"Tulog?" Mahinang bulong ko kay Uncle Sebastian habang nginunguso si Alexis na nakatalikod sa'min. Maaga na, may siwang na rin sa kurtina at sa tingin ko hindi pa naman ganoon ka-tanghali para kailangan ng lumabas. "Oo, alas kwatro ng pumasok. And you were sleeping soundly. Bakit ka hinimatay?" Tawa niya at hinigit pa ako palapit sa kanya. Nahihiyang ngumiti naman ako. Oo nga, bakit naman ako hinimatay? Sabihin na lang nadarang, nadurog at sumabog. Pero nakakahiya namang sabihin ko pa iyon sa kanya. Nakaabot naman kaya siya? Hindi ko alam. Walang ebidensya. Ramdam ko kasi mula sa ilalim ng kumot kung paanong balot na balot na ako ng damit. Nilinisan din niya yata ako e... hindi na malagkit ang pakiramdam ko tulad ng kagabi. Wala akong malagkit na nararamdaman kaya hindi ko alam kung uma

