Hindi naman ako dapat makaramdam ng guilt, in the first place hindi ako nakipaglandian at hindi rin ako pumatol. So basically, wala akong kasalanan sa nangyari. Pero dahil nga nasa harapan ko si Nathan, nakangiti at walang ideya sa kamanyakan ng 'Uncle' niya... nakakaramdam na ako ng konsensya. Na dapat hindi naman talaga.
Kasalanan ng Tito niya... kung hindi ba naman sa kamanyakan e wala ako sa sitwasyong ganito na kinakain na ng sariling konsensya. Wala akong kasalanan, pero pakiramdam ko ako ang sinner dito.
Ewan ko ba... tolerable pa no'ng una ang mga malalagkit na titig noon. Pero sa nangyari sa birthday ni Alexis? I think it is more than what I can imagine. Oo dahil hindi naman dapat. Pero heto na nga, nangyari... at mukhang mangyayari pa.
"Okay lang ba iyan?" ang boses ni Alexis ang nagpagising sa pagkatulala ko.
Akala ko nga ay out of the blue lang niyang puna iyon sa kung sino. Unfortunately, ako pala ang tinutukoy niya sa tanong na yon. Kung hindi pa nagsalita si Alexis hindi rin mapupuna ni Nathan iyon.
Halata na nga yata na wala ako sa huwisyo. Malambing naman si Nathan, lagi niya nga akong tinatanong sa mga nangyayari sa akin. Lagi niya ring monitored kung nakakain na ba ako o hindi pa. Lagi niya rin akong pinapaalalahan na wag kalimutan ang vitamins. Pero sa ibang aspeto kulang pa rin.
Kahit ba alam niyang wala ako sa mood at tahimik lang sa tabi niya... parang normal thing na lang na makita niya akong gano'n minsan. Sabi niya nga naiintindihan niya ang alone time ko na yon. Pero ang sarap lang din sabihin na gusto ko nang nilalambing ako. Physically at hindi galing lang sa mga salita niya.
Oo, mapaghanap nga yata ako ng init. Birhen nga pero mapaghanap. Ewan ko na lang kung hindi mawiwindang si Alexis kapag nalaman niya 'tong iniisip ko tungkol sa pinsan niya. Kababae ko kasing tao pero ako pa itong naghahanap.
Alam ko na iyon...at unti-unti ko na ring tinatanggap. Napagtanto ko na lamang ng naramdaman ko na nabobored na ako sa relasyon namin ni Nathan.
Sabi ko nga titiisin ko na lang hanggang sa makayanan. I'm 19, ilang taon na lang ba? Kinaya nga ng iba... ako pa kayang may loyal na boyfriend?
"Sigurado ka? Nagluto si Lola nang paborito mong pansit." Sabi pa ni Alexis.
Kuntodo iling naman ako lalo na at sumasagi sa akin ang pagkikita namin ulit no'ng Tito ng dalawa... ayaw ko, at baka mag-eskandalo lang ako kapag naubos ang pasensya ko roon.
Alam ko kung kanino iiwas, at alam ko rin kung kailan iiwas.
"Berry, sayang. Wala pa namang pasok. Sige na!" pamimilit pa rin ni Alexis, nakangiti lang si Nathan at pilit akong iniintindi.
Napangiti na lang din ako at umiling saka nagmamadaling pumasok sa loob bago kumaway. Hindi nga kasi talaga ako mapipilit lalo na at may iniiwisan akong tao.
Pero ewan ko nga ba at sa kalagitnaan ng pagkakatitig sa salamin e dumapo ang mga mata ko sa sariling bewang. At namula... for some reason, si Nathan ang iniisip ko. Hindi ba... H-hindi ba sumagi man lang sa isipan niya na hawakan ako rito? Tulad ng pagkakahaplos ng Tito niya?
Tae... kinikilabutan ako. Hindi para kay Nathan kundi sa 'Uncle' niya. And it was very wrong.
Pinilit ko nga na maging abala ang sarili sa mga sumunod na araw. Ginagawa ko ang mga bagay na ayaw ko dahil nga para may maidahilan ako kay Alexis. Si Nathan wala namang problema roon. Pag sinabi kong hindi pwede, kusa na iyong dumidistansya. Itong pinsan niya nga lang talaga. Na ayaw magpaawat. Wala yata sa plano niyang pigilan ako hanggang sa pumayag. And to be honest, nakakairita. Dahil naghahalo ang takot at hiya ko.
"Strawberry..." tawag ni Papa, amoy pawis pa dahil kakagaling lang niya sa bakuran. Naglilinis sila ni Kuya Adam ng dalawang sasakyan. Kinukumpuni rin yata nila yong nasirang motor ni Kuya George kaya may grasa rin sa mga kamay niya. At nakakaalarma na sinadya niya pa talaga ako rito sa sariling silid.
Pareho sila ni Mama na minsanan lang kung sadyain ako rito kaya nakakapagtaka talaga. And it was answered shortly. Bigla akong nahiya, sa mga magulang ko. Kina Kuya. At lalo na sa relasyon namin ni Nathan.
Ayan o! Nasa harap lang ng lahat ang lalaking nangbastos sa'kin noon. Mukha siyang maangas na tao at walang pakialam sa paligid. Pero dahil alam na alam ko... hindi ako naniniwala riyan sa pinapakita niya.
Sino ba ang niloko niya? Ako? Na alam na yata ang kabastusan na tumatakbo diyan sa isipan niya?
"Papasukin mo, Berry. Naghanda ako ng meryenda."
Pero dahil nirerespeto ko si Mama, napilitan akong papasukin ang mga bisita kahit na ayaw na ayaw ko. Hindi ako natatakot na nandito si Nathan, at baka anytime pwedeng mabuko ang relasyon namin. Sanay na kaming magpanggap. Lalo na si Nathan na parang bata ang tingin sa akin. Kaso... natatakot naman ako dahil nandito ang isang tigre at parang anytime bibwesitin na naman ako.
"Wala na sa plano. I want to settle down here. Saka may inaayos akong building para sa franchise ng negosyo ko. And besides, I'm of age... kailangan na ring magpokus para sa isang pamilya."
Namamangha yata si Papa habang nakikinig sa sinasabi ni 'Uncle' Sebastian. Akala ko pa naman tambay lang ito. Pero nakakaalarma na marinig ko siyang magsesettle down dito sa Pinas. Umaasa yata akong baka bumalik din siya ng New Zealand. Nando'n ang trabaho niya pero mukhang wala na talaga siyang plano pa.
Nakikinig nga ako at minsan napapasulyap. At minsan din ay nahuhuli niya akong nakikinig at nakatitig sa kanila. Kinabahan tuloy ako sa hiya. Baka kako kung ano na ang iniisip ng isang 'to. Para namang interesado ako sa kanya. Oo nga't nakakaagaw pansin ang mga sinasabi niya. Pero hindi naman ako tulad ng mga naging babae niya o no'ng girlfriend niya na talagang interesado sa buo niyang pagkatao.
Sa ginawa niya sa akin. Gaganahan pa ba ako? E siya nga itong minanyak ako no'ng isang araw.
Para makaiwas ay tumayo ako at pumasok sa kusina kung saan naghuhugas na si Mama ng mga ginamit niya sa pagluluto ng meryenda kanina.
"Ang galing no'ng Tito ng mga kaibigan mo, Berry 'no?"
Napasulyap ako kay Mama pagkatapos na ilabas ang lalagyan ng tubig para dalhin sa sala. Pati ba naman si Mama? Kung nalaman lang din nito ang nangyari baka hindi iyan ang lumabas sa bibig niya.
"Dapat mga gano'ng lalaki ang gustuhin mo kapag nakapagtapos ka na ng pag-aaral. Responsable at may plano." Manghang-mangha pa rin siya.
Nabubulunan ako sa mga sinasabi ni Mama. Pwede ko bang sabihin? Pero baka naman mamaya niyan sabunutan niya ako.
"Ma naman..." iling ako at binitbit ang mga kailangan. Narinig ko pa na natatawa si Mama.
Pagkabalik nga ay muntik ko nang nabitawan ang hawak dahil sa sulyap ni 'Uncle' na nakaupo sa isang sofa. Lumabas na yata si Papa... sila na lang tatlo at mukhang abala sa pinapanood sa cable. Maliban sa isa.
Tumabi na kaagad ako kay Alexis para makaiwas sa dalawa. Damay na rin si Nathan dahil sa konsensya na nararamdaman ko.
Nakatitig lang ako sa TV at naibaling lang no'n ng tumayo si Uncle Sebastian at nagpaalam na makikigamit lang ng restroom. Ako na ang nagturo dahil ako naman itong nakatira sa bahay na 'to.
Para namang mabait si Manong, sumusulyap lang. Hindi nag-a-attempt ng kung anong kahalayan.
Pwes yon ang akala ko dahil pagkabalik ay sinadya niya talagang tumabi sa akin. Na parang hindi naman napansin ng dalawa. O dahil pareho silang abala sa pinapanood? O kaya'y wala silang pakialam dahil hindi naman nila pinagdududahan ang 'Uncle' nilang malibog?
Mabilis na hinila ko ang kamay ng hinawakan niya iyon pero dahil lalaki siya at isang hamak na babae lamang ako ay mabilis niya ring ibinalik iyon sa pagkakahawak.
Gumapang tuloy ang kilabot mula sa likod at patungo sa batok ko. Alam ko na mali... kaya hindi dapat. Pero paano nga ba makakaiwas kung ayaw ko ring mapansin ng dalawa.
"They're busy..." bulong niya.
Napalayo tuloy ako. Sinasadya niya bang idampi sa puno ng tenga ko iyang labi niya? Ang landi nga talaga... bakit gano'n? si Nathan hindi naman ganyan? Dala ba ng environment? Dahil galing siya sa ibang bansa na higit na open minded kaya ganito?
Marimar! Paano ba ako makakaiwas ng hindi gumagawa ng eskandalo?
"Bitaw na nga..." pilit ko namang binabawi ang kamay pero mas lalo niyang hinihigpitan. Natatakot naman ako, para sa sarili, dahil kung sakaling hindi si Nathan ang makakahuli sa'kin. Nandiyan ang buong pamilya ko na baka anytime pwedeng sumilip dito sa living room.
"Walang makakapansin. Wag ka lang mag-ingay." Ngisi niya at nilaro-laro na naman ang kamay ko.
Napanganga ako't nanlalaki ang mga mata nang sinubo niya ang isang daliri ko. Paulit-ulit. Saka didilaan sa loob.
Sumakit tuloy ang tiyan ko sa kilabot at nerbyos kaya nagmamadali akong tumayo. Hindi nga napansin ng dalawa ang pagkakataranta ko. Wala rin yatang nakapansin sa pagtakbo ko para makaalis lang do'n at mapag-isa sa silid.
Nanlalagkit iyong daliri ko, nanginginig ang buong kamay ko. Napatitig nga ako roon at napansing may lapat din ng ngipin mula sa pagkakagat.
Tae... anong tinitira ng gago na yon? Bakit ang lakas ng loob niya?
Hinugasan ko nga ang kamay at nagtagal sa banyo. Nanginginig pa rin ako. Hinahapo sa kaba. Paano ako bababa mamaya? Uuwi na siguro ang mga bisita ko dahil hapon na. Pero ano nga ba ang gagawin ko para lang hindi mahalata?
"Berry..." narinig ko ang boses ni Kuya Adam...
Nagmamadali na lang akong lumabas pagkatapos ng trenta minutos. Kung magtatagal ako roon, di malayong magduda ang mga taong nando'n.
"Ang mga bisita mo, uuwi na."
Tumango ako at nagmamadaling bumaba. Tumabi kaagad ako kay Alexis at hindi na lumingon kahit saan, kahit kay Nathan na alam kong nakatitig sa akin. Hinatid ko sila hanggang ikatlong bahay.
"Bye na raw..." tukso ni Alexis, confident na siya ngayon dahil wala na kami sa bahay.
Kahit ayaw ko, kahit natatakot ako... dahil nga magkatabi lang ang dalawa. Napilitan akong lingunin si Nathan at ningitian.
Ngumiti rin ito at lumapit saka hinalikan ang noo ko. For some reason, napalis ang ngiti ko. Hindi dahil sa may nakita ako o may nahagip ng mga paningin ko.
I felt old. Iba kasi... ewan ko nga ba. Pero iba e. Ang lambing niya nga pero kulang sa haplos.
"Take care..." ngiti niya.
Napatingala lang ako bago tumango. Hindi na makangiti at nilingon na rin si Alexis na nakangiti. Saka ako bumalik sa bahay...
Iniisip ko pa rin si Nathan. Iniisip ko hanggang kailan kaya. Gusto ko namang mahalikan ng boyfriend. But maybe... hindi pwede.
"You looked disappointed." Bungad sa isang text. Binasa ko, unintentionally. Lutang na lutang kasi ako sa kaiisip. At heto na nga... nangungulit na naman ang isang 'to.
Umirap na lang ako at nahiga saka niyakap ng mahigpit ang unan. Pero tunog pa rin ng tunog ang phone ko.
Napilitan akong abutin iyon at basahin lahat ng mga panunukso niya. Maybe he was right... or maybe masyado lang akong obvious sa iniisip kaya naging dense ako sa mga mata niya kanina.
"I'm outside..." huling text niya.
Napakurap ako. Anong gusto niyang mangyari diyan sa text niyang iyan? Gusto niyang lumabas ako dis oras ng gabi? Ni hindi nga ginagawa ni Nathan iyan sa akin.
"Please Strawberry... at least answer my call."
Umirap nga ako at muling ibinaba ang phone. As if... nagkakasala na nga ako kay Nathan pagkatapos gusto niyang magkasala pa ako? Ni hindi ko nga gusto 'to...
Hindi ako makatulog... tae, ilang oras na ang nakalipas, ah?! Bakit hindi ako makatulog? s**t, alam ko namang walang pasok pero hindi ako yong tipo ng taong mahilig magpuyat.
Napabangon na nga lang ako at lumabas. Tulog na ang mga tao. Thanks God at wala namang dinalang babae si Kuya Adam kaya wala akong nadatnang landian sa sofa. Nakalusot din ako palabas at tumayo sa bakuran. Malamig ang gabi, sobrang dilim na rin pero dahil may ilaw sa mga bakuran e hindi naman gano'n kalala.
Kaya lang nagulat ako ng nakita si 'Uncle' Sebastian na nakaharap dito at naninigarilyo. Kinakain yata ako ng sariling pag-iisip kaya di ko namalayang nilabasan ko siya.
"It was worth it..." ngisi niya at inapakan ang tinapong sigarilyo.
Ninerbyos naman ako sa nangyayari. Bakit nga ba ako lumabas?
"Gabi na, umuwi ka na."
Umiling lang siya at hinigit ang braso ko bago kinain ang labi ko na siyang ikinalaki ng mga mata ko. I'm doomed! I'm doomed! Shit... ito ang kasalanan na hindi ko na pwedeng iwasan... kasi nga... yong hinahanap ko. Iba ang tumugon.