"Ah, may boyfriend ka na ba?" Nadududang tanong ni Kuya Adam nang naupo ako sa tapat ng bakuran. Nakasunod pala iyong pabling kong Kuya. Nasa malayo si Kuya AJ kaya hindi nakasama sa tsismisan ang isang yon.
"Wala nga!" Iritadong baling ko at pinindot nang pinindot ang cellphone.
"Siguraduhin mo lang... alam mo kung gaano ka-konserbatibo si Mama."
Sinamaan ko na lang siya ng titig. Ang sarap ngang sabihin na, sino ba itong nagdadala ng babae dito at mahuhuli sa kalagitnaan ng gabi na nakikipaglandian? Sarap nga e... sarap supalpalin. Pero ayaw ko rin namang mapunta sa akin ang usapan. Wala sa plano... at wala rin sa isipan ko na sabihin sa lahat itong relasyon namin ni Nathan.
Nang umalis si Kuya at saktong napatawag si Alexis... napalingon nga ako sa bakuran at nakitang nando'n si Nathan kasama ang kaibigan ko at nagtatago pero nakakaway.
Napatayo na lamang ako at dahan-dahang naglakad palabas. At syempre, hindi naman ako napansin no'ng dalawa.
"Pasyal tayo..." anyaya ni Alexis.
Lumingon ako sa loob bago tuluyang tumango. Iyon na nga, mamamatay ako sa sobrang bored doon sa bahay. Pero malulusaw naman yata si Nathan sa sobrang tagal ng pagkakatitig ko sa kanya. Tinintingnan ko lang ang bawat anggulo kung saan pwede kong makita ang mali kay Nathan. Kung pisikal lang naman, he's one of a healthy being. Kaya walang mali...
Ito lang... kahit gustuhin ko mang magpalambing. Imposible.
Ito pa nga lang na dumidikit ako sa kanya ay para bang nakakapaso. Kainis nga e... para talagang birhen.
"Alex..." tinakbo ko ang distansya at inangkla kay Alexis ang kamay. Badtrip nga naman... kuhang-kuha ko pa noon kung bakit mailap si Nathan. Ayaw niya ng pisikal. Naiintindihan ko, iniintindi niya nga naman ang pagtatago ko.
Pero ngayon? Na isang taon na kami? Na gusto ko lang naman na magpalambing? Bakiit? Hindi ko maintindihan.
"Nag-away ba kayo?" Bulong ni Alexis at nginuso ang pinsan na bumibili ng turon.
Gusto ko sanang umirap pero pinigilan ko. Ngumiti nga lang ako at umiling. No point para sabihin kong Oo. Ano namang magagawa noon? Mareresolba ba? Sa sobrang manhid ng pinsan niya, imposible.
Pagkatapos naming manood ng basketball sa labas ay pumasok na kami sa Village. Naglalakad papasok pa. Nilampasan namin ang bahay, hindi ko napansin. Kaya huli na rin para sabihin kong gusto ko nang umuwi. Hindi sa umiwas, pero parang gano'n na rin naman.
"Usap tayo..." hinigit ko si Nathan nang nawala sa paningin namin ang pinsan niya. Dinala ko siya roon sa likod bahay. Medyo nga lang napatigil ako noong nakita na may nakaimbak ng mga panggatong doon.
Iniisip ko ang nangyari noong isang Linggo. Pinagsibak. Syempre, sino pa ba? E di iyong manyakis nilang 'Uncle'.
"Berry..." tawag niya, na siyang pumutol sa pag-iisip ko.
Bumuntong hininga ako't naupo sa papag. Sumunod naman siya. Tiningala ko sandali ang mga dahon ng Mangga. Para sana kumalma. In some way, mukhang kumalma rin naman ako.
"Nathan..." baling ko sa boyfriend.
Kumunot lalo ang noo niya. Napairap ako sa kamanhidan ng isang 'to. Para bang hindi ko tinatawag ng ganoon ang pangalan niya.
Sa tuwing gusto ko siyang maglambing, tinatawag ko ang pangalan niya sa ganoong tono. Pero dahil nga manhid siya, hindi umuubra.
"Ano... gusto mo pa ba 'to?"
Hindi ako sigurado sa reaksyon pinapakita ko pero para bang nag-alangan na ako sa pinag-uusapan. Paano nga pala kung ayaw niya na? Ano? Ako ang iiyak?! s**t Marimar! Kinabahan tuloy ako sa tanong kong iyon.
"Berry..." natatawang sabi niya, "Oo! Bakit naman hindi?! May problema ba tayo?"
Tae... ang manhid nga?! Malaki ang problema ko! Para sa'yo wala lang iyon pero... nakakabored na e.
"Kung gano'n... sige nga—" nangingiming hamon ko, hindi na inisip ang pride.
"Sige—? Sa alin?"
Ay tae! Marimar... paano nga ba naging ganito si Nathan? Hindi naman siya ganito noon.
"You... kiss me." Mahinang bulong ko. Medyo tinatablan na rin ng hiya.
Unti-unting napaawang ang mga labi niya. Lumipat nga sa tenga niya iyong pamumula. Saka nahuli ko ring napalunok siya. Epektibo! Namamawis na sigurado sa panlalamig.
Umaawang ang labi niya. Siguro magsasalita o kung anuman. Poprotesta ba? Aayaw? O tinatablan na rin. Lalaki 'to e. Kaya pwedeng hindi siya aayaw.
"Berry... ano ka ba naman." Awkward na tawa niya.
Tinikom ko ng mariin ang labi ko. Tinatablan na ako ng inis. Bakit kamo kakaiba siya sa lahat ng mga lalaki sa buhay ko? Hindi ganito si Kuya Adam, gano'n din si Kuya AJ. Ewan ko kay Kuya George pero ayaw ko nang malaman yon. Gano'n lang? Pagtatawanan ako sa isang bagay na gustong-gusto kong maranasan?
Para sa ibang kababaihan, si Nathan ang tamang ideal man na hinahanap ng iba. Pero kung ganito naman? Pipiliin mo pa ba? Ako... kahit nakakainis, pipiliin ko pa rin si Nathan. Tinitiis ko dahil nga mahal ko siya.
"Nevermind..." iwas ko at sumandal saka tumitig sa likuran ng bahay.
Tahimik na tahimik. Alam ko na nag-iisip na ito. Ako nama'y tahimik lamang para kumalma.
"Okay..." sabi niya.
Dagling naputol ang pag-iisip ko sa ibang bagay at nilingon si Nathan. Biglang nagsindihan ang mga ilaw ng pag-asa ko. Kasi akala ko...
"Nathan?!" Naiinis na tumayo ako roon.
Humalakhak lang naman ito. Nagkandaduling naman ako sa pang-iirap.
"Bahala ka na nga diyan..." minartsa ko ang inis sa kanya.
Yong akala ko na mahahalikan na rin siya... naging bato pa. Lola niya ba ako? Nanay? Tae... nakakatanda kaya yong halik sa noo. Oo nga sweet, nakakakilig. Pero... nakakaumay na rin.
Hinahapo ako sa inis, kaya nga sumandal lang ako sandali sa tabi ng CR... sa loob ng kusina. Pero agad naman akong nataranta ng nakarinig ng tikhim.
Aatakehin yata ako sa puso... dahil nandito sa tabi ko ang 'Uncle' ng dalawa at kakatapos lang maligo. Amoy sabon at Shampoo. Napaawang sandali ang mga labi ko... konting-konti lang naman. Paano ba naman kasi... hindi ko alam kung dahil lang ba sa inis ko kay Nathan kaya naging depina sa mga mata ko ang tigas ng dibdib niya. Muntik ko na ngang naibaba ang mga mata kung isa lang din akong marupok na babae.
"Did you two fight?" Kunot noong tanong niya, obvious namang concern talaga siya.
Solid kung kumilos. Alam na alam niya kung saan kukuha ng ekstrang tuwalya. Minalas nga lang at nasa tabi ko iyon kaya napatalon ako sa gulat noong naramdaman na totoong matigas nga talaga ang dibdib niya. Napalunok ako sa hiya.
"H-hindi naman po..." iwas ko at maglalakad na sana papasok sa loob pero agad ding natigilan nang nagsalita siyang muli.
"Are you bored?"
Ewan ko nga ba, simpleng tanong lang naman yon. Pero naagaw niya ang atensyon ko roon. Maybe, he can read my mind. Bored nga ako. Hindi sa buhay ko. Kundi sa relasyon namin ni Nathan.
Kung totoo nga talagang hindi nakakabored, bakit limang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin humahabol si Nathan?
"Bored ka nga? Nakakabored ba si Nathan?" Mayabang na tanong niya.
Dapat nga umalis na ako roon. Pero pinili ko ang maging manhid at buong segundo lang na nakatitig sa kanya. May antipasyon na baka nga dugtungan niya iyang sinasabi niya. O kung anuman, gusto ko lang marinig.
"I was watching you both. You wanted him to kiss you? A real kiss? Bakit? Hindi pa ba kayo umaabot sa gano'n?" Mas lumawak ang ngisi niya.
Dapat magalit ako e, pero mas nakaramdam ako ng insulto sa mga tanong niya. Ano nga ngayon kung hindi pa kami umaabot sa gano'ng estado? Pakialam niya? The mere fact na 'Tito' lang siya ng dalawa.
"Pakialam niyo?" Baling ko, nang nakuha ang pride sa mga tanong niya.
Humalakhak lang naman ito at umiling saka bumalik sa loob ng CR.
May topak yata e! Bwisit! Isa pang bwisit!
Nagpaalam na ako at dinahilan ang maagang uwi ni Papa. Ayaw ko nang tumagal doon. Lalo na at nabibwisit ako sa dalawang lalaki. Hindi maganda... lalo na kung uuwi pa ako sa amin. Ayaw pa naman ni Mama ng magulo at gloomy. Higit na kilala kami ni Mama kaya walang takas kung may isa man sa amin badmood.
"Kakain na..." silip ni Kuya George sa loob ng silid ko.
Kakatapos ko lang sagutin ang tawag ni Nathan. Di ko rin pala matitiis ang isang yon. Sabihin na ngang nakakabadtrip ang nangyari, pero boyfriend ko pa rin naman ang tao. Di ko matitiis. Kasi nga mahal ko. Mahal ko naman yata...
"Ma... walang boyfriend iyan. Natanong ko na." Mayabang na sagot ni Kuya Adam, lamang siya ng isang puntos para sa mga kapatid ko na nakatitig lang sa kanya.
Wala naman akong pakialam. Kahit ba paulit-ulit akong pinapangaralan ni Mama tungkol sa pagboboyfriend. Ayaw ko na lang magsalita dahil baka madulas ako sa huli. Ayaw ni Mama... kaya tatahimik na lang ako.
"Magsisimba tayo bukas. Isuot mo ang isa sa mga binili ko." Utos ni Mama.
"Yes Ma," tinapos ko na agad ang kinakain at umakyat para tawagan si Nathan.
"Intindihin mo na lang... kaya ko pa namang magtiis."
Oo, kayang-kaya mo nga. Ayaw mo ngang magpahawak. Kulang na lang pati holding hands ay ipagdamot mo na.
Pero syempre, hindi ko na sinabi ang isang 'yon. Ayaw ko ng isa pang tampuhan.
"Magsisimba kami bukas. Magkita na lang tayo do'n."
Ni hindi umabot ng sampung minuto ang pag-uusap namin. Wala na akong masasabi pa. Ano pa't magkikita naman kami bukas. Gano'n din sa mga susunod na araw.
Maaga akong nakatulog, hindi tulad sa ibang mag-Jowa na madalas inuumaga pa sa telebabad. Hindi uso sa'min yan. Nag-aaral pa kasi ako. Plus, laging pagod din si Nathan lalo na sa customer service siya nagtatrabaho.
"O, ano? May boyfriend ka na ba?" Tanong ni Kuya AJ.
Marimar! Kakatapos lang magtanong ni Kuya Adam kahapon, si Kuya AJ na naman ba ngayon? At bukas, si Kuya George? Kailan ba nila ako titigilan? As if naman aamin ako... itatago ko hanggang sa gumraduate ako.
"Wala nga!" Inis na irap na ko na tinawanan naman ni Papa. Nasa harap ang mga magulang namin. Katabi ko si Kuya George na tahimik na nagtetext. Naka-convoy ang dalawa ko pang Kuya sa sasakyan ni Kuya Adam.
Hinagilap ko kaagad si Nathan na kasama sina Alexis nang bumaba kami. Sabi niya kanina pa raw sila na nasa simbahan. Nasa pinakahuling upuan na kasi nga punuan ngayon. Which means, doon kami sa labas... tatayo lang.
Nagkatitigan kami ni Nathan noong lumingon siya rito sa likod. Ngumiti nga lang ito ng bahagya. Kasi alam niya nang hindi ako pwedeng mahuli na may kangitian. Mapagkakamalan nga talagang boyfriend.
Pagkatapos ng simba ay umalis na kaagad kami. Kaya di ko na nagawang makausap sina Nathan. Sabi ni Papa kakain daw kami sa labas. Family day na rin lalo na't kinabukasan may kanya-kanya na kaming ganap. Ang mga Kuya ko ay magtatrabaho, gano'n din si Papa. Si Mama lang ang maiiwan sa bahay dahil may pasok na ako niyan.
Kinahapunan pa nga lang ay may kanya-kanya ng lakad ang mga tao sa bahay. Si Mama umalis nga rin. Ako lang ang naiwan at makatukang magbantay ng bahay.
Hindi rin ako makakalabas dahil panay ang tawag ni Mama. Nangangamusta. Para bang di mapakali na naiwan akong mag-isa rito. Gayong gano'n naman talaga ang sitwasyon kapag iniiwan nila ako sa bahay.
Nasa kalagitnaan na yata ako ng movie nang tumunog ang phone ko.
Hindi ko na sana papansinin pa dahil obvious namang naligaw lang na text at naghahanap ng katextmate. Pero ang etext ako't tawagin sa buong pangalan? Nakakaalarma.
Wala akong maalala na pinagbigyan ng sariling cellphone number. Kaya hindi ko talaga kilala.
"Tatawag ako, sagutin mo Strawberry..."
Ni hindi pa nga ako nakakapabuo ng mga salita e nagriring na ang phone ko... kilala niya naman ako. Kaya siguradong kilala ko rin siya.
"Hello?"
Puro hininga ang naririnig ko. Walang nagsasalita. Kaya hindi ko pa rin alam kung kilala ko nga ba talaga o goodtime lang ito.
Naghintay ako. Dalawang minuto? Hanggang sa nagsalita nga... pero parang balloon naman akong pilit na pinapalobo... kasi nga... kasi nga.
"Strawberry, your voice made me cum."