Nakatitig lang ako the whole time na nakayuko si Nathan. Maybe because I was feeling guilty. Nakokonsensya sa isang bagay na wala naman akong ginawa.
Grabi... hanggang ngayon nga ay iniisip ko kung sinong damuho ang nangtitrip na yon. Ginimbal niya ako! At syempre, nakakadiri. Nakakainis dahil parang kilabot na kumakapit sa akin ang nangyari.
Manyakis... kapag nakilala ko lang talaga—
"Tapos na..." ngiti ni Nathan nang inangat niya ang mukha.
Medyo napataas kilay ako roon at napatitig sa laptop niyang bukas. Tapos na nga... atleast tapos na. Kulang na lang lumipad sa kung saan ang isipan ko sa tagal niyang ginagawa niya.
Akala ko pa naman pormal date ang mangyayari. Sa isang taon namin parang bilang na bilang sa mga daliri ko ang date na siya mismo ang nag-aanyaya. Walang Alexis. Siya lang... siya na once in a blue moon lang kung mag-aya para lumabas.
Pagkatapos sa minsan na yon, dinadala niya pa talaga ang trabaho? Totoo ba talaga 'to?
Si Nathan... minsan, nakakawalang gana. Minsan ramdam ko na parang hindi naman ako kagandahan para lang sana magpokus siya sa akin. Pakiramdam ko wala akong ka-appeal-appeal. Nakakababa ng self esteem.
"Labas tayo..." sabi ko, knowing that he'll eventually decline.
"We're already on a date." Ngiti niya, pilyo. At hindi naman appealling sa mga mata ko.
Tumalikod nga ako at umirap pero nagbackfired kaagad nang nakita ko ang Uncle ng dalawa na nakacross legs at sumisimsim sa hawak na tea. Bukas pa ang dalawang butones ng black polo niya. And to be honest, napaka-arrogant niya para silipan ng mga kababaihan. Clean cut, musculine... at hindi maipagkakaila na kagwapuhan. Oo mas gwapo nga ito kumpara kay Nathan... pero alam ko, manyakis.
Iyang mga mata niya... iba kung makatitig. Napatotohanan ko na yon at mas lalo na ngayon nang may dumating na babae't sexy...I mean, sobrang sexy. Para siyang modelo sa mga nakikita kong commercial ng pampapayat na inumin. Ang ganda ng hugis ng katawan. Payat pero makurba. So that's his type? O baka nga... totoo dahil kung maghalikan iyong dalawa kulang na lang mapunit ang labi ng isa't isa.
Ganyan ba humalik ang mga matured na tao? Napakagat labi nga ako at humiwalay, saka tinitigan si Nathan na nasa labas naman ang mga mata.
Napakunot noo ako roon at inubos ang inumin. Alas dos pa lang naman, kumain na kami kanina ni Nathan sa loob ng mall bago tumambay rito sa isang cafe sa labas lang din ng mall. Alas dos pa lang, pero nababagot na ako sa mga nangyayari.
"Labas tayo..." ulit ko, umaasang baka maintindihan niya na ngayon ang ibig kong sabihin.
"Nagde—"
"Nate! Labas nga tayo... God, ang boring mo!" Nanggagalaiting bulong ko. Halos sumabog.
Natunganga siya sa naubos kong pagtitimpi. Tumayo nga ako at umirap saka naglakad paalis. Nahulihan ko pang nililigpit niya ang mga gamit bago sumunod sa akin.
Naiiyak ako sa inis. Alam ko naman na napaka-immature ng mga ginagawa ko. Nagpipigil naman ako pero talagang inuubos ng mga nangyayari ang tinatago kong pagpipigil.
I really wanted this relationship to upgrade into something more realistic.
"Berry..." habol niya.
Naiiyak ako pero pinigilan ko, pumara pa nga ako ng masasakyan pero magalang na akong hinila ni Nathan paalis doon... papunta sa tabi ng mall.
"I'm sorry..."
Iyong lungkot sa mga mata ni Nathan ang nagpagising at nagpakalma sa akin. Napakabait niya nga talaga... sobra. But... B-but,
Iba ako... Alam ko na kakaiba ako sa mga babaeng mas gusto ang isang tahimik na relasyon. Dahil ba sa mga naririnig ko? O napapanood? Masyado na bang malalim at advance ang mga gusto ko? Na hindi ko na iniisip ang mararamdaman ni Nathan?
"Ano bang gusto ng Berry ko?"
Dapat kinilig na ako pero mas nanaig sa akin ang konsensya. Hindi dapat ako naging ganito. Dapat kumalma ako. Inuna ko kasi ang mga bagay na hindi niya naman kayang gawin.
"Nevermind..." iwas ko, "A-and I'm sorry."
Nagpahatid na ako pagkatapos nang inis na yon. Sabi niya babawi siya sa akin kapag naipasa niya na ang isang proposal. Ililibre niya ako... pero alam kong magtatago na naman kami. At walang intimate.
Dapat masanay na yata akong gano'n?
"Badmood?"
Ito kaagad ang bungad mula nang buhayin ko ang sariling cellphone. Alas tres ang text, siguradong nakauwi na ako noon. Kaya paanong alam nito na badmood nga ako kanina pa at hanggang ngayon?
Inilingan ko nga at pumasok sa bathroom. Napagod ako kaya pakiramdam ko ay dugyot ako ngayon. Nasa kalagitnaan ng shower time ay tumunog ang phone. I thought it was Alexis... si Alexis lang ang mahilig tumawag sa messenger ko. Confident ako dahil nga babae yon.
Si Alexis ang nakaflash pero ibang tao ang nakabungad. Muntik ko na ngang nabitawan... sa pagkakaalog siguradong may nahagip ang camera sa ibaba. Dahilan pa kung bakit muntik akong nadulas sa pagkakakumahog.
"Ganda..." ngisi niya. Oo may nahagip nga siya.
At ewan ko kung bakit hindi ko na lang ibinaba ang tawag. Dahil siguro iniisip ko kung paano makakaganti sa hiyang nararamdaman ko. Oo gaganti ako. Dahil nga para akong sasabog sa inis.
"Bakit nasa sa'yo 'tong phone ni Alexis?" Walang galang na tanong ko.
Ngumiti lang naman ito at nagclose up pa sa tapat ng camera. Napaatras ako sa sobrang ilang ng close up niyang yon.
"To check on you...? Pero ang galing ng timing." Proud pa na sabi niya.
Napalunok ako at sinikmura sa narinig. Hindi dapat... dapat wala siyang nakita e. Pero nakita na.
"Ano hong gusto niyo?" Kalmadong tanong ko pa.
Tumawa lang ito ng kaonti, saka parang umayos siya ng anggulo para makita ko yata siya ng maayos sa camera. May bangas siyang tao, medyo makapal. Kaya nagmumukha siyang lalaking-lalaki sa mata ng mga kahit sino. Even to me.
Mas lalaki pa kay Nathan.
"Kinukumusta ka... you weren't replying on my texts."
Texts?
"Gag... ikaw yon?!" Pakiramdam ko hindi lang buong pagkatao ko ang nagimbal sa naisip. Pati rin ang buo kong silid.
Siya yon?! Siya yong walangya na tumawag at sinabing nilabasan siya just the mere sound of my voice?
Tae...
Mahinang tumawa lang ito at gumalaw na naman. Saka dumila sa itaas ng labi. Kinilabutan ako sa ginagawa niya kaya napahawak ako sa sariling braso.
Shit... sabi ko na nga ba. Hindi lang malikmata lahat ng yon. Manyakis nga ito.
"Oo... maswerte ang pamangkin ko sa'yo."
Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya. Kung nakakabutas lang ang sama ng pagkakatitig ko, baka kanina pa nagkagutay-gutay ang isang yan.
"He'll be forever lucky to have you. He could touched you anytime he wants, right?" Ngisi niya.
Dapat kanina pa lang ay ibinaba ko na 'tong tawag pero ewan ko nga ba, naestatwa na lang ako. Hindi rin ako makapagsalita.
"Nakakagigil ka, Strawberry. Kung nauna lang ako..." halakhak niya. Bago dumila ulit.
Ninerbyos naman ako at ibinaba ang tawag. Huli na para marealize ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Nanghihina na nga akong napaupo. Sa mismong sahig ng bathroom na basang-basa pa.
Napapikit ako ng mariin. Nanginginig pa rin ako sa nerbyos. Pero ewan ko ba... ewan ko ba kung bakit... nanginginig ang loob ng mga hita ko.
"Hoy! Okay ka lang ba?!" Tawang-tawa na baling sa'kin ni Alexis. Naglalakad na kami papunta sa quadrangle para makinig ng announcement. Alam niya yatang kanina pa ako lutang. Dalawang araw na ang nakalipas. Pero pakiramdam ko kada isang minuto na nangyayari ulit iyong nangyari.
Wala yatang alam si Alexis kung paano niya ako sinamahan buong araw. Kaya siguradong wala rin siyang alam na pinakialaman ng isa ang account niya para lang matawagan ako't manyakin.
"Magkakasakit na yata ako..." walang ganang sabi ko at sinalat ang leeg.
Mas lalong natawa si Alexis at tinapik ang braso ko. Hindi ko alam kung may nakakatawa nga talaga. Kung alam lang nito ang tumatakbo sa isipan ko, baka himatayin siya sa malalaman.
Paano...? Boyfriend ko ang pinsan niya pero lumalandi sa akin ang 'Uncle' ng dalawa.
Kahit papa'no hindi naman na siya nagtetext pa. Walang tawag din. Kung hindi, baka magkakatrangkaso na ako ng tuluyan.
Habang maaga pa, dapat iwasan na ang mga gano'ng bagay. Lalo na kapag alam naman nating makakasira sa relasyon.
Pero paano nga ba kung birthday ni Alexis sa huling araw ng intrams at kailangan kong pumunta dahil inaasahan kaming buong mag-anak? Kung hindi naman ako pupunta, magdududa sina Mama't Papa. Lalo na ang mga kapatid kong chismoso.
Napasubo pa ako, lalo na at wala ng mga pasok pa kinabukasan at sa susunod na mga araw.
"Ma... pwede naman di'ba? Malapit ng mag-twenty si Berry... kaya pwede na siguro?" Ngisi ni Kuya Adam at itinaas ng beer.
Sinamaan ko nga siya ng titig. Nakatitig na kasi si Nathan dito sa'min. Kilala ko siya at mukhang inaalala niya ang mga mangyayari. Malalasing ako, for Pete's sake, I'm not even a hard drinker. Paano na lang kapag nagkalat ako rito? O kung maibulalas ko ang relasyon namin ni Nathan?
"Uuwi na kami ng Papa niyo... wag niyong pabayaan iyan."
Nag-apiran kaagad ang mga kapatid ko. Not knowing na nakatitig ang mga kaklasi ko rito. Nakatitig nga pero hindi naman dahil sa'kin o dahil sa mangyayari sa akin. Kundi dahil siguradong nagagandahan sila sa view na may tatlong naggagwapuhang lalaki sa tabi ko na mukhang unggoy naman sa paningin ko.
"Konti lang..." inis na abot ko sa alak.
"Damihan mo..." tukso ni Kuya Adam na tinawanan ni Kuya AJ at inilingan ni Kuya George na nakangisi naman.
Sabi ko na nga, isang 40% content lang ng alcohol na pwedeng panlaban din sa beer ay bibigay na ako. Ihing-ihi ako sa ginawa kong yon kaya sabi ko magc-CR lang ako.
Alam ko kung saan ang mga restroom dito sa bahay ni Lola Esing, kaya lang dahil lasing e nagkalituhan pa tuloy. Hindi ko alam kung bakit umakyat pa ako, e may CR na roon sa ibaba.
Wala na, nagiging dalawa na ang paningin ko. Kaya sinaktong pinasok ko na lang ang silid ni Alexis at doon nakigamit. Pagkalabas nga ay nagulat ako na nando'n si 'Uncle' na nakatayo sa tabi ng pintuan. Na parang kanina pa ako hinihintay.
Gawa lang siguro ng kalasingan kaya di ko na sinabi sa kanya ang inis na inipon niya sa akin. Maglalakad na sana ako palabas e kung hindi niya lang hinaplos ang bewang ko na ikinainis ko.
Nakatitig nga ako ng matalim pero nanlalabo.
"Ang liit ng bewang mo, Berry. Maswerte nga talaga itong pamangkin ko sa'yo." Mayabang na sabi niya. Hindi pa rin binibitawan ang bewang ko.
"A-aalis na ako, My God!" Irap ko.
Tumawa lang ito. At hinigpitan pa ang kapit. Kaya hindi ako makaalis-alis. Pwede naman akong mag-eskandalo pero dahil nga lasing, nanghihina pa.
"Sandali na lang..." sabi niya at hinaplos-haplos ang kamay sa bewang ko.
Natigilan ako at napatitig sa kamay niya. Napagtanto ko rin na kahit na kailan hindi pa ito nagagawa ni Nathan. Samantalang ang manyak niyang 'Uncle' ay heto at hinahaplos ako sa paraang kamanyak-manyak.
"Damn, Nathan! Ang hot ng girlfriend..." ngisi niya.
Hindi naman siya lasing pero ako lasing na lasing... nanghihina dahil lasing. At hinahayaan siyang haplusin ako ng ganito. Na sinisikmura ako sa kaba't kilabot.
"Berry, swerte ni Nathan sa'yo."
Sana nga mali ako sa mga nakikita pero talagang hindi e. Paano nga ba mapagsisinungalingan ng mga mata ang nararamdaman? Para bang inggit na inggit siya. Samantalang ang ikinatagpo niyang babae sa cafe na yon ay higit na mas hot.
"Tigil na..." kalas ko nang sinaniban ng katinuan.
"Sandali na lang... gusto kong maalala 'to ng mabuti. Ang liit kasi... sarap panganyupitan. Kakainggit si Nathan. Pwede ka niyang hawakan kahit saan. Berry, do you agreed with one night stand?"
Nanlalaki ang mga mata ko sa tanong niya. At may naalala na rin.
Maswerte raw si Nathan? Kasi ako ang girlfriend?
Tae... kuhang-kuha ko na ang punto. Iba ang iniisip niya sa relasyon namin ni Nathan?! Iniisip niya bang—? Kaya ba nag-aaya siya ng one nightstand? Kasi akala niya ginagawa na namin ni Nathan?
Kung alam lang nito... goodness! Sobrang manyak nitong 'Uncle' ng dalawa.
Malayong-malayo kay Nathan.
"Call me when you're ready. Kailangan matikman din kita. Hindi pwedeng si Nathan lang... kasarap naman kasi ng girlfriend."
Marimar!!