KABANATA 5
ISANG mainit at malambot na bagay ang humahaplos sa aking pisngi na naging dahilan ng aking tuluyang pagkagising. Napaungol ako at bahagyang tumagilid. Ramdam ko ang paggapang ng isang kamay sa aking tiyan. A very masculine scent reach my nostrils forcing me to finally open my eyes. Isang pares ng itim na itim na mga mata ang sumalubong sakin. Saglit akong natigilan at pinagmasdan ito. The man was awesomely handsome with it's perfectly cut jawline, thick eyebrows and domineering eyes.
"Morning hon!" Malambing na saad nito. Nang marinig iyon ay agad na nanlaki ang aking mga mata at kaagad na bumangon. Reality hits me! Parang mga eksena sa telebisyon na bumalik sakin ang mga nangyari bago ako panawan ng ulirat.
"S-sir Anton!" Hintatakutang saad ko. Marahas kong iginala ang paningin. The walls are covered with rose gold paint paired with black linings. I have never been in this room before. Napatingin ako sa hindi kalakihang bintana ng marinig ang marahas na hampas ng alon.
Alon? Nasaan ako?
Nakaramdam ako ng hindi matawarang kaba. Nag-uunahan sa pagpintig ang aking dibdib.
"It's honey, baby. Change the way you call me sweetheart." Bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan na nakahantad. Ilang ulit akong lumunok at nag-iwas ng tingin.
"S-sir! A-anong ginagawa ko rito? At nasaan tayo?" Tatayo na sana ako ngunit pinigilan ako ng malalakas nitong braso. Mabilis niya akong pinahigang muli at dinaganan. I can feel my boobs squeezing in to his hard chest.
"Nasa isang lugar tayo kung saan malaya tayong gawin ang kahit na anong gusto natin. No one will interrupt us." Halong gulat, takot at kalituhan ang nasa aking dibdib.
"Go and change. Kanina pa naghihintay si Annie. Hihintayin ka namin sa ibaba."
Nagdugtong ang aking mga kilay. Kakaiba ang awrang taglay nito. Ibang ibaba ang kanyang pakikitungo. Napakamalumanay na kasalungat ng marahas nitong pakikitungo dati lalo na sa mga katulad kong tagapagsayaw.
"Whose Annie?" Naguguluhang tanong ko. Pagod siyang ngumiti at hinaplos ang aking pisngi. Halos mapaigtad ako ng maramdaman ang kanyang kamay.
"Our daughter, sweetheart." Pagkasabi niyon ay hinalikan ako nito sa noo at humakbang palabas. Natigilan ako sa narinig. Pawang kalituhan ang nasa aking isipan. Nang magsara ang pintuan ay saka pa lamang ako napabuga ng hiningang kanina ko pa pinipigilan.
Daughter? May anak si sir Anton? Tumayo ako't napatingin sa salamin. Wala ako ni anumang saplot sa katawan. May mga maliit akong pasa sa kanang dibdib. Ganoon rin sa aking leeg. Niyakap ko ang sarili nang makaramdam ng takot. Mula sa salamin ay nakita ko ang isang malaking litratong nasa aking likuran. Hinarap ko ito't napahawak sa bibig ng mamukhaan ang naroon. It's a wedding picture! Si sir Anton na nakayakap sa isang napakagandang babae. Kapwa sila nakasuot ng damit pangkasal. Iginala ko ang tingin sa buong silid at napagtanto kung nasaan ako. Ito ang silid ni sir Anton at ng kanyang kabiyak! Sa maliit na mesa ay naroon ang mga maliliit na picture frame. Puno iyon ng litrato ng dalawa.
Tinanaw ko ang labas at napanganga ng makita ang malawak na karagatan. Hindi ito totoo! Isa lamang itong panaginip. Marahas akong umiling at niyakap ang sarili. Noon ko napansin ang soot na singsing. Mabilis kong tinungo ang kabinet at kumuha ng isang bestida. Mabilis akong pumanhik pababa. Naghanap ng pupwedeng mahingan ng tulong ngunit walang tao ang masyon. Dahil sa katahimikan ay rinig ko maging ang mahihinang tunog na gawa ng aking paglalakad. Walang katao-tao ang lugar. Nang makarating sa ibaba ay narinig ko ang tinig ni sir Antonio. May kausap ito! Tinungo ko ang pinagmulan ng tinig at napakunot noo sa nabungaran.
"I know you're happy because mommy is here already. Kailangang presentable kang humarap sa kanya. Matagal rin kayong hindi nagkita Annie." Dahil sa takot ay aksidente kong natabing ang isang plastik na paso. Lumikha ito ng ingay ng mahulog.
"Sweetheart!" Tawag niya sakin ng makita. Ipinaupo ako nito sa isang silya kaharap ang isang life size mannequin; ang tinatawag nitong Annie. Maraming mga pagkain ang nakahain. Sa dami nito ay hindi ako naniniwalang si sir Antonio lamang ang naghanda. Iginala ko ang tingin sa paligid, naghahanap ng posibleng makatulong. Ngunit walang naroroon maliban kay sir Anton at sa manikang may pangalang Annie. Napatigil ang tingin ko kay sir Antonio na hindi magkamayaw sa kakangiti.
"Hindi mo man lang ba babatiin ang anak natin, Hon? It's her fifth birthday!" Hawak nito ang isang maliit na cake. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin. Seeing him right now is so different... so different from the Antonio Montelibano of the Montelibano brothers. Nakakatakot ito noon dahil seryoso at hindi ngumingiti ngunit mas nakakatakot pala ito kung nakangiti.
"Hon." He said with a warning tone. Pilit akong ngumiti at tumingin sa manika.
"H-happy birthday A-Annie." And with that he sings the happy birthday song in a creepy way. Panay ang kurot ko sa sarili. Ibang antas ng kabaliwan ito!
"So how's your school Annie? Balita ko ay hindi ka raw nagpaparticipate sa klase. Just tell me kung ayaw mo kay teacher Beth at papalitan natin. I can find another one for you ." Kinikilabutan ako sa paraan ng pakikipag-usap nito sa manika. Mariin kong hinawakan ang kubyertos. He's very attentive sa pakikipagkausap sa lifeless mannequin.
"I'm sorry kung hindi natin na invite ang mga friends mo Annie. Next time, Ill make sure na may makakasama na tayo rito. Mommy and daddy will take care of that." Nagpatuloy ito sa pagkain. Pati ang manika ay may pagkain ring nakahanda. Napapikit ako ng mapagtanto ang lahat. Wala sa katinuan si sir Antonio. Hindi ko alam kung saan patungo itong ginagawa niya.
"Sabay na nating ihatid si Annie sa skwelahan hon." Malaki ang pagkakangiti nito. Mariin akong napabuntong hininga at marahas na binitawan ang mga kubyertos. Naiwan sa ere ang kamay ni sir Antoniong susubo sana ng pagkain. Kunot noo itong tumingin sakin.
"Table manners hon!"
"What is this all about sir? Where are we and why did you bring me here!and...and why are you talking to a lifeless doll na para bang buhay ito't kinakausap ka!" Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili sa pagtaas ng boses. Marahas itong tumayo at sa iglap lang ay nagawa ako nitong sakalin at idinikit sa pader. Nanlalaki ang mata ko sa nasaksihang galit. Galit na galit ito at tila bay kahit anong oras ay papatay ng tao. Igting na igting ang panga. Itim na itim ang mga mata.
"How dare you to say that! Huwag na huwag mo akong pagtaasan ng boses sa harap ng anak natin. At huwag na huwag mong pagsalitaan ng masama si Annie!" Nahihirapan ako sa paghinga. Madiin ang pagkakasakal nito sakin at ilang minuto nalang ay mapuputulan na talaga ng hininga. Marahas ako nitong binitawan. Napahawak ako sa silya upang hindi tuluyang mabuwal.
"Ayusin mo ang sarili mo at sumunod samin sa kotse!" Maawtoridad nitong saad. Wala sa sarili akong napatango. Maingat nitong binuhat ang manika at lumabas. Napahawak ako sa aking dibdib at napaiyak sa takot. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Takot ako para sa sarili at takot ako para kay sir Antonio. Hindi ko alam ang kabuuhan ng kwento kung bakit ito humantong sa ganito. All I know is that he needs help. Kailangan niyang makawala sa imaginary world na binuo niya.
Inayos ko ang nagulong buhok at sumunod dito. Sumakay ako sa passengers seat sa likod. Katabi ko ang manika. Sa gilid nito ay naroon ang packbag at lunchbag. Tahimik kaming nagbiyahe sa hindi ko alam kung saan. Ilang minuto lang ay tumigil kami sa hindi kalakihang bahay. Sa tuktok nito ay may nakasulat na 'Annie's School'. Tumingin ako dito ng patayin niya ang makina at naunang lumabas.
"Hold this please." Abot niya sa bag and lunchbag. Tinaggap ko ito at pinagmasdan siya. Kinausap niya muna ang manika bago ito muling ikinarga. Ingat na ingat ang pagkakakarga nito na animo'y isang babasaging salamin.
Nagtuloy kami sa loob ng bahay. It's a typical house. Ipinaupo niya ang manika sa isang couch. May mga ibinulong pa ito bago ako binalingan. "Let's go. Mamayang hapon na natin siya susunduing muli." Inakay niya ako papasok muli sa sasakyan. This time ay sa harapan na ako nakaupo. Sa dashboard ay naroon ang maliit na litrato nilang dalawa ng kanyang asawa. Iniwas ko ang aking tingin.
Tahimik siyang nagmananeho. Walang ibang taong naroroon. Naglalakihan at nagtataasang mga kahoy ang aming nadadaanan. Tinatahak namin ang hindi sementadong daan pabalik sa mansyon. Hindi ko alam kung papaano nito napanatili ang kalinisan sa buong lugar. Sa gitna ng pagmumuni-muni ay nahagip nag aking paningin ang isang lumang gusali na may matataas na sementadong bakod. Hinabol ko ng tingin ang gusali lalo pa't may naririnig akong tunog ng tambol.
"It's a dungeon." Bago pa ako makapagtanong ay nagsalita ito.
"W-why do you have a dungeon?" Hindi parin nawawala sa aking paningin ang mataas na bakod. Sa dulo niyon ay may mga kable ng kuryente.
"Diyan ko itinatambak ang mga bagay na wala ng halaga." Napatingin ako sa kanya ng marinig iyon. Tila ba'y may ibang kahulugan ang mga salita. Ang tambol na narinig ay kaagad na tumahimik. Nilakasan niya ang volume ng pinapatugtog na kanta. Napaayos ako ng upo. Muli ay binabaybay namin ang daan pabalik.
Ilang minuto lamang ang itinagal ng byahe. Napatingin ako sa kanya nang hindi nito idineretso ang sasakyan sa garahe bagkos ay ipinarada nito iyon sa bungad ng mansyon.
"Rest well hon. Pupunta muna ako sa opisina at may aasikasuhin munang trabaho." Tinawid niya ang pagitan naming dalawa at dinampian ako ng mabilis na halik. Ni hindi ko na nagawang pumikit dahil sa gulat.
"I want you to be a good wife and prepare us meal for dinner. Sa opisina na ako kakain ng lunch. Ako narin ang susundo at maghahatid ng pagkain sa anak natin." Dahil sa kawalan ng sasabihin ay napatango na lamang ako. Pilit akong ngumiti at lumabas ng sasakyan. Hinintay ako nitong makapasok sa mansyon na siya ko rin namang ginawa. Mabilis kong isinarado ang pinto at sinilip ang sasakyang palayo sa may bintana.
"Isa siyang baliw." Saad ko sa sarili.
Napasandal ako sa pinto at inikot ang paningin sa buong mansyon. Sino ang mag-aakalang isang baliw ang nakatira sa ganito ka ganda at kagarang mansyon?
Napakalaki ng aranya sa itaas. A classic chandelier with elegant touch. Malinis na malinis ang buong mansyon. Sa gitna ng patanaw-tanaw ay nahagip ng aking paningin ang isang telepono malapit sa mala antique na lamp. Sinubukan ko ito at nadismaya ng malamang hindi gumagana. Chineck ko ang cable nito at baka hindi lamang naisaksak ngunit ganon na lamang ang gulat ko ng makitang putol ang dulo non. Sadya itong pinutol! Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang palad.
Mabuti rin itong binibigyan ako ni sir Antonio ng oras na mag-isa. Pinag-aralan ko ang buong mansyon. May walong malalaking silid sa itaas. Pito doon ang bukas at ang isa ay misteryosong naka lock. Tatlo ang bedroom, may malaking library at isang gym. Sa ibaba ay may dalawang kusina. Isa sa loob at isa sa likod; dirty kitchen. Punong puno ng pagkain ang dalawa nitong refrigerator. May isang kwarto sa ibaba at dalawang living room. Sa buong paglilibot ay wala akong nakitang ni isang tv.
Nang mag-aala una na ng hapon ay napagpasyahan kong magluto para sa sarili. Kumain akong mag-isa at naglinis ng kaunti. Pagsapit ng alas singko sa hapon ay napagdesisyunan kong magluto ng pinakbet at sinabawang isda. Hindi katagalan ay narinig ko ang ugong ng sasakyan. Inayos ko ang sarili at sinalubong ito sa labas. Karga karga nito ang manika habang nakangiting papalapit sakin.
"Napaka sweet naman ng asawa ko. Let's get inside at nang makakain na. Did you cook for us?" Tumango ako bilang sagot. Hinalikan niya ako sa noo at iniabot sakin ang manika.
"Bihisan mo na muna si Annie. Ako na bahalang maghanda sa mga pagkain." Tinalikuran ako nito't pumasok sa kusina. Karga ang manika ay pumanhik ako sa itaas. Inilapag ko ito sa kama at inayos ng wari'y nakaupo. Pinantayan ko ito at umupo sa kaharap nito. Pinasadahan ko ito ng tingin.
"Hi Annie. I'm Aminica Cortes. I may sound crazy talking to you pero I think kailangan kong sanayin ang sarili kong makipag-usap sayo. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako rito but I need to find a way out. Hindi ko hahayaan ang sarili kong maging baliw rin kasama ni sir Antonio. I'm wondering kung alam ba ito ng mga kapatid niya. Itong ganitong sitwasyon niya." Pilit akong ngumiti...natatawa sa sarili. Umiling ako at tumayo.
"Ngayon, kailangan ko munang makisama. Kailangan kong pakibagayan ang laro niya. Baliw-baliwan? So be it!" Napabuga ako ng malalim na buntong hininga. Naghanap ako ng mga damit niya. Sa isang kabinet ay naroroon ang mga damit nito. Malinis ang pagkakatupi. Binihisan ko ang manika at muling kinarga pababa. Naabutan namin si sir Antonio na naghahanda sa mesa. Nang makita kami ay kaagad itong ngumiti.
"Lets eat!" Yakag nito. Pinaupo ko ang manika sa kaharap na upuan. Umusal kami ng maikling dasal bago kumain.
Sa ganon lamang natapos ang aking araw. Kinabukasan ay ganon parin. Gigising akong katabi ito. He will kiss me on the forehead. Bababa at maghahanda. Kakain at ihahatid si Annie sa skwelahan. Ihahatid ako sa mansyon at aalis para sa trabaho nito. Babalik ng alas singko ng hapon kasama si Annie. Kakain. Paulit-ulit na ganoon ang nangyayari hanngang sa...
"Anton, kasi sa totoo lang ay nababagot na ako rito sa mansyon. P-pupwede ba akong sumama sayo sa trabaho? Ganon naman minsan diba? Dinadalaw ng asawa ang kanyang kabiyak sa opisina?" Dinagdagan ko ng lambing ang pagkakasabi nito. Nasa bungad na kami ng mansyon ng maisip kong ibahin ang nakasanayang rotasyon. Mataman niya akong tinitigan.
"Hindi Aminica. Mananatili ka rito sa mansyon hanggat hindi pa sumisibol ang ikalawang bilog na buwan." Kunot noo ko itong tinitigan. May kahulugan iyon. Ngunit hindi ko matukoy kung ano.
"A-ano ang ibig mong sabihin?"
Nag-iwas ito ng tingin.
"Sa oras na tumapak ka sa lugar na iyon ay hindi ka na muling makakabalik rito. And I wont let it happen! Not before the second bloom of the red full moon." Wala sa sarili kong binuksan ang pinto ng sasakyan. Nauna akong pumasok sa loob bago nito pinaandar ang sasakyan paalis. Mag-iisang oras akong natulala. Iniisip kung ano ang ibig nitong sabihin at ano ang koneksyon nito sa sinasabing bilog na buwan.
Napatingin ako sa kalendaryo. Sa susunod na linggo na ang unang bilog na buwan.
Nakaramdam ako ng kaba. Muli akong nag-ikot sa mansyon. Napatigil ako sa isang silid. Pinihit ko ang siradura ngunit naka lock. Kumuha ako ng aspili at ginamit itong pambukas. May kaunting alam ako sa ganitong bagay. Ilang minuto rin ang lumipas bago ko narinig ang mahinang 'click'. Pinihit ko ito pabukas. Bumungad sakin ang walang lamang silid maliban sa malaking litrato sa gitna.
A portrait of sir Antonio's wife. Nilapitan ko ito at pinagmasdan. May pagkakatulad kaming dalawa. Mahaba at maalon ang maitim na buhok. Makapal ang kilay at hugis puso ang mga labi. Ngunit di hamak na mas maganda ito. Kulay puti ang soot nitong damit at kapansin pansin ang kwintas nitong may nakasabit na kulay pulang diyamante. Iyon ay kung hindi ako nagkakamali. Napadako ang paningin ko sa hindi kalakihang umbok ng kanyang tiyan. Annie? Is it really her?
Umihip ng malakas ang hangin. Sinasayaw nito ang mga kurtina. Lumapit ako sa pinto ng balkonahe at isinara ito. Muli kong pinasadahan ng tingin ang kabuoan ng lugar. Wala namang laman, bakit pa naka lock?
Napagdesisyunan kong lumabas at muling magtungo sa ibaba. Inabala ko ang aking sarili sa paghahanda ng pagkain. Sa tuwing nagigising ako sa umaga ay nadadagdagan ang mga pagkaing nakaimbak sa kusina na para bang may naglalagay noon. Nawala narin ang mga basura sa basurahan. Maayos na naka organize ang mga gamit sa kusinang ginamit ko kahapon. Para bang may nag-aayos noon.
Nagkibit ako ng balikat. Iba-iba ang menu na niluluto ko araw-araw. Bandang alas sais na sila ng gabi nakauwi. He greeted me and kissed my head.
"Bihisan mo na muna si Annie. Ako na bahalang maghanda sa mga pagkain." Again, he said those exact lines. Kinarga ko si Annie at binihisan sa itaas. Tahimik kami sa hapagkainan. Malimit itong magsalita. Parang wala sa mood. Itim na itim ang tila galit nitong mga mata. Mabilis naming tinapos ang pagkain. Maingat kong inilagay si Annie sa kwarto nito at nagtungo na sa sariling kwarto. Nasa kama na si sir Antonio at hawak na libro.
"I will just use the bathroom." Paalam ko dito. Tumango siya. Kumuha ako ng tuwalya at nang makapasok sa banyo ay kaagad na nagbuga ng malalim na buntong hininga.
Gusto kong magkulong rito. Natatakot ako sa presensya ni sir Anton at sa isiping kasama ito sa iisang kama. Wala naman itong ginawa noong mga nagdaang araw pero hindi ko maalis sa aking dibdib ang takot. Mabilis akong naglinis ng katawan at lumabas. Kaagad nitong ibinaba ang librong binabasa. Hinatid niya ako ng tingin hanggang sa walk in closet.
Napausal ako ng dasal ng makawala sa paningin nito. Minabuti kong magsoot ng isang pajama at long sleeve top.
"Giniginaw ka?" Puna nito sa soot ko.
"M-medyo." Pagsisinungaling ko. Tinapik niya ang espasyo sa kanyang tabi, agad akong sumampa sa kama at tumabi sa kanya. Ikinulong ako ng kanyang mga braso at ramdam ko ang pagsamyo niya sa aking buhok. Nagtayuan ang aking mga balahibo.
"I'm sorry for the cold treatment hon. May kaunting problema lang sa trabaho." Saad nito. Marahan akong tumango. Hinalikan niya ang aking noo at pinatay ang mga ilaw gamit ang remote. Naglaro ang kanyang mga daliri sa puno ng aking dibdib. Dinadama iyon. Pilit kong isinasntabi ang pagkailang at hinayaan ito.
Nagkunwari akong natutulog. Ilang minuto siyang ganoon bago tumigil, tumayo at lumabas ng kwarto. Kaagad akong napabangon at maingat siyang sinilip sa pinto. Pumasok ito sa naka lock na pinto. Ang kwartong pinuntahan ko kanina. Ang kwartong walang laman. Isinarado ko ang pinto at muling bumalik sa kama. Ano ang gagawin niya roon sa ganitong oras? Nakatulugan ko na ang paghihintay sa kanya. Nang magmulat ng mata ay nasa tabi ko na ito.
Mabilis na lumipas ang araw. Paulit-ulit ang nangyayari. Paulit-ulit rin itong lumalabas ng alas diyes ng gabi at hindi ko alam kung anong oras na kung bumalik. Patong-patong ang tanong sa aking isipan kaya't nang muli itong pumasok sa trabaho ay pumasok ako muli sa kwartong binibisita nito gabi-gabi. Walang nag-iba dito. Nanatili parin itong walang laman. Nilapitan ko ang litrato at pinagmasdan ito. Pupwede ring dito nagpapalipas ng gabi si sir Anton kasama ang litrato ng kanyang namayapang asawa at natutulog ito sa....lapag?
Nakuhang muli ng soot nitong kwintas ang aking atensyion. Wala sa sarili ko itong hinaplos at laking gulat ko ng mabiyak ang sahig at lumabas ang hagdanan paibaba.
"What the hell!" Gulantang ko sa nangyari. Isang sekretong lagusan! Nagtatalo ang isip ko kung bababa o lalabas ng kwarto. Natalo ako ng aking kuryusidad. Maingat kong binaybay ang hagdan pababa. Sa dulo niyon ay may naka lock na pinto.
"s**t!" Malutong akong napamura. The door is protected by a fingerprint! Napailing ako at muling umakyat paitaas. Kusang sumarado ang sahig. Nadagdagan ng nadagdagan ang aking kuryusidad.
Muli ay umuwi ng magkasama ang mag-ama. Binihisan ko si Annie. Kumain kami at pumahik sa itaas. He will caress me at lalabas ng mga alas diyes ng gabi. Pero iba ang naging gising ko sa umaga. Hindi ko nabungaran si sir Anton sa aking tabi ng magising. Hinanap ko ito sa buong mansyon ngunit hindi ko makita. Napagdesisyunan kong hintayin itong lumabas sa naka lock na pinto. Tiyak na doon na naman ito nagpalipas ng gabi. Hindi ako nagkamali. Ilang minuto lang ay lumabas ito. Nag-abot ang kanyang mga kilay ng makita ako.
"What are you doing here!?" May diin iyon. Napalunok ako at tipid na ngumiti.
"Hinahap kita sa mansyon pero hindi kita makita. Itong kwartong ito lamang ang bukod tangi kong hindi napuntahan." Tumango ito at inakay ako pababa. Naiwan sa kwartong iyon ang aking paningin. Kuryusong kuryuso.
Mabilis na umikot ang mga kamay ng orasan. Nagising nalang ako sa isang maingay na umaga. Nag-inat ako ng katawan. Rinig na rinig ko ang ingay sa labas. Mabilis kong tinungo ang pinto at binuksan. Napanganga ako sa nabungaran.
"Katalina! Ilabas mo na ang mga tela!"
"Masusunod po!"
"Handa na ang silid?"
"Ang pitong klase ng prutas? Nahugasan niyo naba?"
"Huhugasan na po!"
May mga tao sa mansyon! Lumabas ako at patakbong bumaba ng hagdan. Nakuha ko ang kanilang atensyon. Kaagad silang nagsiyuko.
"Magandang umaga Señorita Katalina!" Sabay sabay nilang usal. Kumunot ang aking noo. Who's Katalina? Nasagot ang aking katanungan ng makita ang mga litratong nakapalibot sa dingding ng mansyon. Ang namayapang asawa ni sir Anton. Si mrs. Katalina Montelibano. Bago pa ako maka react ay inakay na ako ng isang magandang dalaga pabalik ng kwarto. Dala nito ang isang malaking box.
"Kay ganda niyo naman po pala talaga maam!" Magiliw nitong saad. Hinila ako nito sa banyo.
"Kailangan niyo pong magbabad sa tubig na may halong ginseng at dahon ng katialis sa loob ng tatlong oras maam."
"T-tatlong oras?" Tumango ito. Nakahanda nanga ang bathtub para roon. Merong itong mga dahon at makapal na bula. Tumalikod ito para makahubad ako. Nakaramdam ako ng ginhawa ng maglubog sa bath tub.
"Babalikan ko nalang po kayo mamaya maam. Tutulong na muna po ako sa ibaba."
"T-teka lang!" Nahinto ito sa akmang pagbubukas ng pinto sa banyo at nilingon ako.
"B-bakit po?"
"Ano ang meron ngayon. Bakit may mga tao rito sa mansyon at para saan ang mga preperasyong ito?"
Malapad itong ngumiti.
"Ngayon napo ang unang kabilugan ng buwan maam. Espesyal na araw po ito para sa señor."
Tuluyan na itong lumabas. Naiwan akong nag-iisip. Ang unang kabilugan ng buwan. Ano ang espesyal roon? Sinunod ko ang sinabi nitong magbabad ng tatlong oras. Paglabas ko ay naroon ito at inaayos ang isang manipis na bestidang nakalapag sa kama.
"Isuot niyo po ito señora. Tiyak na matutuwa ang señor kapag nakita niya kayo sa ganitong ayos." Isa itong manipis na kulay puting bestida. Walang kung anong espesyal. Nang masuot ay ipinaupo ako nito sa bangkong kaharap ang malaking salamin.
"Tiyak na magiging masaya ang araw na ito señora. Ganon naman po talaga. Isang masayang pagtitipon sa pagsalubong ng bilog na buwan." Saad nito habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang blower. Ganon nga ba talaga ang mangyayari? Magiging masaya nga ba ang araw na ito? Bakit kasalungat ang aking nararamdaman. Parang may mali.
"Masagana at buhay na buhay po ang inyong buhok señora, katulad na katulad ng dati." Sinuklay suklay niya ito.
"Ay! Teka lang po!" Saad nitong wari ay may nakalimutan. Kinuha nito ang isang box na gawa sa kahoy at inilahad sakin. Kuryoso sa laman ay agad ko itong binuksan. Napasinghap ako't napatakip sa aking bibig sa nakita: ang kwintas ni Katalina Montelibano.
"Isuot niyo po iyan señora. Bilin po ni sir Anton." Hawig na hawig ito sa kwintas na nasa litratong naroon sa nakalock na pinto. Mas maganda ito sa malapitan at hindi ako nagkakamaling isa ngang pulang diyamante ang nakasabit roon. Siya na mismo ang kumuha sa kwintas at isinukbit sa aking leeg. Natulala ako sa aking nakitang repleksyon sa salamin. Binihisan at inayusan akong parang si señora Katalina.
"Hindi talaga pumapalya si sir Anton sa pagpili ng babae. Sadyang napakaganda niyo po. Lumilitaw ang inyong natural na ganda sa inyong soot. Tiyak na masisiyahan ang kalangitan at ang binhi ay bibiyayaan ng kalayaan." Nagkatinginan kaming dalawa mula sa salamin. She's talking in riddles.
"Tapos napo ang trabaho ko sa inyo señora. Akoy aalis na muna at tutulong sa ibaba. Dito na muna kayo sa silid at hintayin ang paglubog ng araw at ang paglitaw ng buwan." Yumuko ito upang magpaalam. Maingat nitong isinara ang pinto pag-alis. Kaagad akong lumapit sa bintana at dinungaw ang nangyayari sa ibaba. Higit sa dalawampo ang taong naroon. Lahat sila ang nagmamadali sa mga gawain. Mayroong nagbubuhat ng kahoy. Mayroon ring nag-iipon ng mga bato. Para saan ang mga iyon? Kinutuban ako ng malakas. At tulad ng sabi nito'y nanatili ako sa aking silid hanggang sa tuluyang nilamon ng kadiliman ang kapaligiran. Hinahatiran lamang ako ng pagkain. Muli akong dumungaw sa bintana ng marinig ang sunod sunod na tunog ng tambol.
Napapalibutan ng ilaw na nagmumula sa sinindihang kahoy ang paligid. May mga nakapile na bato sa gitna niyon na nakakorteng higaan. Nakapaligid roon ang mga kawayang sadyang pinatayo. Sa tuktok niyon ay may pulang telang may tatak ng kutsilyo. Ano nga bang kahibangan ito? At saan galing ang mga taong naririto?? Halos mapaigtad ako sa gulat ng makarinig ng katok. Nasundan iyon ng pagbukas ng pinto. Iniluwa nito si sir Anton na nakaitim na polo. Lumalabas ang makikisig nitong mga braso. Nadagdagan ang aking pangamba ng bigla itong humiti.
"Are you ready hon? Everyones waiting." Saad nito sa nakakapanindig na boses.