhang mapapadalas yata ang pag-akyat ko rito.  Huminto kami sa isang silid. Ito ang bukod tanging silid na kulay itim ang pinto. Kulay ginto ang paligid nito at kakaiba ang disenyo. Walang pagdadalawang isip na pinihit ni miss V ang siradura. Doo'y hindi ako makapaniwala sa bumungad sakin.  Five gorgeous men, all wearing an expensive suit—with dark aura the screams power and danger. Ang iba ay nakaupo at ang iba naman ay nakatayo. Nakapako sakin ang kanilang atensyon. Lahat sila ay pare-pareho ang bagsik ng mga mata. Mga matang pamilyar. Mga matang tinataglay ng isang Antonio Montelibano. Napaawang ako nang mapagtanto kung sino-sino ang mga naroon...Fvck! The Montelibano's are here! —mimi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD