KABANATA 3
"Is this the girl, Warren?" Binasag ng lalaking may hikaw sa kaliwang tenga ang katahimikan. Napatango ang katabi niyang lalaki na puno naman ng patik ang kanang braso.
Humugot ako ng malalim na hininga upang panatilihing buo ang postura. Nakakaintimida ang paninitig nila, sadya nga yatang ganoon ang epekto ng mga Montelibano.
Nanatili akong nakatayo, suot ang manipis na balabal at katabi ang walang imik na si Miss V.
Dahil sa kanila ay nagmistulang maliit ang malaking silid. Hirap akong gumalaw hindi dahil sa sikip kundi ay dahil sa takot na may magawang mali.
"Come forward," The long haired man demanded. Hindi ako gumalaw sa pag-aakalang si Miss V ang kausap niya. Ngunit gayon nalang ang panghihina ng aking mga binti nang maramdaman ang bahagyang pagtulak sakin paabante.
May isinenyas si Miss V na hindi ko lubusang maintindihan. When I looked at the man in front, his eyes radiates dark aura, enough for me to wobbled in fear.
Iginiya ako ni Miss V sa harapang bangko. Kaharap at mas malapit sa magkakapatid. Pilit ako nitong ipinaupo sa silya. Nasa balikat ko ang kanyang mga kamay, putting me in place.
"You may now leave, Venus."
Tiningala ko si Miss V. Tiningnan ko siyang puno ng pagmamakaawa at piping dinadalangin na sana'y huwag itong umalis. Ngunit ano ang laban ko sa utos ng mas nakakataas?
"Masusunod po," Umayos siya ng tayo, tumalikod at tuluyang umalis. Naiwan akong hindi alam ang gagawin. Nahulog ang tingin sa mga nanginging na kamay at huminga ng malalim.
"No wonder Anton's been keeping you under wraps." The man with a scar on his right cheek said. My brows furrowed in obvious confusion.
"Lift your head."
Nahigit ko ang aking hininga. The man with dark brown eye kneels in front me. He gently captured my chin, raised my head and looked at me directly in the eyes.
"I understand why Anton's so enchanted with you. You have a pair of beautiful hazel eyes. And your skin—it's as soft and as smooth as a babe's."
The inked man chuckled. "Hands off, Greg."
Tumango ang lalaki at umayos ng tayo. Ibinulsa ang mga kamay at bumalik sa dating pwesto.
Nagkaroon ako ng pagkakataong pasadahan sila ng tingin. Tila ay mga diyos sa tindig, ayos at pangangatawan. Makapangyarihan at tinitingala. May particular na Montelibanong hinanap ng aking mga mata...ngunit agad ring nadismaya ng wala ito roon. Bakit wala sya dito gayong kompleto naman ang kanyang mga kapatid? Hindi ba nakarating sa tanggapan niya ang nangyari?
"If it is for business, I will gladly agree with Anton's eye for girls. She's temptingly beautiful but..." Umiling ang lalaking may mahabang buhok at halatang dismayado. " His game and his craziness is too much!"
"Watch your word, Walter." The other man said in a warning tone.
"This girl is a great use in the empire. Such a waste..."
"Hayaan niyo na si Anton. Nag-eenjoy siya sa ginagawa niya. It's his peace and happiness. Let him have that."
Isinukbit ko sa likod ng aking tenga ang takas na buhok. Kita ko kung paano nila ito sundan ng tingin. Kaagad kong ibinaba ang aking kamay. Damn! Hindi ko matatagalan ito!
"Where's Anton by the way?" Tanong ng lalaking may hikaw.
"He's in Tagaytay. It takes an hour to travel by air. And he has some important things to do at Global." Ipinatong ng lalaking may pilat sa mukha ang kanyang magkabilang paa sa lamesa at nagsindi ng sigarilyo.
"What's your name again?" Tanong ng lalaking bukod tanging may kakaibang kulay na mata. Unlike the others who have dark brown eyes, his—were deep blue. Nakatayo ito at nakapamulsa.
"A-aminica Cortes." I stuttered.
Tumango siya at naningkit ang mga mata.
"She is a waste, Luther..." Ilang ulit na umiling ang lalaking nagngangalang Walter.
"What do you suggest then? Bed her so you can save her?" Luther arched his brows.
"Save my ass. Walter just wants what is in between her legs." Humalakhak ang lalaking may hikaw.
"We're on the same page, Drico. Don't act saint." They both shared meaningful glares. Parang nagkakasundo sa isiping iyon.
"Tumahimik kayon dalawa!" Luther, the man with deep blue eyes said with authority. Kaagad naman silang tumigil. "Let's wait for Anton. And don't bother this girl anymore kung ayaw niyo ng gulo."
Isang tunog ng chopper na nagpaikot-ikot sa himpapawid. Sabay na umayos ng tayo at upo ang magkakapatid. Nagkatinginan silang lahat. Lumapit si Luther sa malaking bintana at dinungaw ang nangyayari sa ibaba.
"Anton is here. Get rid of the girl." Isang komando lang niya ay may humila na sakin palabas. Si Miss V ay naroon at naghihintay. Bumaba kami sa unang palapag. Hindi kami dumaan sa malaking hagdan bagkos ay sa ibang rota niya ako kinaladkad.
Nang makarating sa dressing room kung saan naroroon ang iba pang babae ay binitiwan ako nito. Kaagad akong lumapit kay Andrea na nakakunot ang noo. Ang ingay na bumalot sa buong silid ay kaagad na humupa.
"Girls! The venue is now cleared. Tuloy ang transaksyon sa gabing ito. Huwag niyong hayaang maapektuhan ng pangyayari kanina ang magiging performance niyo." anunsyo ni Miss V. Binubundol ng kaba ang aking dibdib sa tuwing nagtatama ang mga mata naming dalawa. Ang nangyari kanina ay hindi basta-basta na lamang mabubura sa isipan ng bawat nakasaksi.
"Pagkatapos ng trenta minutos ay maaari na kayong bumalik sa inyong mga istasyon." I nodded "—at ikaw Aminica. Babalik ka muna sa pagiging serbidora sa ngayon. Hayaan mo munang humupa ang lahat bago ka bumalik sa pagsasayaw. Nandito paman din si sir Antonio." Mahina lamang ang pagkakabigkas nya sa huling salita ngunit dinig na dinig iyon ng aking tenga.
Nagsimula na ang mga bulong-bulungan ng tumalikod at umalis si Miss V. Gaya ng madalas mangyari ay kinaladkad ako ni Andrea sa isang sulok upang mang-usisa. Hindi ko idinetalye ang nangyari, hindi ako kumportableng pag-usapan iyon.
"Narinig kong nasa taas naraw ang magkakapatid na Montelibano. Sana kumuha sila ng tigaaliw ngayon. Gusto ko ring pumunta sa pangatlong palapag! Maganda raw roon bukod syempre sa nagkikisigang magkakapatid." Rinig kong saad ng isa sa aking kasamahan. Bahagya ko silang nilingon. Hindi naman nila ako napansing nakikiusyuso.
"Huwag ka nang mag'assume. Alam mo namang si Arci ang palaging naiimbitahan sa pangatlong palapag para tiga-aliw." Naiinggit na turan ng isa. Napailing ako at muling itinuon ang pansin kay Andrea na hindi ko napansing kanina pa pala nagsasalita. Kung alam lang nila kung gaano ka nakakatakot ang pangatlong palapag.
MABILIS na lumipas ang araw. Nanatili ako bilang serbidora gaya ng utos ni Miss V. Si Arci ang naging sentro sa entablado. Hindi naman na nasundan ang pangyayaring iyon at tumahimik narin ang mga paksang may kinalaman sa trahedya.
"Kasing katawan mo. Kasing kulay rin ng mga mata mo at isang birhen!" Si Andrea nang minsa'y tanungin ko kung ano ang katangian ng mga babaeng kadalasang napipili ni sir Anton. Sa narinig ay isang desisyon ang nabuo sa aking isipan.
Lakad takbo kong inikot ang buong palapag para hanapin si miss V. Namataan ko itong pinagagalitan ang isa kong kasamahan.
"Miss V." Kuha ko sa atensyon niya. Iritado niya akong nilingon. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya ngayon ang pakay. Humugot ako ng malalim na hininga at nag-ipon ng lakas.
"Miss V, gusto ko po sanang lumipat ng istasyon kahit ngayong gabi lang...gusto ko pong maging taga aliw. "
Nawala ang iritado niyang mukha at napalitan ng gulat at takot. Mula sa gilid ng aking mata ay kita ko ang pagngiti ng dalawang lalaking nakarinig. Marahas niya akong hinila sa isang sulok.
"Nasisiraan ka na ba ng katinuan? Alam mo naman kung ano ang estado mo sa ngayon diba? Nag-iisip ka ba?!" Pinandilatan niya ako ng mata. Hindi ako nagpadala sa takot at buong buo na ang desisyon. Akma sana siyang aalis ngunit hinawakan ko ito sa braso upang pigilan.
"Pinag-isipan ko na po ito miss. Papayag akong magpakama sa gabing ito. Pakiusap hanapan niyo ako ng magiging kasiping." walang pagdadalawang isip kong saad. Nalaglag ang panga niya at hindi makapaniwala.
"Iyan ang huwag mong gagawin, Aminica! Masyadong delikado. Anuman ang dahilan ng pagbabago ng isip mo ay hindi parin kita mapapahintulutan." bakas na bakas sa tinig niya ang matinding pagtutol. Panay ang kanyang iling at halos magtagpo na ang mga kilay sa paniningkit nito.
Madiin kong hinawakan ang kanyang kamay at pilit na sinasalubong ang mga matang panay ang iwas.
"Bakit naman hindi pwede, miss? Tiyak na malaki ang magiging kontribusyon ko sa kaban natin kapag nagkataon. Noon nga'y pinipilit niyo akong makipagtable man lang, ngayon namang gusto ko ay kayo naman ang may ayaw. "
Desperada na akong talaga. Ito lang ang posibleng makakapagligtas sakin sa kamay ni sir Antonio. Marahil kapag nalaman nitong naibigay ko na sa iba ang tanging pakay niya ay ito na siguro mismo ang lalayo. Sa ganung paraan ay hindi niya na ako pag-iinteresan.
Nalukot ang mukha ni miss V. Tila'y napakalaki ng kinakaharap na problema. Napahilamos siya sa mukha gamit ang sariling palad.
"Noon yun, Aminica. Noong hindi ka pa namarkahan ni sir Antonio. Iba ang sitwasyon noon sa ngayon..." pangalandakan niya.
Ngumuso ako at humilig sa malapit na pader. Kitang-kita ko ang ginagawang pagmamatyag ng mga lalaking naka itim na uniporme. Kapansin-pansin iyon sa galaw nilang tila'y laging alerto. Panay ang tingin sakin habang may kinakausap sa kabilang linya.
Nakaramdam ako ng takot. Takot para sa sarili dahil alam kong anumang oras ay pupwede akong bumagsak sa mga kamay ni sir Antonio.
"Miss V naman. Kailangan ko po ang suporta nyo para dito. Ngayon lang naman. Isang beses lang talaga." patuloy ako sa pangungumbinsi ngunit panay rin ang pagtanggi niya. Laglag ang balikat ko sa pagkadismaya. Humugot siya ng malalim na hininga at mataman akong tinitigan.
"Alam ko kung ano ang binabalak mo, Aminica. Ngayon palang ay itigil mo na iyan. Hindi mo matatakasan ang nakatakdang mangyari kahit pa ibigay mo ang ang iyong sarili sa kahit na sino man. Nangyari na iyan noon, ang buong akala namin ay iyon ang sulosyon ngunit isang malaking kahangalan iyon. Mas lalo mo lamang ilalagay sa peligro ang iyong sarili."
Sa narinig ay mas lalo akong kinutuban ng masama. So totoo ngang nasa peligro ang buhay ko. Nanlumo ako at napahugot ng malalim na buntong hininga. Akma na naman sana siyang aalis nang muli kong hawakan ang kanyang braso. Pagod niya akong nilingon.
"Miss V naman..." pangungulit ko ngunit tila pulido na yata talaga ang desisyon niya.
Iwinaksi niya ang aking kamay at tiningnan ako ng masama.
"Bumalik ka na sa istasyon mo kung ayaw mong masuspendi ng ilang linggo."
Agad akong napabitaw sa narinig. That's the last thing I want, ang masuspende. May pinag-iipunan ako at hindi pupwedeng mabawasan ang magiging sahod ko sa katapusan.
Tuluyan na nga ako nitong tinalikuran. Muli ko na naman sana syang susundan ngunit kaagad rin akong napatigil ng makita sa hindi kalayuan ang paparating na si sir Antonio. Nangunguna ito habang sinusundan ng iba pang mga lalaki. Suot niya ang kakaibang awra. Otomatiko akong napatalikod at nagmadaling pumunta sa counter bago pa ako mahagip ng kanyang paningin.
"Oh? Aminica nagmamadali ka yata?" hinarangan ako ni Andrea. Sinenyasan ko siyang tumahimik at hinila palayo. Kahit nagtataka ay nagpahila parin naman ito.
Padarag akong umupo sa stool, ganun rin si Andrea na pumwesto sa tabi ko.
"Anyare sayo?"
"Iniiwasan ko lang si sir Antonio."
Umirap ito at binatukan ako. Galit ko syang tiningnan.
"Bobita ka! Hindi mo maiiwasan iyon! Baka nakakalimutan mong nasa mismong hawla ka niya." Umirap siya at nakapangalumbaba. Ngumuso ako at umayos ng upo.
Sinulyapan ko ang lugar kung saan ko nakita si sir Antonio. Wala na siya roon kaya nakahinga ako ng maluwag. Iginala ko ang paningin sa kabuuhan ng lugar. Nandun parin ang mga nakaitim na lalaki kaya hindi ako tuluyang napanatag. Marahil ay nasa tabi-tabi lamang ito.
"Anong raket mo ngayon?" pagod na tanong ko habang patuloy sa ginagawang pagmamasid.
"Gaya ng nakasanayan. Nakikipagbolahan sa isang parokyanong may matabang bulsa. Oh ito tingnan mo..." ipinakita niya sakin ang kanyang daliring may kumikintab na singsing. "...bigay yan sakin. Mamahalin. Pamana ng asawa niya raw." humagikhik siya na tila sayang saya. Kumunot ang noo ko at mataman syang tinitigan.
"Mag-ingat ka diyan, Andrea. Baka dala lang ng pagkakalunod nito sa alak ang pagbibigay niya niyan sayo. Baka mapasama ka dyan."
Tinampal niya ako sa braso at malanding tumawa.
"Ikaw naman. Binigay na nya ito kaya wala ng bawian, tsaka nakaraos naman sya sa ginawa ko kaya kwits lang. Mahal ang talent fee ko ha!"
Napangiwi ako at bahagyang umiling.
Tulala kong pinaglaruan ang baso sa harapan. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at napatingin muli sa kanya. Hindi nawawala sa mga labi niya ang ngiti habang pinagmamasdan ang suot na singsing.
Biglang may ideyang pumasok sa utak ko. Pinasadahan ko siya ng tingin at nakita ang dalawang mapupulang tila pasa na nasa kanyang leeg.
"Andrea, sa tingin mo ba mali ang kagustuhan kong makisama sa hanay ng mga taga aliw?"
Halos mabitiwan niya ang hawak na singsing sa gulat. Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin sakin.
"Diyos ko naman, Aminica! Hindi magandang biro yan ha! Magpapakama ka? Talaga lang ha! Baka nahimatay ka na't hindi pa nga nakakapaghubad ang magiging kasiping mo!" May tono ng pagbibiro ang pagkakasabi niya. Hindi ko magawang sabayan ito. Alam kong kailangan ko pang pag-isipan ng mabuti ang gagawin.
Gaano nga ba kahalaga ang pagiging isang birhen? Patunay ba ito ng pagiging isang malinis na babae? Kung ganoon ay wala na pala dapat akong problemahin pa sapagkat madumi na ang imaheng nakakabit sa buong pagkatao ko dahil sa napiling trabaho, kaya wala na akong imaheng dapat pang pangalagaan.
"Alam mo naman ang problema ko kay sir Antonio diba?"
"Ah! Kaya ba basta-basta mo na lamang kakalasin ang butones ng iyong blusa at itataas ang iyong saya? Do you think you can get away with that? "
May punto siya. Wala akong kasiguraduhan sa gagawin pero gusto kong subukan. Napatingin ako sa kasamahang kasalukuyang nagsasayaw sa entablado.
"Dun din naman ang punta ko diba? Hindi ko habang buhay na mapoprotektahan ang puri ko sa gustong pumasok at sumira nito. Do you get my point? Ayaw ko lang na— " napapikit ako at napasabunot sa sarili.
Hindi ko masabi-sabi ang gusto kong sabihin. May namumuong kakarampot na takot sa kaloob-looban ko. Mas kakayanin ko yatang makipagsiping sa iba kaysa makisabay sa binabalak ni sir Anton. Ipapaubaya ko lang naman ang katawan ko. Ibubuka ang mga hita't magpapadala sa intensidad...no sweat. Ganun lang kadali.
"May kliyente ako ngayon sa ikalawang palapag. Gusto mong sumama?"
Mula sa pangangalumbaba ay agad akong umayos ng upo. Nagkaroon ako ng pag-asa sa sinabi niyang iyon. Umismid sya at sinenyasan akong sumunod. Bahagya kong sinuklay ang aking buhok habang tinatahak ang daan paakyat.
Nakipagsiksikan kami sa dagat ng mga taong nagkakasiyahan. May mga minutong napapahinto kami dahil sa mga kustomer na agad na lamang nanghihila. Nginingitian lamang namin ang mga ito't nagpatuloy na.
Inakyat namin ang malapad at mataas na hagdan papunta sa ikalawang palapag. Tumigil kami sa tapat ng isang silid, may nakabantay na dalawang lalaki sa magkabilang gilid ng pinto.
"Kami ang taga aliw na nakatalaga sa mga panauhin " Pagbibigay impormasyon ni Andrea. Tumango ang mga ito at kinapkapan muna kami bago pinapasok.
Isang malapad at naka-korteng U na sofa ang bumungad sakin. Nakaupo roon ang dalawang lalaki. Nagulat ako ng pati si Arci ay naroon rin. Pinagkrus niya ang mga binti ng makita kami. May kalakihan rin ang silid na ito ngunit kung ikukumpara sa silid na nasa itaas ay di hamak na wala itong panama. May mga silver linings ang lahat ng gamit...mula sa sofa, sa tv set at sa mga plorera.
"Good evening, gentlemen. Mind if we join you?" Si Andrea gamit ang mapang-akit na boses.
Napatingin ako sa kanya. Iba na ang dating niya, hudyat na nagsisimula na siya sa isang palabas. Tumango ang mga instik at malapad ang ngiti. Nanatili kaming nakatayo. Ramdam ko ang pagpasada nila ng tingin sa kabuuan namin. Nagtagal ang tingin nila sakin.
"Ikaw dito tabi ako. Ako gusto ikaw." saad nitong iminuwestra ako sa tabi niya. Nagkatinginan kami ni Andrea. Tinanguan niya ako at sinenyasan na sumunod. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago lumapit. Agad din namang humimlay sa aking binti ang isang palad nito.
Kinumpostura ko ang aking sarili at nagsimulang umakto gaya ng nakagawian. Pinagkrus ko ang aking mga binti at bahagyang humilig sa kanya. Lumapad ang ngiti ng instik, halatang nagugustuhan ang ginawa kong paglapit ng aking katawan sa kanya.
"Ako bigay malaki pera. Ikaw gusto ko sayaw akin."
Tipid akong ngumiti at hinalpos ang hita niya. Kita ko ang pagpungay ng singkit niyang mata.
"Later baby..." mapang-akit kong saad. Tumawa ang kasama pa nitong instik at may sinabi sa katabi ko. Hindi ko sila maintindihan sapagkat ang kanilang sariling dayalekto ang kanilang ginamit. Nagtawanan ang dalawa.
Nangahas na ang kamay niyang humimas sa aking hita. Sanay na ako sa mga ganitong klase ng lalaki kaya wala na itong halos epekto.
"Ikaw hintay muna. Tayo usap para negosyo."
Sumasakit ang ulo ko sa pakikinig sa kanila. Napadako ang tingin ko sa malaking espasyo na nasa katapat naming sofa. Napatingin ako kay Arci at mas lalong nagtaka. Dalawa lamang ang kostumer na narito kaya bakit tatlo kaming nandito?
Tiningnan ko si Andrea na may ibinubulong sa katabi bago nilipat ang tingin kay Arci na tila nababagot na.
"Wait. Bakit hindi niyo pa binubuksan ang mamahaling inumin na ito? Simulan na natin hanggat maaga pa." si Andrea.
Akma na sana niya itong bubuksan ng pinigilan siya ni Arci.
"May hinihintay pa tayo, Andrea."
"Sino?" Halos magkasabay naming tanong. Hindi pa nakakasagot si Arci nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kahuli-hulihang tao na gusto kong makasalubong.
Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napatingin kay Andrea. Pareho kami ng ekspresyon. Namutla ako at kaagad na iwinaksi ang kamay na nakahimlay sa aking hita. Napatingin sakin ang intsik sa pagkabigla.
–mimi