Chapter 5: The Fight

1584 Words
Chapter 5 the fight Masama ang tingin ni Peter sa taong nakikita niya ngayong nakatayo sa isang garden ng hotel na pinagtatrabahuhan  niya Si Mr. Jace Allen Winters. Naaalala pa ni Peter ang nakaraan, nang sabihin sa kaniya ni Shin ang tungkol sa panloloko ng isang lalaki rito, ang dahilan ng hinanakit ni Shin, kung bakit hindi pa nito kayang magmahal ulit. ‘Wala na 'kong pakialam kung matanggalan ako ng trabaho, pero hindi ko hahayaan na paiyakin mo nanaman si Shin,' iyan ang nasaisip ni Peter nang lumapit siya sa boss niyang si Mr. Winters “Mr. Winters..." Napansin ni Peter na mukhang nagulat pa si Mr. Winters sa biglaang pagsulpot niya, ngunit hindi niya na pinansin iyon dahil may ibang laman ang utak niya at iyon ay si Shin lang,  wala nang iba. “Oh Chef Maxwell, Yes?" Napaka-relax lang ng mga kilos at tingin ni Jace kay Peter, ngunit hindi nito alam na nagtitimpi lang si Peter dito. “Layuan mo si Shin!" Nakakuyom ang mga kamaong biglang sabi ni Peter. Ang salitang iyan ang nagpatahimik sa buong paligid, mga salitang nagpakunot sa noo ni Mr. Winters “Ano'ng ibig mong sabihin?" “Layuan mo si Shin, hindi mo ba kayang intindihin 'yon? Mahirap ba para sa iyo iyon!" Umiling si Jace at tinawanan siya, “Bakit ko naman susundin ang utos mo? Baka nakakalimutan mo, na sa ating dalawa ako ang boss and I don't have any reason to grand your wish," tila walang pakialam na sagot ni Jace na lalong nakakapagpainit ng ulo ni Peter. “Hindi ito tungkol sa trabaho o sa sweldo, ang sabi ko layuan mo si Shin!" Hindi na napigilan pa ni Peter ang kaniyang sarili, at bigla niya na lang nasuntok sa mukha si Mr. Winters dahilan kaya tumaob ito sa sahig. “Hey what's wrong with you?" Tumayo si Jace sa pagkakaupo nito sa sahig at gumanti ng suntok kay Peter. “f**k you! Wala kang karapatan na utusan akong layuan si Aurea!" Tumayo sa pagkakataob si Peter at siya naman ang sumuntok dito, pero sa pagkakataong 'to, hindi na hinayaan ni Peter na makaganti si Jace sa mga suntok niya. Napakahalaga ni Shin para kay Peter, napakahalaga ng bawat ngiti at tawa nito. Nang una niyang beses na malaman ang tungkol sa nakaraan ni Shin, ang iyak at lungkot na naranasan ni Shin nang dahil sa binata ay pinangako niya sa sarili niya na hindi niya na ulit hahayaan na masaktan si Shin ng ganoon, kaya ganoon na lang ang galit niya sa binatang binubugbog niya ngayon, dahil nang marinig lang niya  mula kay Belle na umiiyak nanaman si Shin ay ginusto na niyang pumatay na mismong boss nila ngayon. Buong lakas na tinulak ni Jace si Peter at pumaibabaw para ito naman ang makaganti kay Peter. “Mahal ko si Rea, kaya kahit ano'ng gawin mo hindi mo 'ko mapapalayo kay Rea!" Nagpapalitan lang sila ng suntok habang mariin na sinasambit ang mga salita. “Kung mahal mo siya bakit mo siya niloko, pinaglaruan, ginago at sinaktan? Iyan ba ang pagmamahal na sinasabi mo? Iyan ba ang pagmamahal na mayro'n ka?" Nang sabihin lahat 'yon ni Peter ay bigla na lamang huminto sa pagsuntok si Jace dahilan para makakuha ng pagkakataon si Peter na pumaibabaw muli kay Jace at bigyan ito ng mabibigat na suntok na para bang hindi na niya balak tigilan hangga't nababasa pa ang mukha nito.  Napupuno ng galit si Peter at muli ay hindi niya kayang pigilan ang sarili. Ganito si Peter pagnagagalit, nagiging bayolente at nawawala sa sarili,  iyong tipong maging siya mismo ay hindi kayang kontroling ang katawan at bugso ng damdamin niya. Patuloy lang siya pagsuntok kay Jace na tila ba walang awa ngunit may mga kamay na pilit siyang hinahatak patayo, si Belle. “Tama na Peter, parang awa mo na..." Narinig niya'ng pagmamakaawa ni Belle pero para bang isa lang 'yon hangin na dumaan sa tainga niya at hindi pinansin.  Nakakatawa lang isipin na sa ganitong pagkakataon ay hindi manlang nagpakita ng kahinaan ng loob si Belle dahil sa kabila ng mga suntok niya kay Jace ay patuloy niya pa rin na hinihila ang kamay ni Peter pahinto. “Walang hiya ka, sino ka para saktan nang paulit-ulit ang babaeng iniingatan ko, ang babaeng mahal ko!" mariin na sigaw ni Peter. Patuloy lang siya habang si Jace ay hindi na nakakuha ng tyempo para bumawi o lumaban na mukhang wala rin naman balak pa,  marahil dahil alam nitong dapat lang dito ang masaktan pangbawi para kay Aurea. “Tama na please," pagmamakaawa pa ni Belle. Ngayon ay umiiyak na ito habang pinipigilan si Peter sa pagiging bayolente. Wala pang balak bumitiw si Peter bago niya marinig ang pag-iyak ng isa sa mga mahalagang kaibigang si Belle. Tuluyan na itong napabitiw at napaupo na lang malapit sa kinahihigaan ng bugbog saradong si Jace. “Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo kay Shin, hindi." Nanginginig pa ang buong katawan ni Peter sa galit. Ang pinakamahirap na sa lahat ay ang pigilan ang pagiging bayolente ng taong may altar ego at maging si Peter ay aminado sa sarili niya tungkol doon dahil ganon din siya mula bata pa lamang siya ngunit hindi niya akalaing, sa isang iyak lang ni Belle ay mapapahinto na siya. Nang mga oras na binitiwan na ni Peter si Jace at nakita ni Belle ang panginginig sa buong katawan ni Peter ay niyakap siya nito mula sa likod habang nakaupo ito sa sahig at si Belle ay nakaluhod. “Please tama na... tama na... " bulong ni Belle habang hinahagod ang likod niya. Nang bulungan siya ni Belle ng mga katagang iyon ay natunugan na ni Peter na maaring natakot nga sa kaniya si Belle dahil nasa boses pa ni Belle ang kaba.  Dahan-dahan na huminga ng malalim si Peter at hinintay na mawala ang pagkahingal niya, pinikit na lang din niya ang mga mata upang huwag makita ang nakahiga sa sahig na si Jace at pilit na kinalma ang sarili. Aurea Shin Valdez's pov “Shin okay ka na ba talaga?" tanong ni Belle sa akin. Naglalakad na kami palabas ng apartment namin ni Belle papasok sa trabaho. Maayos na 'ko ngayon, nadala lang naman ako kahapon. Tumango ako kay Belle, “Oo naman, Okay na ako, wala na iyon sa 'kin, ewan ko ba bakit ba ako nagpaapekto doon,  ang tagal tagal na niyon e," mukhang natatauhan kong sabi. Tumango-tango siya at naglakad na ulit ng nakatingin sa paa niya. Bakit parang ang laki ng problema nitong babaeng 'to? 'Di ba ako ang brokenhearted? “Belle,  ano'ng problema mo?" nagtataka kong tanong.  Para kasi talagang ang lalim ng iniisip niya. Umiling, “Sigurado ka?" Tumango lang ulit siya. "Sige, pero sandali lang pala!" Napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin ng nagtataka. “Bakit?" “Si Peter, hintayin natin." Bigla kong naalala na palagi sa amin sumasabay si Peter pagpapasok na kami. Hindi ko alam kung imagination ko lang ba o talagang biglang nalungkot ang mga mata niya. Ano kaya ang problema? Humingang malalim si Belle bago humarap sa akin. “I guess mukhang kailangan ko na talagang sabihin sa 'yo at hindi ko na maitatago." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Alin naman kaya 'yon? “Bakit? Ano'ng ibig mong sabihin?" taka kong tanong “Si Peter, mukhag mawawalan na siya ng trabaho..." “Ano bakit?" halos pasigaw kong tanong sa pagkabigla ko. "Teka, ano nanaman bang ginawa ni Peter? O ang bwisit na Jace na 'yan ang may kasalanan?" “ganito kasi iyan..." Kwinento niya sa akin ang halos kabuuan ng pangyayari at masasabi ko na lang na... ang daldal naman kasi ni Belle,  hindi niya na dapat pinaalam pa ang nangyari kay Peter, hayan tuloy. ***  Naglalakad ako ngayon papunta sa office ni Jace. No, me replace that; Naglalakad na ako ngayon papunta sa office ni Sir Jace. Yeah better. Sa dinami-rami ba naman kasi ng pagkakataon na mag-iinit ang ulo ni Peter e bakit kay Jace pa! boss na namin 'yon. Ang tanga naman kasi, hindi manlang niya naisip na puwede siyang masesante. Pero hindi ko naman siya masisisi, alam ko kung ano'ng halaga ko kay Peter, alam kong mahal niya 'ko, kaya siya nagkaganoon. Kaya nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya dahil sa pagmamahal niya at pagpapahalaga sa akin. Pero kahit na, hindi niya dapat ginawa iyon! Kaya naman papunta na 'ko sa office ni Sir Jace para kausapin siya na huwag tanggalan ng trabaho si Peter. Sana lang at makinig siya at sana lang pumasok pa siya sa kabila ng natamo niyang sugat, sabi kasi ni Belle matindi raw iyong tama niya,  hindi daw kasi 'yon lumaban. Ewan ko ba doon kay Peter lang tataob siya? Tss. Hindi sa nag-aalala ako sa kaniya,  pero kasi kahit bwiset siya sa buhay ko tao pa rin ang tingin ko sa kaniya kaya may pakialam pa rin ako sa kaniya. "Excuse me, m" bati ko doon sa secretary ni Sir Jace. “Nandiyan ba si Mr. Winters?" Napahinto naman iyong secretary sa pagme-make up. “Ewan ko! Pasukin mo na lang. " Napairap ako  sa kaniya, walang kwentang secretary. “Fine!" nasabi ko na lang at kumatok na lang sa kahoy na pinto. Parang may tao,  may warm kasi. “Sir pasok na 'ko ah!" Hindi sumagot ang nasaloob. Bahala na nga, papasok na ako, nakakatok na naman ako. Binuksan ko na ang pinto para pumasok at hindi ko inaasahan ang makikita ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD