Chapter 4: "We need to talk..."

1986 Words
Chapter 4 we need to talk Aurea Shin's pov *Flashback * "Umalis ka sa bahay n'yo, bakit?" gulat na tanong ni Jace sa akin nang malaman niya ang palalayas ko sa mansion ng lolo ko dahil sa apartment niya kaagad ako dumiretso. "Dahil nalaman ko ang ginawa n'ya sa 'yo," malumanay na sagot ko. Tiningnan ko ang mukha niyang may pasa at hinaplos iyon. Ito ang sugat na ginawa sa kaniya ni Lolo. Grabe, bakit napakalupit ni lolo. May sugat siya sa may mata, putok ang labi at may sugat sa may sentido. "I'm sorry, kung hindi dahil sa 'kin, hindi 'to gagawin ng lolo ko sa 'yo." Hinawakan niya 'ko sa dalawa kong pisngi at marahang tinitigan. Ang mga mata niya ang nagsasabing hindi ko kailangan pagsisisihan ang ginawa kong pag-alis "'Wag mong sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan, okay? wala." Pagkasabi niya niyo ay dinaplisan niya 'ko ng halik at mahigpit na niyakap. 20, years old pa lang ako ngayon, masasabi ko nga bang kaya ko na, kaya ko nang mabuhay na nakahiwalay sa pamilya ko? Oo, kakayanin ko 'to, dahil ngayong hagkan ako ng lalaking mahal ko, alam ko kaya ko ang lahat... UMILING-iling ako sa mga alaalang bumabalik sa isipan ko. Hindi dapat, dahil lalo lang akong nagagalit sa sarili ko sa tuwing naiisip ko kung gaano ko nagpakatanga at naniwala sa lahat ng kasinungalingan n’ya. Bakit kasi kailangan pang bumalik ng lahat ng mga naniyari sa alaala ko, paulit-ulit kong sinusubukan na kalimutan ang lahat pero bakit gano’n, hindi ko magawang tanggalin sa puso't isipan ko ang lahat. Nasatapat na 'ko ng pinto ng office ni Jace. Kakatok ba ‘ko, papasok ba ako? ano ba 'tong nasaisip ko? Hindi ko dapat sa kaniya ipakita na apektado pa ako, dahil hindi na naman talaga... sana. Huminga ako nang malalim, "Okay, hindi ka apektado, wala lang sa 'yo ang lahat. Tungkol lang sa trabaho ang dapat n’yong pag-usapan, wala nang iba. Okay?" Para akong tanga dito sa harap ng office ni Jace habang kinakausap ko ang sarili ko. Ganiyan ako pagpinapalakas ko ang loob ko, nagmumukhang tanga. Kumatok na 'ko sa pinto. Tatlong katok lang at aalis na ‘ko kapag hindi pa niya binuksan. "Come in," narinig kong boses galing sa loob. Sabi ko nga, hindi n’ya bubuksan kasi ako ang magbubukas. K. Binuksan ko na ang pinto at sumilip bago pumasok. Naabutan ko s'yang nakatayo sa may tapat ng malaking bintana, at nakatalikod sa 'kin, ngunit kitang-kita ko naman sa reflection n'ya sa salamin ng bintana ang mukha niya. Napakaseryoso, napakalayo ng tanaw n'ya. 'Yan ang mga tingin na huli kong nakita sa kaniya bago mangyari ang lahat. Mga matang napakalalim ng iniisip, napakalayo ng tinatanaw, at napaka bigat ng dinadala. Napansin kong napatingin s'ya sa reflection kong kita rin sa salamin ng bintana tsaka siya napaharap sa akin. "Rea-" "Sir pinatatawag n'yo raw po ako?" Hindi ko hinayaan na s'ya ang unang magsalita. Alam kong wala sa trabaho ang gusto n'yang pag-usapan, at tungkol iyon sa nangyari noon pero ayoko nang pag-usapan pa 'yon. Para ano pa? Para masaktan ulit ako? Sinubukan ko noon pakinggan ang paliwanag n'ya, umasa 'ko na sa pamamagitan niyon ay mawawala lahat ng sakit. Umasa 'ko na baka may mga bagay lang na hindi ko naintindihan, pero sa pag-asa na iyon, lalo lang akong nasaktan. Kahit nang muli kaming magkita, ginusto ko siyang pakinggan, pero ano'ng nangyari? Umasa lang ako sa wala, at nasaktan ulit at ayoko nang maulit pa iyon. "Rea-" "Shin, Sir," pagko-correct ko. "And Sir, tungkol po ba sa trabaho 'tong pagpapatawag nin'yo sa 'kin?" pormal at magalang kong tanong as if na hindi ko siya nakilala noon nang wala pa siya sa kinatatayuan niya ngayon. "Dahil kung hindi, iiwas ka ulit?" seryosong saad niya. "Sir wala naman kasi tayong kailangan pag-usapan 'di ba? Trabaho lang ang koneksyon na 'tin." "Don't call me 'Sir' please, ang pormal mo masiyado.'' "Iyon naman ang gusto mo 'di ba? Magmukhang pormal at mayaman." Natahimik siya bigla at halos mabato sa kinatatayuan. Huminga ako nang malalim. "Ano po bang kailangan nin'yo, Sir? " Lumapit s'ya sa 'kin at hinawakan ako sa kamay. "Kailangan nating pag-usapan ang nakaraan. " Umiling-iling. "Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Malinaw na naman ang lahat sa atin hindi ba? Niloko mo ako at hindi kita mapapatawad, kahit kailan" Tuluyan na akong nadala ng imosyon ko, kaya ang mga bagay na ayoko nang buksan ulit ay tuluyan nang nabuksan. Lumapit pa siya sa 'kin. Lalayo na sana ko pero nahawakan niya ko sa braso. "May dahilan ako kung bakit ko ginawa 'yon, I'm sorry, I'm really sorry. Please, give me a second chance." Alam nin'yo ba kung anong pinakamasakit? 'Iyong sa tuwing magpapaliwanag siya, ang aasahan mong sabihin niya; 'Sorry hindi ko naman ginawa 'yon, nagkamali ka lang ng pagkakakita at pagkakaintindi... ' Pero hindi, ang lagi niyang paliwanag 'May dahilan ako kung bakit ko ginawa iyon!" Lalo lang akong nasasaktan sa tuwing nagpapaliwanag siya sa akin. Dahil pakiramdam ko sinadya niya ang lahat at alam niya ang ginagawa niya, sa tuwing sinasaktan niya 'ko. Pinipigilan kong lumabas ang luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko, sa sobrang sakit. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin, at tumalikod para lumabas ngunit napahinto ako sa paglabas ng pinto nang yakapin niya ako mula sa likod. "I still love you.....please start with me again..." malambing na bulong niya sa akin. Ang bilis ng t***k ng puso ko...sobrang bilis. Ang pamilyar na pakiramdam na 'to, ang pamilyar na pakiramdam na akala ko hindi ko na ulit mararamdaman, kahit makita ko pa siya. Ang napakapamilyar na pakiramdam na sinumpa kong hinding-hindi ko na mararamdaman pa uli, ang pamilyar na pakiramdam na matagal ko nang tinapon, bakit ko nararamdaman ulit? Ang masama pa, bakit sa mismong taong naging dahilan ng lahat ng sakit na naramdaman ko? Dahilan ng lahat ng luha ko? Bakit sa taong halos isumpa ko? Pilit kong inaalis ang kamay niya sa katawan ko, pero malakas siya masiyad. Huminga ako ng malalim at hinayaan siya. "Sino si Crystal?" Naramdaman ko ang biglang pagluwang ng pagkakayakap niya sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko. Bakit? Bakit niya sinasabi ang mga bagay na 'to kung may Crystal na siya. Gusto kong bawiin ang braso niya at hilingin na yakapin akong muli pero hindi ko kaya, dahil mas nananaig ang sakit na naalala niya lang si Crystal ay handa niya na akong bitiwan uli. Hanggang kailan mo ba ako bibitiwan para sa kaniya? "Rea..." bulong niya. "Sabihin mo.... ano mo si Crystal?" Pinilit kong tanggalin sa boses ko ang emosyon na mayroon ako ngayon. Tuluyan na niya akong pinakawalan. "Girlfriend ko siya..." Napangiti ako nang mapait at humarap sa kaniya "Kung gano'n bakit mo sa akin 'to sinasabi? Para saktan ulit ako o siya naman ang lolokohin natin ngayon? Gusto mong ako naman ang gagamitin mo ngayon, para makahanap ng sasaktan!" tinawanan ko siya ng sarcastic. "Pinanganak ka na ba talagang manloloko kaya ngayon siya naman ang lolokohin mo? Damn you!" Lumabas na 'ko ng opisina niya at hindi na siya hinintay na magsalita. Linugay ko ang buhok kong nakatali upang matakpan niyon ang mukha ko. Ang sakit, sobrang sakit ng lahat. Tuluyan na 'kong nawala sa katinuan ko, bumagsak na nang tuluyan ang pader na matagal kong pinatibay. Pinipigilan kong 'wag lumabas ang mga hikbi ko habang naglalakad ako. Noon kahit nasaktan ako, hindi ko kahit kailan pinagsisihan na nakilala ko siya, pero iba na ngayon. Sobrang sakit, sana hindi na lang siya dumating sa buhay ko. Hindi ko na makita ang dinadaanan ko, dahil sa pilit kong tinatago ang mukha ko. Ayokong ipakita sa iba ang kahinaan ko. Ayoko. Hindi ko na alam kung nasaang parte na 'ko ng hotel. Naglalakad lang ako, hanggang sa may nabangga ako. Nag-angat ng tingin at doon ko lang nakilala kung kanino ako bumangga na laking pagpapasalamat ko dahil si Belle ang unang taong nakita ko ngayon. "Ay Shin okay ka lan-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang nagsalita ako. "Belle, ang sakit. Bakit siya gano'n? sasabihin niyang mahal niya pa 'ko pero may girlfriend pala siya." Niyakap ko si Belle habang umiiyak. "Tahan na...." Belle's pov "Kainis! Mapapatay talaga kita naku!" Sinasabi ko habang hinihiwa ko ang mga karne dito sa kusina habang kasalukuyan ko nang pinapatay sa isipan ko si Mr. Winters. Gwapo lang, jerk naman. Ang lakas ng loob niyang paiyakin si Shin! Paano ba naman kanina, iyak siya nang iyak. Kaya hinatid ko na lang siya pauwi at baka mamaya tuluyan na siyang mag-break down dito sa hotel at pagchismisan pa siya hanggang sa masagap nina Ms. Crystal ang issue. Napatingin ako sa may-ari ng kamay na biglang umagaw ng kutsilyong hawak ko...Si Peter. "Bakit mo inagaw?" nakapameywang kong sabi. "Hindi po kasi sisig ang lulutuin natin, Okay?" Sarcastic niyang sagot na nginusuan ang karne na pino na ang pagkakahiwa ngayon. Inirapan ko siya at tumalikod. "Kung hindi ko lang alam, kung ikaw ang nakakita kay Shin na umiiyak baka hindi lang ang karne ang tadtarin mo, " naiinis kong bulong. Kumukulo pa rin kasi talaga ang dugo ko sa langya naming boss. Sa kamalas-malasan ba naman kasi 'di ba, bakit ang ex pa ni Shin ang naging bago namin boss, okay lang sana kung hindi na nasasaktan o masasaktan si Shin, kayalang hanggan ngayon sakit pa rin ang dulot ng pesteng si Mr. Winters. "Ano?" Hinarap ko siya, at ako'y punong-puno at gusto ko ng mapagbubuntungan ng galit ko. Dito rin naka-toka si Peter, siya ang head chef namin dito sa kusina, siya kasi ang pinakamagaling magluto at may alam na recipes na siya mismo ang gumawa. Pinagpupukpok ko siya sa dibdib sa sobrang inis ko, good thing hindi kami pinapansin ng ilan lang na chef assistance na kasama namin ngayon. "Aray bakit?" "Bwisit ka Sir Jace, lagi mo na lang pinapaiyak si Shin. Napakawalang kwenta mo, bakit ka ba bumalik sa buhay ni Shin? Mapapatay talaga kita," inis na sabi ko habang hinahampas pa rin siya na akala mo talaga siya si Sir Jace. "Ano'ng sabi mo?" Napahinto ako sa pagpukpok kay Peter nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nakita ko ang mga galit sa mata niya. Wait! Ano ba ang mga nasabi ko? I need a timachine para mabawi ang mga oras na sinabi ko. Si Peter, hindi niya alam ang totoong kwento at nangyari, pero alam niyang may lalaking nanloko kay Shin, at alam niya rin na dahil sa lalaking iyon kung bakit naging sarado sa pag-ibig si Shin. "Ah wala.. Ano.." "Sabihin mo, iyong lalaki bang nanggago kay Shin at ang tinutukoy mo bang Jace si Mr.Winters?" Pilit kong iniwasan ang mga nakakatakot niyang tingin. Sobrang nakakatakot, iyong tipong hindi ko na kayang magsinungaling sa kaniya. "RishaBelle? " mapagbanta niyang bigkas sa pangalan ko. Tumango na lang ako dahil napapasikip na rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napapangiwi na lang ako sa sakit. "Oo, si Mr. Winters ng-" Hindi pa 'ko tapos magsalita ay bigla na lang nawala ang mahigpit na pagkakahawak sa braso ko. Nakita ko na lang si Peter sa may pinto ng kusina. "Saan ka pupunta?" habol na tanong ko. Sumagot siya nang hindi ako nililingon. Masama 'to. Kung ako, sa isip ko lang pinapatay si Mr. Winters, si Peter siguradong mapapatay niya talaga ito sa galit. Ganoon kahalaga si Shin sa kaniya. "Mapapatay ko ang lalaking nanakit sa babaeng mahal ko..." Pagkasabi niya niyon, sinara na niya ang pinto. Habang ang mga natirang kasama ko sa kusina ay nagkatingin-tinginan lang saka patay malisiyang tinuloy ang gawain na tila nagpipigil na magtanong sa akin. 'Mapapatay ko ang lalaking nanakit sa babaeng MAHAL KO...' Biglang sumikip ang dibdib ko, ang mga salitang binitiwan niya 'yon ang mga salitang nagpapatunay kung gaano kahalaga sa kaniya si Shin... Bakit, bakit ang sakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD