Chapter 19: The Real Beginninge real beginning Jace POV "Buti naisipan ka ng ibalik ni ET 'no?" Napatingin ako kay Robi nang bigla siyang nagsalita habang abala akong nakatingin sa sketch na ipinakita niya sa 'kin, kung saan nakalagay ang mga plano para sa building na ginagawa nila. Nandito kami ngayon sa villa ko na pinaayos pa ni Mr Gonzalez para may matuluyan ako dito. Noong una nga akala nila, magsasama kami ni Rea sa iisang villa dahil doon ako dumiretso nang pagkarating ko rito, pero syempre humindi na lang kami. At heto nga bigla na lang nagpunta rito si Robi at ipapakita niya raw sa 'kin ang sketch na ginawa niya? "Ano'ng ET ka dyan?" tanong ko sa kaniya ng nakakunot-noo. "Kasi hindi naman talaga ikaw ang kasama ko mula noon pa. Mga almost 3 years na rin." "Ano bang pin

