8

2092 Words
"I'm sorry..." hinihingal na habol ko kay Nathan. Ewan ko ba, dahil siguro sa mga iniisip ko kaya heto at ako na naman ang naghahabol. Kung noon laging ako ang naghihintay, ngayon si Nathan na naman. Na mukhang hindi naman sineryoso ang paghihintay. Nakangiti nga lang ito at sinabing okay lang iyon. Napaawang sandali ang labi ko at tumango bago sumunod sa kanya. Nakasunod din si Alexis na abala sa katawagan. Para bang hindi kami tumakbo kanina. Samantalang hinahapo ako sa layo ng tinakbo namin. "Ah! Nga pala... dadaanan tayo ni Uncle Sebastian." Sandaling natigil ang mundo ko pagkarinig sa pangalan niya. Natigil din si Alexis mula sa pagtetext. Naging uneasy naman ako. Kinabahan at nangatog. "O sure! Ililibre niya ba tayo?!" Ngising-ngisi si Alexis samantalang baliktad naman ang pinapakita ko. Kung siguro nakikita ko ang sariling repleksyon, nagmukha na iyong parang natatae. "Di naman madamot yon." Ngiti niya at tumitig sa akin. Tinikom ko naman ang sariling bibig at napalunok. Pakiramdam ko mahihimatay ako mamaya kapag nangyaring may gagawin na namang kakaiba si Uncle Sebastian. Ang hirap lang kasi na nandito si Nathan. Itong boyfriend ko na walang kamuwang-muwang sa pinaggagawa ng Uncle niya. Maeeskandalo kaming tatlo... at sa tingin ko, ako itong maaagrabyado. Maliban na lang talaga pag ako mismo ang nagloko. "Baste!" "Uncle..." kaway ni Alexis, atubili pa ako no'ng una pero sa huli napalingon na rin ako't nakitang may kausap siyang lalaki. Nagkakatuwaan yata, iba kasi iyong mga ngisi't tawa niya. Para bang may nakakatuwang bagay na sila lang din ang nagkakaintindihan. "Tara..." hinila naman ako ni Alexis palapit sa dalawang nag-uusap. "— yon na nga, malapit na ang reunion. Hope you'll be there, Baste. Hinahanap ka ng iba." Tapik nito sa kanya. Tumango lamang siya't bumaling sa'min. Una ngang dumapo ang mga mata niya sa akin. Mas lalo nga itong napangisi. As if amaze na amaze sa nakikita. And for some reason, I got nervous from nothing. I mean, wala naman sigurong nakakahalata na kakaiba iyong ngisi niya sa akin kasi agad siyang bumaling sa kausap. As if doon siya napapangisi. Gusto ko ngang pakawalan itong hangin ng kabang naipon. Hindi ako makahinga sa kaba. Paano na lang...? Paano kapag ngayon niya pa mismo naisipang lumandi? Nandito si Nathan... Binalingan ko naman si Nathan na tahimik na nakatitig sa dalawa. Na para bang may kakaiba sa pinag-uusapan. "—O? Girlfriend mo Nathan?" I snap back after hearing that question. May iba pa bang girlfriend si Nathan para sabihing may tinutukoy silang ibang tao? Gusto kong ngumiti pero dahil nandito si Uncle Sebastian, hindi ko magawa. "Yes po..." ngiti niya. Proud na proud na ipakilala akong girlfriend sa kaibigan ng Tito niya. "Kay ganda naman... maswerte." Ngiti nito at tumitig sa akin. Nahihiyang napayuko na lamang ako. Nakarinig pa ako ng tuksuhan bago nawala iyong kaibigan niya. "Let's go kids..." anyaya niya. "Kids? Ano ka ba naman Uncle... you sound like an old jerk." Humalakhak lamang ito sa remark ni Alexis. Nakasunod naman kami sa kanya. Pasimple ko naman siyang tinititigan na kaakbay si Nathan. Nagmukhang College boy si Nathan sa tabi niya. Sabihin na lang natin na hindi naman gaanong kapayatan si Nathan pero dahil doble ang lapad ng katawan ni Uncle Sebastian e nagmukha siyang maliit. Ang layo ng agwat... para bang ang hirap ipaliwanag kung gaano sila kalayo sa isa't isa. Teen. Matured. Ganoon ang definition kung ako lang naman ang magdedecide. "Front, boy..." tulak ni Uncle Sebastian kay Nathan nang nagtangka itong maupo sa likod. "Pero Uncle—" "Driver niyo ba ako?" Baling niya— sa akin? Napakamot batok na lamang ang boyfriend ko't sumunod sa gusto ng Tito niya. Nang nakapasok ay pinuno naman ni Alexis ng tukso iyong dahilan kung bakit gustong maupo ni Nathan sa likod. "Alexis..." saway ni Nathan, siguro awkward pa rin sa kanyang tinutukso kami sa harap ng ibang tao—- though hindi naman iba si Uncle Sebastian sa kanila. Pero parang gano'n naman ang nakikita ko. "Ay sus! Sige ka Kuya Tisoy, ideny mo pa yan..." irap ni Alexis at tumitig sa labas. Napasinghap na lamang ako sa gulat na makitang nakatitig si Uncle Sebastian mula sa rearview mirror. Ang lakas lang ng singhap ko pero mabuti na lang sinabay niya sa pagpapaandar ng sasakyan. Atleast tinabunan o kaya'y baka iniisip din nilang nabigla lang ako sa ugong ng sasakyan. Ang lalim ng pagkakatitig niya... para bang wala si Nathan kung makatitig ng ganoon. Tinutukso niya ba ako? Bumaba kami pagkatapos ng sampung minutong byahe. Tuwang-tuwa naman si Alexis. Ewan ko, baka naman kasi isa 'to sa mga paborito niyang kainan. Ako nama'y hindi masyadong makapagconcentrate dahil iniisip ko pa rin ang lalim ng pagkakatitig niya sa akin kanina. Para bang nanunuot sa buong pagkatao ko yong mga mata niya. Ewan... maganda rin kasi ang mga mata niya. Nakakapang-uto pero dahil alam ko na pang-aakit lang iyon, ayaw kong maniwala. "Nathan, pamangkin... dito ka sa tabi ko." Utos nito pagkatapos na bumalik mula sa counter. Apat na sulok ang mesa, dulo at dulo ang mga upuan. Sa likod nami'y may upuan at pader. Kaya walang pwedeng paglagyan pa ng mga upuan kundi magkaharapan. Kaya hindi ko alam kung sadya ba ang lahat. Hindi naman sa gustong-gusto ko na makatabi si Nathan pero apat kaming alam na may relasyon ako kay Nathan... kaya, ano ba 'tong ginagawa niya? Sinasadya ba? "You're being clingy, Uncle Sebastian..." gusot ni Nathan sa sariling ilong. Humalakhak lamang ito at ginulo ang buhok ng pamangkin. Nagmukha na namang totoy itong boyfriend ko. Ang layo lang kasi. Uncle Sebastian's more matured than my boyfriend. Hindi lang sa edad kundi sa pisikal na rin. Klaro ang pagkakalayo. I shouldn't be amazed... pero... Tahimik ko lang pinapakinggan ang mga tuksuhan nilang tatlo. Ayaw ko rin namang makisalo dahil siguradong may kakaibang mangyayari na ako lang din naman ang makakapansin. Bulag yata ang dalawa o sadyang malaki lang ang tiwala nila sa Tito nilang 'to? Hindi ko alam... Maya't maya'y tumayo si Uncle Sebastian at nag-excuse dahil sa isang tawag. Nagkakatuwaan pa rin ang dalawa. "Ilang taon na ba si Uncle Sebastian?" Naitanong ko, hindi na rin nakapagpigil. Panalangin ko na lang sana na hindi nila napansin iyong kaduda-duda sa boses ko. "31." Ngiti ni Nathan. Mukha siyang proud na proud sa Uncle niya. Napalunok ako't tumitig sa kanya. Guilty na naman. Wala naman akong ginawa ah?! Nagtanong lang ako. Kinakain na naman tuloy ako ng kaba... tumahimik nga ako kaagad. At mas lalo pang natahimik nang bumalik si Uncle Sebastian at sakto ring dumating ang mga inorder namin. Tahimik kong inienjoy ang pagkain. Minsan nakikinig... pero madalas na iniiwas ko ang sarili roon. Habang tumatagal ay mas lalo akong natutukso na magtanong. Na hindi naman dapat. Kung sa ibang pagkakataon lamang 'to, siguro hindi naman ako makakaramdam ng ilang? Nadungisan na't lahat kaya imposible na itong iniisip ko. "Holding hands na yan..." kantyaw ni Alexis. Naubo nga lang ako't binawi ang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nilapag kasi ni Alexis ang kamay ni Nathan sa ibabaw ng akin. Napatitig ako kay Uncle Sebastian na parang napakunot noo at biglang nagsalita. Akala ko e may sasabihin siyang magpapasabog sa lahat... pero hindi e. "Nasa public tayo... baka mahuli kayong dalawa." Sabi niya. Na parang alam niyang sekreto nga ang relasyon. Napakamot batok na naman si Alexis, at nahihiyang ngumiti naman si Nathan. Kahit papa'no binubura ng guilt ko iyong fact na ayaw nga pala ng public ni Nathan. Ayaw niya rin ng sobrang sweet. Bilang na bilang ko pa nga kung ilang beses niya ng niyakap ako sa public. Ni ayaw ngang magpahalik... Agad na namilog ang mga mata ko at nabitawan ang hawak na milk tea... lahat tuloy tumapon sa uniporme ko. "Berry?!" Gulat ding baling ni Alexis... natamaan din yata siya sa tilamsik ng milk tea. "Are you okay?" Unang nag-abot ng tissue si Uncle Sebastian. Mas lalo tuloy namilog ang mga mata ko. Sa lapad niyang katawan niya, nagmukhang laruan tuloy itong mesa habang nakadukwang siya sa akin. "Berry..." nag-aalalang tanong ni Nathan. Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi at mabilis na tumayo para mag-excuse... Marimar! What did I do? I had lost my first kiss... hindi kay Nathan kundi kay Uncle Sebastian. Napasapo na lang ako ng sariling mukha. How could I—? Na-deviginized din yata ako sa daliri niya. Nanginginig na napaupo ako sa cubicle at sobrang kinakain na ngayon ng konsensya. Paano ko ba pinakikiharapan si Nathan ng hindi nanginginig sa kasalanang ginawa ko? This isn't right anymore... paanong nagiging selfish ako sa maraming bagay? Sa relasyon namin? Hindi ko rin pwedeng aminin ang nangyari. Hindi lang kasi ako makakalabuan ni Nathan kundi ang Tito niya rin. Tama na naging selfish ako't nagpadala sa isang kasalanan. Kailangan kong makausap si Nathan... Yong kami lang... "Okay ka lang ba, Berry?" Baling sa akin ni Nathan at sinalat ang leeg ko. Tinatambol na naman ang puso ko sa nerbyos. Naiwan kaming dalawa ni Nathan malapit sa Village. Gusto kong magkausap na kaming dalawa. Ayaw ko nang maging makasarili. I have to fix everything... o kaya'y gusto ko lang munang humupa itong nangyayari. "Nate... G-gusto ko—- g-gusto ko ng cool off." Nakayukong sabi ko. Paanong sa isang pangyayari ay nag-iba ang ihip ng hangin? Paanong naalala ko na hindi pala si Nathan ang first kiss ko? Dahil sa bored? Kaya nagpadala ako? "B-beryy?" Maang na sabi niya. Kagat ang labing tumingala ako sa kanya. Kailangan niyang makita na seryoso ako sa sinasabi ko. Gusto ko ng cool off. Hindi ko pa kayang makipaghiwalay. Ang hirap na nga nito... paano pa kaya ang pakikipaghiwalay? "P-please, Nate?" Nanginginig ang labing pakiusap ko. Obvious na ayaw niya. Nawalan tuloy ako ng pag-asa. Mukhang hindi papayag. Naiiyak na naman tuloy ako pero nakakabigla na yakapin niya ako't sumang-ayon doon. "I'll be off for Singapore. Baka limang buwan o higit pa. Ang hirap sa'kin na sabihin sayong baka matagal pa ulit tayo magkita ulit... I don't know if this cool off thing is a perfect timing or not..." Para akong binunutan ng tinik. Hindi ko rin naman alam kung tama ba itong cool off o hindi. Pero dahil sa sitwasyon namin, nagiging tama siya kahit na hindi. "Mag-ingat ka do'n." Sabi ko na lang. Ngumiti lang naman siya. Na para bang hindi nasasaktan sa ginawa ko. Napabuntong hininga na lamang ako't hinawakan siya sa kamay. Nabigla nga siya't napatitig sa magkahawak kamay naming dalawa. "Oo, ikaw din." Ngiti niya. Napabuntong hininga na lamang ako't iniba ang usapan. Nilakad namin ang distansya. Na hindi naman kalayuan. At kinabukasan ay sinadya ako ni Alexis sa mismong tapat ng gate namin. Mukha siyang problemado pero hindi ko alam kung sa aling bagay. Imposible namang tungkol sa bago naming set up ni Nathan. Hindi naman nagsasalita ang isang 'yon maliban na lang kapag kailangang-kailangan. "Kaya kinausap siya ni Lola Esing para sa bagay na yon. I just couldn't believe that he's leaving for his dreams na maiiwan kang mag-isa rito." Litanya ni Alexis. Tahimik ko namang inihahanda ang sarili sa sasabihin ko sa kanya mamaya. Aamin naman ako, pero hindi nga lang nakakatiming. "Alexis...may sasabihin ako." Putol ko ng pumara siya't nilagpasan lang naman kami. "O?" Taas kilay na baling niya sa akin. Medyo masakit na rin ang lalamunan ko sa kakalunok. Kinakabahan nga ako pero si Alexis lang ang natatangi kong kaibigan na pwede kong pagsabihan. "Nakipag cool off ako." Sabi ko't sabay para ng masasakyan. Laglag ang panga niya ng hinila ko. Hindi naman ako makapagconcentrate hanggang sa makarating sa school. Pabalik-balik pa rin ang titig niya sa akin. Para siyang natuklaw ng ahas. "Kayo?" Hindi pa ring makapaniwalang tanong niya. Tumango naman ako at ini-scan ang ID. Gano'n din siya. Napapabuntong hininga pa rin ako sa tuwing iniisip ang pansamantalang pagpapalamig namin ni Nathan. May dahilan, sa kasalanan ko at gayon na rin siya, para sa pangarap niya. I think that's the best way. Pero paano nga ba kung temtasyon na mismo ang lumalapit? "Strawberry... when you're blowing, don't let your teeth touch that sensitive skin. Medyo masakit..." ngisi niya. Nakanganga lamang ako't tulala na nakaluhod sa dulo ng kama. Habang siya'y nakaupo at nakatuko ang dalawang braso sa nagtitigasan niyang mga hita. We're both half naked, ako sa itaas at siya sa ibaba. Dalawang araw pa lang simula ng umalis si Nathan but here I am... exploring at the most wrongful way. Tuwang-tuwa na siguro si Satanas habang hinahayaan ko ang sariling maramdaman siya sa mismong loob ng bibig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD