"Nathan.." bulong ko...
What am I doing? s**t, what am I really doing? Hindi na ito tama...
Sinipa ko nga siya at mabilis na nag-ayos. At daze pa rin ako gawa ng kalasingan pero nasa tamang pag-iisip na para pigilan 'to.
Hindi tama... he had pleasured me, pero hindi talaga tama.
"Berry..." tawag niya.
Naiiyak ko namang pinulot ang bote ng alak at mabilis na naglakad, though hindi maayos, pero pinilit ko. Naipihit ko na ang pintuan pero dahil nga hindi naman siya mukhang lasing e mabilis niya iyong naisara. Naiwan akong naiiyak habang nakatitig sa kanya.
Nakatitig lang naman siya, hindi nagsasalita. Pero nakatitig ng malalim. Pakiramdam ko binabasa niya ngayon ang buo kong pagkatao. Para bang pilit niyang pinapasok itong nasa isipan ko.
"Nakokonsensya ka ba, Strawberry?"
Kagat ang labing umiwas ako roon. Nakokonsensya ako. Kasi niloloko ko si Nathan. Siya iyong boyfriend ko pero heto at pareho namin siyang iniiputan.
"Then ditch him..."
Napaawang ang labi ko at tumitig sa kanya. Paanong seryoso siya sa sinasabi? Anong alam niya? Na gano'n lang? Na madaling sabihin na pwede kong iwanan si Nathan dahil lang sa libog ko?
Shit... inalagaan ko 'to sa loob ng isang taon at higit pa para lang kalimutan at sumama sa hunghang na 'to? Naisip niya bang masasaktan ang pamangkin niya kapag ginawa ko nga talaga iyang gusto niya?
Nag-iisip ba siya?
"Ditch him, Strawberry..."
"No... hindi pwede. Kung papipiliin ako... si Nathan pa rin. Please. Itong nangyari, hindi ko sinasabing kalimutan na natin pero sana tama na—-"
"But we aren't started yet..." natatawang putol niya.
Nangasim ang pakiramdam ko at umiling saka lumayo.
"Alam mong kasalanan 'to, diba? At tama lang sigurong putulin..."
"Strawberry... hindi ako naniniwalang mapuputol 'to agad. Pero sige... if this is what you really wanted then be it. For now..." binaba niya ang mukha at kinintilan ako ng isang marahang halik.
Lumayo nga siya at hinayaan akong umalis. Kumabog ang sobra-sobra ang puso ko. Marahil sa maraming bagay. Tulad ng pagkakakaba ko na baka anytime may makahuli sa'king lumabas sa kwarto niya.
Sa isang pagkakamali, ang dami ko nang iniisip.
Si Nathan...
Hindi ako makapaniwalang niloko ko siya dahil lang mapaghanap akong nilalang. Kasalanan na no'ng una, at dinagdagan ko pa.
Siguro sinusunog na sa impyerno ang kaluluwa ko ngayon. O kung hindi pa man, siguro inihahanda na iyon para sa isang mas malaking kasalanan. Na hindi ko naman pinapangarap na mangyari nga talaga.
"O?" Nagtatakang baling ni Alexis pagkatapos na pinutol iyong tawanan nila ng kakilalang nando'n.
Naiiyak ko namang ibinaba ang hawak na bote saka daluhong na tinago ang mukha sa mga braso. Dumukdok at hindi nagsalita. Naramdaman ko lang ang haplos ng kamay niya sa pumpon ng buhok ko, at muling bumalik sa pinag-uusapan.
Kinakain na ako ng sariling guilt. Gusto kong maiyak... gusto kong magwala. Oo nakokonsensya na ako ng sobra-sobra. Hindi na tama e... dapat siguro umiwas na muna ako. Ibablock ko ang number niyang yon. Hindi na muna siguro ako magpupunta rito. That is the best way to cut this sin. Oo tama... habang maaga pa, maiging putulin na iyon.
"Good morning..."
"M-morning, paano ako nakaakyat kagabi?" Baling ko kay Alexis na nakahiga rin sa kama tulad ko.
"Pinaakyat kita kay Uncle Sebastian. Nakatulog ka na ro'n e."
Natahimik ako pagkarinig sa pangalan niya. Inakyat niya ako rito... may nangyari na naman ba? Hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ako, wala akong maalala. Yon nga lang talaga, ramdam ko na wala namang kakaiba sa akin. Normal...
Ngunit hindi normal sa akin ang makitang nakaupo sa tapat si Uncle Sebastian na simpleng ngumiti sa akin at inayos ang mga pagkain.
"Happy birthday ulit Uncle Sebastian... tumatanda ka na..." tusong tukso ni Alexis. Tahimik ko namang tinatanggap ang mga inaabot sa'king pagkain. Hindi ako makatitig. O kaya'y sulyap lamang.
Tempted, pero hindi ako matutukso ulit. Kung dito pa nga lang natutukso na ako, paano pa kaya sa mga mabibigat na pagkakataon?
If I want to be Nathan's loyal girlfriend, then I have to start it here. Kaya hanggang sa makauwi ay matagumpay ko namang naipaghiwalay ang personal na interes sa kaswal na pag-uusap minsan. Hindi nga lang nagbebehave ang isang 'yon.
Nakakatakot, lalo na at palagi kong iniisip na baka anytime pwede kaming mahuli sa kalandian niya. Pero iniisip ko rin, hindi ko naman siya pinapatulan.
Kahit na noong mapanukso niya akong tinext. Indeed, blocked nga ang cellphone number niya. I was able to avoid him for a week. Oo isang Linggo na naging tahimik ang mundo ko. Pero natapos yon na nakita ko siyang naninigarilyo sa labas ng University.
Madali lang sanang sabihin na hindi ko siya nakita... pero paano ko nga idedeny yon kung mula pa lang sa malayo, sa lapad ng katawan niya, at sa laki niyang tao e hindi siya kaagad mapapansin noon?
Napangiwi nga ako at mabilis na lumiko kaso papihit pa lang e narinig ko na ang pangalan kong tinatawag niya. Madali lang din sanang sabihin na hindi ko siya narinig kung hindi lang din ako tinawag ng mga kaklasi. Sila mismo ay sinabing tinatawag ako ni Uncle Sebastian.
Nakakainis, oo sobrang nakakainis. Hindi ako nagseselos ah, habang kinikilig ang mga 'to sa bulto ng lalaking yon. Nakakainis lang kasi na kailangan kong lumapit. Magpakakaswal. Dahil mag-isa ako ngayon, napilitan tuloy akong lumapit.
"Hatid na kita..." bahagyang nakangising sabi niya.
Tumitig ako sa mga kaklasing parang nangingisay sa pagpipigil. Oo kinikilig ang mga yan. I couldn't deny the fact that he's hot, hindi tipikal na hot lang. Iyon bang nakakainis dahil sa tingin ko sa tagal niya sa labas e kuhang-kuha niya na ang bulto ng mga banyaga'ng nakakasalamuha.
And... the f**k with that chest hairs? Ang yabang lang talaga na bahagyang nakabukas ang dalawang butones ng black polo niya.
"Bawal mo'kong landiin," spat ko sa kanya sa pagkakataong nakasakay na kami sa sasakyang nakaparke hindi kalayuan sa University.
Ngumisi lamang ito at umiling saka pinaandar ang sasakyan paalis. Tahimik ko namang tinititigan ang labas.
"Just because you're my nephew's girlfriend, Strawberry?" Mapanuyang tanong niya sa kalagitnaan ng traffic.
Naputol ang pagtitig ko sa nakasabayang jeep at lumingon sa kanya. Hindi sa hindi ako nakapaghanda kaya mukhang hindi naman ako shock sa tanong niya, e okay lang na pag-usapan namin ang relasyon ko kay Nathan.
"Just? Girlfriend ako ni Nathan, at hindi lang 'lang' iyan."
Ngumisi siyang lalo. Nakakainis. Nakakainis ang pagkakangisi niyang yan. Na para bang nakakatuwa na marinig ang eksplenasyon ko.
"Oo, girlfriend ka nga pala ng pamangkin ko. But Berry, kung ako man ang dahilan ng pagkakasira ng relasyon niyo ngayon... I'll be more willing to take charge. Pwede ka namang sumama sa'kin pauwing New Zealand. And there, I have freedom to take care of you. Walang Nathan."
Nagbibiro ba siya? Paanong inaalok niya ako ng kalayaan malayo rito? Alam niya ba kung paanong magalit si Daddy na alam kong maghahanap ng paraan para mahanap ako kung sakali man? Naisip niya ba ang kasiraan ng buo kong pamilya at ng sa kanila?
"Have you lost your mind?" Naniningkit na baling ko sa kanya.
Umiling siya't ngumisi. Hindi na sinagot ang tanong ko na yon. Para bang dumaan lang sa hangin ang mga tanong ko. I could hear the frustration. Nakakainis kamo... at bakit nga ba sumama ako sa lalaking 'to?
Nagpark siya malayo sa Village na siyang ipinagtataka ko. Isang kanto pa bago ang sa amin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit tumigil kami mismo sa harap ng isang Subdivision. At first akala ko ay magpapahinga lamang siya kaya doon napiling tumambay ngunit ilang segundo lang ay pinapasok na kami ng guard.
Kumabog ang puso ko sa kaba. Parang... parang gusto kong tumalon palabas. May naaamoy akong kakaiba. Wag lang talaga sana...
"Boss, iba na naman ngayon?" Manghang bati ng guard at sumilip pa talaga para lang makita ako ng maayos.
"Ayos ka rin Boss ah! Batang-bata, nakauniporme pa..." iiling-iling na komento nito.
Nag-iinit ang batok ko sa naririnig. Sa mga sinasabi noon pakiramdam ko hindi lang ilang beses na nagdala siya ng babae rito. Hula ko nga e iba-ibang babae sa ilang pagkakataon. Hinahighblood tuloy ako.
"Sabi mo ihahatid mo ako..." mapanumbat na baling ko sa kanya. Nakailang liko pa kami hanggang sa paakyat na ang daan. Ano naman ang gagawin namin sa tuktok? Malayo na 'to sa ilang mga kabahayan.
"I have to show you what I can offer. Magtitiis ka ba kay Nathan na malayo pa ang kailangang abutin?" Ismid niya.
Sumikip ang dibdib ko sa narinig. Naiinsulto ako. Pakiramdam ko ang tingin niya sa akin ay isang babaeng mahilig sa mga materyales na bagay. Hindi ako pinalaking gano'n ni Mama.
Kung tungkol naman kay Nathan, alam ko iyon... kaya nga nagmamadali akong makapagtapos para matulungan na rin si Nathan sa mga pangarap naming dalawa. I won't settle on something that was easily acquired from nothing hardship.
Natahimik na nga lang ako. Sa loob ng maikling panahon napagtanto ko na kakaiba si Uncle Sebastian sa mga lalaki sa buhay ko. Siya yong tipo na hindi tumitigl hangga't hindi nasusunod.
Kung hahayaan ko siya ngayon. Siguro naman hahayaan niya rin ako sa mga susunod na araw.
"There..."
Napamaang ako at napahawak sa salamin. Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng magandang bahay. Doon nga sa amin, kahit isang hamak na Village lamang e gawa naman sa semento ang mga naglalakihang bahay na naroon... kaya lang, naa-amaze ako na makitang fully furnished ang bahay na yon sa mga salamin. Ang lapad din.
"I'm amazed..."
Akala ko nga ay ako ang nagsalita. Pero dahil buo iyon, alam kong siya. Napatitig tuloy ako sa pag-aakalang naaamaze rin siya sa sariling bahay.
Pero ang makitang direkta siyang nakatitig sa akin ay sapat na para malaman kong namamangha siya hindi sa ibang bagay kundi sa akin.
Bakit naman? Anong nakakamangha sa akin? Wala namang kakaiba. Maliit lang akong babae na hindi naman kagandahan.
"Nakakamangha na makita kang nagagandahan sa ipinundar ko..." ngiti niya sabay iling.
Napalunok naman ako at muling tumitig sa labas. Nakakamangha lang na puro salamin ang paligid noon. Nakakamangha na makitang nasa likod lamang noon ang malawak na kalangitan.
"Gusto mong pumasok?"
Napalunok ako't sumandal. Pinag-iisipan ko nang mabuti kung mabuti bang sumama o hindi. Pero dahil doon sa nangyari sa kaarawan niya e umiling na ako. Alam ko kung saan papunta itong paanyaya niya.
Pwedeng makalimot na naman ako. O pwede ring kunin niyang pagkakataon ito para gawan ako ng mga plano niya.
"Okay, maybe next time... maganda sana— pero next time na. And I want you to keep this as a secret. Aside sa main house may bahay pa riyan sa likod para kina Mama. But maybe next time... ipapakita ko ang buong bahay."
Napatulala ako at unti-unting tumango. And maybe that was his cue para umalis na kami roon.
Tahimik ko namang pinasasalamat na hindi ako nagpadala. Iba kasi, iba nga talaga kapag may kasama kang lalaki na tulad ni Uncle Sebastian. Kung si Nathan, nagiging komportable ako. Kay Uncle Sebastian, bawat segundo ay para bang kinakabahan ako sa mga mangyayari.
Magkaibang tao... pero magkadugo.
"Unblock me, Berry..." bulong niya at binaba ang mukha.
Natatarantang tinanggal ko naman ang seatbelt at umatras. Hahalikan niya yata ako e... pero dahil mas mabilis na ang mga reflexes ko ay nagawa ko nang makaiwas.
Tumawa lang naman ito at inabot pa rin ako para mahalikan sa pisngi. Napalunok na naman tuloy ako, kasi... hindi na naman naging tama
"Sarap mo pa namang kahalikan, Berry... pero sige—" iling niya't binuksan ang pintuan.
Nagmamadali naman akong lumabas. Nag-iinit ang pisngi ko sa inis. Kaya nga ng umakyat ako at agad kong hinanap sa blocklist ang numero niya't pinagbigyan ang gusto niyang e-unblock siya.
Ni wala pang ilang minuto ng inayos ko ang numero niya ay tumawag na siya.
"Berry, kita tayo ulit bukas? Please?" Here we go again.
I'm committed to this sin again... and I'm having second thoughts now. Na hindi tama. Dapat wala. Dapat nagpopokus lang iyon sa isang desisyon.
Dapat kay Nathan... at hindi sa Uncle niyang tumatalab na yata ang kalandian sa katawan.