Chapter 3: Nightmare

2029 Words
Chapter 3 Nightmare Aurea Shin Valdez's pov Passed two years ago... "Bakit nin'yo po ginawa 'yon Lolo!" halos ibalibag ko ang pinto nang bigla ko na lang sugurin ang lolo ko sa kaniyang opisina sa bahay dahil sa balitang nalaman ko. "Binantaan na kita Aurea, hindi ka nakinig, hindi ka naniwala. Ayan ang napala ng pulubi mong nobyo!" mukhang walang pakialam na sabi ng lolo ko. Marahas na umiling ako. Nagagalit ako ngayon sa lolo ko dahil nalaman kong halos ipapatay niya sa bugbog ang nobyo kong si Jace. May boyfriend akong hindi mayaman samantalang ako ay sawa sa karangyaan, at hindi siya matanggap ni Lolo iyon kaya hinaharangan niya ang pag mamahalan namin ni Jace. "Napakasama nin'yo para gawin 'yon para lang sa kagustuhan mong mapakasal ako sa ibang lalaki, para diyan sa letseng kompaniya na 'yan!" halos pasigaw na sagot. Nagulat ako ng sinampal ako ni Lolo. Halos mabali ang leeg ko sa lakas ng pagdapo ng palad niya sa pisngi ko. Ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ni Lolo. Siya na ang nagpalaki sa akin at sa kuya ko magmula nang iwan kami ng ina namin. Ngayon lang din ako natutong sumagot sa kaniya. "Walang modo kang bata ka, anong karapatan mong sagutin ako ng ganiyan ha? Iyan ba ang natutunan mo sa lalaki mo?!" Diniuro pa niya ko habang galit na nakatingin sa 'kin. tiningnan ko lang siya. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit at saan ko nakukuha ang tapang ko ngayon. Mula pa lang noon, gusto na niya kaming paglayuin ni Jace, mula nang malaman niyang may relasyon kami, pero hindi kami nagpatinag at pinansin ang mga sinasabi nila, ngayon lang dahil hindi ko lubos akalain na magagawa nilang saktan si Jace, mapaghiwalay lang kami. "Lolo hindi ako mag papakasal diyan sa kaibigan nin'yong nigosiyante," determinado kong saad kay lolo. Gusto akong ipakasal ng lolo ko sa isang mayaman na negosiyante na halos kaedad na ng papa ko. Nakilala ko na 'yon at masasabi kong mabait siya pero hindi ibig sabihin niyon ay gagawin ko ang kung anong gusto niyang mangyari Umiling siya sa 'kin at lumapit. Hinawakan niya 'ko nang mahigpit sa dalawa kong braso. "Sa tingin mo ba para lang sa kompaniya itong iniisip ko? Para din sa 'yo 'to, ginagamit ka lang niya, at gusto rin niyang maging mayaman, pineperahan ka lang niya." Umiling ako at pumiglas. "Hindi siya mukhang pera, hindi mahalaga ang yaman sa kaniya, hindi katulad nin'yo, puro negosyo ang pinahahalagahan at karangyaan." Inihagis niya ang braso ko, dahilan para mapataob ako, nakita kong nanginginig na siya sa galit sa akin. Mahal na mahal ko ang lolo ko, ngunit hindi ko na kayang tiisin pa ang ginagawa niya, mula noon pa wala na siyang ginawa kung hindi ang kontrolin kami. Siya ang dahilan kung bakit may karelasyon ang kapatid kong si Kuya Marv na hindi naman talaga niya mahal, at kinailangan niyangi hiwalayan ang totoo niyang nobya para lang sundin ang gusto ni Lolo, at higit sa lahat siya ang dahilan ng paghihiwalay ni Mama't Papa. Pinilit ni Lolo na ipakasal si Mama sa ibang lalaki dahil sa pagka-bankrupt ng kompaniya. Nang mga oras na 'yon ay hindi pa kasal si Mama' t Papa dahil sa naglayas lang naman si Mama noon kay Lolo, kaya sila nagkasama ni Papa, pero ang gusto ni Mama noon aykung magpapakasal sila ay ayon na 'yon na kay Lolo, kaya hindi sila nagpakasal kahit na may laya na sila. Nang bumalik si Mama kay Lolo upang dalawin ay naabutan na lang namin na bankrupt na pala ang kompaniya. Dahil doon pumayag na si Mama na magpakasal na sa ibang lalaki at iwan si papa dahil sa ayaw ni Mama na mawala ang pinaghirapan ni Lola't Lola na siyang kinalakihan na niya. Iniwan kami ni Mama dito kay Lolo habang sila ng bago niyang asawa ay sa ibang bansa na nanirahan. Tuluyan na noon nagkahiwalay ang pamilya namin dahil sa kagustuhan ni Lolo, at ayokong mangyari sa 'kin' yon, lalo na at alam ko kung gaano kasakit para kay kuya nang iwanan niya si Ate Jessie, ang girlfriend niya. "Wala ka na talagang modo, hindi ko talaga alam kung paano ka pinalaki ng walang kwenta mong ama!" sigaw niya sa akin. Nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa sinabi ni Lolo, ilang taon ang ninakaw nila sa amin na sana magkasama kami, kung tutuusin dapat siya ang kasama kong lumaki kung hindi lang kami ipinagdamot ni Lolo, kaya wala siyang karapatan na insultuhin ang pagpapalaki sa akin ni Papa sa maigsing panahon, dahil ang maigsing panahon na iyon ang pinakamasayang taon ng buhay ko. Hindi man ako lumaking kasama si Papa alam ko pa rin na mahal niya ako at si Kuya, alam kong kung maari lang gugustuhin niya kaming makasama ang pero si Mama na ang nagdesisyon na humiwalay at isama kami ni Kuya. "Kung paano ko pinalaki ni Papa? Pinalaki niya 'ko nang maayos at tinuruan niya 'kong maging matapang, at alam n'yo po ba na kung hindi ka nanggulo malamang masaya ang pamilya namin at wala siguradong nagdurusa sa lungkot kagaya ng ginawa at pinaramdam mo kay Mama, siguro kung hindi ka dumating mas natuto akong tamang asal." Tumalikod na ako at naglakad palabas ng study room. Pero bago pa 'ko tuluyang makalabas, may sinabi pa sa 'kin ang lolo. "Saan ka pupunta? Sa boyfriend mong walang kinabukasan? Hindi ako sumagot sa kaniya pero sa gano'ng pamamaraan ay alam kong alam na niya ang sagot. "Sige, mamili ka, ang pamilya mo o ang lalaking 'yon!" sabi ng lolo ko sa mababang boses. Tumawa 'ko nang mapait ngunit may kasamang luha. Mahirap para sa akin ang papiliin sa paggitan ng mga taong mahal ko. "Bakit po 'Lo? May pamilya ka pa bang natatawag pagtapos mong gawing robot ang lahat ng tao rito sa pamamahay mo?" Pinunasan ko ang luhang kumawala sa 'king mga mata habang iniisip ko ang mga tao sa paligid ko na ngayon ay parang robot na sunod-sunuran sa kaniya. "Grabe 'Lo, pamilya pa pala tawag mo sa 'min, akala ko robot mo at ikaw ang humahawak ng remote control kaya wala kaming magawa kung hindi gawin ang kahit anong gusto mong mangyari." Tumuloy na 'ko sa paglabas ng study room pero bago ko pa tuluyang masara ang pinto ay bigla niya na 'kong tinawag sa pangalan ko dahilan para mapahinto ako "Sa oras na lumabas ka rito sa pamamahay ko hindi ka na makakapasok uli." Hinarap ko ang lolo at nagkasalubong ang mga tingin namin. Nagsalita ako nang hindi iniiwas ang tingin sa mata tingin niya. "'Lo hindi lang ako aalis, kakawala rin ako sa hawla ko, dahil ang ibon nga gustong kumawala, tao pa kaya? 'Lo sa oras na ang ibon nakawala sa hawla niyang matagal na niyang pinagkukulungan, tingin mo ba babalik pa siya?" Umiling ako, "Hindi na 'Lo, mas pipiliin niyang lumaya at hindi na balikan pa ang kalungkutan sa loob ng hawla niya...I'm sorry po." Kaagad akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang ilan lang na gamit na alam kong kakailanganin ko, pagtapos ay lumabas na 'ko sa kwarto ko. Alam kong hindi ko pagsisisihan ang gagawin ko, dahil kagaya ng sinabi ko, hindi ko gugustuhin na magaya kay Mama o kay Kuya na iniwan ang taong totoo nilang mahal at sumama sa taong hindi magpapaligaya sa kanila, ayokong magaya sa kanila na bantang huli ay may pagsisihan. Bago ako makalabas nang tuluyan sa mansyon ay nakasalubong ko si Kuya Marv, basa ko ang hinanakit sa mga mata niya. Hinawakan niya ko sa kamay para pigilan, tiningnan niya ang bitbit kong mga gamit. "Kung gano'n aalis ka nga? Mas pipiliin mo 'yong boyfriend mo kaysa sa amin? Iiwan mo nga kami?" Galit pero may lungkot na tanong ni Kuya Marv na mukhang alam rin niya ang sagot. Hinawakan ko siya sa may pisngi niya at umiling, "Kuya I'm sorry... Pero hindi ko lang ito ginagawa dahil mahal ko si Jace, ginagawa ko ito dahil mali na ang mga ginagawa ni Lolo. Pinasaktan niya si Jace sa sobrang kagustuhan niyang masunod ang gusto niya, Kuya sumosobra na siya," malumalay lang ang boses ko habang pinapaliwanag ko kay Kuya ang lahat. Hinawakan niya ang kamay ko at siya naman ang humawak sa pisngi ko. Marahan niya kong tinitigan sa mga mata. "Pero Aurea, ayokong magkahiwalay tayo, paano kung bumalik si Mama galing sa ibang bansa? Hahanapin ka niya." Umiling ako at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko, at hinawakan 'yon. "I'm sorry Kuya, but honestly ayoko lang din magaya sa in'yo ni Mama, na napipilitang makisama sa taong hindi n'yo mahal. Gusto kong makasama ang taong mahal ko at maging malaya kay Lolo, I'm sorry kuya." Binitawan ko na ang kamay niya at kinuha ang bag ko na binaba ko kanina. Kahit ako ay ayokong malayo sa kuya ko, I don't have any choice or maybe I have and I choose to leave just to have my freedom by the hands of my grandpa. dream's ended... Napadilat ako bigla at umupo. Bakit ko nanaman napaginipan ang nangyari noon? Bakit bumabalik nanaman ang lahat? Pinunasan ko ang naramdaman kong luhang pumatak sa mga mata ko at tinitigan iyon. Maaring kanina pa ito dahil halos natuyo na ito. Hanggan ngayon nasasaktan pa rin akong isipin ang lahat. Na lahat ng ipinaglaban ko ay wala rin pinatunguhan. "Shin... Okay ka lang?" Napatingin ako kay Belle na kakabangon lang sa kama niya at nag-aalalang tumabi sa 'kin. "Okay ka lang ba?" pag-uulit nito. Tumango lang ako sa kaniya "Sigurado ka?" Nag-aalala pa rin ang ekspresyon sa mukha niya. "Oo naman, binangungot lang ako, sige na matulog ka na ulit, at ganoon din ang gagawin ko." Ngumiti ako sa kaniya para maging kampante na siya. Isa lang ang kwarto sa apartment namin, kaya magkasama lang kami ni Belle sa isang kwarto. "Osige, humiga ka na." Tinulungan niya kong humiga at kinumutan niya na rin ako, pagtapos niyon ay naramdaman kong umalis na siya at siguradong nagpunta na ulit sa kama niya. Nakatalikod ako sa kaniya habang pinipilit na matulog, ngunit kahit ano'ng pilit kong pagtulog ay hindi ko pa rin magawa, sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko ang tanging nakikita ko lang ay ang nangyari noon. ***** "Oy gising na Shin!" Nakaramadam ako ng palo sa hita ko. Kanina pa niya ko ginigising pero nagtutulog-tulugan pa rin ako at hindi pinansin si Belle. Hindi ako kaagad nakatulog kagabi magmula nang magising ako dahil sa masamang panaginip, kaninang alas-kwatro lang ako nakatulog. "Shin tara na, hinihintay na tayo ni Petter," panggigising pa rin sa akin ni Belle. 'Gusto ko pang matulog. Hindi muna ko papasok!' 'Yan ang gusto kong sabihin... kaya lang, kaltas sa sweldo 'yon. Bumangon na 'ko sa pagkakahiga ko, at sinamaan ng tingin si Belle. "Oy bakit ganiyan ka makatingin? Wala naman akong ginagawa sayong masama ah! " Nanglalaki ang mga mapungay niyang mata na lumalayo sa akin. "Ano'ng wala? Hindi mo ba alam na halos kakatulog ko lang!" simangot na simangot kong sabi. "Sorry naman, tara na nga at late na tayo, buti nga ginising pa kita, " sabi niya habang nagsusuklay. Pinuno ko lang ng hangin ang bibig ko at walang nagagawang tumayo na at naghanda para makapasok na. Nang makarating na kami sa hotel ay may sumalubong sa amin na isa sa mga nagtatrabaho sa hotel " Uy! Hi good morning." Binati rin namin siya at mayamaya pa ay tumingin siya sa akin. "Shin pinapapunta ka ni Sir Allen sa office, kakausapin ka raw." Nagkatinginan naman kami ni Belle. Nagtulo-tuloy na kami sa paglalakad. "Pupunta ka ba? 'wag na, baka saktan ka lang niya." Umiling ako kay Belle. "Kailangan kong magpunta, hindi ako pwedeng magpaapekto, habang siya hindi na, isa pa boss natin siya." Dalawang linggo na ang nakaraan magmula nang nakaalis ng bansa si Sir Ken kasama ang pamilya niya, at ang dating Alvarez hotel ay pinalitan na ngayon ng Winters hotel. Tumango lang sa 'kin si Belle. Hindi ako magpapakita sa 'yo na mahina ako Jace , dahil hindi na 'ko mahina. Kung ano man 'yang sasabihin mo, sisiguraduhin kong hindi na 'ko maaapektuhan niyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD