5

2030 Words
Weird! Weirdo ng pagkakalutang ko habang nakapikit at nakakunot noo. Hindi ko nga alam kung bakit nagpopokus ang isipan ko sa tunog ng halik niya. And in some circumstances, dapat tinulak ko na 'to e... pero heto na nga, idedeny ko ba na kuryuso ako sa pakiramdam kaya ganito? O talagang nilamon na ako ng sariling interes sa bagay na hindi naman namin ginagawa ni Nathan? And that's maybe the reason why I got flustered after that f*****g kiss... yes, ramdam ko yong laway. Tae... Nangangatog ang tuhod ko, hindi sa nangyari kundi sa iniisip tungkol kay Nathan. "I was right... you're indeed tasted better." Ngiti niya at pinunasan ang labi. Nakaawang pa rin ang mga labi ko, sa ginawa niya napagtanto ko na medyo basa nga yong labi ko. Gano'n ka-intense? I lost track. Ngumingiti nga lang siya e... samantalang ako hindi ko alam kung anong itsura iyong pinapakita ko. Basta. Basta. Ewan ko. "Goodnight..." "Berry..." Kaway ng kaway si Alexis noong nagkita kami sa isang Mall. Sabi niya bibili daw siya ng mga bagong gamit. At hindi ko alam kung ano ang mga yon. Ang importante lang naman sa akin ay malamang kami lang... Walang Nathan, walang Uncle Sebastian. Kahit papa'no hindi ako makokonsensya sa gano'n. Let's say, good escape ko si Alexis. Para sa isang kasalanan na ayaw ko nang ipaalam kahit kanino. Tinetext pa rin ako ni 'Uncle', di ko naman nirereplyan. Hindi pa ako gano'n kabaliw para lang patulan ang mga trip niya sa buhay. Or maybe, nadala lang ako sa halik na yon. "—so baka nga ibibili ko na rin si Uncle Sebastian ng gift. Birthday no'n sa Wednesday." Hindi ko man nasundan ang sinabi ni Alexis no'ng una, pero nang nabanggit niya ang pangalan ng isa... doon na ako napabaling. "Birthday ng Uncle Sebastian mo?" Gusto ko lang siguraduhin, baka nga nabibingi na rin ako. "Oo, invited ka ha. Saka nando'n mga kaklasi noon sa College. Pati mga barkada na rin siguro. Invited ka, sabi niya pwede akong mag-invite ng kahit na sino. Siguro bongga ang handaan. Pero ewan ko, hindi naman magarbo'ng tao si Uncle. Tama lang para mapakain ang buong barangay." Ngisi niya. Namamanas yata ako dahil hindi na nakapagreact ulit. Tahimik ko na lang na sinusundan si Alexis. Nakatitig ako roon sa mga binibili niya. At napalunok na, hindi rin ako nakatiis dahil tulad ni Alexis ay pumili na ako ng susuotin. "Sigurado ko riyan?" Manghang tanong niya pa. Itinaas ko naman ang longsleeve at tinitigan ng mabuti. Conservative nga pero... yong likod, kulang na lang wag na ring lagyan ng manipis na string. "Magagalit si Kuya Tisoy..." ismid niya. Napatawa tuloy ako at umiling saka binitbit iyon para bayaran kasabay ng mga binili ni Alexis. Hindi ko alam kung natatawa ba ito at namamangha sa ginagawa ko... o talagang concern siyang baka mapagalitan ako ni Nathan. Hindi ako mapapagalitan noon, siguro mapagsasabihan... pero hindi mapapagalitan. Ewan ko nga ba at anong pumasok sa isipan ko para magrebelde ng kaonti... At ewan ko rin kung bakit sa halip na pang-aakit ang maisipan... iba ang tumatakbo sa isipan ko. "Mapapagalitan ka sabi niyan..." ngisi ni Alexis. "Hindi yan..." napangiti na lang ako't inaya siyang kumain naman ngayon. Nagugutom ako... hindi sa ginawa namin kundi sa iniisip. Naeexcite ako... sa atensyon. Alas kwatro nang nag-aya na akong umuwi. Panay na kasi ang text ni Mama, maaga raw akong umalis kaya hindi pwedeng gabihin pa ako sa labas. Naiintindihan ko. Masyado lang talagang konserbatibo si Mama't maalaga pa sa nag-iisang babae'ng anak. Umuwi na rin diretso si Alexis bago pa man ako nakapasok sa gate namin. Nakatunghay si Mama sa labas ng sala. No'ng nakita niya ako ay doon lang yata siya napalagay dahil muling pumasok sa loob. Nagmamadali akong umakyat sa itaas at niladlad ang mga binili sa kama. Pati napabili na rin ako ng pants, ewan ko ba... inisang bili ko lahat. Mula ulo hanggang paa. Excited ko ngang tinitigan muli sa salamin kung babagay ba sa akin. At agad na namula sa hapit. I hope nga lang na hindi mapupuna nina Mama iyon kapag umalis ako sa Wednesday. Pagkatapos ng hapunan ay tinext ko si Nathan... weird lang na wala akong natanggap na text galing sa kayna. Akala ko pa naman ini-indian niya ako dahil sinanay ko yata siyang di nirereplyan kapag kinukumusta niya ako. Pero ilang segundo pang ay tumatawag na siya. Napangiti tuloy ako at excited siyang kinausap. "Oo nga pala... Birthday ni Uncle Sebastian ngayong Wednesday. Pumunta ka, ah?" Napalunok ako at napatitig muli sa suot. Ngayon... nanginginig ang kalamnan ko sa nerbyos. Kinakain na naman ng sariling konsensya. Ngayon na kausap ko si Nathan, doon na naman naging klaro sa akin ang sariling kasalanan. Kasalanan na magdudugtong sa ugnayan naming tatlo. "Berry? Pumunta ka, ah?" Ulit niya, nanginginig na tumango ako. Pero napagtanto na hindi ko nga pala kaharap si Nathan. "Oo, pupunta ako." Ilang minuto pa ay nagpaalam na siya. Sabi niya baka gabihin na siya ng uwi kasi overtime sa office nila. May pinaghahandaan daw silang presentation... iyong presentation na minsan niya na ring nasabi sa akin. Hindi nga ako makatulog sa kaiisip ng ginawa ko. Ng panloloko ko. Iniisip ko si Nathan at ang damit na pinili ko. Konsensya'ng konsensya ako, lalo na dahil hindi si Nathan ang iniisip ko habang iniimagine ang sariling sout iyong seksing damit na yon. Dahil na rin sa mga iniisip... pinili ko na lang na magsout ng dress na sinusuot ko lamang kapag sa simbahan ang tungo... konserbatibo, para lang hugasan ang sariling kasalanan na hangga't hindi ko sinasabi kay Nathan ay mananatiling kasalanan pa rin. Awkward nga eh, akala ko may inimbitahan pang iba si Alexis. Iyon pala, ako lang... kaya, ako lang din ang naipakilala ni Alexis sa iba pa nilang kamag-anak. Naging tampulan tuloy ako ng tukso. Yon bang pabirong binibenta sa mga kamag-anak nilang binata. Ang sarap ngang sabihin na girlfriend ako ni Nathan, pero dahil nag-iingat ako. At tanging ang mga tao lang sa bahay nina Alexis ang nakakaalam sa relasyon namin. Tumahimik na lamang ako. Mahirap na, mahirap ng malaman ng mga magulang ko. Sa pinakadulo kami naupo ni Alexis...totoo nga yata ang sinabi ni Alexis na pang-Barangay'an yong kainan. Marami ngang foods e, pero marami ring bisita. Halos hindi ko naman mga kilala. Maliban lang talaga sa mga pamilyar na mukhang dito lang din sa village nakatira. "Uuwi ba ang pinsan mo?" Kunot noong baling ko kay Alexis na abala sa hawak na cellphone. "Di ka ba tinawagan?" Siya na naman itong nagtataka. Napakagat labi na lamang ako at nag-excuse na doon lang sa likod para makausap na rin si Nathan. Klaro naman ang pinag-usapan kagabi na dito na lang sa bahay nila kami magkikita. Alas kwatro pa lang naman pero syempre expected ko na maaga siyang makakauwi kasi birthday ng Uncle niya. "I'm sorry Berry... nagkaproblema kasi. Baka hindi na ako makahabol." Napatitig tuloy ako sa hawak na phone... iniisip ko na si Nathan ba talaga itong kausap ko? Did he ever missed a family's affair? Pero kailangan kong intindihin. "O sige...mag-ingat ka. Itext mo'ko kapag pauwi ka na." Nang ibinaba ko ang tawag ay bumalik na ako sa bakuran. Tumabi ako kay Alexis na abala pa rin sa hawak na phone. I'm feeling bored all of a sudden, maybe because I had no one to talk with. Ang hirap nga naman kasi pumunta sa isang salo-salo na dadalawa-dalawa lang kayo. Kung nandito si Nathan, e... may makakausap sana ako. Gusto ko nga sana siyang itext pero dahil sa sinabi niya kanina, napatigil na lang ako sa pagtipa. Ngunit agad ding napalitan iyon ng pagtataka nang may nagpop na message box. Si Uncle Sebastian... na hindi ko naman mahagilap sa kung saan. As if naman hinahanap ko siya. "Berry, nasa'n ang gift ko?" Aba naman... nanghihingi? Wala akong binili... alangan namang bilhan ko pa siya gayong iniisip ko si Nathan. Kalabisan na yata yon? "Wala..." bulong ko at umirap. "That's bad... I was really expecting for something special. Ang ganda mo pa naman diyan sa dress mo. Innocent looking Strawberry..." Napamaang ako sa tinext niya at napalingon sa paligid. Nasa pinakadulo kami, hindi gaanong kapansin-pansin iyon. Pero ika nga, walang nakakalagpas sa mata ng tigre'ng gutom. And there he is, nakangisi o nakangiti? Habang kausap ang mga naglalakihang lalaki... na hula ko ay mga barkada niya. Mukha silang playboy lahat... Ngumingisi siya noon ng lumingon sa akin. At mas lalo pang ngumisi bago yumuko. For sure, nagtitipa iyan ng sasabihin. "Your cute mouth... that will be a good gift. Hm?" Napanganga ako't muling tumitig sa kanya na nakatungga ng isang boteng inumin. Bahagyang nakataas ang isang kilay at nakatitig pa rin dito. Bakit naman ang bibig ko ngayon? Anong meron? "No idea? Later, Strawberry..." Mas lalong kumunot ang noo ko pero agad ding natigil iyon ng may nagsalita sa harapan. Si Lola Esing na tinatawag ang atensyon ni Uncle Sebastian. Napuno tuloy siya ng tuksuhan na ikinangisi niya lang bago lumapit sa sariling ina. Inakbayan niya pa nga si Lola Esing, na mas lalong lumiit sa tabi niya. "Ay haru Diosko! Kailan pa kaya ako bibigyan ng apo ng anak kong 'to?! Nagsiasawa na nga mga kapatid pero heto, nagbubuhay binata pa rin." Lumakas tuloy ang tawanan at tuksuhan na ikinangisi niya lang. May ibinulong siya kay Lola Esing na ikinaningning ng mga mata ng matanda. "Ay naku... may tinitipo na raw ito. Baka kamo mabigla na lang tayong lahat kinabukasan may apo na ako." Chismis kaagad ni Lola Esing. Na ikinakamot ng batok ni Uncle Sebastian. Humagalpak naman ng tawa si Alexis na sinasapak na ang balikat ko. Maya't maya ay nagpray muna bago nagsitayuan para kumain. Hindi pa naman ako gustom pero dahil gutom na gutom na raw si Alexis e napilitan akong kumuha kahit konti. Nasa kalagitnaan na yata ako ng dumaan sa likod ko at bahagyang pinadaanan ng palad iyong bewang ko. Kinabahan kaagad ako at napalingon sa likod. Si Uncle Sebastian na hindi ako sigurado kung siya nga ba ang may gawa kasi may kausap na itong kakilala. Malalim yata kasi seryoso lang itong nakikinig. Kumibit na lamang ako at sumunod kay Alexis kaya lang napatigil siya at lumiko kaya sumunod na lang din ako. Nang silipin ko nga ang pinagpuwestuhan namin kanina e may umuukopa na. Napilitan tuloy kaming lumipat. At sa minalas-malas pa ay doon pa sa tabi ng table nina Uncle Sebastian. "Oy, Alex..." bati ng isa sa mga kasama ni Uncle Sebastian kanina. Dumila naman si Alexis at naupo sa katabing table lang din. Napuno na naman tuloy ng kantyaw. "Pakilala mo naman kami diyan sa kaibigan mo oh! Ang ganda e..." Nanigas tuloy ako at tinitigan si Alexis na kumunot ang noo at natigil sa kinakain. Nakatalikod kami sa mga bisita'ng to kaya hindi ko alam kung anong trip na naman ang ginagawa nila. "Lol! Wag 'tong kaibigan ko." Dipensa kaagad ni Alexis. Naiilang na tuloy ako. Lalo na at lumakas ang tuksuhan... at mas lumala pa ng may dumating. Amoy pa lang e, alam ko na... kilala ko na. Ninerbyos tuloy ako. "Uncle! Yang mga kaibigan mo, ah?! Tinitipuhan si Berry!" Sumbong kaagad ni Alexis. Na mukhang batang nagmamaktol. Tumawa tuloy si Uncle Sebastian na ikinasama ng pakiramdam ko. Para bang nasusuka ako sa ideyang hindi niya sineseryoso itong pantutukso ng mga kaibigan niya sa akin. So okay lang sa kanyang may ibang lumalandi sa akin?! Okay lang sa kanyang pinagpapasahan ako? Nakakapangliit... sobra. "Mga ulol kayo... girlfriend iyan ng pamangkin ko. Si Nathan? Si Tisoy? Naalala niyo?" Umurong tuloy ang inis ko ng narinig iyon. Naisip ko, oo nga't nilalandi niya ako pero ang sabihin niyang girlfriend ako ng pamangkin niya? May konsiderasyon ba siya roon? "Ay puta?! Iyong pamangkin mo? Girlfriend iyan?! Ang swerte. Sobrang ganda niyan p're, ah!" Tumawa lang naman ito at hindi na sumagot pa. Nanghilakbot nga lang ako ng may naramdamang likod na lumapat sa likod ko. Kinabahan tuloy ako... alam ko na may nakatalikuran akong bakanteng upuan kanina. Pero isiping may kalapat likod ako rito? Ang awkward lalo na kung... "Holding hands..." bulong niya at inabot ang kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD