bc

Mahal Kita Pero... (R18) (Completed)

book_age18+
1.4K
FOLLOW
5.7K
READ
sex
self-improved
bxg
witty
cheating
like
intro-logo
Blurb

"Dali na! Si Kuya Tisoy nasa bahay na iyon e! Tara na, Berry! Tara na!"

Hindi ko maintindihan kung bakit nagkagusto ako sa pinsan ni Alexis nong una akong tumapak sa bahay ng Lola niya. Mula naman ako sa isang konserbatibong pamilya kaya bata pa lang ay hindi na rin naalis sa isipan ko ang katotohanan na bawal pa akong magkagusto o magboyfriend kung hindi pa nakakapagtapos ng pag-aaral. Pinigilan ko naman, pero sadyang iba ang dating ng kuya niya sa akin.

Napipipilan ako. Nagmumukhang tanga habang nakatitig sa kanya na tumatawa habang nilalaro iyong xbox na nando'n. Cool ang kuya niya, mabait pa. Madalas din ako nitong binabati kapag napapasyal ako rito. Madalas niya rin akong bigyan ng tinapay kapag nagkakasalubong sa kanto.

Ang bait niya nga e... iyon naman ang nakikita ko pero sabi ni Alexis, pabling daw iyon. Madalas magdala ng babae sa kanilang bakuran. Pinupuslit pa para lang maiakyat sa ikalawang palapag. Ayaw ko namang maniwala dahil iba ang nakikita ko sa mga sinasabi niya.

Siguro dahil ayaw niya lang na nagkakagusto ako sa pinsan niyang yon. Awkward naman kasi talaga. Kahit ako. Hindi ko rin kayang isipin na magkakagusto si Alexis sa isa man sa tatlo kong Kuya. Nakakadiri lang naman talaga isipin.

Pero paano nga ba kung talagang gusto ko iyong Kuya niya? Mula elementarya hanggang Hayskol. Mahirap ba talagang magkagusto sa taong nasa malapit lang pero mahirap abutin?

Gustong-gusto ko siya. Gustong-gusto ko si Nathan. Kaya nga, no'ng 18th Birthday ko ay sinagot ko siya... ilang segundong pag-amin, isang oras na ligawan... sinagot ko siya.

Akala ko kasi matutuwa ako. Akala ko magiging masaya ako para sa bagay na yon. Dahil nga gusto ko yong tao na yon inisip ko na magiging kontento na ako.

Maalalahanin. Mabait. Tanggap niyang hindi ko pa kayang umamin sa mga magulang ko. Tinago ko.

Ewan ko nga ba... mabait naman siya. Sobrang bait. Napakaginoo pa. Alam mong marespetong tao. Ngunit habang tumatagal— nabobored na ako sa ganitong sitwasyon. Para bang pakiramdam ko ay sa sobrang marespeto niyang tao nagiging Nanay niya na ako.

Halik sa noo? Yakap? Akala ko ba pabling ito tulad ng sinabi ni Alexis? Bakit iba naman yata ang nakikita ko?

Tama nga ba ang nakikita ko? Hindi e... boring. Habang tumatagal... nasasakal ako. Ang hirap. Ang hirap nang kumalas.

Kaya nga siguro...

Kaya nga ginawa ko ang isang bagay na pinagsisihan ko. Sobrang pinagsisihan. Na nabubuang na lang ako sa kaiisip kung paano ko itatama ang lahat.

Mahal ko si Nathan... pero bakit?

"Sisilipin ko lang... titingnan ko. Hindi natin ipapasok promise. Do you trust me, Strawberry?"

That's her uncle... his uncle. Anong ginagawa ko?

chap-preview
Free preview
1
"Sorry..." hinihingal na abot sa akin ni Nathan nang abutan niya ako sa tapat ng tricycle. Sinabi ko namang magcocommute na lang ako dahil nga pahirapan na iyang gusto niya. Traffic pa naman, may trabaho rin siya at hindi naman pwedeng lagi siyang naghahabol para lang maihatid-sundo ako. Hindi ako spoiled na girlfriend. Naiintindihan ko. Saka kinaya ko nga noon na umuuwi ng mag-isa. Ngayon pa ba? Hindi naman bago. Saka maalaga siya, kaya alam ko babawi naman siya hindi nga lang sa ganitong paraan. "Tisoy!" Tawag ni Alexis at kumaway sa tapat ng mukha ni Nathan. Ngumiti naman ako at pumwesto sa likod na sinundan niya naman, sa harap si Alexis. Alam na noon kung saan siya dapat pumwesto. "Sorry talaga..." gagap niya kaagad sa kamay ko. Akala niya naman kasi galit ako. Pero hindi... wala namang dapat na ikagalit. "Ano ka ba naman..." gagap ko rin sa kamay niya. Sinilip ko muna si Alexis sa harapan at dinukwang si Nathan kaso umatras ito. Nanlalaki ang mga mata. Para talagang... para talagang birhen. Marimar! Akala ko pa naman matutuwa dahil nga ako na itong mag-i-insist na halikan siya. Sabi naman ng mga kaklasi ko... masarap daw mahalikan ng mahal. E mahal ko yong tao. Pero ayaw magpahalik. "Nakakahiya..." bulong niya at sa halip ay dinampian ng halik iyong noo ko. Bumuntong hininga naman ako at tumitig sa labas. At mas lalo pang nadismaya ng nakita ang isa sa mga kaklasi na kinikilig. Nakakakilig ba? Ewan ko ba kay Nathan, isang taon na kami pero para bang bata pa rin ang tingin niya sa akin. Hindi ba siya minsan nadadala man lang sa tukso? Sa tingin ko masarap talaga ang mahalikan... madalas ko iyong makita sa mga palabas. Kaya alam ko masarap nga talaga. Bumaba ako nauna sa dalawang sakay. Nasa harapang bahagi kasi ang bahay namin. Nasa pinakadulo naman ang kina Alexis. Kaya laging ako ang nauuna. "Bye..." sabi ko lang at mabilis na naglakad papasok ng bahay. Badtrip... Kaso napatigil ako noon nang nakita si Kuya Adam na may kausap na magandang babae. Sino na naman ba ngayon? Pabling... pabling. Ewan ko rito. Ang hilig sa magaganda. Umirap nga ako at nagmamadaling umakyat. Narinig ko na tinatawag niya ako pero badtrip nga kasi talaga ako. Kaya nagbingi-bingihan ako. Hindi ako kumain, hindi ko rin nirereplyan ang mga text messages ni Nathan. Sinagot ko lang ng isang beses ang tawag niya parang sabihing abala ako sa pag-aaral. Hindi ako makatulog. May iniisip ako tungkol sa relasyon namin ni Nathan... nakakabored. s**t! Hindi dapat, pero nakakabored na nga talaga. Alas dose nang nakaramdam ako ng uhaw, kaya bumaba ako. Dahan-dahan. At hindi ko alam kung tama bang dahan-dahan lang kung nakita kong nakahiga iyong magandang babae sa sofa namin. Nakabukaka... I mean, nakabukaka habang nasa ibaba si Kuya Adam. Kinabahan ako kaya nagtago ako noon sa ilalim ng hagdan. Nanlalamig ako sa kaba. Alam ko iyan. Hindi naman siguro ako sobrang inosente para hindi malamang nag-iinit ang dalawa. Kita ko nga na parang nasasarapan iyong babae habang nagmamalikot ang ulo ni Kuya. Halinghing. Ungol. Bastos na mga salita. Nanghina ako sa hiya... at napagtanto. Ganoon ba ang kulang kaya para bang nabobore na ako sa relasyon namin ni Nathan? Pero mahal ko naman yong tao! Dapat nirerespeto ko rin ang desisyon niya. Tulad ng pagrespeto niya sa akin. Lumabas lang ako nang narinig ang mga yabag nina Kuya... papalayo. At nang umakyat ako ay ganoon pa rin ang iniisip ko. Masarap kaya? G-gusto ko namang maranasan... kahit halik lang. Kahit isang malalim na halik. Alas dos ng hapon nang ako ay nagising kinabukasan. Inalmusal ko ang mga bulyaw sa akin ni Mama. Tahimik lang naman ako at iniisip kung paano ako makakatakas mamaya. Gusto kong mamasyal sa bahay nina Alexis... Kaso... malabo. Si Papa naman kasi, ngayon pa naisipang umalis kasama ang buong mag-anak. Kailangan lang daw... para sa promotion, para sa mabangong pangalan. Nakipagtitigan ako kay Kuya George na may makahulugang titig. Alam ko iyan, alam niya rin kung anong meron dito. Kaming dalawa ang higit na nakakaalam sa nangyayari. Walang pakialam ang dalawa. Puro pabling... iba ang mga hinahanap. "Berry, let's go..." anyaya ni Kuya George, sumama na rin naman ako. Pampawala sa boredom. At syempre para mawala na rin sa isipan ko ang ginagawa ng dalawa kong kuya. Iba nga kasi talaga... "Kuya..." habol ko at lumingon sa paligid. Sa huli pinili naming maupo sa tapat ng pool. Pinapanood namin ang ilaw na nanggagaling sa repleksyon at syempre ang malinaw na ring tubig na gawa rin ng ilaw mula sa ilalim ng pool. Nakaupo lang naman kami. Tahimik. Nakikiramdam. Ewan ko nga ba kung bakit umalis kami roon gayong mabobored lang din naman ako rito? "Alis lang ako Kuya..." paalam ko pagkatapos na tumayo. Hindi na ito nagsalita, hinayaan lang naman akong umalis. Nilibot ko ang pool. At nang nabored ay umalis na ako roon. At naghanap ng pwedeng mapaglibangan. Sinundan ko lang naman ang mga pathways na nando'n kaya nagulat ako sa inabutan. Hindi na dapat ako umabot dito e. Pero paano nga ba kung wala namang pakialam ang mga taong nando'n? Ako lang... ako lang ang may malaking pakialam. Lumunok ako't naupo sa isang tabi. Pinapanood ko iyong mga nangyayari. Para bang nasa disco'han lang ako. At nanonood ng mga naghaharutan. Ganito pala... si Nathan ba? Nagagawa rin ang mga ganito noon? Noong hindi pa kami? Hindi kaya tulad ko ay nabobore na rin siya sa nangyayari sa relasyon namin? Pero paano nga ba kung wala namang nangyayari higit pa roon sa ginagawa niya sa akin? Paano niya napipigilan iyon kung heto nga, ang mga katulad niyang pabling ay nanghaharot? Pwede bang magbago? Shit... ano ba 'tong iniisip ko? Dahil lang sa unti-unti nang nawawala ang tamis e gano'n na lang? Ako yata ang maloko sa'ming dalawa ni Nathan. First boyfriend ko siya, ako ba pang-ilan niya na? Pero bakit para bang umasta ako ay maloko ring babae? Hindi... hindi ako gano'n. Sadyang bored lang. Pinili kong maupo at manood. Pinapanood ko ang bawat harutan. Agaw pansin nga lamang ang mga taong nasa gilid. Nagsasalita lang noong una hanggang nauwi sa isang mahabang halikan. Pagkatapos ng buntong hininga ay tumayo na ako't naglakad paalis. Hinanap ko na lang sina Papa na nakikipag-usap sa mga Generals na nando'n. Kaya alam ko, hindi ito ang tamang oras para umabala ng tao. Tiniis ko lahat sa gabing yon na katabi ko sina Kuya Adam at Kuya AJ. Na hindi ko naman maintindihan kung bakit bawat standard ng mga babaeng nakikita nila ay sa akin tinatanong. Noong Monday ay maaga akong ginising para lang makisabay kay Kuya Adam. Kaya, hindi ko rin nakasama si Nathan. Na namiss ko... siguro nga ganoon. Sadyang nanlalamig pag may pagkakataon, at nag-iinit kapag namimiss. Bored lang ako, pero ang feelings ko para kay Nathan ay nando'n pa rin naman. "Sige na! Sandali lang naman e..." anyaya ni Alexis. Hindi ako sigurado diyan sa gusto niya. Paano nga kung mapagalitan ako sa bahay? Alam ng mga taong nando'n na diretso kaagad ako pauwi sa amin. Dahil nga taong bahay ako. Maliban na lang kapag namimiss ko si Nathan. Napipilitan akong mamasyal sa bahay ng Lola ni Alexis. Ganoon naman ang gawain ko noon pa man. Sadyang nabobored lang ako minsan. "Sandali lang... sabi mo." Nagdududang baling ko. Ngumisi lang ito at tumango bago pa man ako hinila sa sakayan. Saktong naghihintay na pala si Nathan. Nakangiti. Napangiti na lang din ako. At yayakap sana sa kanya kung hindi niya lang ako hinila sa likuran. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Gano'n na lang? Dalawang araw kaming hindi nagkita... walang yakap? Kahit yakap man lang? Badtrip... Dahilan pa iyon kung bakit tahimik lamang ako buong byahe. Wala akong pakialam kung pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagdating noong kapatid ng Mama ni Alexis. O kung gaano ito katagal bilang Engineer sa New Zealand. Wala akong pakialam... badtrip na Nathan. Ayaw ng halik. Ayaw din ng yakap? Hanggang kailan ba kami magiging ganito? Umiiwas ba siya? Dahil ano? Takot siyang baka isang araw makalimutan niya yang respeto na iniipon niya riyan? Ewan... ewan. "Sabi mo sandali lang, kaya mabilis lang din ako." Mahinang sabi ko. Kunot naman ang noo ni Alexis. Samantalang walang muwang naman si Nathan. Badtrip nga. Marimar! Kinaya ko sa loob ng isang taon na ganito ang relasyon namin? Kailangan ko na yatang kausapin ng masinsinan ang isang 'to. "Sandali lang... promise." Kunot noong baling pa nito sa pinsan. Alam ko yan, may tumatakbo nang kakaiba sa isipan niya. Kilala ako ni Alexis, mula pagkabata hanggang ngayon na boyfriend ko na ang Kuya niya. "Lola!" Sigaw kaagad ni Alexis nang nakapasok na kami. Sinilip ko si Nathan na talagang wala man lang ideya sa nangyayari sa akin. Blind. Nakoo... "Nasa'n si Uncle?! Uncle?!" Sigaw niya sa buong bahay. Napangiwi na lamang ako bago nagmano kay Lola Esing. Sumunod si Nathan na mukhang bulag ding nakasunod sa akin. Manhid ba siya? Hindi niya ba ramdam na badtrip ang girlfriend niya? "Alexis, apo. Nasa likod bahay lang iyon. Nagsisibak ng mga panggatong." Saway pa ni Lola. Ngumiti nga siya sa akin kaya napilitan akong pagaanin ang loob. "Tatawagin ko lang ho, Lola..." "O siya..." Nagmamadaling umalis ang isa. Naiwan kaming tatlo. Hindi ako makakilos ng maayos. Gusto kong magsalita pero baka mamaya niyan sa sobrang badtrip ko ay may masabi akong ikasasama ng mga loob namin. "Saktong nakapagluto ako ng meryenda para sa lahat. Kumain na muna kayo mga apo." Nakasunod lang ako, gano'n din si Nathan na tahimik lamang. Ewan ko ba rito. Parang nagbago. I mean, hindi naman siya ganito noon. Maingay siyang tao. Palasalita. Mahilig ding magtanong. Pero bakit mula nang maging boyfriend ko siya ay naging maingat na? Lahat... may restrictions. Lahat parang pinag-aaralan niya. Ano ba talagang problema? Bakit nagbago? Saktong pagkaupo namin ay siyang dating ni Alexis. Kakalingon ko pa lang nang sumunod iyong Uncle niya... sigurado ako. Uncle niya iyan. Kamukhang-kamukha ng Mama ni Alexis. Ang gwapong lalaki... binata. Nakakapanlagkit titigan. Siguro dahil sa pawis... o langis na nasa katawan niya. Badboy... badboy ang datingan nito. Sigurado ako. At bata pa? I mean, iniisip ko na nasa 40 na o ano ito. Pero parang mas bata pa yata roon. Matured... mula paa hanggang ulo. Shit... gwapo nga. Pero delikado. Umiwas nga ako at sinubo ang inihandang meryenda ni Lola Esing. Kaso napatigil din ng narinig na magsalita ang bisita. Malalim. Buo. Nakakatakot. "Uncle naman..." tawang-tawa na sabi ni Nathan. Tumingala ako at tumitig kay Nathan na nakatitig din sa akin. Nasa ulo niya iyong kamay ng tito niya. Tumitig nga ako sa taong yon. Na nakatitig din pala sa akin. Nahiya ako. Hindi ko alam kung bakit... pero nahiya ako. "Berry, si Uncle Sebastian nga pala..." lahad sa akin ni Nathan. Tumayo ako at nag-abot ng kamay sa kamag-anak nina Alexis. Nakangiti pa rin ito. Ewan ko ba, pero iba talaga ito kung makangiti. May kahulugan. Pilyo. Kilalang-kilala ko iyan. Tulad ng pagkakangiti ng mga Kuya kong pabling. "Maganda... maganda itong girlfriend mo, Nathan. Maswerte ka. Hot din." Pasada niya, nakangiti pa rin. Kumunot ang noo ko, kabaliktaran ng tuwang pinapakita ng mga pamangkin niya. Ako lang ba? O sadyang iba ang dating? "Sa bahay ka ba sa weekend?" Tanong ni Alexis habang naglalakad kami pauwi, ihahatid ako ng dalawa. Pero ang isipan ko nando'n pa rin. Nagdududa nga kasi talaga ako. Iba... iba ang mga ngiti ng taong yon. Tulad ng sa mga Kuya ko. Panay din ang sulyap niya kanina. Hindi ako bulag, at lalong hindi ako tulad ng mga pamangkin niyang nagbubulag-bulagan sa mga ginagawa niya. Manyakis. Oo manyakis. Kuha ko na! "Hindi, may gagawin kami ng buong mag-anak." Iwas ko. Nawala sa isipan ko ang pagkabdtrip kay Nathan... pero ayaw ko na rin namang pumunta pa sa bahay nila. Kung ganoong may nagbabahay ng manyakis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.3K
bc

The Ex-wife

read
232.5K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.1K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
54.0K
bc

Hate You But I love You

read
63.3K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook